Share

080

Author: Totoy
last update Last Updated: 2025-04-22 18:31:14
ISANG KALSADA, sa may pedestrian, nakikita ni Naomi ang sarili niyang naglalakad doon. Tahimik ang paligid, walang sasakyang dumadaan at mula roon, kita niya si Nonoy na nakangiti sa kaniya at nag-aabang sa kabilang bahagi ng kalsada. Kumakaway pa ito sa kaniya.

Ngumiti siya at patuloy sa paglalakad ngunit nang nasa gitna na siya, napahinto siya nang may sasakyang padating. Napapikit siya sa nakakasilaw na ilaw mula rito. Hindi siya nakagalaw at kita niya ang papalapit na kotse na para bang sa kaniya talaga ang punta niyon.

Nanlaki ang mga mata niya, nakita niya si Nonoy na nakatingin lang sa kaniya at umiiyak na ito hanggang sa malakas na bosena at tila may matigas na bagay ang sumalpok sa kaniya at ramdam niya ang pagtilapon niya dulot ng malakas na impact ng pagbangga sa kaniya ng sasakyan.

Kita niya ang sarili na nakahandusay sa kalsada, duguan pero may malay pa rin siya at tila pilit inaabot ang isang batang nakahandusay din sa daan, duguan at patuloy na umiiyak. Walang sap
Totoy

hi po kay ate Dimple at ate Bhie, sobrang solid po ninyo simula sa mga nauna kong story hanggang dito, nakasuporta pa rin kayo sa akin. sobrang salamat po sa walang sawang suporta ninyo sobrang grateful ako at feeling ko isa ako sa super lucky writer dahil mayroon akong kayooo. Salamat poo. ingat palagi ang God bless!

| 15
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Mely Reyes
nakakayamot ipagpatuloy ang pagbabasa...maniniwala na sana..kaya lang me sumulpot na namang isang sinungaling.....parang pinahahaba lang kwento
goodnovel comment avatar
buj gqab
wow!¡ nasa ecosystem si divine‐--isang ahas na nagaanyong buwaya...hehehe
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hayyysstt wag ka sanang maniwala kay Divine Naomi isa pa yang kontrabida..kala ko bumait na tlga c Divine lalo pang naging masama
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • After Divorce: I Married A Stranger    196

    "OK NA BA ang pakiramdam mo, Noami?" tanong ni Jack sa kaniya nang lapitan siya nito habang nakatayo siya sa terrace ng mansyon habang mabilis na nag-iisip ang utak niya. Ilang araw na simula na g makalabas siya sa hospital at hanggang ngayon, iniisip pa rin niya si Grayson at ang mga sinabi nito sa kaniya. Magiging mahina ba siya kung aaminin niyang matagal na siyang nananabik sa asawa? Kahit galit siya rito alam niya sa sarili niya na hindi nawala ang pagmamahal niya para rito. Ito pa rin ang tinitibok na puso niya na puno na ng galit at lungkot.Ngumiti siya nang harapin si Jack. "O-ok na po ako, tito Jack ayos na po ang pakiramdam ko," pag-amin niya."Mabuti naman kung ganoon, hija dahil ngayon na buntis ka kailangan mong magdoble ingat para sa sarili mo at sa magiging anak mo." Ramdam ang labis nitong pag-aalala. "I'm worried about you and the baby, Naomi lalo't sigurado ako na galit na galit na sila Levie sa iyo at pwede ka nilang saktan. Kilala mo ang kakayahan nilang gawin i

  • After Divorce: I Married A Stranger    195

    DAHAN-DAHANG minulat ni Naomi ang kaniyang mga mata at agad niyang nasapo ang kaniyang sentido dahil sa kirot na naramdaman niya mula roon kaya mariin siyang napapikit."Ahh!" daing niya. Naramdaman niyang may humawak sa kaniya."You're awake," masayang sabi ng lalaki.Nagmulat siya at nagulat nang bumungad si Grayson na nakangiti at bakas ang saya sa mukha nito. Bigla siyang kinabahan nang ma-realize niya kung nasaan siya. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari. "A-anong ginagawa ko rito?" nababahalang tanong niya. Inalis niya ang kamay ni Grayson na nakahawak sa kaniya. "Bakit ka nandito? N-nasaan si Martin?""N-Naomi, hindi mo ba naaalala? Nahimatay ka kanina sa may parking lot at sabi ng doctor, masyado kang napagod at stress kaya nangyari iyon." Pinakatitigan siya nito na bakas ang halo-halong emosyon sa mukha nito. Mas kinabahan siya na baka alam na nito ang tungkol sa pinagbubuntis niya."H-hindi ikaw ang kailangan ko, Grayson kaya maari ka ng umalis." Umiwas siya rito ng tingi

  • After Divorce: I Married A Stranger    194

    TAHIMIK NA naglalakad si Naomi patungo sa parking area ng Phantom Building. Nagpaalam na siya kay Martin na mauuna na siyang umuwi dahil may meeting pa itong pupuntahan. Inutusan na lang ni Martin ang driver nito na ihatid siya sa bahay.Nang malapit na siya sa kotse ni Martin nagulat siya nang bigla na lang may humawak sa braso niya at marahan siyang hinila patungo sa kabilang bahagi ng parking area."G-Grayson?!" gulat na sabi niya nang makilala niya ito. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Pilit niyang binawi ang braso rito pero ayaw nitong bitawan iyon. "Let me go!" inis niyang sabi."Hindi kita bibitawan, Naomi hanggat hindi mo ako kinakausap," sabi nito. "Please, talk to me! Hayaan mong magpaliwanag ako," giit nito.Ngumisi siya. "I don't need your damn explanation, Grayson dahil kahit anong sabihin at gawin mo, hindi mo na mababago ang lahat ng nangyari at hindi mo na maalis pa ang matinding galit ko sa inyong lahat," madiin niyang sabi."M-matatanggap ko ang galit mo

  • After Divorce: I Married A Stranger    193

    "NGAYON NA pinirmahan na ni Owen ang almost billion deal na ipinain natin sa kaniya, madali na nating mapapabagsak ang kompanya nila at sisiguraduhin nating hindi na sila muling makakaahon pa," masayang sabi ni Martin kay Noami habang naglalakad sila sa ground floor ng Phantom building."Hindi na ako makapaghintay na makita ang pagbagsak ni Owen, Martin. Hindi tayo titigil hangga't hindi sila tuluyang bumabagsak sa lupa," aniya."Kapag nabaon sa utang ang kompanya ni Owen, wala na silang choice kung 'di ibenta ang natitirang assets nila at bitawana ang kompanya," anito pa.Mayamaya'y napatigil sila sa gitna nang ground floor nang makita niya si Ivy na parang leon na handang manlapa ng tao. Mabilis itong naglalakad papunta sa direksyon niya. Napakunot ang noo niya."Naomi!" galit na banggit nito sa pangalan niya at nagulat siya nang ibato nito ang isang bagay. Kapagkuwa'y napangiti siya nang makita ang USB na pinadala niya rito. "Alam kong ikaw ang nagpadala sa akin niyan at kung sa ti

  • After Divorce: I Married A Stranger    192

    "NAKUHA ng kompanya ang isang almost billion deal na siguradong magbibigay ng malaking benefits sa kompanya, ate," masayang balita ni Owen sa kapatid nito."Talaga, Owen? That's good news for the company," nakangiti ani Levie, kita ang saya sa mukha nito. "Tuluyan na nating maiaahon ang kompanya at mas mapapalago pa ito, Owen.""Sabi ko naman sa iyo, ate Levie, eh may tiwala ako kay Owen at alam kong kaya niyang makuha ang isang ganoong kalaking deal. Look he did it," puri naman ni Ivy hahang nakakapit sa braso ni Owen. Nasa sala sila ng mansyon. "Ito na ang simula para mas lumago pa ang negosyo ng pamilya ninyo."Tiningnan ni Owen si Ivy at ngumiti ito. "No, it's not just for me kung bakit nakuha ko ang deal, dahil din iyon sa tulong mo, Ivy," balik nito.Inihilig pa ni Ivy ang katawan nito sa nobyo. "Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na tutulungan kita.""Thank you, hon for your help." Hinalikan ni Owen si Ivy sa pisngi at kinilig naman ito.Napangiti na lang si Levie at napailing p

  • After Divorce: I Married A Stranger    191

    "HI, OWEN!" mapang-akit na bati ni Tricia kay Owen habang palapit siya rito, suot ang kulay pula at napaka-sexy na dress na kahit sinong lalaki sa loob ng bar ay mapapatingin sa kaniya. Kumunot ang noo ni Owen nang tingnan nito si Tricia mula ulo hanggang paa pero sa huli'y napakagat labi ito dahil sa suot niya habang hawak nito ang baso na may alak. Ininom nito iyon habang may pagnanasang nakatingin sa kaniya. "Have you missed me, Owen?" malumanay niyang tanong nang tuluyan siyang makalapit dito. Umupo siya sa tabi nito habang ang mga palad niya'y hinihimas ang balikat nito pababa sa braso. "Ilang araw ka ring hindi pumunta dito kaya akala ko hindi ka na babalik," patuloy nito sa pang-aakit dito. Ngumiti ito. "I'm stressed, Tricia kaya kailangan kong libangin ang sarili ko at alam kong nandito ka para gawin iyon," sabi nito at inakbayan siya. "Are you sure, Owen? Hindi ba malalaman ng fiance mo na nandito ka kapag stress ka at hinahanap sa ibang babae ang init ng katawan?" "No, s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status