mas titindi pa ang nga eksena... kapit lang
HALOS HINDI nakagalaw si Naomi sa narinig niya mula kay lola Marina. Nanigas ang katawan niya at nanlaki ang mga mata kasabay ng pag-awang ng kaniyang bibig. "A-ano pong sinabi ninyo?" hindi makakapaniwalang tanong niya. "P-paanong buhay ang anak ko at paanong na kay Ivy ang bata?" Naguguluhan siya at hindi niya alam ang iisipin. Totoo ba ang mga narinig niya? Kahit hindi niya lubos maisip ang lahat, kusa na lang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata sa hindi niya maintindihang damdamin."N-na...narinig kong may...may k-kausap siya sa ce-c-cellphone niya a-at na-narinig ko ang sinabi niya," anito kahit nahihirapan ito.Napasinghap siya at hindi makapaniwala sa narinig. Buhay ang anak niya? Hindi niya alam kung paano iyon paniniwalaan dahil matagal na niyang natanggap na wala na ito. Sinabi rin sa kaniya ng lahat na wala na ito at nakita nila ang bata at sila Grayson mismo ang naglibing sa kaniyang anak kaya paano iyon mangyayari? Sino ang batang iniyakan niya sa libingan?Hindi makaka
HINDI MAPAKALI si Naomi habang lulan sila ng sasakyan patungo sa hospital na sinabi ni Vincent sa kaniya kung saan naka-confine si Lola Marina. Hindi na siya makapaghintay na makita ito at malaman ang totoong nangyari rito. "B-bilisan natin, Martin," aniya dahil sa hindi niya maintindihang dahilan, kinakabahan siya. Mas binilisan nga nito ang pagmamaneho ng sasakyan. "Kinakabahan ako, Martin," pagtatapat niya. Marahil dahil masyado lang siyang overwhelmed. "Masyado ka lang nag-iisip sa maaring malaman natin mula sa kaniya. Huwag kang mag-alala, Naomi malalaman na natin ang totoong nangyari kay lola Marina at ang bagay na gusto niyang sabihin sa iyo." Nakangiting sabi ni Martin na saglit lang siyang tiningnan. "Hindi na ako makapaghintay na malaman ang totoo, Martin at managot ang dapat managot," aniya. Binilisan pa ni Martin ang sasakyan nito hanggang tuluyan nilang marating ang Hospital na sinabi ni Vincent sa kaniya. Mabilis siya bumaba kasunod si Martin at nagmadali silang pumas
BUMUNTONG-HININGA siya habang yakap ang sarili at tahimik na nakatingin sa labas ng mansyon. Nakatayo siya sa terrace ng bahay, iniisip ang maraming bagay. Kinakabahan at natatakot siya. Akala niya'y magkikita na ulit sila ni Nonoy pero mukhang hinadlangan na naman iyon ng pagkakataon. Habang tumatagal, mas natatakot siya para sa kapatid. Gusto sana niyang sumama sa raid na gagawin ng mga pulis pero hindi na siya pinahintulutan ni Martin at Jack dahil delikado para sa kaniya kaya sila na lang ang sumama. Umaasa siyang pagbalik nila, may magandang balita. Sana kasama na nila si Nonoy. "Naomi." Lumingon siya at nakita niya si Vincent. Kumunot ang noo niya dahil matagal din niyang hindi ito nakausap dahil hindi nito maiwan si Grayson. Hanga rin siya aa loyalty nito sa mga Alcantara. Kakampi niya ito pero marahil dahil sa mabuting mga bagay na nagawa ng mga Alcantara kay Vincent kaya hindi nito sila maiwan. "Vincent, bakit nandito ka?" nagtataka niyang tanong. "I'm here to talk to you
"M-MARTIN?!" Mabilis na sumilip si Naomi mula sa pinagtataguan niya at ganoon na lang ang kaba at takot na naramdaman niya nang makita niyang mabilis na tumatakbo si Martin patungo sa kaniya habang sapo nito ang braso. "Naomi, run!" sigaw nito at tumingin sa likod nito. Hindi agad siya nakalagaw dahil sa takot niya lalo na ng makita niyang dumudugo ang braso ni Martin. Tinamaan ito ng bala sa braso nito. Nag-aalala siya para rito at pakiramdam niya'y tinakasan siya ng lakas. Hindi sigaw makagalaw. Mayamaya'y muli na naman umalingawngaw ang tunog ng baril at doon siya natauhan. Napapitlag siya at saka lang niya napagtanto ang nangyayari. "Run!" sigaw ulit ni Martin at dahil sa takot at pagkataranta, mabilis siyang tumakbo palayo sa lugar habang nakasunod sa kaniya si Martin na nakikipagpalitan ng baril sa mga tauhan ni Rovert. Naramdaman niya ang malalamig na pawis namumuo sa noo niya. Nang maabutan siya ni Martin, hinawakan nito ang braso niya at sabay silang tumakbo palayo
"ANONG binabalak mo ngayon, Grayson?" tanong ni Vincent sa kaniya habang nakatayo siya sa bintana ng opisina niya, pinagmamasdan ang mga ilaw sa matatayog na gusali sa labas habang may hawak siyang kopita na may lamang alak. Masyado na siyang nahihirapan sa nangyayari. "Hindi ko alam dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa maling mga desisyon ko na naging dahilan para mawala sa akin si Naomi at masira ang relasyon namin. And now, she hates me so much sa puntong ayaw niyang ipakilala sa akin ang magiging anak namin," malungkot at puno ng sakit na sabi niya. Ininom niya ang alak sa kopita at nilagay ang kaliwang kamay sa bulsa nito. "Naiintindihan ko at alam kong kasalan ko ang lahat dahil naging mahina ako. Hinayaan kong mabuo ang galit sa puso ko dahil sa kasinungalingan nila Levie at Ivy kahit alam kong sila ang totoong may motibo. Walang paliwanang o rason na pwede kong sabihin para mapawi ang galit ni Naomi sa akin." Sa kabila ng lahat, pinagpapasalamat ni
"NAOMI, sigurado akong ginawa lang nila ito para takutin ka dahil alam nilang si Nonoy ang malaking kahinaan mo," ani Luna habang nasa tabi niya at pilit siyang pinapakalma."Tama si Luna, Naomi hindi nila sasaktan si Nonoy lalo't naghihinala silang hawak mo rin si Kalus. Habang hawak nila ang kapatid mo, gagamitin nila ito para takutin ka, para kontrolin at hawakan ka sa leeg kaya kailangang mong maging matatag at hindi magpakita ng kahinaan mo," segunda naman ni Martin na labis na nag-aalala para sa kaniya."P-pero kay Nonoy ang damit na ito, Martin? Na-natatakot ako na baka sinaktan na nila ang kapatid ko at hindi ko kayang hayaan silang gawin iyon. Hindi ko kayang isipin na naghihirap ang kapatid ko sa kamay nila habang wala akong magawa para iligtas siya," umiiyak niyang sabi habang labis na kaba ang nararamdaman niya.Naramdaman niyang tinapik-tapik siya ni Martin. "Hanggat nasa atin si Kalus, hindi nila sasaktan si Nonoy. Huwag kang mag-alala, mahahanap din natin ang kapatid mo