mas magiging exciting pa ang mga mangyayari. kapit lang mga loves, walang bibitaw. btw happy 21k views mga loves. ingat palagi.. keep safe. stay healthy.
TULALA LANG si Naomi habang palayo si Grayson kalong si lola Marina, kasama si Ashley. Sunod-sunod ang patak ng luha sa kaniyang mga mata dahil nasasaktan siya sa nangyari. Pakiramdam niya'y dinurog siya ni Grayson dahil pinaniwalaan nito ang sinabi ni Ivy kahit alam nitong hindi niya magagawa ang bagay na iyon kay Lola Marina."Kumusta ka, Naomi? Masakit ba? I'm sorry huh kasi ikaw lang naman ang nakita naming nasa crime scene kaya sino pa bang paghihinalaan namin?"Humikbi siya at kinagat ang pang-ibabang labi. Tiningnan niya si Ivy gamit ang galit niyang mga mata. "H-hayop ka, Ivy! Alam mong wala akong kasalanan sa nangyari, alam mong hindi ko magagawa iyon kay lola Marina," pagtatanggol niya sa sarili."Talaga ba? Hindi ba't nasaktan ka nang kampihan ni lola Marina si Kalus kaysa sa kapatid mo? Anong malay ko na gusto mong gantihan ang matanda kaya ginawa mo iyon," giit nito.Nilapitan niya ito at mahigpit na hinawakan sa braso. "Sa tingin mo dahil sa ginagawa mo masisira mo ako?
UKUPADO pa rin ang buong isip ni Naomi ng mga nalaman niya tungkol sa kaniyang ina at dinagdagan pa ni Martin ang mga iniisip niya. Sino ba ang tinutukoy nito? May alam ba ito sa kung sino ang totoo niyang ama? Naguguluhan na din siya at kahit anong isip ang gawin niya, hindi niya makuha ang gustong sabihin ni Martin sa kaniya.Nag-alok si Martin na ihatid siya sa mansyon pero ayaw pa niyang umuwi kaya nagpasiya siyang magpahatid dito sa kaibigan niyang si Luna dahil kailangan niya ng kausap."What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Luna ng makita siya nito sa lobby ng building kung saan ito nagtatrabaho. Para siyang pinagtakluban ng tadhana dahil sa hitsura niya. "Ok ka lang? May nangyari ba?" Umupo ito sa tabi niya.Ngumuso siya. "Pwede ba tayong lumabas?"Tiningnan ni Luna ang watch na suot nito at ngumiti. "Tamang-tama dahil magla-lunch break na rin naman kami," sabi nito. "Wait for me, kukunin ko lang gamit ko sa loob." Tumayo ito at iniwan siya pero agad ding bumalik."S
IMBIS NA sumagot ay bahagya lang yumuko si Jack sa naging tanong niya. May alam ba ito sa pagkatao ng kaniyang ama? "P-please, answer me dahil matagal ko ng gustong malaman kung sino ang totoo kong ama na kahit apelyido niya ay hindi ko dala. I-I've always wanted to know him dahil alam kong sa sarili ko na mas magiging buo ako kapag nakilala ko siya. I'm not asking for more, gusto ko lang po talaga makilala ang aking ama," pagmamakaawa niya dahil baka iyon na ang pagkakataon niya para makilala ito o kahit malaman man lang ang pangalan nito. "I-I'm sorry...h-hindi ko kilala ang iyong ama," sabi nito na hindi makatingin sa kaniya. "H-hindi po ba't kilala ninyo ang aking ina? Kung hindi man kayo nagkatuluyang dalawa, baka po may alam kayo sa nangyari sa kaniya pagkatapos ninyong maghiwalay. Sinabi niyo po na pinahanap ninyo siya, 'di ba? B-baka may nalaman kayo tungkol sa asawa niya noon, sa lalaking nakasama niya, sa naging buhay niya," giit niya. Bumuntong-hininga si Jack at malungk
PAGKATAPOS MAGBIHIS ni Naomi hindi na niya ginising si Grayson at nag-iwan na lang ng notes sa table kasama ng breakfast nito. Sa hindi niya alam na dahilan kinakabahan siya sa kung anong sasabihin ni Jack sa kaniya kahit wala naman siyang ideya kung tungkol saan ba iyon. Tungkol ba kay Martin?Pababa na sana siya nang hagdan ng makita niya si Levie na palabas ng main door ng gate. Napakunot ang noo niya dahil masyado pang maaga para umalis ito. Mabilis siyang kumilos pababa at nakita niyang dumeretso ito sa garage ng mansyon at hindi niya alam kung bakit sinundan niya ito.Agad siyang tumago sa gilid ng wall nang huminto ito at kinuha ang cellphone sa dala nitong sling bag at sinagot ang tumawag dito."I'm coming, medyo nahirapan lang akong makaalis dahil nandito pa sa bahay si Christopher," mahinang sabi nito at luminga sa paligid habang may hinahanap sa bag nito. Agad siyang nagtago at napalunok. Sinong kausap nito?Sinilip muli niya ito at nakita niya ang masayang ngiti sa mga lab
HANGGANG NGAYON hindi pa rin pinapansin ni Naomi si Grayson dahil nagagalit pa rin siya sa mga sinabi nito. Sa lahat nga tao, ito ang inaakala niyang mas makakaunawa sa kaniyang kapatid dahil napalapit na ito kay Nonoy pero mali pala siya. Nakatagilid siya at nakatalikod kay Grayson na kahihiga lang sa kama dahil masyado itong abala sa trabaho na hanggang pag-uwi nito ay nakaharap pa rin ito sa computer nito. Pinakikiramdaman niya lang ito. "I know you're still awake," narinig niyang sabi nito at alam niyang nakatingin ito sa kaniya. Hindi siya umimik. Inirapan niya ito. "Galit ka pa rin ba hanggang ngayon?" kapagkuwa'y malumanay nitong tanong. Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin niya ito pinapansin. Nami-miss niya ang bawat yakap at halik nito pero mas nangingibabaw ang inis at galit niya dahil pakiramdam niya'y tumalikod ito sa kanilang dalawa ni Nonoy habang akala niya'y ito ang kakampi nila. Narinig niyang bumuntong-hininga ito at gumalaw. Mayamaya'y naramdaman niyang y
"ARE YOU MAD?" Hindi nilingon ni Naomi si Grayson dahil ang totoo, galit siya sa binata. Akala niya'y kakampi nila ito pero mukhang hindi pala nito naiintindihan ang pagkakaiba ng sitwasyon ni Nonoy at Kalus. Dahil ba anak nito ang huli?"Kanina mo pa akong hindi pinapansin, dahil ba sa nangyari?" Naramdaman niyang nasa likod na niya ito pero hindi pa rin siya lumingon. Naiinis siya at nagagalit kay Grayson dahil sa mata nito, siya ang may pagkukulang."Hindi mo ba talaga ako haharapin, Naomi?" Bumuntong-hininga ito at ng hindi makatiis, hinarap siya nito. Yumuko siya para hindi ito makita. "Naomi, tell me galit ka ba dahil pinagsabihan kita sa nangyari kay Nonoy at Kalus? Dahil ba doon kaya ganiyan ka ngayon sa akin? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo."Walang emosyong nag-angat siya ng tingin kay Grayson. "Iyon nga, eh! Akala ko nagkaintindihan na tayo, akala ko naiintindihan mo ako, kami ni Nonoy pero hindi pala. Kung sabagay, naiintindihan ko dahil sino nga bang kakampihan mo,