Share

160

Penulis: Totoy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-22 20:52:09
NATULALA SI Naomi sa mga narinig niya mula kay Crystal. Sa matagal na panahon, sa maraming nangyari sa kanila ni Nonoy si Ivy ang may kagagawan ng lahat. Ito ang totoong may masamang intensyon sa kanilang magkapatid dahil sa inggit at galit nito sa kaniya.

"I-I'm so sorry, Naomi," bahagya itong yumuko, kita ang guilt sa mga mata, "dahil wala akong ginawa at hinayaan ko si Ivy na gawin sa iyo ang lahat ng ginawa niya dahil sa pag-asa kong baka balikan ako ni Grayson."

Hindi niya alam ang mararamdaman niya kay Crystal dahil sa pag-amin nito tungkol sa aksidenteng nangyari sa kaniya noon sa hagdan habang buntis siya. Inamin nito na si Ivy ang may pakana niyon dahil 'di umano kapag nawala ang bata sa sinapupunan niya, may posibilidad na balikan ni Grayson si Crystal. Namanipula ito ni Ivy. Alam din nito ang mga ginawa ni Ivy kay Nonoy noon sa dagat.

"A-alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko pero gusto pa rin kitang tulungan sa kaso mo. Willing akong maging testigo para patunaya
Totoy

super salamat sa pagbabasa pasensiya po sa isahang update. may full time job po kasi ako at living alone kaya hirap din akong i-manage ang time. salamat po sa pag-unawa at sa hindi pag-iwan sa story.

| 21
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (7)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
hay,,kailan kya kmi mkapaghiganti nito
goodnovel comment avatar
Libanta Nelia
Salamat author sa update
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ayan kakampi mo nman pala ngaun c Crystal Naomi at tama nga ang kutob ko na may dahilan bakit biglang bumalik c Ashley baka nga d totoong anak ni Grayson c Kalus, hayyysstt ano kaya ung laman ng envelope na un
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • After Divorce: I Married A Stranger    163

    UMILING-ILING SI Naomi, bakas ang pagmamakaawa sa kaniyang mukha na paniwalaan siya habang nakatingin siya kay Grayson, Christopher at Levie na nasa harap niya ngayon. Lahat sila'y nakatingin sa kaniya na para bang isa siyang kriminal sa mga mata nilang lahat. "W-wala akong ginagawa, h-hindi ko alam! ma...m-maniwala ka sa akin, Grayson wala akong masamang ginagawa kay—" "Enough, Naomi dahil ikaw ang nasa loob ng kwarto ni Lola Marina nang mangyari sa kaniya iyon at ikaw lang ang maaring magpatay ng ventilator na nakakabit sa kaniya at kapag may nangyaring masama sa kaniya, ikaw...ikaw ang mananagot," galit na putol ni Christopher sa paliwanang niya. Hindi niya alam ang tungkol doon. Wala siyang alam na hindi pala gumagana ang ventilator na nakakabit kay lola Marina. "Huling-huli ka na sa akto, Naomi pero nagsisinungalin ka pa rin! Ikaw lang ang may masamang intensyon sa kaniya at ikaw ang dahilan kaya nangyari sa kaniya iyon. Ngayon pa lang pwede ka na naming ipadampot sa mga pulis

  • After Divorce: I Married A Stranger    162

    "NGAYON NA alam na natin ang totoo, mas kailangan mong mag-ingat, Naomi dahil gagawin lahat ni Levie para mawala ka sa landas nila," nababahalang ani Martin habang nakatingin sa kaniya."Tama si Martin, Naomi kailangan mong mag-ingat dahil sa banta ni Levie at Rovert sa buhay mo. Alam nating pareho na hindi ito nagbibiro, kayang gawin ni Levie ang sinasabi niya," segunda naman ni Luna na nag-aalala para sa kaniya."Kilala ko si Rovert, Naomi maimpluwensiya siyang tao, maraming koneksyon dahil sa negosyo at sa yaman nito."Sinalakay siya ng matinding takot at kaba dahil sa mga sinabi ni Martin. Hindi siya pwedeng mapahamak dahil sa batang dinadala niya. Kaya ba niyang protektahan ang sarili laban sa Rovert na iyon kung mayaman at maimpluwensiya ito? Wala siyang magagawa dahil wala siyang koneksyon at pera kagaya nito. Paano kung bigla na lang siyang barilin o kaya kid-na-pin?Umiling siya. Kita ang takot at kaba sa kaniyang mukha, hindi para sa sarili, kung 'di para sa batang nasa kani

  • After Divorce: I Married A Stranger    161

    DAHAN-DAHANG lumabas si Naomi sa ilalim ng kama kung saan siya nagtago nang tuluyang makaalis si Ivy sa silid. Tumingin siya sa pinto at binalingan ang side table kung saan niya nilagay ang recording audio. Malakas ang kutob niyang may dapat siyang makita sa envelope na iyon. Dahan-dahan niyang binuksan ang drawer sa baba ng side table at nakita niya ang envelope sa pinakadulong drawer. Hindi niya mawari pero kumabog ng malakas ang dibdib niya nang hawakan niya iyon. Kinakabahan siya. Tumingin muli siya sa pinto bago dahan-dahang binuksan ang envelope. Kinuha niya ang laman niyon sa loob at ganoon na lang ang pagkabigla niya sa nakita. Isang larawan. Larawan ng isang bata, kamukhang-kamukha ni Owen ang batang nasa litrato. "S-sino ang batang ito?" nagtatakang tanong niya. May anak si Owen at Ivy? Pero paanong mangyayari iyon? Naguguluhan siya pero nang makita niya ang bata sa larawan, may kakaiba siyang nararamdaman. "May anak ba si Owen at Ivy? Pero paano mangyayari iyon, ni hindi k

  • After Divorce: I Married A Stranger    160

    NATULALA SI Naomi sa mga narinig niya mula kay Crystal. Sa matagal na panahon, sa maraming nangyari sa kanila ni Nonoy si Ivy ang may kagagawan ng lahat. Ito ang totoong may masamang intensyon sa kanilang magkapatid dahil sa inggit at galit nito sa kaniya. "I-I'm so sorry, Naomi," bahagya itong yumuko, kita ang guilt sa mga mata, "dahil wala akong ginawa at hinayaan ko si Ivy na gawin sa iyo ang lahat ng ginawa niya dahil sa pag-asa kong baka balikan ako ni Grayson." Hindi niya alam ang mararamdaman niya kay Crystal dahil sa pag-amin nito tungkol sa aksidenteng nangyari sa kaniya noon sa hagdan habang buntis siya. Inamin nito na si Ivy ang may pakana niyon dahil 'di umano kapag nawala ang bata sa sinapupunan niya, may posibilidad na balikan ni Grayson si Crystal. Namanipula ito ni Ivy. Alam din nito ang mga ginawa ni Ivy kay Nonoy noon sa dagat. "A-alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko pero gusto pa rin kitang tulungan sa kaso mo. Willing akong maging testigo para patunaya

  • After Divorce: I Married A Stranger    159

    "WHAT ARE YOU THINKING, Naomi?"Napakurap siya ng marinig niya ang boses ni Martin. Lumapit ito sa kaniya at bakas ang pag-aalala sa gwapo nitong mukha. Saglit lang niya itong tiningnan."Sa dami na ng nangyari hindi ko na rin alam kung anong iisipin ko, Martin. Napapagod na ako pero kailangan ko pang ilaban ang sarili ko at patunayang inosente ako sa lahat ng binibintang nila sa akin," malungkot niyang sabi.Dinagdagan pa ni Grayson ang hirap at pagkalito niya dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Totoo bang mahal pa rin siya nito? Gayong hindi na niya iyon maramdaman dahil poot at galit ang pinararamdam nito sa kaniya"Malapit na nating mapatunayang inosente ka, Naomi at pagkatapos ng lahat, iiwanan mo ang magulong buhay mo sa bahay na ito kasama ni Nonoy. You have to live your life without those people who bring hell and hardship in your life. Sila ang nagpapahirap sa iyo." Palagi niyang nararamdaman ang pag-aalala at ang simpatiya ni Martin sa kaniya. Napakabuti nito at alam niyang

  • After Divorce: I Married A Stranger    158

    HINDI MAPAKALI si Naomi habang hinihintay niya sa visitors area ang sinasabi ni Vincent na driver ng kotseng nakabangga sa kaniya. Sinamahan siya nito at ni Luna sa kulungan para makausap niya ito. Mayamaya'y may dumating na pulis kasama ng isang lalaki. Kalbo ito at sa tingin niya ay halos kaedad lang niya dahil sa makisig nitong pangangatawan. Umupo ito sa harap niya, walang emosyon ang mga mata. Hindi niya makita ang anumang takot o konsensiya sa mga mata nito. Parang wala lang sa rito na makaharap ang taong naging biktima nito. "Sino ka?" tanong nito. May pagka-bad boy ang dating ng lalaki at may mga tattoos ito sa braso. Lumitaw ang galit sa mga mata niya habang bumabalik sa isip niya ang lahat ng nangyari. Ang tunog ng kotse, mga bosena, sigaw ng mga tao at ang pagbangga sa kaniya ng isang kotse na naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang anak. "Hindi mo ba ako namumukhaan, Gino? Tingnan mo kung sino ang nasa harap mo ngayon, ako ang babaeng buntis na binangga mo ng araw na iy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status