Share

165

Penulis: Totoy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-28 13:17:59

MARAHANG hinaplos ni Naomi ang kaniyang tiyan habang nakaupo siya sa gilid ng silid kung saan siya nakakulong. Pinagdikit niya ang mga labi at bahagyang tumingala para pigilang muling umiyak dahil sa bigat at sakit na nararamdaman niya. Halo-halong emosyon na dumudurog sa buong pagkatao niya. Kaya pa ba niya? Hanggang kailan? Pinipilit niyang maging matapang sa harap ng mga kaaway pero ang totoo, natatakot siya at nangangamba na baka kahit anong gawin niya, hanggang doon na lang ang kaya niyang ilaban.

Malungkot niyang tiningnan ang tiyan niya. "I-I'm sorry, hindi ako nagtagumpay na buuin ang pamilyang dapat mong makagisnan. I'm sorry kung pipiliin kong ilayo ka at itago sa taong dapat nasa tabi natin ngayon dahil pinili niyang husgahan at saktan tayong dalawa. I'm sorry dahil hindi ka pa man lumalabas sa mundong ito, nararanasan mo na ang agad ang paghihirap sa kamay ng mga taong pamilya dapat ang turing sa atin at hindi isang kriminal," mahinang sabi niya na hindi na napigilang tumu
Totoy

na-aappreciate ko po ang suporta ninyo at pagsubaybay sa kwentong ito at masaya ako na maka-receive ng constructive criticism mula sa inyo pero sana po maging mindful tayo sa mga sasabihin natin. masaya ako sa suporta ninyo at pinagpapasalamat ko iyon ng paulit-ulit.

| 25
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (11)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
please Joan pumayag ka na parang awa mo na
goodnovel comment avatar
Cheche Ilustrisimo
oohh lalong gumaganda yong kwinto ,! Sana update agad , salamat po
goodnovel comment avatar
AnnaRizza Paraiso Olea Rempillo
Thank you po..., Lalo gumaganda ang takbo ng story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • After Divorce: I Married A Stranger    165

    MARAHANG hinaplos ni Naomi ang kaniyang tiyan habang nakaupo siya sa gilid ng silid kung saan siya nakakulong. Pinagdikit niya ang mga labi at bahagyang tumingala para pigilang muling umiyak dahil sa bigat at sakit na nararamdaman niya. Halo-halong emosyon na dumudurog sa buong pagkatao niya. Kaya pa ba niya? Hanggang kailan? Pinipilit niyang maging matapang sa harap ng mga kaaway pero ang totoo, natatakot siya at nangangamba na baka kahit anong gawin niya, hanggang doon na lang ang kaya niyang ilaban.Malungkot niyang tiningnan ang tiyan niya. "I-I'm sorry, hindi ako nagtagumpay na buuin ang pamilyang dapat mong makagisnan. I'm sorry kung pipiliin kong ilayo ka at itago sa taong dapat nasa tabi natin ngayon dahil pinili niyang husgahan at saktan tayong dalawa. I'm sorry dahil hindi ka pa man lumalabas sa mundong ito, nararanasan mo na ang agad ang paghihirap sa kamay ng mga taong pamilya dapat ang turing sa atin at hindi isang kriminal," mahinang sabi niya na hindi na napigilang tumu

  • After Divorce: I Married A Stranger    164

    "NAOMI!" Nakita ni Naomi si Martin mula sa likod ng mga rehas na palapit sa kaniya at kita ang labis na pag-aalala para sa kaniya. "M-Martin!" aniya at lumapit sa mga rehas at kumapit doon habang bakas sa kaniyang mukha ang labis na frustration at takot. "W-wala akong ginagawa, please tulungan mo akong makalabas dito," umiiyak na sabi niya. "S-si Nonoy, please kailangan niya ako! Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil baka may gawin sila sa kapatid ko, Martin! Palabasin mo ako rito!""Shh! Hindi ka magtatagal sa kulungan, Naomi dahil nag-file na ang abodago ko ng motion for bail para pangsamantala kang palayain habang dinidinig ang kaso mo. Sigurado akong sapat ang mga evidence na hawak natin para payagan tayo ng korte na mag-piyansa," anito at hinawakan siya sa kamay. Namamagitan sa kanila ang mga rehas na kumulong sa kaniya sa kabila ng pagiging inosente niya. "Huwag kang mag-alala kay Nonoy, I'll protect him, kukunin ko siya sa mga Alcantara."Bahagya siyang yumuko. "M-Martin, si

  • After Divorce: I Married A Stranger    163

    UMILING-ILING SI Naomi, bakas ang pagmamakaawa sa kaniyang mukha na paniwalaan siya habang nakatingin siya kay Grayson, Christopher at Levie na nasa harap niya ngayon. Lahat sila'y nakatingin sa kaniya na para bang isa siyang kriminal sa mga mata nilang lahat. "W-wala akong ginagawa, h-hindi ko alam! ma...m-maniwala ka sa akin, Grayson wala akong masamang ginagawa kay—" "Enough, Naomi dahil ikaw ang nasa loob ng kwarto ni Lola Marina nang mangyari sa kaniya iyon at ikaw lang ang maaring magpatay ng ventilator na nakakabit sa kaniya at kapag may nangyaring masama sa kaniya, ikaw...ikaw ang mananagot," galit na putol ni Christopher sa paliwanang niya. Hindi niya alam ang tungkol doon. Wala siyang alam na hindi pala gumagana ang ventilator na nakakabit kay lola Marina. "Huling-huli ka na sa akto, Naomi pero nagsisinungalin ka pa rin! Ikaw lang ang may masamang intensyon sa kaniya at ikaw ang dahilan kaya nangyari sa kaniya iyon. Ngayon pa lang pwede ka na naming ipadampot sa mga pulis

  • After Divorce: I Married A Stranger    162

    "NGAYON NA alam na natin ang totoo, mas kailangan mong mag-ingat, Naomi dahil gagawin lahat ni Levie para mawala ka sa landas nila," nababahalang ani Martin habang nakatingin sa kaniya."Tama si Martin, Naomi kailangan mong mag-ingat dahil sa banta ni Levie at Rovert sa buhay mo. Alam nating pareho na hindi ito nagbibiro, kayang gawin ni Levie ang sinasabi niya," segunda naman ni Luna na nag-aalala para sa kaniya."Kilala ko si Rovert, Naomi maimpluwensiya siyang tao, maraming koneksyon dahil sa negosyo at sa yaman nito."Sinalakay siya ng matinding takot at kaba dahil sa mga sinabi ni Martin. Hindi siya pwedeng mapahamak dahil sa batang dinadala niya. Kaya ba niyang protektahan ang sarili laban sa Rovert na iyon kung mayaman at maimpluwensiya ito? Wala siyang magagawa dahil wala siyang koneksyon at pera kagaya nito. Paano kung bigla na lang siyang barilin o kaya kid-na-pin?Umiling siya. Kita ang takot at kaba sa kaniyang mukha, hindi para sa sarili, kung 'di para sa batang nasa kani

  • After Divorce: I Married A Stranger    161

    DAHAN-DAHANG lumabas si Naomi sa ilalim ng kama kung saan siya nagtago nang tuluyang makaalis si Ivy sa silid. Tumingin siya sa pinto at binalingan ang side table kung saan niya nilagay ang recording audio. Malakas ang kutob niyang may dapat siyang makita sa envelope na iyon. Dahan-dahan niyang binuksan ang drawer sa baba ng side table at nakita niya ang envelope sa pinakadulong drawer. Hindi niya mawari pero kumabog ng malakas ang dibdib niya nang hawakan niya iyon. Kinakabahan siya. Tumingin muli siya sa pinto bago dahan-dahang binuksan ang envelope. Kinuha niya ang laman niyon sa loob at ganoon na lang ang pagkabigla niya sa nakita. Isang larawan. Larawan ng isang bata, kamukhang-kamukha ni Owen ang batang nasa litrato. "S-sino ang batang ito?" nagtatakang tanong niya. May anak si Owen at Ivy? Pero paanong mangyayari iyon? Naguguluhan siya pero nang makita niya ang bata sa larawan, may kakaiba siyang nararamdaman. "May anak ba si Owen at Ivy? Pero paano mangyayari iyon, ni hindi k

  • After Divorce: I Married A Stranger    160

    NATULALA SI Naomi sa mga narinig niya mula kay Crystal. Sa matagal na panahon, sa maraming nangyari sa kanila ni Nonoy si Ivy ang may kagagawan ng lahat. Ito ang totoong may masamang intensyon sa kanilang magkapatid dahil sa inggit at galit nito sa kaniya. "I-I'm so sorry, Naomi," bahagya itong yumuko, kita ang guilt sa mga mata, "dahil wala akong ginawa at hinayaan ko si Ivy na gawin sa iyo ang lahat ng ginawa niya dahil sa pag-asa kong baka balikan ako ni Grayson." Hindi niya alam ang mararamdaman niya kay Crystal dahil sa pag-amin nito tungkol sa aksidenteng nangyari sa kaniya noon sa hagdan habang buntis siya. Inamin nito na si Ivy ang may pakana niyon dahil 'di umano kapag nawala ang bata sa sinapupunan niya, may posibilidad na balikan ni Grayson si Crystal. Namanipula ito ni Ivy. Alam din nito ang mga ginawa ni Ivy kay Nonoy noon sa dagat. "A-alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko pero gusto pa rin kitang tulungan sa kaso mo. Willing akong maging testigo para patunaya

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status