BUMUNTONG-HININGA siya habang yakap ang sarili at tahimik na nakatingin sa labas ng mansyon. Nakatayo siya sa terrace ng bahay, iniisip ang maraming bagay. Kinakabahan at natatakot siya. Akala niya'y magkikita na ulit sila ni Nonoy pero mukhang hinadlangan na naman iyon ng pagkakataon. Habang tumatagal, mas natatakot siya para sa kapatid.Gusto sana niyang sumama sa raid na gagawin ng mga pulis pero hindi na siya pinahintulutan ni Martin at Jack dahil delikado para sa kaniya kaya sila na lang ang sumama. Umaasa siyang pagbalik nila, may magandang balita. Sana kasama na nila si Nonoy."Naomi."Lumingon siya at nakita niya si Vincent. Kumunot ang noo niya dahil matagal din niyang hindi ito nakausap dahil hindi nito maiwan si Grayson. Hanga rin siya aa loyalty nito sa mga Alcantara. Kakampi niya ito pero marahil dahil sa mabuting mga bagay na nagawa ng mga Alcantara kay Vincent kaya hindi nito sila maiwan."Vincent, bakit nandito ka?" nagtataka niyang tanong."I'm here to talk to you," s
"M-MARTIN?!" Mabilis na sumilip si Naomi mula sa pinagtataguan niya at ganoon na lang ang kaba at takot na naramdaman niya nang makita niyang mabilis na tumatakbo si Martin patungo sa kaniya habang sapo nito ang braso. "Naomi, run!" sigaw nito at tumingin sa likod nito.Hindi agad siya nakalagaw dahil sa takot niya lalo na ng makita niyang dumudugo ang braso ni Martin. Tinamaan ito ng bala sa braso nito. Nag-aalala siya para rito at pakiramdam niya'y tinakasan siya ng lakas. Hindi sigaw makagalaw.Mayamaya'y muli na naman umalingawngaw ang tunog ng baril at doon siya natauhan. Napapitlag siya at saka lang niya napagtanto ang nangyayari. "Run!" sigaw ulit ni Martin at dahil sa takot at pagkataranta, mabilis siyang tumakbo palayo sa lugar habang nakasunod sa kaniya si Martin na nakikipagpalitan ng baril sa mga tauhan ni Rovert. Naramdaman niya ang malalamig na pawis namumuo sa noo niya.Nang maabutan siya ni Grayson, hinawakan nito ang braso niya at sabay silang tumakbo palayo sa luga
"ANONG binabalak mo ngayon, Grayson?" tanong ni Vincent sa kaniya habang nakatayo siya sa bintana ng opisina niya, pinagmamasdan ang mga ilaw sa matatayog na gusali sa labas habang may hawak siyang kopita na may lamang alak. Masyado na siyang nahihirapan sa nangyayari."Hindi ko alam dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa maling mga desisyon ko na naging dahilan para mawala sa akin si Naomi at masira ang relasyon namin. And now, she hates me so much sa puntong ayaw niyang ipakilala sa akin ang magiging anak namin," malungkot at puno ng sakit na sabi niya. Ininom niya ang alak sa kopita at nilagay ang kaliwang kamay sa bulsa nito. "Naiintindihan ko at alam kong kasalan ko ang lahat dahil naging mahina ako. Hinayaan kong mabuo ang galit sa puso ko dahil sa kasinungalingan nila Levie at Ivy kahit alam kong sila ang totoong may motibo. Walang paliwanang o rason na pwede kong sabihin para mapawi ang galit ni Naomi sa akin."Sa kabila ng lahat, pinagpapasalamat niy
"NAOMI, sigurado akong ginawa lang nila ito para takutin ka dahil alam nilang si Nonoy ang malaking kahinaan mo," ani Luna habang nasa tabi niya at pilit siyang pinapakalma."Tama si Luna, Naomi hindi nila sasaktan si Nonoy lalo't naghihinala silang hawak mo rin si Kalus. Habang hawak nila ang kapatid mo, gagamitin nila ito para takutin ka, para kontrolin at hawakan ka sa leeg kaya kailangang mong maging matatag at hindi magpakita ng kahinaan mo," segunda naman ni Martin na labis na nag-aalala para sa kaniya."P-pero kay Nonoy ang damit na ito, Martin? Na-natatakot ako na baka sinaktan na nila ang kapatid ko at hindi ko kayang hayaan silang gawin iyon. Hindi ko kayang isipin na naghihirap ang kapatid ko sa kamay nila habang wala akong magawa para iligtas siya," umiiyak niyang sabi habang labis na kaba ang nararamdaman niya.Naramdaman niyang tinapik-tapik siya ni Martin. "Hanggat nasa atin si Kalus, hindi nila sasaktan si Nonoy. Huwag kang mag-alala, mahahanap din natin ang kapatid mo
"OK NA BA ang pakiramdam mo, Noami?" tanong ni Jack sa kaniya nang lapitan siya nito habang nakatayo siya sa terrace ng mansyon habang mabilis na nag-iisip ang utak niya. Ilang araw na simula na g makalabas siya sa hospital at hanggang ngayon, iniisip pa rin niya si Grayson at ang mga sinabi nito sa kaniya. Magiging mahina ba siya kung aaminin niyang matagal na siyang nananabik sa asawa? Kahit galit siya rito alam niya sa sarili niya na hindi nawala ang pagmamahal niya para rito. Ito pa rin ang tinitibok na puso niya na puno na ng galit at lungkot.Ngumiti siya nang harapin si Jack. "O-ok na po ako, tito Jack ayos na po ang pakiramdam ko," pag-amin niya."Mabuti naman kung ganoon, hija dahil ngayon na buntis ka kailangan mong magdoble ingat para sa sarili mo at sa magiging anak mo." Ramdam ang labis nitong pag-aalala. "I'm worried about you and the baby, Naomi lalo't sigurado ako na galit na galit na sila Levie sa iyo at pwede ka nilang saktan. Kilala mo ang kakayahan nilang gawin i
DAHAN-DAHANG minulat ni Naomi ang kaniyang mga mata at agad niyang nasapo ang kaniyang sentido dahil sa kirot na naramdaman niya mula roon kaya mariin siyang napapikit."Ahh!" daing niya. Naramdaman niyang may humawak sa kaniya."You're awake," masayang sabi ng lalaki.Nagmulat siya at nagulat nang bumungad si Grayson na nakangiti at bakas ang saya sa mukha nito. Bigla siyang kinabahan nang ma-realize niya kung nasaan siya. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari. "A-anong ginagawa ko rito?" nababahalang tanong niya. Inalis niya ang kamay ni Grayson na nakahawak sa kaniya. "Bakit ka nandito? N-nasaan si Martin?""N-Naomi, hindi mo ba naaalala? Nahimatay ka kanina sa may parking lot at sabi ng doctor, masyado kang napagod at stress kaya nangyari iyon." Pinakatitigan siya nito na bakas ang halo-halong emosyon sa mukha nito. Mas kinabahan siya na baka alam na nito ang tungkol sa pinagbubuntis niya."H-hindi ikaw ang kailangan ko, Grayson kaya maari ka ng umalis." Umiwas siya rito ng tingi