Share

Kabanata 14

Author: Docky
last update Last Updated: 2026-03-09 15:37:33

“Welcome to my house, my dear wife!” masiglang sabi ni Arison pagpasok nila sa bahay niya.

Agad namang ginala ni Serene ang mga mata niya sa malawak na living room. Kung tutuusin ay parang buong apartment na niya ‘yon. Marami rin ang display na mga miniatures doon na halatang mamahalin. Malayong-malayo iyon sa kung anong mayroon si Dylan noon… sa kung anong mayroon din siya.

“Come in, don’t hesitate! Simula ngayon ay bahay mo na rin ito kaya dapat ay maramdaman mong welcome na welcome ka rito,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 15

    Pagkahinto pa lang ng kotse sa parking lot ng mall ay akma nang bubuksan ni Serene ang pinto nang pigilan siya ni Arison, magkasalubong ang mga kilay nito.“Stay still, I will open the door for you,” reklamong wika ni Arison, saka nagmamadaling lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan si Serene ng pinto.Hindi mapigilan ni Serene na mapahagikgik sa kakulitan ni Arison sa mga bagay-bagay. Para sa kaniya ay hindi naman obligado ang lalaking gawin ang mga iyon lalo na at hindi rin naman niya nakasanayan ‘yon sa dati niyang karelasyon.“Here, hold my hand,” nakangiting sabi ni Arison habang nakalahad ang kaniyang palad sa harap ni Serene. Gusto niya itong alalayan pati sa paglabas ng kotse.Napahinga na lang si Serene at wala siyang nagawa kung hindi ang abutin at tanggapin ang naghihintay na kamay ni Arison. Marahan siyang kumilos palabas ng kotse pero mabilis naman niyang hinarap si Arison. “Hindi mo naman kailangang gawin ang mga ganitong bagay, kaya ko namang alagaan ang sarili ko—”

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 14

    “Welcome to my house, my dear wife!” masiglang sabi ni Arison pagpasok nila sa bahay niya. Agad namang ginala ni Serene ang mga mata niya sa malawak na living room. Kung tutuusin ay parang buong apartment na niya ‘yon. Marami rin ang display na mga miniatures doon na halatang mamahalin. Malayong-malayo iyon sa kung anong mayroon si Dylan noon… sa kung anong mayroon din siya.“Come in, don’t hesitate! Simula ngayon ay bahay mo na rin ito kaya dapat ay maramdaman mong welcome na welcome ka rito,” excited na dagdag pa ni Arison na nakapagpangiti kay Serene.Ang pagdadalawang-isip ni Serene na humakbang pa papasok ay nawala na. Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Napahinto siya sa tabi ng isang painting at tinitigan iyon. “Ang lawak, maganda, at ang linis ng bahay mo. Mukhang komportableng tumira rito,” komento niya.Ngumisi naman si Arison at lumakad papunta sa tabi ni Serene at walang pasabing ipinulupot ang dalawang braso sa magkabilang bewang nito habang ang baba niya ay pinatong niya

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 13

    “S-Sandali, Arison!” pigil ni Serene sa binata nang makarating sila sa harap ng building ng registrar. “S-Sigurado ka ba sa balak mo? Pinag-isipan mo ba nang maayos ‘to o baka naman nabibigla ka lang,” sunod-sunod na tanong niya rito. Ayaw niyang… baka nabibigla lang si Arison sa mga bagay na nangyayari at bigla itong magsisi sa bandang huli.“Gusto kitang pakasalan, Serene. Seryoso ako,” diretsong sagot ni Arison habang nakatingin sa mga mata nito.“I’m a divorced woman. Mas matanda rin ako sa’yo ng sampong taon, Arison. Bata ka pa. Mayaman, matalino at nagmula sa mayayaman at respetadong mga angkan. You deserve someone better than me,” ani Serene ngunit ngumiti lang si Arison.“Still, I want to marry you,” seryosong sambit ni Arison nang walang pagkabahala.“I’m your tutor when you’re still a student—”“So? I want to marry you, Serene.” Puno pa rin ng paninindigan ang boses ni Arison. Hindi nawawala ang ngiti sa labi at mata niya.Ngunit naroon pa rin ang pangamba ni Serene. Hindi n

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 12

    “The fetus has a rare blood type, so the mother of the baby needed more rest and care,” anunsyo ng nurse na nakakuha muli ng atensyon ng lahat.“Rare blood type?!” gulat at parehong sigaw nina Karen at Dylan.“Yes,” mabilis na sagot ng nurse at pinakita ang hawak niyang papel. “Ang ganitong pangyayari ay kung pareho ang mga magulang ng blood type kaya nagiging rare ang dugo ng bata,” paliwanag niyang dagdag kaya mabilis na lumakad palapit si Karen.“Akin na ‘yan.” Nagmamadaling kinuha ni Karen ang resulta ng test mula sa kamay ng nurse at binasa ‘yon. Nangunot ang kaniyang noo. “Imposible ‘to. Ikaw at si Ashley ay walang gano’ng klase ng dugo!” naguguluhan niyang sabi.Agad na lumapit sa tabi ng kaniyang ina si Dylan at kinuha rin ang test result. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang bawat salitang nakasulat doon.“Paanong naging rare blood ang apo ko?!” giit ni Karen, naguguluhan pa rin sa nangyayari.Napaismid naman si Serene at tumingin sa nakangising si Arison na nanonood lang

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 11

    Naitikom ni Serene ang kaniyang bibig habang nakatingin siya kay Arison. Napayuko siya at mahigpit niyang hinawakan ang papel kung saan nakusulat ang resulta ng kaniyang tests na nagpapatunay na buntis nga siya. Napalunok siya ng laway para basain ang nanunuyo niyang lalamunan at huminga ng malalim bago niya muling inangat ang tingin niya kay Arison na nakatingin pa rin sa kaniya ng malalim at puno ng pag-aalala.“B-Bakit ka nandito?” naguguluhang tanong ni Serene. Alam niyang hindi naman dapat madamay ang lalaki sa gulo niya. Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay kinuha nito ang papel sa kamay niya at binasa ‘yon habang unti-unting nagsasalubong ang kilay nito. Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya sa reaksyong nakita niya mula rito kaya muli siyang nagsalita. “A-Alam kong ayaw mong magkaroon ng anak. Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin ko sa’yo noong gabing ‘yon na hindi ako p’wedeng magbuntis dahil mayroon ang sakit—” Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang bigl

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 10

    Gustong magmura ni Arison ngunit pinanatili niyang kalmado ang kaniyang sarili at mas inayos ang kaniyang pagmamaneho. Kailangan niyang makarating ng ligtas kung nasaan si Serene.“Kung may lalaki mang gugusto sa’yo, baka isa siyang walang k’wentang lalaki at wala siyang kayang patunayan sa buhay. Aasa lang siya sa’yo at sa pera mo para mabuhay. In short, gagawin ka lang niyang sugar mommy,” dagdag na insulto pa ni Dylan kay Serene.Kumawala ang malakas na tawa ng ina ni Dylan mula sa kabilang linya. “Tama! Isang babaeng baong at malandi at isang lalaking walang pera. Bagay na bagay!” komento niya na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. “Mga gano’ng lalaki ang bagay sa’yo, Serene!”Gusto mang manatiling tahimik ni Serene ay hindi na niya napigilan ang sariling tumayo at tumingin nang diretso sa mag-ina. “Sinasabi ko sa inyo, hindi isang walang k’wentang lalaki ang ama ng mga anak ko! Ang ama ng mga anak ko ay si Arison Gray!” diretso niyang anunsyo. Taas-noo niya ‘yong binigkas.Saglit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status