Accueil / Romance / After Divorce: Lost in Lust and Love / Kabanata 2 Her Former Student

Share

Kabanata 2 Her Former Student

Auteur: Docky
last update Dernière mise à jour: 2026-03-04 12:21:05

Sumasakit ang ulo ni Serene na parang nasusuka. Pakiramdam niya ay anumang oras ay parang mawawala siya sa wisyo. “How dare he do that to me?!” mahina ngunit mariin niyang bulong.

Nagsimulang lumabo lalo ang paningin ni Serene dahil sa mga luhang patuloy na umaagos sa kaniyang pisngi. Kung may nakakakita lang sa kaniya ngayon ay baka isipin nilang may camera sa gilid.

Paliko si Serene sa hallway nang may nabunggo siyang matigas na bagay dahilan para mawalan siya ng balanse. Sinubukan niyang kumapit pero huli na ang lahat. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at hinintay na lang na bumagsak ang likuran niya sa matigas na sahig, pero hindi ‘yon nangyari. Sa halip ay naramdaman niya ang dalawang bisig na pumulupot sa kaniyang bewang. Naramdaman niyang may humapit sa kaniya palapit.

“Careful,” maikling sabi ng isang lalaki sa tainga ni Serene gamit ang malalim at raspy niyang boses.

“T-Thank you… Sorry, h-hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.” Nanatiling nakayuko si Serene. Pilit niyang tinatago ang kaniyang mukhang basang-basa na ng luha.

“It’s fine,” sabi ng lalaki at itinayo si Serene ng diretso. “Sigurado ka bang ayos ka lang?”

“Ayos lang ako—” Hindi na naituloy ni Serene ang kaniyang sasabihin nang mas lalong naging blurry ang paningin niya.

~~~~

Napabalikwas ng bangon si Serene nang makita niya ang isang hindi pamilyar na k’warto. Mabilis na napuno ng kaba at pagkalito ang mukha niya. “Nasaan ako?” bulong niya sa kaniyang sarili.

Nanlaki ang mga mata ni Serene at mabilis na binalot ang sariling katawan ng kumot nang mapagtanto niyang may isang lalaking mariin na nakatingin sa kaniya nang malalim.

“S-Sino ka, anong ginawa mo sa akin?!” kabadong tanong ni Serene at napaatras pausog sa kama. Sinusubukan niyang lumayo sa lalaking nakatayo mula sa hindi kalayuan.

Mas humigpit pa ang kapit ni Serene sa kumot na nakabalot sa kaniyang katawan nang pasadahan siya ng tingin ng lalaki ng tingin. Hindi niya maiwasang mapalunok at tingnan din ang kaniyang sarili. Malalim siyang napabuga ng hangin at laking pasasalamat niya nang makita niyang suot pa rin niya ang kaniyang damit at wala siyang nararamdamang kahit anong masakit sa kaniya.

Nabalik ang atensyon ni Serene sa lalaki nang humalakhak ito na parang nag-eenjoy na panoorin siyang halos atakihin na sa puso.

“Wow, pinag-iisipan mo ba ako ng masama pagkatapos mong mahimatay sa harap ko at dalhin kita rito?”

“O-oh…” nahihiyang sagot ni Serene at unti-unting binitiwan ang kumot nang mapagtanto niya kung sino ang lalaking nasa harapan niya ngayon. “Ikaw pala ang lalaking ‘yon, sorry.”

Kumalat ang pula sa mukha ni Serene dala ng hiya. Hindi naman niya sinasadyang pag-isipan ng masama ang lalaki. Pero hindi niya masisisi ang sarili, sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang mag-isip na may nangyari sa kanila kagabi.

“Ayos lang, simpleng tulong lang naman ang ginawa ko. Isa pa, hindi ko akalaing sa gano’ng paraan ulit kita makikita.”

Yumuko ang lalaki palapit kay Serene at halos ilang inches na lang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa.

Muling napalunok nang paulit-ulit si Serene sa hindi malamang dahilan, nanunuyo ang lalamunan niya. “A-Anong ibig mong sabihin?” puno ng pagtatakang tanong niya, halos magsalubong ang kilay.

“It’s me, Arison," sagot ng lalaki na may malapad na ngiti sa labi.

‘Arison?’ pag-uulit ni Serene sa isip niya, pilit inaalala ang pangalan. “No way!” Turo niya sa lalaki, puno ng pagkabigla ang boses. “The high school student?!”

Nawala ang bahid ng hiya sa boses ni Serene at napalitan ng galak, kahit ang takot na nararamdaman niya kanina ay nawala. Mas nagliwanag ang mukha niya at sumibol ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

“Yes, ako nga.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Arison habang nanatili siyang nakayuko sa harap ng dati niyang tutor. “And mind you, I’m not a highschool student now…” Ngumisi pa siya at kumindat na animo’y nang-aakit.

Napatikhim naman si Serene at kusang iniatras ang mukha niya palayo kay Arison. “K-Kumusta?” tanong niya para basagin ang awkward na katahimikan sa pagitan nila. Hindi niya akalaing muli niyang makikita ang isa sa mga naging kliyente niya sa pag-tu-tutor dati. “It’s been…”

“Seven years… It’s been seven years since then, Miss Serene Choi," dugtong ni Arison.

“Oh…” Muling bumalik sa ala-ala ni Serene na ‘yon din ang taon kung kailan niya sinagot si Dylan, kung kailan niya hinayaang pumasok ang asawa niya sa buhay niya dahil akala niya ay ito na ang makakasama niya hanggang pagtanda. Hindi na siya muling nakakibo kaya muling nagsalita si Arison.

“So, bakit ka umiiyak sa hotel? Nakita mo ba ang asawa mong may kasamang iba?” pabirong tanong ni Arison kay Serene. Nagbabakasali siyang bumalik ang ngiti sa labi nito ngunit mas lalo lang itong tumahimik.

Mas yumuko si Serene. Pilit niyang itinatago ang sakit na bumalatay sa mukha niya dahil sa narinig. Unti-unti ring namatay ang tawa ni Arison nang maramdaman na mukhang tama ang sinabi nito.

Magsasalita pa sana si Arison para itama ang sarili niya nang tumayo si Serene ng may pagmamadali.

“K-Kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa ako. Salamat sa tulong, it’s nice to see you again, Mr. Arison Gray."

“Wait!” tarantang sigaw ni Arison. Hindi niya p’wedeng sayangin ang pagkakataon. Hindi niya hahayaang umalis nalang si Serene ng gano’n na lang. “Give me your contact number, let’s… catch up sometimes?”

Saglit na tinitigan ni Serene ang cellphone na nakalahad sa harapan niya. May pagdadalawang-isip siya kung dapat ba niyang ibigay ang number niya rito o hindi. Nang umangat ang tingin niya para tingnan ang lalaki ay kitang-kita niya ang desperasyon sa mga mata nito. Napakagat nalang siya sa ibabang labi at kinuha ‘yon para makaalis na siya. “Okay, sure.”

“Thank you, hope to see you soon again!” masayang sabi ni Arison nang maibalik niya ang cellphone ni Serene..

Simpleng tango lang ang ibinigay ni Serene at nagmamadaling tinalikuran ang lalaki. Lumabas na siya ng kuwarto kung nasaan sila. Hindi man lang siya lumingong muli sa dati niyang estudyante.

Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Serene ng hotel building ay malakas na tumunog ang cellphone niya. Agad niya ‘yong sinagot nang makita niya ang pangalan ng kaniyang kaibigan.

“Serene!” sigaw ni Cy sa kabilang linya. “Totoo ba ang narinig ko? Dylan publicly announced his side chicks?!”

Napaawang ang labi ni Serene sa narinig. Hindi niya akalaing hindi pa natatapos ang isang araw pagkatapos ng nangyari ay ipapangalandakan na agad ng lalaking ‘yon ang bago niyang babae. Pero agad din siyang nakabawi. Ano pa nga ba ang dapat niyang ikagulat gayong magkakaanak na nga ang dalawa?

Pagak na napatawa si Serene bago siya sumagot sa kaibigan. “Hindi man lang niya pinatapos ang isang araw para ianunsyo sa lahat ang kagaguhan niya. Gano’n ba talaga siya ka-excited na maging ama?” sarkastiko niyang komento at inis na pumara ng taxi.

“What? Buntis ang babaeng ‘yon? Seryoso ba si Dylan na mas pinili n’ya ang babaeng ‘yon kaysa sa’yo?!” hysterical na tanong ni Cy sa kabilang linya na mas lalong ikinaikot ng mga mata ng kaibigan niya.

Hindi kumibo si Serene. Alam niya sa sarili kung bakit mas ginusto ng ex-husband niya ang babae niyo at hindi siya. Kayang magbuntis ng babae ng asawa niya, siya ay hindi. “Hayaan mo na lang siya, Cy…” Iyon lang ang nasabi niya, pilit na huwag buksan ang usapan tungkol sa endometriosis niya dahil alam niyang mas bibigat lang ang pakiramdam niya dahil sa nangyari.

Mas lalong masasampal ng katotohanan si Serene kung bakit natalo siya.

“Serene, you deserve better. Hindi ko nga alam kung bakit nagtiis ka ng pitong taon sa lalaking ‘yon. Halika na lang at mag bar tayo! Malay mo ay roon mo makikita ang lalaking para sa’yo!”

“Bar? Wala ako sa mood, Cy," reklamo ni Serene. Mas gugustuhin pa niyang magmukmok sa kuwarto at iiyak ng isang buong gabi ang lungkot at sakit na nararamdaman niya kaysa pumunta sa isang maingay na lugar.

“Oh come on, Serene! Huwag mong subukang magmukmok dahil sa gagong lalaking 'yon! Na-send ko na sa’yo ang address ng bar. Pumunta ka dahil hihintayin kita!” May pagbabanta sa boses ni Cy sa kaniyang kaibigan bago niya pinatay ang tawag.

Napabuga na lang ng hangin si Serene at napailing. Wala na siyang magagawa kung hindi ang umoo sa alok ng kaniyang kaibigan. Iniisip niyang mas mainam na mag enjoy kaysa ang magmukmok sa kuwarto niya. “I don’t deserve to cry over him,” bulong niya sa sarili at tinungo ang address sa text.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 15

    Pagkahinto pa lang ng kotse sa parking lot ng mall ay akma nang bubuksan ni Serene ang pinto nang pigilan siya ni Arison, magkasalubong ang mga kilay nito.“Stay still, I will open the door for you,” reklamong wika ni Arison, saka nagmamadaling lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan si Serene ng pinto.Hindi mapigilan ni Serene na mapahagikgik sa kakulitan ni Arison sa mga bagay-bagay. Para sa kaniya ay hindi naman obligado ang lalaking gawin ang mga iyon lalo na at hindi rin naman niya nakasanayan ‘yon sa dati niyang karelasyon.“Here, hold my hand,” nakangiting sabi ni Arison habang nakalahad ang kaniyang palad sa harap ni Serene. Gusto niya itong alalayan pati sa paglabas ng kotse.Napahinga na lang si Serene at wala siyang nagawa kung hindi ang abutin at tanggapin ang naghihintay na kamay ni Arison. Marahan siyang kumilos palabas ng kotse pero mabilis naman niyang hinarap si Arison. “Hindi mo naman kailangang gawin ang mga ganitong bagay, kaya ko namang alagaan ang sarili ko—”

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 14

    “Welcome to my house, my dear wife!” masiglang sabi ni Arison pagpasok nila sa bahay niya. Agad namang ginala ni Serene ang mga mata niya sa malawak na living room. Kung tutuusin ay parang buong apartment na niya ‘yon. Marami rin ang display na mga miniatures doon na halatang mamahalin. Malayong-malayo iyon sa kung anong mayroon si Dylan noon… sa kung anong mayroon din siya.“Come in, don’t hesitate! Simula ngayon ay bahay mo na rin ito kaya dapat ay maramdaman mong welcome na welcome ka rito,” excited na dagdag pa ni Arison na nakapagpangiti kay Serene.Ang pagdadalawang-isip ni Serene na humakbang pa papasok ay nawala na. Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Napahinto siya sa tabi ng isang painting at tinitigan iyon. “Ang lawak, maganda, at ang linis ng bahay mo. Mukhang komportableng tumira rito,” komento niya.Ngumisi naman si Arison at lumakad papunta sa tabi ni Serene at walang pasabing ipinulupot ang dalawang braso sa magkabilang bewang nito habang ang baba niya ay pinatong niya

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 13

    “S-Sandali, Arison!” pigil ni Serene sa binata nang makarating sila sa harap ng building ng registrar. “S-Sigurado ka ba sa balak mo? Pinag-isipan mo ba nang maayos ‘to o baka naman nabibigla ka lang,” sunod-sunod na tanong niya rito. Ayaw niyang… baka nabibigla lang si Arison sa mga bagay na nangyayari at bigla itong magsisi sa bandang huli.“Gusto kitang pakasalan, Serene. Seryoso ako,” diretsong sagot ni Arison habang nakatingin sa mga mata nito.“I’m a divorced woman. Mas matanda rin ako sa’yo ng sampong taon, Arison. Bata ka pa. Mayaman, matalino at nagmula sa mayayaman at respetadong mga angkan. You deserve someone better than me,” ani Serene ngunit ngumiti lang si Arison.“Still, I want to marry you,” seryosong sambit ni Arison nang walang pagkabahala.“I’m your tutor when you’re still a student—”“So? I want to marry you, Serene.” Puno pa rin ng paninindigan ang boses ni Arison. Hindi nawawala ang ngiti sa labi at mata niya.Ngunit naroon pa rin ang pangamba ni Serene. Hindi n

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 12

    “The fetus has a rare blood type, so the mother of the baby needed more rest and care,” anunsyo ng nurse na nakakuha muli ng atensyon ng lahat.“Rare blood type?!” gulat at parehong sigaw nina Karen at Dylan.“Yes,” mabilis na sagot ng nurse at pinakita ang hawak niyang papel. “Ang ganitong pangyayari ay kung pareho ang mga magulang ng blood type kaya nagiging rare ang dugo ng bata,” paliwanag niyang dagdag kaya mabilis na lumakad palapit si Karen.“Akin na ‘yan.” Nagmamadaling kinuha ni Karen ang resulta ng test mula sa kamay ng nurse at binasa ‘yon. Nangunot ang kaniyang noo. “Imposible ‘to. Ikaw at si Ashley ay walang gano’ng klase ng dugo!” naguguluhan niyang sabi.Agad na lumapit sa tabi ng kaniyang ina si Dylan at kinuha rin ang test result. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang bawat salitang nakasulat doon.“Paanong naging rare blood ang apo ko?!” giit ni Karen, naguguluhan pa rin sa nangyayari.Napaismid naman si Serene at tumingin sa nakangising si Arison na nanonood lang

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 11

    Naitikom ni Serene ang kaniyang bibig habang nakatingin siya kay Arison. Napayuko siya at mahigpit niyang hinawakan ang papel kung saan nakusulat ang resulta ng kaniyang tests na nagpapatunay na buntis nga siya. Napalunok siya ng laway para basain ang nanunuyo niyang lalamunan at huminga ng malalim bago niya muling inangat ang tingin niya kay Arison na nakatingin pa rin sa kaniya ng malalim at puno ng pag-aalala.“B-Bakit ka nandito?” naguguluhang tanong ni Serene. Alam niyang hindi naman dapat madamay ang lalaki sa gulo niya. Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay kinuha nito ang papel sa kamay niya at binasa ‘yon habang unti-unting nagsasalubong ang kilay nito. Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya sa reaksyong nakita niya mula rito kaya muli siyang nagsalita. “A-Alam kong ayaw mong magkaroon ng anak. Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin ko sa’yo noong gabing ‘yon na hindi ako p’wedeng magbuntis dahil mayroon ang sakit—” Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang bigl

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 10

    Gustong magmura ni Arison ngunit pinanatili niyang kalmado ang kaniyang sarili at mas inayos ang kaniyang pagmamaneho. Kailangan niyang makarating ng ligtas kung nasaan si Serene.“Kung may lalaki mang gugusto sa’yo, baka isa siyang walang k’wentang lalaki at wala siyang kayang patunayan sa buhay. Aasa lang siya sa’yo at sa pera mo para mabuhay. In short, gagawin ka lang niyang sugar mommy,” dagdag na insulto pa ni Dylan kay Serene.Kumawala ang malakas na tawa ng ina ni Dylan mula sa kabilang linya. “Tama! Isang babaeng baong at malandi at isang lalaking walang pera. Bagay na bagay!” komento niya na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. “Mga gano’ng lalaki ang bagay sa’yo, Serene!”Gusto mang manatiling tahimik ni Serene ay hindi na niya napigilan ang sariling tumayo at tumingin nang diretso sa mag-ina. “Sinasabi ko sa inyo, hindi isang walang k’wentang lalaki ang ama ng mga anak ko! Ang ama ng mga anak ko ay si Arison Gray!” diretso niyang anunsyo. Taas-noo niya ‘yong binigkas.Saglit

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status