Se connecter“Here!”
Kumaway si Cy kay Serene para makuha ang atensyon nito pagpasok pa lang sa bar. Agad naman niya itong nakita. Kanina pa siyang palinga-linga sa paligid na animo’y batang nawawala sa gitna ng maraming tao. “Cy, anong klaseng bar ‘to?” Puno ng pagtataka ang mukha ni Serene ngunit kalaunan ay natawa na siya habang nakatingin sa mga lalaking nagsasayaw sa ibabaw ng entablado. Halos wala ng suot ang mga ito. “Ano ka ba?! Famous na bar ‘to. Maupo ka na nga at may ipapakilala ako sa’yo!” mabilis na sagot ni Cy sa kaniyang kaibigan at hinila ito paupo sa sofa. Isang lalaking matipuno ang agad na ngumiti at naglakad palapit sa p’westo nina Cy at Serene. Hindi naman mapigilang kiligin ni Cy. “Serene, this is Don! Don, this my friend Serene. So, hmmm, ikaw na muna ang bahalang mag-entertain sa friend ko ha,” pagpapakilala ni Cy at kumindat pa siya kay Serene bago tuloy-tuloy na lumakad palayo. Sinubukan pang habulin ni Serene si Cy nang magsalita ang lalaki sa tabi niya. “Hi,” malambing at halatang nang-aakit na bati ng lalaki kay Serene para kunin ang atensyon nito. “Uhm, hello. So, hindi mo naman kailangang sundin si Cy. Ayos lang ako rito. Bumalik ka na sa stage,” awkward na suhestiyon ni Serene at wala sa sariling nilagok ang pangalawang baso ng alak sa harapan niya. Hindi niya masisisi ang sarili. Hindi siya kumportable sa presensya ng lalaki sa tabi niya. Masyado itong madikit sa kaniya at malikot ang kamay. Hinahawakan siya nito kahit walang permiso. “Don’t worry, mag-uusap lang naman tayo. Hindi mo kailangang kabahan,” natatawang turan ng lalaki at muling sinalinan ang baso ng babaeng nasa harap niya ng alak. “Just enjoy the alcohol at kung gusto mong magkuwento, makikinig ako,” alok pa niya. Patuloy lang sa paglagok ng alak si Serene. Nakikinig lang siya sa mga sinasabi ni Don sa tabi niya. Wala naman siyang balak magkuwento, pero ang ingay sa paligid ay naghahatid sa kaniya ng kagaanan ng loob. Pakiramdam niya ay hindi siya nag-iisa. “So, what do you think of me?” tanong bigla ni Don. Yumuko siya palapit kay Serene na nagsisimula nang mawala sa sarili sa sobrang pagkalasing. Ang mga kamay niyang humahaplos lang kanina sa braso nito ay unti-unti nang humahaplos papunta sa hita nito. “Maganda ka. Paano niya nagawang ipagpalit ka?” dagdag pa niya at unti-unting lumalapit ang mukha niya rito. Dala ng alak, hindi na alam ni Serene ang ginagawa niya. Ang gusto na lang niya ay makabawi sa panloloko ng ex-husband niya kaya kahit alam niyang ayaw niya ay mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Hinihintay na lang niyang tuluyang magdikit ang labi nila ni Don ngunit hindi iyon nangyari nang may humablot sa kaniya palayo rito. “Sorry, but this woman is off limits,” malalim na sabi ng lalaki na kararating lang. Napamulat si Serene nang marinig niya ang pamilyar na boses at tiningnan ang lalaking may hawak sa kaniya. “A-Arison? Anong ginagawa mo rito?” Hindi sumagot si Arison. Mas umigting ang panga niya nang makita niya kung gaano kalasing si Serene. Hindi niya akalaing nasa gano’n ng kalagayan ang babae, kung nahuli siya ng dating ay hindi niya lubos maisip kung anong eksena ang maaabutan niya. “Come with me,” aniya at hindi na hinintay pa ang sagot ni Serene. Hinila niya ito papunta sa gilid. “W-wait, paanong nandito ka rin?” nabibiglang tanong ni Serene pero wala siyang sagot na natanggap. Sa halip ay marahan siyang isinandal ni Arison sa pader at ikinulong sa magkabilang bisig nito. “Maybe destiny is working for us to meet again, Miss Serene. Pero hindi ko akalaing nagmamadali kang umalis sa hotel room para pumunta rito sa bar,” makahulugang sabi ni Arison habang may ngisi sa mapupulang labi niya. “I-It’s not what you think…” Hindi alam ni Serene kung bakit pakiramdam niya ay kailangan niyang magpaliwanag kay Arison pero gusto niyang linisin ang kaniyang pangalan sa mata ng lalaki. “Hmm, it’s been seven years since I kept thinking of you. Simula noong hindi na kita nakita seven years ago, lagi kong iniisip kung kailan ulit magtatagpo ang landas natin.” “A-Ano ba, Arison… Hanggang ngayon ay pinag-ti-tripan mo pa rin ako. P-Please lumayo ka ng kaunti…” asik ni Serene at susubukan niya sanang itulak ito palayo nang hapitin siya nito sa bewang. Isang maling galaw lang ay magdidikit na ang kanilang mga labi. “All this time, sa tingin mo ay pinag-ti-tripan lang kita? It’s true. For seven years… I have a big crush on you, Miss Serene. This time, maybe… I can shoot my shot?” tanong ni Arison at hinapit palapit si Serene. “Can I… kiss you?” Malalim na tinitigan ni Arison si Serene sa mga mata nito. Walang halong pagbibiro ang tono ng boses niya at nanatili sa gano’ng posisyon. Mariing pinanood ni Serene kung paano pasadahan ni Arison ng dila ang ibabang labi nito para basain. Halatang tulad niya ay nakatingin din ito sa mga labi nito. “Answer me, Serene. Can I can kiss you?” Tinagilid na ni Arison ang ulo niya. Nakahanda na niyang sakupin ang labi nito sa oras na bigyan siya nito ng sagot sa gusto niyang marinig. Dala ng alak, hindi alam ni Serene kung ano ang tumakbo sa isip niya at marahan niyang itinango ang kaniyang ulo bilang pagsang-ayon sa alok ng lalaki. Wala siyang ibang gusto ngayon kung hindi ang matikman ang namumulang labi ni Arison. Wala pang ilang segundo ay magkalapat na ang labi nila. Agresibong sinakop ni Arison ang labi ni Serene nang walang pagdadalawang-isip. Mapusok, bawat galaw ng labi niya ay agresibo na animo’y matagal na niyang gustong gawin ‘yon. Uhaw na uhaw ang bawat galaw ng labi nila. Walang gustong bumitiw o magpatalo sa bawat halik na ibinibigay nila sa isa’t-isa. “A-Arison…” impit na ung0l ni Serene. Hindi niya mapigilan ang kakaibang pakiramdam na namumuo sa kaniyang katawan na noon lamang niya naramdaman. Napaawang ang labi ni Serene nang sa wakas ay pakawalan ni Arison ang halos namamanhid na niyang labi. May maliit pang sugat sa gilid noon nang mariin iyong kagatin ng binata kanina. Hindi pa man siya nakakabawi ng hinga at lakas ay muli siyang hinapit nito sa bewang at binuhat paupo sa lamesang nasa tabi niya. Umalingawngaw ang ingay ng mga nahulog na bote sa lapag at ice bucket ngunit wala kahit isa sa kanila ang nagbigay ng kahit anong atensyon doon. Tuloy lang ang halikan nilang dalawa. Wala silang pakialam sa ingay ng paligid o sa komento ng mga nakakakita sa kanila. “Open your mouth,” utos ni Arison na wala sa sariling mabilis na sinunod ni Serene. Lunod na ito sa init ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Napangisi saglit si Arison nang makita niya ang reaksyon ni Serene bago niya pasadahan ng dila ang baba nito paakyat sa labi hanggang ipasok niya iyon sa loob ng bibig nito. He caressed the roof of her mouth seductively, luring her to moan for more. Tongue tangled, kissing, and sucking. They are both lost in their own world, as if they are not in the public. Sunod-sunod na malalalim na hininga ang pinakawalan ni Serene nang muling maghiwalay ang labi nila. Iyon ang unang beses niyang maramdaman ang gano’ng bagay. Pakiramdam niya ay malulunod na siya pero may parte na ayaw niyang putulin ang halikan nilang dalawa. She never thought a kiss would make a person insane. Pinagdikit ni Arison ang kanilang noo at bumulong. “Simula ngayon, ako na lang ang lalaki sa buhay mo, Miss Serene.” “What?” wala pa rin sa sariling tanong ni Serene. Nakatingin lang siya sa namamagang mapulang labi ni Arison. Gusto niya ulit na matikman ‘yon at ang kakaibang sensasyong bigay nito. “Ako lang dapat ang lalaki sa buhay mo simula ngayon,” ulit ni Arison, mariin na ang pagkakasabi niya sa pagkakataong ‘yon. “Is that how you want me that bad?” malanding bulong ni Serene, halos hindi na nga niya makilala ang kaniyang sarili. Kahit minsan ay hindi niya naisip na gagamitin niya ang ganoong paraan kahit kaninong lalaki, dahil kahit kay Dylan ay hindi niya ginawa na magtunog nang-aakit. “Yes, I want you… So, can I take you?” hamon ni Arison kay Serene.“Balae!” Nangunguna ang maarteng boses ni Arya ng makita ang ina ni Rain na nakatayo sa gilid. “Ang ganda-ganda mo sa dress mo, sabi na nga ba at bagay na bagay sa’yo ‘yan, diba?” Lumingon pa si Arya kay Serene na nakangiti rin na nakatingin sa kanila.Ngayon ang kasal nila Jam at Rain, ngunit napa-registered na nila ang kasal kaya gano’n na lang ang lakas ng loob ni Arya na tawaging balae ang ina ni Rain.Mabilis na tumango si Serene. “Ano pa po ba ang inaasahan, e ikaw po ang pinakamagaling pagdating sa fashion world. Isa pa, ang ganda rin kaya ni tita kaya talagang bagay na bagay sa kaniya ‘yan!”Nahihiya ang ina ni Rain habang pinagsiklop ang mga daliri niya. “N-Nako, masyado ninyo naman akong binobola. Hindi naman ako maganda, sadyang maganda lang ang dress kaya siguro nagmukha akong disente.”“Ano ba ang sinasabi mo! Lahat ng pamilya natin ay maganda!” Sambit ni Arya at lumapit na kay Rain na inaayos na lang ang buhok at handa na ang lahat.Ilang minuto na lang din at magsisimul
“Where are you?” tanong ni Jam sa kabilang linya, anong oras na at walang Rain na bumabalik sa hospital. Nagsisimula na naman siyang kabahan, lalo na at anong oras na. “Sabihin mo kung nasaan ka at susunduin kita, nakabalik na rito si James pero hindi ka niya kasama.”“Nandito ako ngayon sa restaurant,” alangan na sagot ni Rain na animo’y ayaw pa sanang sabihin ang tungkol doon.“Restaurant? Anong ginagawa mo diyan, sinong kasama mo?” sunod-sunod na tanong ni Jam wala sa sariling napatayo mula sa upuan, maging mama tuloy ni Rain ay napalingon na sa kaniya ng may pag-aalala sa mga mata.“Kasama ko ang kapatid mo… at ang mama at papa mo,” habol pa ni Rain.Hindi alam ni Jam kung makakahinga siya ng maluwag o kakabahan dahil sa narinig, alam niyang nasa malapit lang si Arison ngunit wala siyang kaalam-alam na sumunod na rin ang mga magulang niya.“Sabihin mo sa akin ang address, pupuntahan kita riyan,” sambit niya at pinatay na ang tawag.Tumingin si Jam kay Mari at hinawakan ang kamay n
“What’s your plan?”Bitbit ang binili na mga coffee in can, hindi na pinalagpas ni James na kausapin si Rain tungkol sa plano. Tatanggapin naman niya kahit anong sagot ang marinig niya rito, gusto lang talaga niyang malaman kung ano ang mga susunod na mangyayari para alam din niya at mapaghandaan.“Balak ni Jam na ilipat si mama ng hospital, unti-unti na rin namang nagiging maayos ang lagay niya pero sempre hindi pa sa ngayon dahil kailangan pa ng matinding pahinga ni mama…” Medyo humina ang boses ni Rain.“Pasensya na talaga, hindi ko alam kung ano ang naisip ko para gawin ang bagay na ‘yon. Masyado lang siguro akong naging desperado, hindi ko agad naisip at nakita na kahit anong gawin ko wala talaga akong laban sa kaniya.”Nalalasahan ni James ang pait na kumakalat sa loob ng bibig niya, hindi dahil hindi pa rin niya tanggap na nagkabalikan na si Rain at Jam kundi sa ginawa niya sa mama ni Rain na pinilit gisingin.“Ilang beses ka ng humingi ng tawad tungkol sa ginawa mo na pagpilit
“Mga palpak kayo!” Asik ni Hailey sa mga lalaking puro pasa ang mukha at sugat ang katawan. “Ano, para saan ang binayad ko sa inyo? Simple lang naman ang utos ko, takutin ninyo siya at palabasin na si Rain ang nagutos sa inyo!”“M-Ma’am, hindi sa gano’n! Ginawa namin ang utos ninyo, tinakot namin siya, pero hindi namin akalain na may darating siyang mga kasama!” Paliwanag ng isa at mabilis na lumuhod sa harapan ni Hailey. “Sinunod namin ang utos mo, pero wala sa usapan na may mga kasama siya—”“Sinasabi mo bang kasalanan ko pa at hindi ninyo nagawa ng maayos ang trabaho ninyo?! Kahit may mga dumating siyang kasama, hindi ba dapat ay handa kayo? Ang sabihin ninyo ay mga wala lang talaga kayong k’wenta!” Asik niya at dinuro ang mga lalaki sa harapan niya. “Ibalik ninyo ang pera na binayad ko sa inyo, ngayon na!”Pagak na natawa ang isa sa mga lalaki, tumayo ito at nagsimulang humakbang palapit kay Hailey dahilan para mawala ang tapang sa mukha ni Hailey at unti-unting napaatras. Ang kan
“Rain?” tawag ni James. Kararating lang niya at may bitbit na paper bags. Ang mga mata ni James ay nakatutok ngayon kay Jam na nakatayo sa gilid ni Rain. May maangas at nagmamalaking ngisi na nakapaskil sa mga labi nito. Ang kanang braso rin nito ay malayang nakapulupot sa bewang ni Rain, animo’y may aagaw rito anumang oras. At hindi niya hahayaang mangyari iyon.“J-James, si Jam... sumunod siya rito,” sambit ni Rain kahit halata naman iyon. “Hindi kita nasabihan dahil nagulat din ako. Maraming tinanong si Mama at nag-usap din kami. Nagpaliwanag ako.”“You don’t need to explain,” sambit ni James. Sa wakas ay binitiwan na niya ang titigan nila ni Jam. “Wala naman akong magagawa kung gusto niyang sumunod dito,” makahulugan niyang sabi.“Of course,” sabat ni Jam mula sa gilid. Mas hinapit pa niya si Rain palapit sa kaniya. “Sino ka nga naman para makialam sa gusto kong gawin? Sino ka para pigilan ako? Susundan ko ang fiancée ko kahit saan at kahit kailan ko gusto. Wala kang magagawa roo
“Explain yourself, Rain.” Humakbang pa palapit si Jam sa kaniya. “Sabihin mo lahat ng dapat mong sabihin, tulad ng sabi ko bago mo ako iniwan sa harap ng altar sa araw ng kasal natin.” “J-Jam,” bulong ni Rain, nawawala lahat ng balak niyang sabihin. Parang nalulutang ang utak niya sa paraan ng pagtitig ni Jam sa kaniya, naihanda na niya ang mga dapat niyang sabihin, lahat-lahat. Ngunit ngayon na oras na para sabihin ang mga salitang kinabisado niya ng paulit-ulit para maging maayos ang paliwanag niya, lahat ay parang naglahong bula sa utak niya. “Ano? Bakit hanggang ngayon wala kang masabi?” Naghahamon ang tono ni Jam na tanong sa kaniya. “Ayos na ang tungkol sa mama mo, ang gusto kong malaman ay bakit hindi mo sa akin sinabi ang tungkol sa problema mo? Bakit kailangan mong ipalabas na hindi mo na ako mahal at gusto kong malaman bakit mas pinili mong lumapit at humingi ng tulong sa lalaking ‘yon kaysa sa akin?” May pait ang huling salitang sinabi ni Jam. Sa dami ng mga bagay na
“Where are you?” tanong ni Serene habang titig na titig siya sa kaniyang asawa mula sa malayo. “I…uhm. I'm heading for an important meeting. Why?” Agad na bumaliktad ang sikmura ni Serene nang marinig niya ang mga salita mula kay Dylan West, ang asawa niya. Ilang taon na silang kasal at mismong
“Welcome to my house, my dear wife!” masiglang sabi ni Arison pagpasok nila sa bahay niya. Agad namang ginala ni Serene ang mga mata niya sa malawak na living room. Kung tutuusin ay parang buong apartment na niya ‘yon. Marami rin ang display na mga miniatures doon na halatang mamahalin. Malayong-m
“So, bakit bigla ka na lang nawala noong gabing ‘yon?” bungad ni Cy kay Serene pagkaupo nila sa isang table sa loob ng coffee shop. “Ah.” Mabilis na napaiwas ng tingin si Serene sa kaniyang kaibigan. Abala siya kunwaring tingnan ang paligid ng coffee shop. “Inantok ako, Cy. Umuwi agad ako. Sabi
Sumasakit ang ulo ni Serene na parang nasusuka. Pakiramdam niya ay anumang oras ay parang mawawala siya sa wisyo. “How dare he do that to me?!” mahina ngunit mariin niyang bulong. Nagsimulang lumabo lalo ang paningin ni Serene dahil sa mga luhang patuloy na umaagos sa kaniyang pisngi. Kung may n







