MasukNang dumating si Elijah ay kaagad siyang sinalubong ni Scarlett para kunin ang suit at bag nito. Nagdadalawang isip pa si Scarlett kung magpapaalam ba siya sa asawa niya para sumama kay Camila.
Humugot ng malalim na buntong hininga si Scarlett saka tiningnan ang asawa. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang nakatingin sa kaniya ang asawa niya.
“What? May sasabihin ka?” tanong nito. Ngumiti naman si Scarlett.
“Iniimbitahan kasi ako ni Camila para sa celebration niya mamaya. Pwede ba akong sumama?” malambing niyang wika. Napapabuntong hininga naman si Elijah saka tiningnan ang asawa mula ulo hanggang paa na tila ba nahihiya pa itong ilabas ang asawa niya.
“Pumunta ka kung gusto mo pero ito lang ang sasabihin ko sayo, Scarlett. Oras na binigyan mo ako ng kahihiyan sa mga bisita ni Camila, huwag ka ng umuwi dito at huwag ka ng magpapakita sa akin.” May diing sambit ni Elijah. Napapayuko naman si Scarlett. Hindi naman siya mahilig gumawa ng gulo bakit naman naisip ng asawa niya na gagawa siya ng gulo at ipapahiya niya ito?
“I won’t, I promise.” Sagot niya. Naupo naman na si Elijah sa upuan niya at inalis ang sapatos mabilis namang kinuha iyun ni Scarlett para ilagay sa shoe rack.
“Maswerte ka dahil may pakialam pa sayo ang pinsan mo. Kung hindi lang nakiusap sa akin ang pinsan mo, ayaw ko sanang pumunta ka. Papayagan kitang umalis pero tandaan mo ang sinabi ko.”
“Oo, huwag kang mag-alala. Wala akong gagawin sa celebration ni Camila.” Sagot niya kaagad. Hindi naman na sumagot si Elijah. Pumasok na si Scarlett sa kwarto nila para makapaggayak dahil alam niyang anumang oras ay darating na si Camila para sunduin siya.
Habang naliligo naman si Scarlett ay dumating na si Camila. Napangiti siya ng makita niya si Elijah.
“Hi babe,” malandi niyang sambit saka ito naupo sa ibabaw ng mga hita ni Elijah. Napapangiti naman si Elijah. “Where is she?” tanong niya.
“Nasa kwarto pa, naggagayak siguro.” Sagot ni Elijah. Siniil ni Camila nang halik si Elijah. Hinawakan naman ni Elijah ang magkabilang pisngi ni Camila at idiniin pa ang halik niya. Ipinasok kaagad ni Elijah ang isa niyang kamay sa suso ni Camila at nilaro ito. Napapaungol naman si Camila.
Walang mga pakialam kahit na nasa loob sila ng pamamahay ni Elijah at Scarlett. Inihiga ni Elijah sa sofa si Camila at itinaas ang suot nitong skirt.
“Baka makita niya tayo rito,” bulong ni Camila. Mabilis namang hinila ni Elijah si Camila sa guest room nila at dun pinagpatuloy ang kautugan nila.
“Ikaw ha? Wala ka ng pinipiling lugar. Kahit pa sa loob ng bahay niyo ni Scarlett.” Mapaglarong sambit ni Camila. Napangisi naman si Elijah.
“This is my house kaya gagawin ko kung anong gusto ko.” Sagot ni Elijah at muling siniil nang halik si Camila. Napapaungol na lang si Camila sa ginagawa ni Elijah sa kaniya lalo na nang ipasok na nito ang pagkalalaki niya kay Camila.
Nang matapos naman si Scarlett sa paggagayak niya ay bumaba na siya. Napakunot siya ng noo ng makita niyang walang tao sa sala.
“Saan sila nagpunta?” tanong niya sa sarili niya.
“Love?” tawag niya kay Elijah. Nagtungo siya ng kusina para hanapin ang mga ito pero wala sila dun. Nang may narinig siyang ingay na nagmumula sa guest room nila ay napatingin siya dun. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Alam naman ni Scarlett na hindi close sa isa’t isa si Elijah at Camila para magsama ang mga ito sa iisang kwarto.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa kwarto. Pinakinggan niya pa ang nangyayari sa loob pero wala na siyang naririnig na ingay. Binuksan niya na ang pintuan saka niya inilibot ang paningin niya sa buong guest room pero wala namang tao.
“Love, anong ginagawa mo diyan?” napalingon si Scarlett kay Elijah. Napangiti naman siya saka siya umiling. Nasa tabi naman ni Elijah si Camila.
“Wala naman, saan kayo galing?” tanong niya saka niya nilapitan ang mga ito.
“Ipinasyal ko lang sa hardin si Camila. Ready ka na ba? Aalis na raw kayo.” Napatitig si Scarlett sa asawa niya. Pansin niyang biglang naging sweet ito sa kaniya.
“Oo, ready na ako.” Sagot niya.
“Then let’s go, couz.” Nakangiting sambit ni Camila saka nilapitan si Scarlett at hinawakan ito sa kamay. “Ako na ang bahala sa asawa mo, Mr. Logan. Don’t worry, ihahatid ko siya sayo ng buong buo.” Nakangiting saad ni Camila saka kinindatan si Elijah.
Pagdating nila sa bar ng hotel ay nandun na ang iba pang mga bisita ni Camila.
“Maupo ka lang diyan, uminom ka hanggang gusto mo dahil nakapagpaalam naman na ako sa asawa mo. Kainin mo rin ang gusto mong kainin. Karamihan sa kanila ay mga designer din. Kausapin mo sila kung gusto mo pero dahil limang taon kang hindi nagdesign baka marami ka ng hindi alam.” Sambit ni Camila kay Scarlett. Tumango lang naman si Scarlett.
“Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin. Enjoy the night, Scarlett. Kakausapin ko lang din ang iba ko pang mga bisita.” Dagdag pa ni Camila.
“Sige, thank you.” Sagot ni Scarlett. Napapangisi naman si Camila saka ito umalis. Inilibot ni Scarlett ang paningin niya. Nanguha na siya ng wine glass saka ito nilagyan ng alak at ininom. Kinakabahan naman siyang makipag-usap sa mga bisita ni Camila lalo na at puro lalaki ang mga ito. Hindi niya rin alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap ng mga ito.
Sa loob ng limang taon ay nasa bahay lang si Scarlett, bihira sumama sa mga gathering. Ngayon, pakiramdam niya pinag-iwanan na siya ng panahon.
“Drink, miss?” napatingin si Scarlett sa isang lalaking nag-aabot sa kaniya ng alak. Napangiti naman siya saka iyun kinuha. “Bakit nag-iisa ka lang dito? Bakit hindi ka sumali sa kanila to enjoy the night?” tanong ng lalaki.
“Hindi ko naman kasi sila kilala, si Camila lang ang kilala ko dito.” Sagot ni Scarlett.
“Oh, ikaw ba yung pinsan ni Camila? So it means, magaling ka rin sa pagdedesign?” tipid na ngumiti si Scarlett. Marunog naman siya pero kaya pa ba niyang sumabay sa mga ito gayong limang taon niya ng hindi ginagawa ang passion niya?
“Marunong ako before pero simula kasi nang mag-asawa ako, hindi ko na itinuloy ang pangarap ko.” Napatango-tango ang lalaki.
“Kasal ka na?” tumango si Scarlett. Sasabihin niya sana kung sino ang asawa niya pero itinikom niya na lang ang bibig niya.
“Couz, kapag gusto mo ng matulog, may kinuha na akong kwarto mo dito baka kasi hindi na kita maihatid mamaya. Here’s your room card.” Nakangiting sambit ni Camila. Tiningnan naman yun ni Scarlett at nakasulat na rin dun ang room number niya.
Nakipag-usap pa si Scarlett sa lalaking kausap niya kanina hanggang sa nagpaalam siyang umihi. Tiningnan ni Scarlett ang sarili niya sa salamin. Namumula na ang mga pisngi niya dahil sa alak. Ladies drink lang naman ang iniinom niya saka alam niyang magkontrol. Ayaw niya namang umuwi ng lasing.
Pagbalik niya ng pwesto niya ay nandun pa rin ang lalaking kausap niya. Nagkakasundo sila pagdating sa pagdedesign. Muling uminom ng alak si Scarlett pero bigla siyang nakaramdam ng init ng katawan at hilo.
Ipinilig niya ang ulo niya pero tila ba mabilis na kumakalat sa katawan niya ang hilo.
“Excuse me,” sambit ni Scarlett sa lalaki. Nagtungo ulit ng comfort room si Scarlett. Napapahawak na lang siya sa sink dahil sa hilo na nararamdaman niya. Masyado na ba siyang maraming naiinom?
“Okay ka lang?” tanong ng lalaki nang makalabas si Scarlett sa comfort room.
“I’m fine, mukhang naparami na ang alak na nainom ko.” Sagot niya.
“Mababa lang ba ang tolerance mo sa alak? Mukhang hindi mo napansin na black label na ang nailagay mo sa wine glass mo kanina.” Napatingin si Scarlett sa lamesa at nandun nga ang matapang na alak. Hindi ba niya napansin na ibang alak na ang nakuha niya? Gusto niya sanang magpaalam kay Camila pero bigla na lang itong nawala kaya umalis na lang siya.
Tiningnan niya ang room number niya para dun na lang magpawala ng hilo at kalasingan.
Hindi tumigil si Elijah sa pagsunod kay Scarlett. Nang makakuha na si Scarlett nang makakain niya ay naghanap na rin siya ng table na pwede niyang pwestuhan.“Hi, can I seat here?” nakangiting tanong ni Scarlett. Napatingin naman sa kaniya ang tatlong lalaki.“Oh, Hi pretty.” Wika ni Kenneth. Napatingin naman si Scarlett kay Jared na nasa table din. Napalunok siya. Hindi niya nakita na kasama si Jared sa lamesa. Halos lahat kasi ay puno na, may dalawang upuan pa kasing available sa pwesto nina Jared.“Of course, you can sit. Please have a sit.” Saad din ni Marcus. Bahagya na lang na ngumiti si Scarlett. Gusto niya sanang umatras pero nahihiya naman siya. Nananatili namang nasa likod ni Scarlett si Elijah.“Elijah, hanep ah. Hindi mo ba kasama si Camila?” tanong ni Kenneth sa kaniya. Napapalunok na lang si Elijah. Napatingin si Elijah sa uncle Jared niya. Hindi niya nakita ang mga ito dahil nakafocus lang siya kay Scarlett.“Kailangan ba kasama ko siya palagi?” sagot naman ni Elijah. N
Naggagayak na si Scarlett para sa pagpunta niya sa charity gala na pupuntahan niya. Naglagay lang siya ng light make-up sa mukha niya saka niya hinayaang nakalugay ang mahaba niyang buhok.Nang matapos siya sa pag-aayos sa sarili niya ay tumayo na siya saka niya tiningnan ang sarili sa human size niyang salamin. Wala rin siyang masyadong maraming alahas sa katawan niya kahit na isa siyang designers. Mas gusto pa rin niya ang kaunti lang ang suot niyang alahas.Kwintas at bracelet lang ang suot niya. Nang makontento na siya sa itsura niya ay lumabas na siya ng kwarto. Naabutan niya namang kumakain sa sala ang anak niya.“Mommy!” tawag sa kaniya ng anak niya. Napangiti naman si Scarlett saka siya naupo sa sofa para mapantayan ang anak niya.“Kumain ka ng marami. Huwag na rin masyadong magplay ngayon okay? Pagkatapos mo kumain magpahindag ka saglit tapos magpashower ka na kay ate Keanne, do you understand?” tumango naman kaagad si Lucien kaya bahagyang ginulo ni Scarlett ang buhok ng an
Hindi pumayag si Scarlett sa request ni Jared. Iniuwi niya na ang anak niya sa bahay nila. May handa naman sila sa bahay nila, ipinasyal niya lang ang anak niya para hindi ito maboring.Pagsapit ng alas dose ng gabi ay masaya silang dalawa na nagcelebrate ng christmass.“Merry christmass my baby.” Nakangiting saad ni Scarlett sa anak niya.“Merry christmass din sayo mommy. I love you so much po.” Malambing na sagot ni Lucien. Mahigpit na niyakap ni Scarlett ang anak niya saka ito hinalikan sa pisngi at noo. Kahit na dalawa lang silang magkasama sa buhay, masaya at kontento naman sila.Nang matapos silang kumain ng dinner ay nakatulog din kaagad si Lucien. Pinahiga na ito ni Scarlett sa kwarto nila. Habang mahimbing na natutulog si Lucien ay nakatitig si Scarlett sa anak niya.Napapabuntong hininga na lang siya. Nagsisimula na si Lucien na tanungin kung nasaan ang kaniyang ama. Hindi naman masabi ni Scarlett dahil hiwalay naman na sila ni Elijah. Hindi man naniniwala sa kaniya si Elija
Limang taon ang lumipas simula nang umalis ng Pilipinas si Scarlett. Limang taon kaagad ang lumipas. Hindi niya akalaing nalampasan niya ang hirap ng buhay ng mag-isa niya lang. Ngayon nakapag-ipon na siya ng sapat at nabuild niya na ang pangalan niya sa industriya, panahon na para bumalik siya ng Pilipinas.Scarlett returns as a Renowned Designer. Now a global luxury designer under a new brand name. Colder, elegant, unrecognizable.Napangiti si Scarlett nang maamoy niya na naman ang mainit na hangin ng Pilipinas. Inalis niya ang sunglass niya nang makapasok siya sa van. Kasama niya ang anak niyang busy na nakatingin sa paligid nila.“This place is so hot, mom.” Seryosong wika ni Lucien, ang apat na taong anak ni Scarlett.“Maninibago ka talaga sa klima ng bansang ‘to, anak. Magkaiba sila ng klima sa New York but don’t worry, may aircon ka naman.” Sagot ni Scarlett. Hindi naman sumagot ang anak niya dahil nasa labas pa rin ng bintana ang paningin nito.Dumiretso na sila sa bahay na na
Matamis na nakangiti si Scarlett sa napakarami nilang customers. Pinagkakaguluhan na naman ng mga ito ang new collection nila. Naunang nasold out ang mga jewelries ni Scarlett kaya tuwang tuwa na naman siya. Malaki na naman ang makukuha niya sa boss nila.“You’re truly exceptional, Scarlett. You remain our number one designer. Do you have plans to establish your own jewelry brand? I’m certain your success would be swift—your designs are already widely recognized.” Napapangiti naman si Scarlett sa sinabi ni Ellaine. Naalala niya ang kompanya ng mga magulang niya. Nag-iipon lang siya ng malaking pera para makapagsimula ulit. Babawiin niya ang kompanya na kinuha sa kaniya ng pinsan niya. Inasikaso pa rin ni Scarlett ang iba pang mga customers kahit na nauna nang naubos ang mga collection niya. Dissapointed naman ang ibang customers ng malaman nilang ubos na ang mga design ni Aurora. Wala silang nagawa kundi ang mamili na lang sa iba.“Good morning, ma’am. Please take your time and choos
Pinuntahan ni Camila si Hazel sa office nito para pag-usapan nila ang mga plano nila sa jewelry business nila.Salubong ang mga kilay ni Camila habang nakatingin sa laptop niya. Hanggang ngayon ay hindi nagrereply sa kaniya ang designer na gusto niyang makuha. Napabuntong hininga na lang siya ng makita niya na naman ang mga bagong labas na design nito.“May problema ba iha?” tanong ni Hazel ng marinig nito ang pagbuntong hininga niya.“Do you know Aurora, Tita? Yung designer na unti-unting umaangat at sumisikat na nasa New York? I want her. Gusto ko sana siyang kunin para maging designer ng jewelry business natin pero hindi siya nagrereply sa mga email ko. Dinoble ko na yung sahod niya pero wala pa rin. Hindi pa rin siya nagrereply.” Napapabuntong hininga na lang ulit si Camila.“Yeah, I know her. Marami pa naman diyan na pwede mong kunin at siguradong magagaling din. Kung ayaw niya, hindi siya kawalan. Akala mo naman kung sino ng sikat para hindi ka pansinin.”“Pero Tita, alam mo nam







