Share

Kabanata 2.3

Penulis: Elara Night
last update Tanggal publikasi: 2026-01-30 12:40:04

Nahihilo namang naglakad si Scarlett para hanapin ang room number niya. Nakamasid naman si Camila sa kaniya. Nakangisi ito habang tinitingnan niya si Scarlett na hinahanap ang room number niya.

“Ito ang room number niya, siguraduhin mong magagawa mo ng maayos ang trabaho mo.” Wika ni Camila sa isang lalaki. Napangisi naman ang lalaki habang tinitingnan niya ang picture ni Scarlett.

“May droga ang alak na ininom niya kanina kaya siguradong hindi yun manlalaban sayo. Sex ang hinahanap ng katawan niya kaya malaya mong magagawa ang gusto mo.” Tumango naman ang lalaking kausap ni Camila. Napatingin si Camila kay Hazel nang dumating ito.

“Auntie,” usal ni Camila.

“Nagawa mo na ba ang plano?” tanong ni Hazel. Napangiti naman si Camila saka siya tumango.

“Nainom na ni Scarlett ang droga, pumasok na rin siya sa room number niya. Ipapasunod ko na lang sa kaniya ang lalaking ‘to.” Sagot ni Camila. Napatango-tango naman si Hazel.

“Siguraduhin mo lang na malinis mong magagawa ang lahat ng ‘to. Siguraduhin mo rin na hindi malalaman ni Elijah na tayo ang gumawa nito kay Scarlett.” Tumango at ngumiti si Camila.

Pinapunta na ni Camila ang lalaki sa kwarto ni Scarlett. Mabilis na bumalik si Camila sa bar dahil parating na si Elijah. Napapangisi si Camila dahil alam niyang may nangyayari na kay Scarlett at sa lalaking binayaran niya.

Samantala naman, nahiga kaagad si Scarlett sa kama. Hinahaplos ang sariling katawan dahil hindi niya maintindihan ang init na nararamdaman niya. Malamig naman ang buong kwarto pero tila ba mainit pa rin ang katawan niya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may lalaking pumasok sa kwarto niya.

“Damn it!” rinig ni Scarlett na wika ng lalaki. Tiningnan ni Scarlett ang lalaki pero dahil nahihilo siya hindi niya makita ng malinaw ang mukha nito. Inalis ng lalaki ang suit nito at inihagis sa sahig.

“What are you doing here? Who are you?” tanong ng lalaki. Napangiti si Scarlett ng marinig niya ang boses ng asawa niya. Nilapitan niya ito at hinalikan sa mga labi.

“Love,” sambit niya. Hinahayaan naman siya ng lalaki sa ginagawa nito sa kaniya. Pareho silang lasing at tila ba may epekto ng droga. Hindi na rin nakapagpigil ang lalaki at hinalikan na rin si Scarlett.

---

“Nasan si Scarlett?” tanong ni Elijah pagdating niya. Kunwaring nagulat naman si Camila.

“Hindi mo ba kasama? Umalis na siya kanina dahil parang marami na siyang nainom. Akala ko ay ikaw ang kasama niyang pumasok ng kwarto. Kung hindi ikaw yun, sinong kasama ni Scarlett?” saad ni Camila. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Elijah at napaigting ang panga.

“Where is her room?” seryosong tanong nito. Sinabi naman kaagad ni Camila. Nang umalis si Elijah ay napangisi si Camila saka siya sumunod para makita ang nangyayari.

Pagdating nila sa tapat ng kwarto ay naririnig na nila kaagad ang ungol ng babae. Naikuyom ni Elijah ang mga kamao niya habang pinagcross naman ni Camila ang mga kamay niya sa dibdib at nakangisi. Naghihintay ng mangyayari.

“Sa wakas, makakalaya na rin si Elijah mula sayo Scarlett. He’s mine,” mahinang usal ni Camila sa sarili niya.

“Scarlett!” sigaw ni Elijah saka sinipa ang pintuan. Madilim naman ang kwarto kaya binuksan ni Elijah ang ilaw. Napasigaw ang babae ng biglang lumiwanag ang pintuan. “Walang hiya ka, lolokohin mo pa ako pagkatapos kitang payagang umalis!” galit na sambit ni Elijah saka lumapit sa kama at hinila ang kumot.

Nagulat si Elijah ng makita niyang hindi si Scarlett ang nasa kwarto. Napaalis din sa pagkakacross ang mga kamay ni Camila ng makita niyang ibang babae ang kasama ng lalaking inutusan niya.

Tinaasan ni Camila ng kilay ang lalaking binayaran niya. Hindi niya naman ito makausap dahil kasama niya si Elijah. Nagtataka rin naman ang lalaki dahil akala niya si Scarlett ang kasama niya dahil patay na ang ilaw nang pumasok siya.

“Nasaan si Scarlett? Sino ang mga ‘to?” tanong ni Elijah nang harapin niya si Camila. Hinila naman na ni Camila palabas ng kwarto si Elijah at isinarado ito.

“Ito ang kwartong sinabi ko sa kaniya. Saan siya nagpunta?” nagtataka ring wika ni Camila. Ngumiti siya para hindi siya mahalata ni Elijah na may ginawa siyang plano. “Hayaan na lang natin baka umuwi na siya.” Napapatango na lang si Elijah.

Hinila na ni Camila si Elijah pabalik ng bar pero hindi niya maiwasang hindi isipin kung saan napunta si Scarlett.

‘Umuwi ba siya?’ inis na saad ni Camila sa isip niya. Nagngingitngit ang mga ngipin sa inis dahil hindi man lang niya nagawa ng maayos ang plano nila ni Hazel.

Samantala naman, nang magising si Scarlett ay ramdam pa niya ang hilo niya. Napahawak siya sa ulo niya ng maramdaman niya ang sakit ng ulo niya. Napapabuntong hininga na lang siya. Nang maalala niya naman ang nangyari sa kaniya ay napangiti siya. Tiningnan niya ang gilid niya pero wala na siyang katabi. Napakunot siya ng noo.

“Saan siya nagpunta?” usal ni Scarlett. Kahit na nahihilo pa siya ay bumangon na siya sa kama.

“Love?” tawag niya kay Elijah sa pag-aakalang si Elijah ang nakasama niya sa kwarto at nakasex. Pumasok siya sa bathroom pero walang tao dun. Hinanap niya sa buong kwarto ang asawa niya pero wala siyang makita. Napapakunot na lang ng noo si Scarlett. Iniwan ba siya ng asawa niya?

Tiningnan niya ang oras, alas sais na ng umaga.

“Nauna na ba siyang umuwi? Bakit hindi man lang ako ginising?” aniya pa. Nagbihis na rin siya at umuwi na sa bahay nila. Kapag naaalala niya ang intimate nila kagabi ay napapangiti siya. Matagal-tagal na rin simula nang huling manggigil sa kaniya sa kama ang asawa niya.

Kinikilig siya kapag naaalala niya yun.

Pag-uwi niya ng bahay ay hinanap niya kaagad si Elijah pero wala naman ito sa kwarto nila kaya nagtanong na siya sa mga katulong.

“Pumasok na ba sa trabaho si Elijah?”

“Hindi pa siya umuuwi ma’am simula kagabi.” Sagot ng isang katulong. Nagtaka naman si Scarlett. Alam niyang sila ang magkasama kagabi sa kwarto. Kung hindi pa ito umuuwi, saan ito nagpunta?

Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na rin si Elijah. Tila ba may tama pa ng alak ang ulo niya.

“Saan ka nagpunta?” tanong ni Scarlett sa asawa niya. Tiningnan naman ni Elijah si Scarlett.

“Ikaw? Umuwi ka ba kagabi? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa pinsan mong uuwi ka na pala? Pinag-alala mo pa siya.” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Scarlett sa pagtataka. Umuwi kagabi? Hindi ba at sila ang magkasama kagabi? Biglang napalunok si Scarlett saka siya napailing-iling sa sarili niya. Imposible, aniya sa isip niya.

“Saan ka natulog?” tanong ni Scarlett. Kinakabahan na dahil baka ibang lalaki ang nakasama niya sa hotel.

“Dun na ako natulog sa bar kasama pa ng ibang bisita ni Camila. Nakakahiya yung ginawa mo. Umaalis ka na lang ng walang paalam.” Tumalikod si Scarlett. Napisil niya ang mga daliri niya dahil sa kaba. Kung hindi ang asawa niya ang nakasama niya kagabi, sino ang lalaking yun na kaboses ng asawa niya?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 7.3

    Napapaface palm na lang si Camila saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hindi naman nalulugi ang business nila pero dahil hindi niya magawang magdesign dahil sa mga kamay niya na hindi pa rin magaling, hindi tumataas ang profit nila.“Come in,” mahina niyang sagot nang may kumatok sa pintuan niya. Itiniklop niya na muna ang laptop niya saka niya tiningnan kung sino ang pumasok.“Tita Hazel, what are you doing here?” tanong ni Camila saka siya tumayo at naupo sa sofa kung nasaan si Hazel.“Alam mo na bang nakabalik na ng bansa si Scarlett?” diretsong wika ni Hazel. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Camila.“Scarlett is back?” pagkukumpirma niya dahil baka may kapangalan lang ang pinsan niya.“Oo, yung pinsan mong si Scarlett Wesley. Nakita ko siya sa isang jewelry shop noong mga nakaraang araw. Nakakapagtaka lang talaga dahil VVIP siya ng shop na yun.”“Anong shop tita saka anong VVIP? Si Scarlett VVIP ng isang jewelry shop? Wala namang sapat na pera yun saka anong gina

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 7.2

    Maaga pa lamang ay umalis na si Scarlett sa bahay nila para makipagkita sa magiging investor ng business niya. Nauna na siya ng 30 minutes sa restaurant na napag-usapan nila. Nasa isang private room sila dahil gusto nilang tahimik ang paligid nila para makapag-usap sila ng maayos.Habang naghihintay si Scarlett ay binabasa niya ng paulit-ulit ang proposal niya. Hindi pa niya alam kung sino ang investor na kakausapin niya ngayon dahil sa email niya lang naman ito nakakausap.Nasimulan niya na ang business niya pero gusto niyang palakihin pa ito kaya kailangan niya ng mas maraming investor. Kailangan niyang makapag-ipon ng sapat na pera para mabawi niya ang kompanya ng mga magulang niya. Gusto niya ring malaman kung aksidente ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya o kung plinano iyun para makuha ang kompanya sa kanila.“Hi,” agaw atensyong saad ng isang lalaki. Mabilis na tumayo si Scarlett para magbigay galang pero napatigil siya ng makita niya si Jared. Kunot noo niya itong tinin

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 7.1

    Hindi tumigil si Elijah sa pagsunod kay Scarlett. Nang makakuha na si Scarlett nang makakain niya ay naghanap na rin siya ng table na pwede niyang pwestuhan.“Hi, can I seat here?” nakangiting tanong ni Scarlett. Napatingin naman sa kaniya ang tatlong lalaki.“Oh, Hi pretty.” Wika ni Kenneth. Napatingin naman si Scarlett kay Jared na nasa table din. Napalunok siya. Hindi niya nakita na kasama si Jared sa lamesa. Halos lahat kasi ay puno na, may dalawang upuan pa kasing available sa pwesto nina Jared.“Of course, you can sit. Please have a sit.” Saad din ni Marcus. Bahagya na lang na ngumiti si Scarlett. Gusto niya sanang umatras pero nahihiya naman siya. Nananatili namang nasa likod ni Scarlett si Elijah.“Elijah, hanep ah. Hindi mo ba kasama si Camila?” tanong ni Kenneth sa kaniya. Napapalunok na lang si Elijah. Napatingin si Elijah sa uncle Jared niya. Hindi niya nakita ang mga ito dahil nakafocus lang siya kay Scarlett.“Kailangan ba kasama ko siya palagi?” sagot naman ni Elijah. N

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 6.3

    Naggagayak na si Scarlett para sa pagpunta niya sa charity gala na pupuntahan niya. Naglagay lang siya ng light make-up sa mukha niya saka niya hinayaang nakalugay ang mahaba niyang buhok.Nang matapos siya sa pag-aayos sa sarili niya ay tumayo na siya saka niya tiningnan ang sarili sa human size niyang salamin. Wala rin siyang masyadong maraming alahas sa katawan niya kahit na isa siyang designers. Mas gusto pa rin niya ang kaunti lang ang suot niyang alahas.Kwintas at bracelet lang ang suot niya. Nang makontento na siya sa itsura niya ay lumabas na siya ng kwarto. Naabutan niya namang kumakain sa sala ang anak niya.“Mommy!” tawag sa kaniya ng anak niya. Napangiti naman si Scarlett saka siya naupo sa sofa para mapantayan ang anak niya.“Kumain ka ng marami. Huwag na rin masyadong magplay ngayon okay? Pagkatapos mo kumain magpahindag ka saglit tapos magpashower ka na kay ate Keanne, do you understand?” tumango naman kaagad si Lucien kaya bahagyang ginulo ni Scarlett ang buhok ng an

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 6.2

    Hindi pumayag si Scarlett sa request ni Jared. Iniuwi niya na ang anak niya sa bahay nila. May handa naman sila sa bahay nila, ipinasyal niya lang ang anak niya para hindi ito maboring.Pagsapit ng alas dose ng gabi ay masaya silang dalawa na nagcelebrate ng christmass.“Merry christmass my baby.” Nakangiting saad ni Scarlett sa anak niya.“Merry christmass din sayo mommy. I love you so much po.” Malambing na sagot ni Lucien. Mahigpit na niyakap ni Scarlett ang anak niya saka ito hinalikan sa pisngi at noo. Kahit na dalawa lang silang magkasama sa buhay, masaya at kontento naman sila.Nang matapos silang kumain ng dinner ay nakatulog din kaagad si Lucien. Pinahiga na ito ni Scarlett sa kwarto nila. Habang mahimbing na natutulog si Lucien ay nakatitig si Scarlett sa anak niya.Napapabuntong hininga na lang siya. Nagsisimula na si Lucien na tanungin kung nasaan ang kaniyang ama. Hindi naman masabi ni Scarlett dahil hiwalay naman na sila ni Elijah. Hindi man naniniwala sa kaniya si Elija

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 6.1

    Limang taon ang lumipas simula nang umalis ng Pilipinas si Scarlett. Limang taon kaagad ang lumipas. Hindi niya akalaing nalampasan niya ang hirap ng buhay ng mag-isa niya lang. Ngayon nakapag-ipon na siya ng sapat at nabuild niya na ang pangalan niya sa industriya, panahon na para bumalik siya ng Pilipinas.Scarlett returns as a Renowned Designer. Now a global luxury designer under a new brand name. Colder, elegant, unrecognizable.Napangiti si Scarlett nang maamoy niya na naman ang mainit na hangin ng Pilipinas. Inalis niya ang sunglass niya nang makapasok siya sa van. Kasama niya ang anak niyang busy na nakatingin sa paligid nila.“This place is so hot, mom.” Seryosong wika ni Lucien, ang apat na taong anak ni Scarlett.“Maninibago ka talaga sa klima ng bansang ‘to, anak. Magkaiba sila ng klima sa New York but don’t worry, may aircon ka naman.” Sagot ni Scarlett. Hindi naman sumagot ang anak niya dahil nasa labas pa rin ng bintana ang paningin nito.Dumiretso na sila sa bahay na na

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 5.3

    Matamis na nakangiti si Scarlett sa napakarami nilang customers. Pinagkakaguluhan na naman ng mga ito ang new collection nila. Naunang nasold out ang mga jewelries ni Scarlett kaya tuwang tuwa na naman siya. Malaki na naman ang makukuha niya sa boss nila.“You’re truly exceptional, Scarlett. You re

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 5.2

    Pinuntahan ni Camila si Hazel sa office nito para pag-usapan nila ang mga plano nila sa jewelry business nila.Salubong ang mga kilay ni Camila habang nakatingin sa laptop niya. Hanggang ngayon ay hindi nagrereply sa kaniya ang designer na gusto niyang makuha. Napabuntong hininga na lang siya ng ma

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 5.1

    Simula nang umalis si Scarlett ay hindi ito hinanap ni Elijah. Nagpakasaya siya kasama si Camila. Pakiramdam ni Elijah ay nagkaroon siya ng panibagong buhay dahil nakawala siya sa pagsasama nila ni Scarlett.Noong gabing ibinigay ni Elijah ang divorce paper kay Scarlett ay pinirmahan naman ito kaag

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 4.3

    Walang nagawa si Scarlett kundi ang maghanap ng hotel kung saan siya pansamantalang manatili at magpalipas ng gabi. Nasa front desk na siya para magbook ng isang kwarto pero decline ang mga card niya.“I’m sorry ma’am pero decline talaga. Close naman na ang bangko ngayon para sana tumawag ka sa kan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status