Share

Kabanata 4

Penulis: Elara Night
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-16 12:10:09

Binisita ni Camila si Hazel sa office nito, ang ina ni Elijah. May dala-dalang mga pagkain at regalo para kay Hazel.

“Come in,” wika ni Hazel ng marinig niya ang katok.

“Good morning, Mrs. Logan.” Nakangiting bati ni Camila. Napatingin naman si Hazel sa pumasok at ng makita niya si Camila ay napangiti siya. Itinigil niya muna ang ginagawa niya para harapin si Camila.

“Napabisita ka, mija. May maitutulong ba ako sayo?” nakangiting wika ni Hazel. Ibinaba naman ni Camila ang mga dala niya.

“Dinalhan kita ng pagkain at mga regalo, Mrs. Logan. Pasasalamat na rin dahil nakipagmerge kayo sa business namin. Hindi niyo alam kung gaano kalaking tulong sa amin ng partnership niyo.”

“You deserve it naman, dear. Nag-abala ka sa mga regalo pero thank you.” Kinuha naman ni Camila ang isang jewelry box saka ito binuksan.

“Ako ang nagdesign ng kwintas na ito, Mrs. Logan. Nag-iisang design lang ito sa mundo. I hope you like it.” Natuwa naman si Hazel saka kinuha ang kwintas at tiningnan iyun.

“Napakaganda ng gawa mo, Camila. Napakatalented mong bata. I’m sure, maraming mga lalaki ang nagkakandarapa sayo at gusto kang pakasalan. Kung nakapaghintay lang sana si Elijah, ikaw sana ang pinakasalan niya.” napangiti si Camila. Tuwang tuwa siya dahil nagugustuhan na siya ni Hazel.

“How about Scarlett? You don’t like her?”

“Kung alam ko lang na wala siyang alam sa business, pinigilan ko sana si Elijah na pakasalan ang babaeng yun. Magpinsan kayong dalawa, iisang dugo ang dumadaloy sa inyo pero ang layo niyo sa isa’t isa. Ang dami niyong pinagkaiba. Napakagaling mo pagdating sa negosyo habang si Scarlett na pinsan mo, walang alam para matulungan man lang ang anak ko. Sa gawaing bahay na nga lang babawi, hindi pa niya magawa. Sana ikaw na lang ang naging asawa ni Elijah.” Kinikilig naman si Camila sa papuri sa kaniya ni Hazel

Tuwang tuwang isinuot ni Hazel ang kwintas na regalo sa kaniya ni Camila. Tiningnan pa niya ang sarili niya sa salamin.

“Napakaganda, dear. Thank you so much, Camila. If you need my help, huwag kang magdadalawang isip na sabihin sa akin.” Napangiti si Camila saka niya sinabi ang motibo niya.

“I like your son, Mrs. Logan. Gusto ni Elijah na makipagdivorce na kay Scarlett pero dahil wala siyang valid reason, hindi siya makapagfile ng divorce. Pwede mo ba akong tulungan?” napatingin si Hazel kay Camila.

“Anong pinaplano mo para umalis na ang babaeng yun sa buhay ng anak ko?” napangisi si Camila saka niya sinabi ang plano niya. Nagngitian silang dalawa nang magkasundo sila sa usapan.

---

Napangiti si Camila ng dumating sa condo niya si Elijah. Sinalubong niya ito kaagad at siniil nang halik.

“Akala ko hindi ka na darating. Bakit ngayon ka lang?” malambing na wika ni Camila.

“Traffic,” tipid na sagot ni Elijah. Nang maalis ni Elijah ang suit niya ay siniil niya nang halik si Camila.

“Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo? Okay lang ba dito ka matulog ngayon?” malanding sambit ni Camila.

“Pagod ako at ikaw ang pahinga ko Camila. Hindi naman yun magtataka kung bakit hindi ako umuwi. Pagod na pagod na akong umuwi sa kaniya. Ikaw ang kailangan ko ngayon.” Wika ni Elijah at muling siniil nang halik si Camila. Tumatawa naman si Camila nang makiliti siya sa leeg niya.

“Ano ba, nakikiliti ako.” Malanding wika ni Camila pero gustong gusto niya naman ang ginagawa ni Elijah sa kaniya. Nang matapos silang magsex ay nanatili sila sa kama. Nilalaro ni Camila ang mga daliri niya sa dibdib ni Elijah.

“Pwede ko bang isama si Scarlett bukas sa celebration ko?” wika ni Camila. Kunot noo namang tiningnan ni Elijah si Camila.

“Bakit mo naman siya gustong isama? Hindi naman kayo close para isama mo siya. Baka sirain niya lang ang celebration mo.”

“Hindi niya naman siguro gagawin yun lalo na at ikaw ang mapapahiya. Gusto ko lang naman na makasama siya lalo na at mga magulang niya ang may-ari ng pinapatakbo naming business ngayon. Ayaw ko namang isipin niyang wala na akong pakialam sa kaniya pagkatapos naming makuha ang kompanyang mamanahin niya sana. Please, pumayag ka na? I promise ako na ang bahala sa kaniya. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kaniya. Sa bar na lang kami magcecelebrate at kung malasing na kami, mangunguha na lang din ako ng kwarto dun.” Napapabuntong hininga naman si Elijah. Nagtataka man siya kung bakit biglang gustong makasama ni Camila ang asawa niya pumayag pa rin siya.

“Masyado kang mabait, Camila. Binibigyan mo pa ng oras ang pinsan mo.”

“Balita ko kasi nasa loob na lang siya ng bahay kaya naisipan kong isama na lang siya para naman makapagcelebrate kaming dalawa. Pupunta ka naman hindi ba?” tumango naman si Elijah.

---

Pagkatapos magshower ni Scarlett ay bumaba na siya.

“Wala pa ba si Elijah?” tanong niya sa mga katulong nila.

“Wala pa ma’am,” sagot ng isa. Napapabuntong hininga na lang si Scarlett. Napapansin niyang napapadalas na hindi umuuwi sa bahay nila si Elijah. Napapaisip siya kung busy lang ba ito o kung iba na ang tinatrabaho.

“Hindi ka pa ba kakain?” tanong ng mayordoma ng bahay nila. “Malamig na ang mga pagkain.”

“Hintayin ko na lang si Elijah baka naipit lang siya sa traffic.” Sagot ni Scarlett. Naaawa naman na sa kaniya ang mayordoma ng bahay nila dahil nagtitiis pa rin si Scarlett sa kung anong buhay nito at sa pakikitungo ni Elijah sa kaniya.

“Alas nwebe na ng gabi, hija. Paano kung hindi umuwi si Elijah? Magugutom ka na naman. Namamayat ka na sa kakahintay sa kaniya dahil hindi ka rin kumakain kapag hindi siya umuuwi. Halika na, Scarlett. Kumain ka na.” pag-aaya ng mayordoma. Tipid namang ngumiti si Scarlett saka siya sumunod sa kusina.

Tinawagan ni Scarlett ang number ng asawa niya pero ring lang ito nang ring.

Kinabukasan, nagulat na lang si Scarlett ng makita niya ang pinsan niyang si Camila sa loob ng bahay nila.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Scarlett. Napangiti naman si Camila sa kaniya.

“Gusto ko sanang i-invite ka para sa celebration ko mamaya sa hotel. May mga kasama akong mga bussinessmen. Gusto mo bang ipagpatuloy ang passion mo sa designing? Malay mo may makilala ka dun at makapag-apply ka sa kanila.” Napapaisip naman si Scarlett pero para saan pa kung papayag siya kay Camila kung hindi naman siya papayagan ng asawa niya.

“Thank you for inviting me, Camila, pero hindi ako makakapunta. Hindi ako papayagan ni Elijah.”

“Paano kung sabihin ko sayong pumayag na si Elijah? Pinagpaalam na kita sa kaniya kaya wala ka ng maidadahilan sa akin. Sayang naman ang talent mo kung itatago mo lang yun.” napakunot ng noo si Scarlett.

“Pumayag si Eijah?” tanong niya.

“Oo, kung ayaw mong maniwala kausapin mo siya mamaya kapag nakauwi siya. Susunduin kita dito mamaya, ha? See you later, Scarlett. Lumabas ka naman ng bahay para naman hindi ka lang nakakulong dito. Hayaan mong maranasan ang mga party party. Wala ka pa namang anak, so you should enjoy your life.” Saad ni Camila saka ito umalis.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 5

    Nang dumating si Elijah ay kaagad siyang sinalubong ni Scarlett para kunin ang suit at bag nito. Nagdadalawang isip pa si Scarlett kung magpapaalam ba siya sa asawa niya para sumama kay Camila.Humugot ng malalim na buntong hininga si Scarlett saka tiningnan ang asawa. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang nakatingin sa kaniya ang asawa niya.“What? May sasabihin ka?” tanong nito. Ngumiti naman si Scarlett.“Iniimbitahan kasi ako ni Camila para sa celebration niya mamaya. Pwede ba akong sumama?” malambing niyang wika. Napapabuntong hininga naman si Elijah saka tiningnan ang asawa mula ulo hanggang paa na tila ba nahihiya pa itong ilabas ang asawa niya.“Pumunta ka kung gusto mo pero ito lang ang sasabihin ko sayo, Scarlett. Oras na binigyan mo ako ng kahihiyan sa mga bisita ni Camila, huwag ka ng umuwi dito at huwag ka ng magpapakita sa akin.” May diing sambit ni Elijah. Napapayuko naman si Scarlett. Hindi naman siya mahilig gumawa ng gulo bakit naman naisip ng asawa niya na gaga

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 4

    Binisita ni Camila si Hazel sa office nito, ang ina ni Elijah. May dala-dalang mga pagkain at regalo para kay Hazel.“Come in,” wika ni Hazel ng marinig niya ang katok.“Good morning, Mrs. Logan.” Nakangiting bati ni Camila. Napatingin naman si Hazel sa pumasok at ng makita niya si Camila ay napangiti siya. Itinigil niya muna ang ginagawa niya para harapin si Camila.“Napabisita ka, mija. May maitutulong ba ako sayo?” nakangiting wika ni Hazel. Ibinaba naman ni Camila ang mga dala niya.“Dinalhan kita ng pagkain at mga regalo, Mrs. Logan. Pasasalamat na rin dahil nakipagmerge kayo sa business namin. Hindi niyo alam kung gaano kalaking tulong sa amin ng partnership niyo.”“You deserve it naman, dear. Nag-abala ka sa mga regalo pero thank you.” Kinuha naman ni Camila ang isang jewelry box saka ito binuksan.“Ako ang nagdesign ng kwintas na ito, Mrs. Logan. Nag-iisang design lang ito sa mundo. I hope you like it.” Natuwa naman si Hazel saka kinuha ang kwintas at tiningnan iyun.“Napakaga

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 3

    Nang magising si Camila ay nilalaro niya ang mga daliri niya sa dibdib ni Elijah. Napapangiti siya dahil hindi man lang siya nahirapan na makuha si Elijah ngayong gabi. Nang magising si Elijah ay tiningnan niya si Camila. Nagulat pa siya ng makita niyang si Elijah ang nasa tabi niya. Nang maalala niya naman ang nangyari kagabi ay napapikit na lang siya. Tumayo na si Elijah saka niya pinulot ang mga damit niya sa sahig.“Aalis ka na? Iiwan mo na ako kaagad dito?” nakangusong wika ni Camila. Napangiti naman si Elijah saka niya bahagyang pinitik ang noo ni Camila.“Kailangan kong umuwi, sweety.”“Uuwi ka sa asawa mo? Bakit ba kasi hindi mo pa siya iwan? Hindi mo naman siya gusto diba? Napilitan ka lang naman na pakasalan siya dahil sa business. Ngayong kami na ang nagmamay-ari ng business ng mga magulang ni Scarlett, bakit hindi mo pa siya iwan?” Naupo si Elijah sa tabi ni Camila saka niya ikinawit sa likod ng tainga ni Camila ang mga buhok nito.“I’m still her husband, Camila. I am plan

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 2

    Isinama ni Elijah si Scarlett sa isang charity gala. Hindi naman maalis ang ngiti sa mga labi ni Scarlett dahil naisipan siyang isama ng asawa niya sa isang event. Palagi na lang kasi siyang nasa loob ng bahay.Busy na nakikipag-usap si Elijah sa mga businessmen na kakilala nito habang nasa tabi niya lang si Scarlett.Napapataas naman ang kilay ni Camila ng makita niya si Scarlett.“Mom, why is she here?” tanong ni Camila sa kaniyang ina. Sinundan naman ni Eleanor ang tinitingnan ng anak niya at nakita niya naman si Scarlett.“I don’t know, siguro isinama ni Elijah. Akala ko ba ay nakikipagmabutihan ka na kay Mr. Logan? Bakit isinama niya rito ang babaeng yan?” pagbubulungan nilang dalawa. Napapairap na lang si Camila saka siya ngumiti nang lapitan niya sina Elijah at iba pang mga businessmen.“Hi, I hope you guys are enjoying this night.” Matamis na nakangiti si Camila saka niya tiningnan si Elijah.“Miss Mason, you’re so beautiful tonight.” Papuri naman ng iba na ikinangiti ni Camil

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 1

    Scarlett is a quiet, loving wife married to Elijah, a cold CEO who never valued her. Nagluto si Scarlett ng mga paboritong pagkain ni Elijah. It’s been five years simula nang maikasal siya kay Elijah pero hanggang ngayon wala pa rin silang anak. Sinusubukan naman nila magkaroon ng anak pero hindi pa rin ito ipinagkakaloob sa kanila.Nang matapos siyang magluto ay naghain na rin siya. Napangiti siya ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Lumabas siya kaagad sa kusina para salubungin ang asawa pero nawala ang ngiti sa mga labi niya ng ang dumating ay ang mother-in-law niya.“Mom, anong ginagawa mo dito?” magalang niyang tanong. Tinaasan naman siya ng kilay ng mother-in-law niya.“Nasaan si Elijah?” tanong ng hindi man lang sinasagot ang tanong niya.“Hindi pa siya umuuwi,” sagot ni Scarlett. Dumiretso namang umupo si Hazel sa sofa.“Siguro nagsasawa na rin ang anak ko sayo kaya palagi ng late umuuwi sayo. Bakit kasi hindi mo man lang gayahin ang pinsan mong si Camila? Napakagaling niy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status