MasukNanatiling tahimik sandali ang lalaking nakaharap sa kabilang linya, Ilang taon na niyang kilala si Amara, ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataong narinig niya itong gumamit ng salitang "nagsusumamo."Tiyak na napakabigat at mapilitan ang sitwasyon."Sige." agad na sumang-ayon ang lalaki.Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at hindi na nagkaroon ng panahong magtanong kung ano ang nangyari. Sinabi na lamang niya, “Ibigay mo sa akin ang lokasyon, magpapapunta muna ako ng tao, hintayin mo.”“Amara, bilisan mo!” Sigaw ni Ella sa pangalan niya.Pinatay ni Amara ang tawag at agad na tumungo sa kinaroroonan nito.“May naibalik na ilang video mula sa CCTV nila Mike.”Agad na nagtipon-tipon ang lahat sa harap ng monitor.Naibabalik nang dalawang bata ang mga recording sa gate ng paaralan. Ipinapakita rito na may itim na kotse na lumabas ng eskwelahan, ilang minuto matapos pumasok si Sally sa banyo.Matapos mawala si Sally, ito lang ang nag-iisang sasakyan na lumabas ng eskwelahan.Itinuro ni
Samantala, naroon na sina Mike at Miko sa monitoring room, at pinalilibutan sila ng ilang mga security guard, guro, at pati na rin ang principal.Sobrang seryoso ng mukha ng dalawa habang mabilis na gumagalaw ang mga daliri sa keyboard. Sabay silang nagtrabaho isa ang tumitingin sa loob ng building, at isa naman sa labas ng gate.Hindi nagtagal, naningkit ang mga mata ni Mike na bihirang magpakita ng emosyon."Pinakialaman ang CCTV. Na-edit 'to." bulalas niya.Lumingon si Miko. "Ako rin."Kitang-kita na may parteng pinalitan o tinanggal sa recording, kaya hindi napansin ng mga nagmo-monitor na may kakaiba.Kahit yung camera mismo sa entrance... pakiramdam nila, may mali rin doon.Sa oras na nawala si Sally, walang anumang sasakyan na pumasok o lumabas sa gate.Pero hinalughog na nila ang buong eskwelahan at wala talaga.Sigurado ang dalawa... wala na si Sally sa loob ng eskwelahan.Kitang-kita na planado at inaral nang mabuti ang pagdukot."Mike! Miko."Dumating na humahangos si Ella.
Nalunod lang ang sigaw niya sa ingay, tawanan at daldalan ng mga kaklase niya sa loob ng classroom.Akala ni Sally ay katapusan na niya... at nawalan na siya ng malay.Mabilis na umalis ang lalaki habang buhat si Sally. Nakita ng mga kasabwat niyang nag-aabang sa dilim na nagtagumpay na sila, kaya agad nilang inayos ang paraan para makatakas.Sa sandaling ito... nasa loob na ng isang maliit na bahay si Sally.Umiikot ang paningin ni Sally at medyo nahihilo pa siya. Gusto sana siyang magsalita pero walang boses na lumalabas. Pilit lang niyang dinilat nang kaunti ang mga mata niya.Narinig niyang may mga taong nag-uusap sa paligid."Ms. Barreto, anong gagawin natin sa batang ito?""Napakadali naman para kay Amara kung papatayin lang namin ang anak niya. Eksperto naman kayo sa mga ganitong bagay, 'di ba? Wala ba kayong maisip na mas masakit na parusa?" bungad ng kausap."Paano kung ibenta na lang natin siya sa mga liblib na baryo sa gitna ng kabundukan..." sagot ng lalaki."Hindi, may na
Kinaumagahan.Sobrang excited ang tatlong bata pumasok sa paaralan, lalo na si Sally.Pagkatapos mag-almusal, sabay-sabay na dinala nina Amara at Ella ang mga bata sa eskwelahan.Habang pinapanood silang pumasok, marahang kumaway si Amara.Lagi namang may halong kaba at pag-aalala ang puso ng isang ina. Habang papunta, paulit-ulit niya silang pinaalalahanan: kumain nang mabuti, huwag mapili sa pagkain at puro karne lang kainin, matulog nang sapat, huwag makipag-away sa mga kalaro, at sabihin agad sa kanya kapag may nararamdaman silang sama ng loob o naapi sila.Sumakay na lang din sila sa kotse nang tuluyan nang mawala sa paningin nila ang mga bata.Napansin ni Ella na mukhang hindi maganda ang lagay ni Amara, kaya inilapit niya ang kamay at pinatong sa noo nito.Sobra talaga ang init, nilalagnat siya."Nilalagnat ka?" tanong ni Ella.Hinawakan ni Amara ang mukha niya at kumuha ng tubig sa loob ng kotse. "Medyo lang.""Anong medyo! Ang init-init nito, pwedeng-pwede nang magprito ng it
Napakuyom nang mahigpit ang palad ni Amara.Matapos ang halos kalahating minutong katahimikan, nagulat siya nang makitang kumunot ang noo ni Nardo.Parang hindi pala iyon ang resultang inaasahan o gusto niyang mangyari."Anong sabi?" Hindi na rin mapakali ang matanda at nag-aalalang tanong kung ano ang nakasulat.Paulit-ulit na sinasabi ni Amara sa sarili: Ayos lang, kakayanin ko. Kahit habambuhay ko itong tiisin at hindi na maghiwalay, kahit makulong ako sa piling ng mga taong hindi ko gusto, gagawin ko para sa anak ko.Nang tanungin siya ng matanda, inangat ni Nardo ang ulo at ipinatong sa mesa ang papel. Nanatili siyang nakatitig nang matalim kay Amara.Naintindihan agad ng matanda ang ibig sabihin nito. Ang kislap ng pag-asa na biglang sumilay sa mukha nito ay agad ding naglaho at bumalik sa pagiging seryoso.Sa huli... nag-isip lang sila nang mag-isip at mali pala ang hinala nila.Hindi inaalis ni Amara ang tingin kay Nardo. Nang umiling ito, napapaisip siya kung nananaginip lang
"Hmm." Tanging tango at maikling sagot lang ang ibinigay ni Nardo sa mga kasambahay. Nagpalit siya ng sapatos at dumiretso na sa sala.Narinig iyon ni Amara at hindi niya namalayang napalingon siya. Doon ay nagtagpo ang mga mata nila ni Nardo.Kakatapos lang nila mag-away kaninang tanghali, pero hindi naman nakaramdam ng hiya si Amara nang magkita sila ulit.Nakatitig lang si Nardo sa kanya, malalim at hindi mabasa ang emosyon sa mga mata.Naalala niya ang sinabi nito kanina, inaamin nitong mali siya at nabigo siya bilang asawa noon.Mabigat talagang aminin ang pagkakamali, lalo na sa katulad niya.Iniwas na lang ni Amara ang tingin at ipinagpatuloy ang pagbabalat at pagkain ng dalandan.Kitang-kita naman ng matanda na may kakaiba sa dalawa at parang may lamat sa hangin."Nag-away na naman ba kayo?" bahagyang tanong ng matanda."Wala po, Lolo." Ayaw ni Amara na mag-alala pa ang matanda kaya itinanggi niya.Hindi rin umimik si Nardo. Dumiretso lang ito at umupo sa isang sofa.Ngayong k
Kitang-kita na ipinagtatanggol siya ni Nardo. Dahil dito, agad na nagbago ang ihip ng hangin at nagsabayan na lang sila:"Oo nga, biro lang naman 'yan. Miss Barreto, huwag na po masyadong seryosohin.""Punong auctioneer, patawad po kung nasobrahan kami."Tumango lang nang bahagya si Amara.Matalino
Pagkabigkas pa lang ni Mistica, agad na sumabay at nag-ingay ang marami.Kumunot ang noo ni Amara at nanlamig ang boses:"Miss Barreto, hindi ako bagay o gamit para ibenta. Hinding-hindi ako sasali sa ganitong klaseng bidding." malamig niyang sabi."Eh hindi naman ganun. Laro lang naman ito, naglal
Paano naman niya hahayaang maagawan o mapahiya ang sarili niya?Si Amara mula noon... hindi siya nagpapatalo at lalong hindi nagpapabigat.Sa backstage naman, nagngingitngit si Shena sa galit.Bwisit! Tama pala talaga ang babaeng 'yan!Tama siya? Pero paanong nangyari?Nanginginig sa inis at galit
Syempre, hindi basta-basta ang mga auctioneer na kayang humawak ng ganito kalaking event.Ang dapat na nasa entablado... ay siya.Alas-sais na ng gabi.Imperial Capital Hotel.May isang oras na lang bago magsimula ang auction.Nakaupo si Amara sa silid pahingahan at abala sa pagre-reply sa messages







