Share

Chapter 7

Author: Jessa Writes
last update Last Updated: 2024-12-05 01:24:03

Umingay ang paligid, halos hindi sila makapaniwalang ililibre sila ng kanilang Manager. Nang matapos na si Marga sa kaniyang ginagawa, nagpasya siyang ihatid ang isang kontrata sa opisina ni Brandon. Papasok na sana siya nang marinig ang boses ng kaniyang kapatid sa loob.

“Wala ba talaga akong silbi rito sa kompanya? Marami kasi ang nagsasabi na ang layo ko raw sa kapatid ko.” Nagsisimula na naman mangilid ang mga luha sa mata ni Cathy dahil maraming beses niya ng narinig ngayong araw ang mga sinasabi ng ibang empleyado sa kaniya.

Nangunot ang noo ni Brandon. “Magkaiba kayong dalawa, Cathy.” Pinunasan niya ang luhang Nangingilid sa mga mata ng dalaga.

Humugot muna ng malalim na hininga si Marga bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng opisina. “Mr. Fowler, this is the latest information from Mr. Minerva,” kalmadong sabi ni Marga. Sinulyapan niya muna si Cathy bago inilagay sa ibabaw ng mesa ang mga dokumento.

The new contract and latest cooperation proposed by Calix Minerva and Celso Minerva.

Nangunot ang noo ni Brandon at dahan-dahang bumaling kay Marga. “Celso Minerva is pursuing you.”

Hindi na lang pinansin ni Marga ang sinabi ni Brandon. Wala siyang pakialam. Yumuko siya nang mapansing may tumatawag kay Brandon, walang iba kung ‘di ang Lolo nito.

Brandon’s Grandpa treat her very well. Nagkakasundo silang dalawa sa lahat ng bagay. Parang naging pangalawang ama na rin ito ni Marga.

“Gusto kang makita ni Lolo. Samahan mo akong magpunta sa lumang bahay mamayang gabi,” saad ni Brandon nang ibaba niya na ang tawag.

Tumango lang si Marga at nagpaalam na lalabas na siya. Nang makalabas na siya ay narinig niya ang sinabi ni Cathy.

“Nagseselos ako sa kapatid ko dahil malaya siyang makakabalik sa bahay nila Lolo kasama ka,” saad ni Cathy.

“Huwag kang mag-aalala. Dadalhin kita roon, Magugustohan ka ni Lolo,” Brandon said gently.

Biglang napaisip si Marga. Dahil hiwalay na silang dalawa ni Brandon, ang pwedeng pumunta sa bahay ng pamilyang Fowler ay si Cathy, hindi na siya ang isasama ni Brandon.

Nang napadaan si Marga sa secretarial department, hindi niya mapigilang makinig sa mga pinag-uusapan ng ibang empleyado.

“Hindi ko alam kung saan galing ang koneksiyon ni Cathy kaya siya nakapasok sa kompanya, pero palagi kasi siyang prinoprotektahan ni President Fowler.” Hindi makapaniwalang saad ng isang empleyado.

“I heard her grades were average, pero nakapasok siya sa isang university with her art major. Mas lamang pa siya sa atin. Ang unfair lang talaga. Porket may backer siya ay ganoon na lang kadali. Parang wala nga siyang alam sa mga simpleng trabaho. Tapos ang palaging dinadahilan ay dahil bata pa siya at fresh graduate. Hindi talaga nababagay sa kaniya ang posisyon. Marami naman sanang mas deserving, pero siya talaga ang napili.”

“Well, she is Mr. Fowler’s sweetheart.”

Hindi na kinaya ni Marga ang pangba-backstab ng mga empleyado sa secretarial department kaya umakto siya na may kausap sa telepono upang maagaw ang atensiyon ng lahat. Nang makita nila si Marga ay Tumahimik kaagad ang buong department.

“Hello, Manager Santillan,” sabay-sabay na bati sa kaniya ng lahat.

“Kahit ilang beses pa siyang magkamali, wala pa rin tayong magagawa kasi alam naman natin kung gaano siya kalapit sa boss natin. She worked so hard to get the position, pero dahil lang sa ilang salitang hindi niya naintindihan ay nakagawa siya ng mali. Mag-focus na lang kayo sa mga ginagawa ninyo kesa pag-usapan ang buhay niya,” saad ni Marga bago siya umalis.

Marga held the first internal meeting. The meeting was reaching its climax and next step of cooperation goals had been decided when the door of the conference room was suddenly open. Hindi man lang ito kumatok bago pumasok.

The meeting is adjourned. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa babaeng nakatayo sa pinto. Ang taong dumating ay walang iba kung ‘di si Cathy, ang bagong paborito ni Brandon ayon sa karamihan.

Pinatay ni Marga ang presentation, tumaas ang isang kilay niya, at bumaling sa mga security guard na nagbabantay sa labas ng meeting room. “Who told you to let people in? Kailangan ko pa bang ipaalala sa ‘yo na pagpupulong ito ng project team? Kung may kakalat na impormasyon, can you bear the compensation?”

Nanigas sa kinatatayuan nito ang security guard at nang makabalik na ito sa sarili, palalabasin na niya sana si Cathy nang pumasok ito sa loob ng meeting room at lumapit kay Marga.

“Ate Marga, you can’t do this to me,” saad ni Cathy.

Ate? Nagsisimula na naman kumulo ang dugo ni Marga. Ang inosente ng mukha ni Cathy, parang anghel.

“Cathy, sa pagkakaalam ko, ako lang ang nag-iisang anak ng aking ina. Hindi ako worth it na tawagan mong Ate,” mahinahong sabi ni Marga. “Ngayong araw ay may meeting ako with project team. Secretary Santillan, kung wala kang importanteng kailangan, umalis ka muna at huwag mo kaming disturbohin.”

“Ate Marga, hindi ako nagpunta ito upang disturbohin kayo sa ginagawa ninyo. Nagpunta lang ako rito upang humingi ng paumanhin!” pagmamatigas ni Cathy.

Nagkibit-balikat si Marga. “Para saan? Busy ako ngayon, Cathy. Nakita mo naman sigurong may ginagawa kami, ‘di ba?” Hindi na mapigilan ni Marga ang nararamdamang inis sa para sa kaniyang kapatid.

Cathy was stunned for a moment. Dumapo ang mga mata niya sa lalaking nakatayo sa labas. Mabilis nag-iba ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. Namumula na naman ang mga mata niya. Dahan-dahang naglabasan ang luha sa kaniyang mga mata. Namilog ang mga mata ni Marga nang biglang Lumuhod sa harapan niya ang kaniyang kapatid habang umiiyak.

“Gusto ko lang talagang humingi ng paumanhin. Pwede bang tigilan mo na ang pagsasalita ng mga masasama sa akin.” Humagulhol sa pag-iyak si Cathy. “We all work at Fowler’s. I just don’t want to make thing difficult for Brandon. Ate, can’t you really take a step back?”

“Secretary Santillan, huwag mo siyang tawagan sa kaniyang pangalan. Nasa trabaho tayo. Hindi maganda ang pinapakita mong behavior dahil baka isipin ng ibang empleyado na hindi marunong ang boss natin mag-distinguish between private and public affairs,” malamig na sabi ni Marga.

“That’s enough.” Suddenly, a man’s deep voice came from outside the door.

Kumuyom ang mga kamao ni Marga nang mapagtantong umaarte lang si Cathy sa harapan ng lahat. Hindi niya maintindihan ang kaniyag kapatid. Simula nang naging sekretarya ito sa kompanya ay panay na lang ang pagpapapansin nito sa kaniya. Kahit wala naman siyang ginagawa, si Cathy ang gumagawa ng paraan upang mapagalitan si Marga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anna Marie Andrion
bwisit naman tong cathy feelingera
goodnovel comment avatar
Maria
ganfa ng story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • After Divorced: Chasing His Ex-Wife   Author's Note

    Hello!Finally, natapos na rin ang After Divorced: Chasing His Ex-Wife at naging masaya naman ang ating second lead na si Clinton. Hahaha. Nagpapasalamat po ako sa GoodNovel Family at sa mga mambabasa na umabot hanggang WAKAS. Although, medyo maraming errors ang naunang version ng book kaya nag-revise ako, still pinagpatuloy n'yo pa rin. Gagawan ko po ng story sina Clinton at Kanata. Bali continuation na po siya sa huling chapter dito. They're secret lovers na sa kwento nila. Sana ay suportahan n'yo rin po. Love you all!- Jessa Writes 🩷

  • After Divorced: Chasing His Ex-Wife   Wakas

    Hindi mapakali si Clinton habang nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan. Ilang beses siyang sumulyap sa relo, sa phone, at pabalik sa entrance ng café kung saan sana sila magkikita ni Kanata para sa second date nila."She’s thirty minutes late," mahina niyang sabi, pilit pinapakalma ang sarili. Pero sa bawat minutong lumilipas, nararamdaman niyang unti-unting binabayo ng kaba at inis ang dibdib niya.Nag-text siya, wala. Nag-call, cannot be reached.He waited ten more minutes bago siya sumuko. Inis na inis siyang pinaandar ang sasakyan. Where the hell is she?And then, just as he was about to turn towards EDSA, napansin niyang may post ang kaibigan ni Kanata sa I*******m. “Chillin’ with my girl @KCrz at The Glass House Bar 🍸✨”Nagdilim ang paningin ni Clinton.“Really, Kanata? A bar? While I was waiting like a damn fool?”Hindi na siya nagdalawang-isip. Sa sobrang frustration, dumiretso siya sa bar na iyon. Nakakuyom ang mga kamao habang naglalakad papasok. Hindi siya sigurado kung ano a

  • After Divorced: Chasing His Ex-Wife   Chapter 162

    One Year Later Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa hardin ng isang eleganteng beach house sa Batangas. Hindi kalayuan sa may veranda, nandoon sina Brandon at Marga, naka-relax sa isang swing chair habang pinagmamasdan ang isang munting nilalang na may maamong mukha, kulot-kulot na buhok, at mata na parehong minana sa kanilang dalawa.“Tignan mo ‘yan,” ani Marga habang bahagyang tumatawa, “he’s trying to eat the sand again.”“Baby, not the sand,” mariing sabi ni Brandon habang dali-daling lumapit kay Cassiel Voltaire, ang kanilang isang taong gulang na anak na tila ba walang pakialam sa mundo—maliban sa buhangin at sa mini shovel na bitbit nito.Pinulot ni Brandon ang bata, sabay dampi ng halik sa pisngi nito.“You’re lucky you’re cute,” he said in a soft but amused voice. “Otherwise, Daddy would’ve made you mop the floor with your tongue.”“Oh my God, Brandon!” natatawang saway ni Marga. “He’s just a baby!”“Exactly. He needs early exposure to my sarcasm. Para prepared siya sa mun

  • After Divorced: Chasing His Ex-Wife   Chapter 161

    Tahimik ang paligid habang papalapit sila sa kanilang honeymoon suite sa isang private villa sa Amanpulo—isa sa pinakamamahaling beach resorts sa buong bansa. Sinalubong sila ng malambot na simoy ng hangin at ang banayad na tunog ng alon mula sa dagat. Ang buong lugar ay tila isinulat mula sa isang fairytale—glass walls, wood accents, at mga petal-strewn pathways. The night itself felt like a long-awaited dream finally unfolding.Pagkapasok pa lang sa suite, tahimik si Marga, pinagmamasdan ang bawat detalye ng kwarto. Lahat ay puting linen, may sariwang bulaklak sa kama, may wine sa tabi ng jacuzzi. Pero hindi iyon ang dahilan ng kaba niya.Pakiramdam niya ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya habang nararamdaman ang presensya ni Brandon sa likod niya. Hindi pa man nagsasalita ang lalaki, nararamdaman na niya ang bigat ng titig nito sa kanyang likuran—parang sinisilaban ang balat niya kahit wala pang hawak.Tumigil siya sa harap ng malaking glass door na tanaw ang dagat.“Too per

  • After Divorced: Chasing His Ex-Wife   Chapter 160

    Isang linggo na lang bago ang itinakdang kasal nina Brandon at Marga, ngunit kahit pa puno ng excitement ang paligid, hindi maitatanggi ang kapansin-pansing tensyon at kaba sa bawat kilos nila. Sa loob ng isang marangyang events hall sa Quezon City, abala ang mga wedding planner, florist, stylist, at coordinator sa pag-aayos ng lahat. May mga sample centerpiece sa bawat salitang mesa, pinipili ang mga bulaklak, at tinatapos ang final layout ng altar.Si Marga, suot ang isang eleganteng cream-colored dress habang hawak ang planner notebook, ay nakaupo sa isang gold-accented velvet couch. Pinagmamasdan niya ang ilang sketch ng kaniyang wedding gown mula sa isang sikat na designer. Sa kabilang banda, si Brandon ay kausap ang event coordinator sa phone, pinapa-confirm ang arrival ng imported white roses na pinili ni Marga mula sa Netherlands.“You don’t need to stress yourself, baby. Let me handle everything,” sabi ni Brandon habang lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo.Marga smiled

  • After Divorced: Chasing His Ex-Wife   Chapter 159

    Maakalipas ang tatlong araw mula nang mailigtas sa bingit ng kamatayan, unti-unti nang bumabalik ang lakas ni Brandon. Bagama’t nanatili pa rin siyang nakaratay sa kama ng ospital, unti-unti na ring bumabalik ang kulay sa maputla niyang balat, at ang dating malamlam na mata ay muling nagkakasilay ng liwanag.Hindi man lubos makagalaw, alam niyang may nagbago sa loob niya—hindi lamang sa pisikal kundi sa emosyonal. Nakahiga si Marga, nakasandal sa mga unan habang binabantayan ang tulog na tulog na sanggol na si Cassiel sa crib sa tabi ng kama. Katabi rin niya si Marga na nakaupo sa mahabang couch, nakatulog sa kakabantay sa kaniya buong gabi.Pinagmasdan niya ang babae, ang bawat guhit ng mukha nito, ang bahagyang pagkakunot ng noo, at ang paggalaw ng dibdib habang maayos itong humihinga. Sa tagal ng panahong pinaghiwalay sila ng galit, pride, at maling akala—ngayon lang niya muling nakita ang ganitong katahimikang matagal niyang hinanap."She looks so tired…" mahinang bulong niya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status