Chapter: Chapter 136"Ma’am, gising pa po ba kayo?" tanong ng bodyguard, ang boses ay maingat, tila nag-aalala sa estado ng kanyang amo.Bahagyang ibinaba ni Denn ang kanyang mga mata, at isang mahina at malalim na umungol ang umabot mula sa kanyang bibig. Hindi na ito bago para sa kanya. Sa kabila ng lahat ng ginugol niyang oras, hirap, at pagsakripisyo, nanatili ang katahimikan sa paligid ng kanyang mundo."Malaki na ang nabawi ng katawan niya," patuloy na paliwanag ng bodyguard, ang tono ay mas malumanay na ngayon, "pero ang research explosion noong taon na iyon ang labis na nakasira sa kanyang body functions. Dagdag pa, ang open at secret struggles sa kanyang pamilya ang nagdelay sa pinakamagandang oras para sa kanyang treatment. Ngayon, ang tanging paraan para gisingin siya ay ang stimulate ang kanyang utak."Bahagyang napansin ni Denn ang ngiti sa labi ng kanyang bodyguard nang banggitin ang mga salitang iyon. Hindi lamang dahil sa propesyonal na relasyon nila, kundi dahil sa isang bagay na mas malal
Terakhir Diperbarui: 2025-04-28
Chapter: Chapter 135Pagkaalis ni Marga mula sa mansyon ng pamilya Santillan, isang malamig na takot ang gumapang sa kanyang balat, tila ba may bumalot na malamlam na ulap sa kanyang buong pagkatao. Para siyang nakatayo sa pagitan ng dalawang mundo — ang dati niyang paniniwala at ang bagong katotohanang pumunit dito.Matagal na niyang kinamuhian si Ferdinand Santillan. Ang galit niya rito ay malalim, nakaugat sa pagkawasak ng buhay ni Denn Corpuz — o iyon ang akala niya noon. Ngunit sa pag-ikot ng tadhana, sa isang iglap, bumaligtad ang lahat. Si Ferdinand pala ang tunay na biktima. Nakakatawa kung iisipin, ngunit sa kabila ng katatawanan ay may kirot, may pagkalito, at higit sa lahat, may bigat na hindi niya kayang bitawan."Buhay pa kaya siya?" bulong ni Marga, halos hindi na niya naririnig ang sarili.Tumigil si Clinton sa paglalakad. Sandaling dumilim ang kanyang mga mata, bago siya tumingin kay Marga at marahang nagsalita."Guess why he wanted to study holography so badly, Marga. Bakit mo sa tingin na
Terakhir Diperbarui: 2025-03-22
Chapter: Chapter 134Alam ni Cathy kung alin ang dapat unahin. Hindi siya isang babae na natutulala lang kapag may problema—alam niya kung kailan dapat humingi ng tulong, at kung kanino. Tumango siya, pilit na nilalabanan ang kaba, habang iniisip kung paano kakausapin si Brandon para sa tulong na kailangan nila.Samantala, sa lumang bulwagan ng mansyon, si Ferdinand Santillan ay naiwan mag-isa.Nakatayo siya sa gitna ng malawak na silid, tila isang kaluluwang nawawala sa sarili niyang mundo. Ang dating lakas at tikas ng kanyang katawan ay tila unti-unting inaanod ng panahon. Hindi na siya bata—mahigit limampung taon na siyang nabubuhay sa mundo—pero pinipilit pa rin niyang mapanatili ang kanyang sigla. Madalang siyang manigarilyo, at mas bihira pa siyang uminom, maliban na lamang kung may mga espesyal na okasyon.Kahit pa ganun, dala pa rin niya ang isang klaseng alindog na hindi basta-basta nabubura. Ang kanyang tindig ay matikas, ang kanyang anyo'y elegante pa rin, kahit na ang pilit na itinatagong pagod
Terakhir Diperbarui: 2025-03-20
Chapter: Chapter 133Natigilan si Marga sa kinatatayuan niya matapos marinig ang mga salitang binitiwan ni Ferdinand. Ang buong paligid ay tila nagdilim; ang mga tunog ng mundo ay naglaho. Para siyang isang punong pinutol mula sa ugat, halos hindi na niya maihakbang ang kanyang mga paa.Tahimik na lumapit si Clinton sa kanya. Inilagay nito ang matatag at protektibong braso sa kanyang balikat, tila ba sinasalo ang bigat ng mundong biglang bumagsak kay Marga. Ang kanyang mga mata, na dati’y puno ng kumpiyansa, ay ngayon ay nagmistulang isang madilim na ulap—hindi mabasa, hindi mahulaan.Sa gitna ng bigat ng hangin, nanumbalik sa isipan ni Marga ang kwento ni Denn Corpuz—isang alamat sa loob at labas ng bansa. Kahit matagal na itong pumanaw, ang kanyang pangalan ay patuloy pa ring lumulutang, pinupuri, at minsan, binabalot ng misteryo sa mundo ng industriya.Noong panahong iyon, sa simula pa lamang ng pagsulong ng teknolohiya sa Pilipinas, si Denn Corpuz na ang nangahas na sumalungat sa agos. Siya ang unang n
Terakhir Diperbarui: 2025-03-03
Chapter: Chapter 132Lubos nang naguguluhan si Ferdinand Santillan. Hindi niya inakala ang balitang narinig mula sa kanyang tauhan — ang mga damit ni Denn Corpuz, ang kanyang pinaka-kinamumuhiang alaala, ay dinala ni Cathy sa Bustamante Auction, nang wala man lamang abiso o pahintulot mula sa kanya.Malalaking hakbang ang ginawa niya papalapit kay Cathy, nanginginig ang mga kamay sa galit."Kinuha mo ang mga gamit ni Denn Corpuz nang hindi ko alam?" bulyaw niya, namumula ang mukha sa poot.Nagkrus ng braso si Cathy, nagmamatigas sa panlabas kahit sa loob ay bahagyang nanginginig. Hindi siya nagpakita ng takot; sa halip, ibinalik niya ang tingin kay Ferdinand na may hamon.“What’s the problem?” mataray niyang sagot. “You’re being so stingy with my pocket money, Dad. Can you blame me for trying to find my own resources?”Pilit na ngumisi si Cathy, isang ngiting punô ng pang-uuyam."You’re being scammed by Lazarus for a hundred million! And here you are, freaking out because I took a few old clothes from Denn
Terakhir Diperbarui: 2025-03-01
Chapter: Chapter 131Nang makapasok sila sa loob ng bahay, hindi pa rin matanggal sa isipan ni Marga ang mga sinabi ni Clinton tungkol sa pagiging fiancée niya. Ang mga mata nito na puno ng kumpiyansa, ang boses na hindi nag-aalinlangan, nagpatuloy sa pag-echo sa kanyang isipan. Pero nagpatuloy siya sa paglalakad, para bang walang nangyari, at tinuya ang sariling isipan na nagsasabing may nararamdaman siya. Hindi. Hindi siya magpapadala sa mga iyon.Ang malamig na gabi ng Makati ay sumasalubong sa kanya. Nang pumasok sila sa bahay, ang malamlam na ilaw ng mga chandelier sa taas ng sala ay tila naglalabas ng mga anino mula sa nakaraan. Kumbaga, parang isang dula na paulit-ulit niyang pinapanood. Si Clinton, nakatayo pa rin sa tabi niya, na parang hindi siya alintana. Ang simpleng ngiti nito ay nagbigay ng kakaibang damdamin sa kanya. “Paano ako mapag-iiwanan sa paghahanap mo ng hustisya para sa aking fiancée?” Hindi niya inaasahan ang mga salitang iyon.Nang marinig niyang tinawag siyang fiancée, isang mata
Terakhir Diperbarui: 2025-03-01
Chapter: Chapter 6"Gregory, bitawan mo ako!" sigaw ko habang pilit kong pinipigilan ang marahas niyang paghila sa akin papasok ng mansyon. Pero hindi siya nakinig. Parang wala siyang naririnig kundi ang sariling galit na pumupuno sa kanyang sistema.Bawat hakbang namin ay may kasamang sakit. Mahigpit ang pagkakapit niya sa aking braso—parang bakal ang pagkakahawak niya. Pakiramdam ko'y mamumula ito o baka nga bukas ay mag-iwan ng marka.Pagkapasok namin sa living room, ibinalibag niya ako sa malambot na sofa. Napasinghap ako, ramdam ang sakit sa likod ko ngunit wala akong oras para makabawi dahil ilang segundo pa lamang ay sinundan niya na ako.Mabigat ang kanyang katawan na pumatong sa akin, isinakdal ang sarili niya sa ibabaw ko."Gregory, please..." bulong ko, nanginginig ang tinig. Hindi ko alam kung ano ang mas nangingibabaw—ang takot o ang galit.Ngunit hindi siya nakinig. Sa halip, marahas niyang sinapo ang aking mukha gamit ang dalawang palad, saka idinuldol ang kanyang mga labi sa akin.Ang hal
Terakhir Diperbarui: 2025-04-28
Chapter: Chapter 5Pagmulat ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kirot sa aking katawan—isang paalala ng gabing puno ng init, galit, at kawalan ng kontrol. Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang sarili na damhin ang bawat sakit at hapdi na iniwan ni Gregory sa akin.Ang silid ay tahimik, maliban sa marahang tunog ng hangin na pumapasok mula sa bintanang bahagyang nakabukas. Sa loob ng ilang segundo, pinilit kong iproseso ang lahat ng nangyari. Ang kasal. Ang mga pangyayari kagabi. Ang halik, ang kanyang mapang-angking mga kamay, at ang paraan ng pagtrato niya sa akin na parang isang pag-aari lamang—hindi isang tunay na asawa.Tumayo ako, pilit na inaayos ang gusot na kobrekama at ang sariling emosyon. Ngunit isang bagay ang agad na nakakuha ng aking pansin.Isang maliit na papel ang nakapatong sa nightstand sa tabi ng kama.Agad akong kinabahan.Nang basahin ko ang sulat, bumigat ang dibdib ko.“Huwag kang umasa ng masyado, Mrs. Alvarez. Ang pagiging asawa ko ay hindi isang pribilehiyo—isa itong kap
Terakhir Diperbarui: 2025-03-18
Chapter: Chapter 4Nakaawang pa rin ang labi ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Sa harap ko, isang babaeng hindi ko na halos makilala—nakaputing wedding dress, walang bahid ng saya sa mga mata, at may bigat ng rehas sa bawat paghinga.Kinasal ako ngayon. Sa isang lalaking hindi ko mahal at hindi ko lubos na kilala.Napapikit ako, pinipilit na pigilan ang mga luha. Hindi ito ang pangarap kong kasal. Hindi ito ang araw na matagal kong inisip na magiging pinakamasaya sa buhay ko. Hindi ko dapat ito ginusto. Pero wala akong pagpipilian.“Mrs. Alvarez.”Napapitlag ako sa mababang boses na iyon, puno ng pangingibabaw. Dahan-dahan akong humarap. Nakatayo si Gregory sa pinto ng kwarto, nakasuot pa rin ng itim na suit na masyadong perpekto sa kanya. Para siyang isang hari—isang hari ng dilim, isang lalaking sanay sa paghawak ng kapangyarihan.Naglakad siya papasok, walang pag-aalinlangan sa kanyang hakbang. Nang tuluyang mawala ang distansya namin, itinukod niya ang isang kamay sa dingding sa t
Terakhir Diperbarui: 2025-03-18
Chapter: Chapter 3“Marry me.”Halos malaglag ang hawak kong wine glass sa narinig kong mga salita mula kay Gregory. Nasa harapan ko siya ngayon, nakasandal sa mamahaling leather chair, hawak ang isang baso ng whiskey habang hindi inaalis ang titig niya sa akin.Nasa isang private lounge kami ng isang five-star hotel—hindi ko alam kung paano ako napunta rito, pero isang tawag lang mula sa kanya kanina, at ngayon, nasa harapan ko na siya muli.Nag-angat ako ng tingin, sinusubukang basahin ang mga intensyon niya, pero tulad ng dati, isang misteryo pa rin ang kanyang mukha.“Excuse me?” inis kong tanong.Umangat ang sulok ng kanyang labi sa isang mapanganib na ngiti. “Narinig mo ako, Coleen.”Napabuntong-hininga ako, pinilit panatilihing kalmado ang sarili. “Gregory, hindi ko alam kung anong laro ang nilalaro mo, pero hindi ako interesado.”I thought I was done with him. Akala ko, pagkatapos ng gabing iyon, magiging isang alaala na lang siya—isang pagkakamaling hindi ko na uulitin. Pero ngayon, he’s back, a
Terakhir Diperbarui: 2025-03-18
Chapter: Chapter 2Pagpasok ko sa penthouse, hindi ko napigilan ang paghanga.Floor-to-ceiling glass windows framed the breathtaking city lights, casting a golden glow on the luxurious interior. High-end Italian furniture, minimalist yet undeniably expensive, filled the space. Sa kabila ng modernong disenyo, may kakaibang init sa lugar na ‘to—hindi tulad ng malamig na yaman ni James.I clenched my fists. Hindi ko siya iisipin ngayong gabi.Narinig kong bumukas ang isang wine bottle. Lumingon ako at nakita kong si Gregory, relaxed na nakatayo sa harap ng isang marble countertop, his movements smooth and deliberate as he poured red wine into two crystal glasses.“Welcome to my little sanctuary,” he said, his voice was deep and intoxicating.Napangiti ako nang mapait. “Little? This place probably costs more than my entire existence.”Ngumiti siya, his dark eyes gleaming with something unreadable. “Everything has a price, Coleen.” Lumapit siya, inabot sa akin ang isang baso. “Tonight, let’s pretend that noth
Terakhir Diperbarui: 2025-03-18
Chapter: Chapter 1Dala ko ang isang basket ng gourmet lunch na espesyal kong pina-deliver mula sa paboritong five-star restaurant ni James. Ilang linggo na lang at magiging Mrs. Coleen Martinez na ako—ang fiancée ng isa sa pinakabatang CEO sa bansa. Lahat ng babae nangangarap ng ganitong buhay: a successful, well-respected fiancé, a dream wedding, and a future secured with wealth and power. Pero sa lahat ng meron ako, isa lang ang pinakaimportante—si James mismo.I stepped into the pristine, high-rise building of Martinez Global Enterprises, my designer heels clicking softly against the marble floors. Lahat ng empleyado ay bumabati sa akin habang dumadaan, their eyes filled with admiration and a tinge of envy. I was used to it. After all, I wasn’t just any woman—I was the soon-to-be wife of James Martinez, the most sought-after bachelor in the country.Sa isang eleganteng kilos, pinihit ko ang door handle at marahang binuksan ang pinto. Para akong binuhosan ng malamig na tubig nang makita ang lalaking i
Terakhir Diperbarui: 2025-03-18