LOGINLahat ng tingin ay sabay-sabay na napunta sa main entrance.
Nang tuluyang makapasok si Elena sa ballroom, tila huminto sandali ang ingay ng paligid.
Sunod-sunod ang camera flashes.
"Isn't that Mrs. Cross?"
"Akala ko hindi siya darating."
"She's... different tonight."
Maging si Adrian ay napalingon.
Saglit siyang natigilan.
Halos hindi niya agad nakilala ang sariling asawa.
Noon, laging simple ang makeup ni Elena. Madalas ay white o cream ang suot nito—mga kulay na alam niyang gusto niya.
Pero ngayong gabi...
She looked like someone who no longer needed anyone's approval.
Tahimik na napahigpit ang kapit ni Shelia sa braso ni Adrian.
Pakiramdam niya, bigla siyang nawala sa eksena.
"She's beautiful..." halos pabulong niyang sabi.
Hindi sumagot si Adrian.
Hindi pa rin niya maalis ang tingin kay Elena.
Samantala, napansin na rin sila ni Elena.
Hindi siya nag-atubiling lumapit.
Mas lalong nagsiksikan ang mga reporter.
"Mrs. Cross is walking toward them."
"This is going to be interesting."
Huminto si Elena sa harap nilang dalawa.
With effortless grace, marahan niyang hinawakan ang braso ni Adrian.
Hindi iyon ginawa para mag-angkin.
Isa lang iyong simpleng paalala.
Siya pa rin ang legal na asawa.
Pagkatapos ay ngumiti siya kay Shelia.
"So you're Shelia."
Iniabot niya ang kamay.
"I'm Elena."
"Nice to finally meet you."
Nag-atubili si Shelia bago tinanggap ang pakikipagkamay.
"Nice to meet you too... Mrs. Cross."
"Adrian mentioned you're planning to study abroad."
Napatingin si Shelia kay Adrian bago marahang tumango.
"Opo."
"She's one of the brightest students we've sponsored," kalmadong sabi ni Adrian.
"I'm just giving her more exposure."
Simple lang ang paliwanag.
Pero sapat iyon para maintindihan ng lahat na espesyal ang trato nito kay Shelia.
Noon...
Siguradong masasaktan si Elena.
Pero ngayon...
Parang ibang tao na siya.
"Well..."
Binitiwan niya ang braso ni Adrian.
"Take good care of her."
Pagkatapos ay ngumiti siya kay Shelia.
"And good luck with your studies."
Hindi na siya naghintay ng sagot.
Tahimik siyang naglakad papasok ng auction hall.
Napatingin si Adrian sa likod niya.
Kumunot ang noo nito.
Ano'ng nangyari sa kanya?
Hindi ito ang Elena na kilala niya.
Pinili ni Elena ang isang tahimik na upuan sa gilid ng venue.
Hindi siya naroon para gumawa ng eksena.
May mas mahalaga siyang dahilan.
Binuksan niya ang auction catalog.
Isa-isang dumaan ang tingin niya sa listahan ng properties.
Hanggang sa huminto siya sa isang lote na halos walang pumapansin.
Crescent Manor.
Sa unang tingin, wala itong halaga.
Pero alam niyang ilang taon mula ngayon, magiging sentro ito ng isa sa pinakamalalaking development projects sa bansa.
Sa nakaraan niyang buhay...
May ibang taong nakakita sa potensiyal nito.
Sa pagkakataong ito...
Hindi na niya hahayaang maagaw iyon.
Samantala, sa kabilang bahagi ng ballroom...
"Sir."
Mahinang tanong ni Shelia.
"Are you sure gusto n'yong ako ang mag-handle ng bidding?"
Adrian nodded.
"I trust your judgment."
Namula si Shelia.
Matagal niyang pinag-aralan ang finance.
Ito ang pagkakataong gusto niyang patunayan ang sarili.
Nagsimula ang auction.
Sunod-sunod na naibenta ang mga prime properties.
Tatlo sa mga ito ang matagumpay na nakuha ni Shelia.
Maraming business leaders ang tumango bilang pag-apruba.
"Not bad."
"She has potential."
Tahimik lang si Adrian sa tabi niya.
Hanggang sa lumabas sa malaking screen ang susunod na property.
"Crescent Manor."
"The opening bid is one billion."
Tahimik ang buong ballroom.
"Two billion."
Malinaw ang boses ni Elena.
Nagkatinginan ang lahat.
Napakunot ang noo ni Adrian.
Ano na naman ang iniisip niya?
Mahinang bulong ni Shelia,
"Adrian... hindi worth it ang property na 'yan."
Hindi sumagot si Adrian.
Sa halip, nag-text siya.
Stop bidding.
Ilang segundo ang lumipas.
Nabasa ang mensahe.
Pero walang reply.
Tahimik na ibinaba ni Elena ang cellphone.
Hindi siya narito para humingi ng permiso.
Sa VIP balcony...
Napailing si Lucas.
"Two billion? That's insane."
Tahimik lang si Damien habang sinusuri ang auction booklet.
Napansin niya ang maliit na note sa ibaba ng page.
Proposed North Harbor Expansion Project.
Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.
Mukhang hindi lang siya ang nakapansin.
Dahan-dahan niyang itinaas ang bidding paddle.
"Three billion."
Napalingon si Lucas.
"Seriously?"
Sa ibaba, napatingin si Elena sa lalaking nasa VIP section.
Hindi niya ito kilala.
Pero halatang alam nito ang tunay na halaga ng lupa.
"Four billion."
Hindi siya umatras.
Muling nag-text si Adrian.
Enough.
Hindi na iyon binasa ni Elena.
Pinatay niya ang screen ng cellphone.
"Five billion."
Muling nagsalita si Damien.
Napakamot ng ulo si Lucas.
"Feeling ko hindi na lang lupa ang pinaglalaban n'yo."
Tahimik lang si Damien.
Interesado siyang makita kung hanggang saan ang kumpiyansa ng babaeng iyon.
Muling itinaas ni Elena ang paddle.
"Ten billion."
Biglang natahimik ang buong ballroom.
"What?"
"Ten billion?"
"Nababaliw na ba siya?"
Maging si Adrian ay napatayo.
Sa tingin niya, hindi man lang aabot sa isang bilyon ang tunay na halaga ng Crescent Manor.
Tahimik na ibinaba ni Damien ang paddle.
Bahagya siyang ngumiti.
"Your move."
"Ten billion!"
sigaw ng auctioneer.
"Going once..."
"Going twice..."
"Sold!"
Malakas na tumama ang martilyo.
Marahang napabuga ng hangin si Elena.
Mas mahal kaysa sa plano niya.
Pero nakuha pa rin niya ang property.
At iyon lang ang mahalaga.
Pag-angat niya ng tingin, nagtama ang mga mata nila ni Damien.
Bahagya itong tumango.
Isang simpleng kilos.
Pero sapat para malaman niyang hindi nagkataon ang lahat ng nangyari ngayong gabi.
Sa ibaba, hindi maitago ni Shelia ang pag-aalala.
"Adrian... ten billion iyon."
Malamig ang ekspresyon ng lalaki.
"She made that decision."
"She'll deal with the consequences."
HI GUYS NAKA DAILY UPDATE TO SO PLS SUPPORT MEETITIGIL KO MUNA UPDATE SA IABANG BOOK HEHEAFTER NITO SAKA KO SILA I COCONTINUE BUSY DIN KASI SCHEDULE KO SO PLS SUPPORT THIS BOOK BY LEAVING A COMMENT PARA SIPAGIN AKO LALO MAG UPDATEEE PLSS THANK UU !!
Pagkababa ng tawag ni Uncle Ralph, hindi agad gumalaw si Elena.Nanatili siyang nakaupo sa harap ng desk habang nakatitig sa acceptance letter ng Aurora School of Finance.Hindi naman talaga siya naniwalang si Ralph ang unang magdududa sa kanya.Pero hindi iyon ang pinakamasakit.Ang mas nakakabahala ay kung gaano kabilis nitong nalaman ang tungkol sa bank transfer.At kung sino ang unang nagbigay ng ideya.“Rosalie,” mahina niyang sabi.Hindi pa man tuluyang nakakalapit si Elena sa negosyo ng Vale family, may gumagalaw na agad sa loob nito.Hindi man direktang inaagaw ni Rosalie ang mana niya, sinusukat na nito kung gaano siya kadaling ma-pressure.Kinuha ni Elena ang phone at tinawagan ang private bank na nagma-manage ng inheritance account niya.“Good afternoon, Ms. Vale,” bati ng receptionist. “How may we assist you?”“I want to transfer the remaining assets from my family account to a separate account under my name.”“Would you like us to connect you to your relationship manager?
Dumating ang acceptance letter ni Elena sa tanghali.Isang simpleng email lang iyon mula sa Aurora School of Finance.Congratulations, Ms. Vale. You have been accepted into the Graduate Program in Financial Strategy.Binasa niya iyon nang dalawang beses.Hindi siya napatalon sa saya. Hindi rin siya agad tumawag kay Adrian.Sa halip, napatingin siya sa bank statement na nasa tabi ng laptop.Dalawang bilyong piso ang nailabas mula sa isang Vale account ilang araw na ang nakalipas.Hindi iyon napunta sa school.Iyon ang unang bayad para sa lupang binili niya sa auction.Pero sa panahong ito, hindi pa niya kayang sabihin sa pamilya kung bakit niya iyon ginawa.Lalo na kay Rosalie.Hindi nagtatagal ang mga sikreto sa mga pamilyang tulad ng Vale. Isang tawag lang sa tamang tao, at bago matapos ang araw, alam na ng kalahating Aurora City ang laman ng usapan.Napatunayan iyon nang tumunog ang phone niya.Si Uncle Ralph.“Hello?”“Elena,” bungad nito, seryoso ang boses. “Totoo bang natanggap k
Hindi na maalis sa isip ni Shelia ang itsura ni Elena sa Vale family banquet.Midnight-blue ang dress nito. Simple ang design, pero bagay sa kanya. Hindi nito kailangang magpakitang-gilas para mapansin. Kahit tahimik lang si Elena, kusa pa ring napupunta rito ang tingin ng mga tao.Kabaligtaran niya.Sa tuwing kasama niya si Adrian, palagi siyang mukhang batang estudyanteng kailangang alagaan.Kahit gaano siya kaganda ngayong gabi, alam niyang hindi iyon sapat kung ganoon pa rin ang tingin ni Adrian sa kanya.Kaya pinili niya ang itim na dress.Mas fitted. Mas mature. Mas bagay sa isang babaeng hindi na dapat tratuhing parang bata.Sa maliit na private dining room ng The Regalia Hotel, maingat niyang inayos ang mga kandila sa mesa. Pinatay niya ang malalaking ilaw at iniwan lamang ang warm lights sa paligid.May cake sa gitna ng mesa. May birthday gift siyang inilagay sa tabi ng wineglass.Hindi iyon ordinaryong regalo.Isang leather watch strap iyon para kay Adrian. Alam niyang pareh
Nang matapos ang dinner, muling hinawakan ni Adrian ang kamay ni Elena.Sa harap ng pamilya, natural ang galaw.Parang sanay silang umalis nang magkasama.Pero habang naglalakad sila palabas ng Vale House, unti-unting inalis ni Elena ang mga daliri niya sa kamay nito.Hindi napansin ng ibang kamag-anak.Napansin ni Adrian.Hindi siya agad nagsalita.Nang makalayo na sila sa entrance, saka siya tumingin kay Elena.“Why did you pull away?”“Pagod na ako.”“That’s not an answer.”Elena continued walking toward the car.“Bakit ka ba pumunta?”Adrian stopped.Hindi ito ang tanong na inaasahan niya.“Alam mong may family banquet,” he said.“I know.”“And you came alone.”“I told you I could manage.”“Your relatives were waiting for me.”“Para sa business.”His eyes narrowed. “Exactly. The relationship between the Vale and Cross families is still important. I had to show up.”Elena turned toward him.“A grand excuse.”“What did you say?”“Wala.”“Say it again.”“Hindi mahalaga.”Adrian stare
Rosalie was still staring at Adrian.“So the woman I saw at Crown Galleria was only an employee?”Adrian placed one hand on the back of Elena’s chair.“Yes. She works with my executive office. I asked her to help choose the gifts.”“Why would you need her help?”“Because I wanted someone with a different eye.”His answer was calm.Too calm.Rosalie had clearly expected him to deny being at the mall or become defensive. Instead, Adrian had given her an explanation that sounded reasonable enough to end the conversation.Ralph visibly relaxed.“Then there’s no issue,” he said. “Adrian, take a seat. Dinner is about to begin.”Adrian nodded and pulled out the chair beside Elena.As he sat, Elena leaned closer.“Hindi ko akalaing marunong kang umarte.”He did not look at her.“Likewise.”His hand remained near hers on the table.From the outside, mukha silang mag-asawang sanay nang magkatabi sa family gatherings.Only Elena knew how careful every movement was.Rosalie sat across from them.







