Share

Chapter 44

SA BAHAY kami nina daddy tumira ng pansamantala. Ang sinabi niya ay sana kahit unang dalawang araw ko lang sa Pilipinas kaya lang ay nagtagal kami doon. Nagsimula kasi ako ng isang painting at gusto kong tapusin ito nang nasa bahay lang nila.

Mabuti na lang at hindi naman umalma si Tita Irene. Wala siyang sinabi sa pagtagal ko ngunit hindi ko iyon sasamantalahin para magtagal pa doon.

"Oh my God!" Patiling sinabi ni Trina nang nakita na sa wakas si Sky.

Kakagising lang ng aking anak. Umaga ng Sabado bumisita si Trina at Jane sa bahay. Hindi na sila nagpaawat dahil gustong gusto na nila akong makita at pati na rin syempre si Sky.

"Oh my God! Ang bigat niya na!" ani Trina nang kinarga ang anak ko.

He extended his arms for me. Ngumisi lamang ako. Ayaw niya pang makihalubilo.

"Hi Sky! Manang mana ka sa daddy mo!" ani Jane sabay hawak sa kamay ni Sky.

Matalim ko siyang tiningnan. Ngumiti lamang si Jane at nilaro ang kamay ng anak ko. Umupo ako at nagsalin ng juice sa kani kanilang mga baso
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status