Home / All / Agam ng Kahapon / Pang-siyam

Share

Pang-siyam

last update Last Updated: 2021-07-12 10:24:46
 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tikom Na Hiyaw

 

 

NANLILISIK ang mga mata, nagkikiskisan ang mga ngipin habang nakatitig sa kanyang kapatid, ilang saglit pa'y muli niya itong nilusob ng buong lakas, may kasamang nakakatakot na hiyaw at nakipagbuno siya, habang ang kanyang kapatid ay halos wala ng lakas sa kakasalag sa lahat ng kanyang pag atake. Sa di maunawaang dahilan ay di magawang mapigilan ang gaya niya ng kahit tatlong katao na dominado ng kalalakihan. Habang nakikipagbuno sa kapatid at habang hawak ng dalawang lalaking kapitbahay, makikita sa kanyang mga mata ang pagod at kawala sa kasalukuyang katinuan at napipilitang umayon sa galaw ng katawan na inuutos ng kanyang utak na gawin sa kadahilanan na nasa iba siyang mundo.

Ganito ang imahe sa araw-araw na sitwasyon sa tuwing siya ay inaatake ng kanyang sumpong. Sabi nila, siya ay na-engkanto sa 'di malamang dahilan, maaring siya ay tumuk
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Agam ng Kahapon   About the Author

    About the AuthorIpinanganak siya noong Hunyo 18, 1983, nagkamuwang sa magulo at abalang lungsod ng Maynila. Nakapag-aral ng Elementarya at Hayskul sa Sta. Mesa sa Maynila. Taong 2000 ay nanirahan sa lalawigan ng Kabite. Nagtapos sa kursong Kriminolohiya at naging lisensiyadong Kriminologo, sa kasalukuyan ay may masayang pamilya, kapiling ang butihing may bahay at tatlong mga mabubuting mga anak. Naninirahan sa lungsod ng Dasmarinas. Nagsisilbi bilang isang Public Servant sa papel na tagapagpatupad ng batas. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang lipon o koleksiyon ng mga tula at ito ang una sa dalawa niyang librong inilathala. Patuloy na magsusulat at ipakilala pa ang mga kuwento ng nakakarami sa pamamagitan ng malayang pagsusulat.Facebook Page: https://www.facebook.com/Manunudla-Blog-106343067862828/Wattpad: @manunudla

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-pito

    Dagdag na kuwentoSERYE(Bonus Story)UMAGA ng sabado ay may natuklasan na namang bangkay ng tao sa di gaanong kalayuan mula sa amin, agad akong bumangon at tinawagan ang aking kaibigan na si Tonton upang mapuntahan namin ang nasabing bangkay. Pagdating namin doon ay pungkulan ang mga taong nakikiusyoso, naroon na ang mga taong barangay at mga pulis upang mag imbestiga.Tanaw namin ni Tonton mula sa aming pwesto ang nasabing patay, nakabuka ang dibdib nito at wala ang mismong puso. Nakaraang linggo lang ay may natagpuan ding bangkay sa kabilang barangay kung saan ito naman ay nakabigti sa puno ng niyog ni Mang Teban, pang walo na ang taong ito sa mga natatagpuang patay sa aming bayan.Ayon sa mga bali-balita ay sangkot daw sa ilegal na droga kaya pinatay, pero malabo ito dahil isa sa mga natagpuan ay isang pastor na kaibigang matalik pa man ng aking magul

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-anim

    Mabuting PusoQuirino Province.Mataas ang puno ng isang prutas at maliliit ang mga sanga nang akyatin ito ng isang bata habang ang kanyang mga kasamahan ay nasa ibaba nito at naghihintay sa mga prutas na ibabato pagkapitas, nabali ang isang manipis na sanga ng maapakan niya ito, nahulog ang ilang prutas at dahilan upang siya ay mapalambitin. Mabilis umakyat si John at iniligtas ang kaibigan. Magiging sundalo daw si John paglaki nito dahil sa ito ay matapang at malakas, tukso ng mga kaibigan niya habang sila ay sabay-sabay na kumakain ng mga prutas at nagtatawanan patungo sa kanilang mga tahanan.Sittio Luuk Pandan, Bongao, Tawi-Tawi.12:30 AM of September 17,2019.(Buddy's Recall)Ramdam ko ang lamig ng gabi, mapapansin ang ilang mga kulisap na nagsasayawan sa ilaw ng posteng nakatirik sa loob ng aming kampo, sa ibaba nito ay a

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-lima

    BayrusNagsimula ang lahat ng makaramdam ako ng pangangati sa aking lalamunan at mawalan ako ng panlasa sa aking mga kinakain, nasundan ito ng pagtaas ng aking temperatura pagkalipas ng ilang araw at nang sumailalim ako sa isang pagsusuri nang pagpahid sa aking lalamunan at looban ng gilagid mula sa ilong, ilang araw ay nagpositibo ako sa isang nakamamatay na sakit mula sa isang uri ng BAYRUS.Naalimpungatan ako at ramdam ang hirap ng aking paghinga habang nakakabit sa aking bibig ang isang suwero, nakikita ko bahagya ang hamog na nililikha ng hangin mula rito na bumubuo sa harapan ng aking mga mata. Ramdam ko sa aking katawan ang sakit at kirot na madalas kong idaing, maging ang aking ubong tila walang katapusan. Habang sumasabay pa ang init ng aking katawan gawa ng lagnat. Inikot ko ang aking paningin, natanaw ko sa 'di kalayuan ang i

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-apat

    Sandali Sa Iba Pang Mga SandaliMAGDIDILIM na nang siya'y makabalik sa kanilang tahanan, sumasabog sa kalangitan ang kahel na siyang tuluyang sumasakop sa patulog nang liwanag nang araw na iyon. Katulad ng dati, tahimik niyang binuksan ang kinakalawang na tarangkahan. Sa sobrang kalumaan nito ay di maiwasang makalikha ng ingay habang binubuksan, ngunit maingat pa rin niyang ginalaw ito at isinara pagkatapos. Sa loob ng kanilang tambalan mapapansin ang napag-iwanang garahe, nagtatayugang mga ligaw na damo at halata ang kalumaan ng bahay, tinatawag ito ng mga taga-roon na bahay ng kastila.Madalas din maging tampulan ng mga kwentong kahindik-hindik ukol sa mga pinamamhayan ng mga lamang lupa't mga kaluluwang namamahay dito. Gawa sa mga kahoy na bintana at butas-butas na kisame, mga inaamag na haligi at nagkakalumot na mga sahig at semen

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-tatlo

    Mga Bakas Mula Sa Kanyang Mga BisigBinubuhay ng aking gunita ang isang sandali na naghahabulan kami ng aking kapatid na babae sa paligid ni Ama at Ina habang sila ay nag-uusap, mapapansin doon ang malungkot na kaganapan. Sa paglalaro ay pinilit kong magtago sa mga bisig ni Ama upang di mahuli ng aking kapatid na babae, sa loob ng mga bisig na iyon nakita ko ang kabuuan ng larawan sa pagitan ng aking mga magulang, isang kabuuan ng paghihiwalay.HINDI ko lubos maunawaan pero alam kong kalungkutan iyon. Muli akong nilipad ng gunita ng hinabol ko si Ama habang palabas sa aming tahanan, nagmistulang tutang naghahabol at lumalaro sa isipan ko ang isang tanong, lumingon si ama at kinaskas ang aking ulohan at kinarga habang may binibigkas ng diko na matandaan kung ano, muli, ay nagpatuloy lumayo hanggang sa mawala ang kanyang pagkatao't imahe sa masikip n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status