Home / All / Agam ng Kahapon / Pangalawa

Share

Pangalawa

last update Last Updated: 2021-07-12 10:24:46
 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Haplos

 

 

NAUNA pang magsiga ng kahoy si Mila bago pa ang tilaok ng mga tandang sa kanilang kapitbahay. Lumulutang ang usok ng mga panggatong upang lutuin ang aalmusalin ng kanyang mga kapatid. Pagkatapos magluto ay agad niyang isinaladsad ang mga bulaklak ng sampaguita na kanyang ilalako sa simbahan mamaya, Sariwa ang mga ito at mamasa-masa pa ng tubig buhat nang dalhin ito ni Mang Rudio kaninang alas-dos ng madaling araw. Agad din niyang ginising ang dalawang maliliit na kapatid upang maligo at maghanda sa kanilang pagpasok. Dinala ni Mila ang yupi-yuping takore upang isalin sa timba nang mamatay ang lamig nito at tinulungang maligo ang bunsong pupungay-pungay pa habang ang isa'y nag-aayos ng kanilang almusal. Sabay-sabay silang nagbitaw ng panalangin at kumain.

Tatlo na lamang silang magkakasama sa kanilang munting barong-barong, ang kanilang ama'y nakakulong dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga, samantalang ang kanilang ina naman ay namatay sa isang sakit sa baga. Naging maaagang ina at ama si Mila sa kanyang mga kapatid, inako niya ang lahat ng mga responsibilidad ng kanyang mga magulang at sa murang edad ay natuto ng magkayod ng buto upang may ipang tapal sa kanilang mga kumakalam na sikmura.

Siksikan ang tao sa simbahan, medyo tinanghali na siya nguni di naging dahilan iyon upang magpatuloy na magbenta ng mga sampaguita, madalas ay napapatingin siya sa loob ng simbahan at may kung anong tuksong umaya sa kanya upang pumasok sa loob nito. Namangha sa mga estatwa at mga kakaibang nakaukit sa kahoy,  mga taong kanya-kanyang nananalangin at nakikipagusap sa panginoon.

 

" Sa dami ng nagdadasal, lahat kaya sila napapakinggan ng Diyos?"

- tanong ni Mila sa sarili.

 

Umupo siya saglit at nagpatuloy magmasid, pinapanood ang iba't-ibang anyo ng mga taong pumapasok at nananalangin dito,  nakita niya ang isang matandang nakaluhod habang may hawak na rosaryo, nakapikit ang mga mata nito at bumubuka ng maliliit ang bibig, sa bandang gitna ay napansin niya ang isang babaeng galing sa palengke dahil sa hawak nitong isdang sinusundan ng langaw, isang matandang lalaki kasama ang naka wheel chair na anak at pinapahid ang bimpong puti nito sa katawan ng rebulto at muling ipinahid naman sa kanyang anak. Mga magkakasintahan at magkakaibigan na nagtatawanan, at isang pamilyang kumpleto kasama ang Ama at Ina. Pinagmasdan niya ang mga ito hanggang makalabas ng simbahan, sa di inaasahan ay may kung anong kurot siyang naramdaman at maya-maya'y pumatak ang luha sa kanyang tuyong pisngi, nakaramdam ng pangungulila at nagsimulang magsalita habang nakatingin sa Rebultong tao na nakapako sa may duluhan.

“ Sana po mabenta na yung nga paninda ko para may pagkain kami mamaya at bukas.”-Usal ni Mila habang nakatingin sa rebultong iyon.

Isang pag-uusal na mula sa isang inosenteng kalooban ng bata, binigla ng panahon at nilaro ng pagkakataong maranasan ang pait ng buhay sa murang edad na ito. Ang mga luha at lungkot na kanyang naramdaman ay marahil dala ng emosiyon at kalungkutan pero wala man sa mga ito ay kanyang lubos na nauunawaan.

Pinunasan ni Mila ang kanyang mga luha pakatapos ay nagtungo palabas ng simbahan at muli ay hinarap ang init, ingay at reyalidad ng buhay na tumatakas sa loob at labas ng simbahan na iyon at muling pinagpatuloy ang pagtitinda.

Hapon na nang masulyapan ni Mila ang kanyang dalawang kapatid na magiliw na naglalakad galing sa eskwelahan, ng makita siya nito ay masayang tumakbo ang bunso at niyakap siya nito habang ang isa'y nakangiti din na parang mga anghel.

"Nandito na kami ate, uwe na tayo ate."–wika ng bunsong kapatid ng may paglalambing.

Napangiti si Mila ng buong galak, sa murang gulang ay nakaramdam siya ng kaginhawaan at tila hinaplos ng kapatid ang kanyang malungkot at pagod na puso. Sinimulan nilang ligpitin ang mga natirang paninda at buong pagmamahal na kinarga ni Mila ang bunsong kapatid at hawak sa kamay ang isa pa at masaya silang naglakad habang ang paligid ay abala sa mundo ng mga katotohanan.

Wakas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Agam ng Kahapon   About the Author

    About the AuthorIpinanganak siya noong Hunyo 18, 1983, nagkamuwang sa magulo at abalang lungsod ng Maynila. Nakapag-aral ng Elementarya at Hayskul sa Sta. Mesa sa Maynila. Taong 2000 ay nanirahan sa lalawigan ng Kabite. Nagtapos sa kursong Kriminolohiya at naging lisensiyadong Kriminologo, sa kasalukuyan ay may masayang pamilya, kapiling ang butihing may bahay at tatlong mga mabubuting mga anak. Naninirahan sa lungsod ng Dasmarinas. Nagsisilbi bilang isang Public Servant sa papel na tagapagpatupad ng batas. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang lipon o koleksiyon ng mga tula at ito ang una sa dalawa niyang librong inilathala. Patuloy na magsusulat at ipakilala pa ang mga kuwento ng nakakarami sa pamamagitan ng malayang pagsusulat.Facebook Page: https://www.facebook.com/Manunudla-Blog-106343067862828/Wattpad: @manunudla

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-pito

    Dagdag na kuwentoSERYE(Bonus Story)UMAGA ng sabado ay may natuklasan na namang bangkay ng tao sa di gaanong kalayuan mula sa amin, agad akong bumangon at tinawagan ang aking kaibigan na si Tonton upang mapuntahan namin ang nasabing bangkay. Pagdating namin doon ay pungkulan ang mga taong nakikiusyoso, naroon na ang mga taong barangay at mga pulis upang mag imbestiga.Tanaw namin ni Tonton mula sa aming pwesto ang nasabing patay, nakabuka ang dibdib nito at wala ang mismong puso. Nakaraang linggo lang ay may natagpuan ding bangkay sa kabilang barangay kung saan ito naman ay nakabigti sa puno ng niyog ni Mang Teban, pang walo na ang taong ito sa mga natatagpuang patay sa aming bayan.Ayon sa mga bali-balita ay sangkot daw sa ilegal na droga kaya pinatay, pero malabo ito dahil isa sa mga natagpuan ay isang pastor na kaibigang matalik pa man ng aking magul

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-anim

    Mabuting PusoQuirino Province.Mataas ang puno ng isang prutas at maliliit ang mga sanga nang akyatin ito ng isang bata habang ang kanyang mga kasamahan ay nasa ibaba nito at naghihintay sa mga prutas na ibabato pagkapitas, nabali ang isang manipis na sanga ng maapakan niya ito, nahulog ang ilang prutas at dahilan upang siya ay mapalambitin. Mabilis umakyat si John at iniligtas ang kaibigan. Magiging sundalo daw si John paglaki nito dahil sa ito ay matapang at malakas, tukso ng mga kaibigan niya habang sila ay sabay-sabay na kumakain ng mga prutas at nagtatawanan patungo sa kanilang mga tahanan.Sittio Luuk Pandan, Bongao, Tawi-Tawi.12:30 AM of September 17,2019.(Buddy's Recall)Ramdam ko ang lamig ng gabi, mapapansin ang ilang mga kulisap na nagsasayawan sa ilaw ng posteng nakatirik sa loob ng aming kampo, sa ibaba nito ay a

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-lima

    BayrusNagsimula ang lahat ng makaramdam ako ng pangangati sa aking lalamunan at mawalan ako ng panlasa sa aking mga kinakain, nasundan ito ng pagtaas ng aking temperatura pagkalipas ng ilang araw at nang sumailalim ako sa isang pagsusuri nang pagpahid sa aking lalamunan at looban ng gilagid mula sa ilong, ilang araw ay nagpositibo ako sa isang nakamamatay na sakit mula sa isang uri ng BAYRUS.Naalimpungatan ako at ramdam ang hirap ng aking paghinga habang nakakabit sa aking bibig ang isang suwero, nakikita ko bahagya ang hamog na nililikha ng hangin mula rito na bumubuo sa harapan ng aking mga mata. Ramdam ko sa aking katawan ang sakit at kirot na madalas kong idaing, maging ang aking ubong tila walang katapusan. Habang sumasabay pa ang init ng aking katawan gawa ng lagnat. Inikot ko ang aking paningin, natanaw ko sa 'di kalayuan ang i

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-apat

    Sandali Sa Iba Pang Mga SandaliMAGDIDILIM na nang siya'y makabalik sa kanilang tahanan, sumasabog sa kalangitan ang kahel na siyang tuluyang sumasakop sa patulog nang liwanag nang araw na iyon. Katulad ng dati, tahimik niyang binuksan ang kinakalawang na tarangkahan. Sa sobrang kalumaan nito ay di maiwasang makalikha ng ingay habang binubuksan, ngunit maingat pa rin niyang ginalaw ito at isinara pagkatapos. Sa loob ng kanilang tambalan mapapansin ang napag-iwanang garahe, nagtatayugang mga ligaw na damo at halata ang kalumaan ng bahay, tinatawag ito ng mga taga-roon na bahay ng kastila.Madalas din maging tampulan ng mga kwentong kahindik-hindik ukol sa mga pinamamhayan ng mga lamang lupa't mga kaluluwang namamahay dito. Gawa sa mga kahoy na bintana at butas-butas na kisame, mga inaamag na haligi at nagkakalumot na mga sahig at semen

  • Agam ng Kahapon   Pang labing-tatlo

    Mga Bakas Mula Sa Kanyang Mga BisigBinubuhay ng aking gunita ang isang sandali na naghahabulan kami ng aking kapatid na babae sa paligid ni Ama at Ina habang sila ay nag-uusap, mapapansin doon ang malungkot na kaganapan. Sa paglalaro ay pinilit kong magtago sa mga bisig ni Ama upang di mahuli ng aking kapatid na babae, sa loob ng mga bisig na iyon nakita ko ang kabuuan ng larawan sa pagitan ng aking mga magulang, isang kabuuan ng paghihiwalay.HINDI ko lubos maunawaan pero alam kong kalungkutan iyon. Muli akong nilipad ng gunita ng hinabol ko si Ama habang palabas sa aming tahanan, nagmistulang tutang naghahabol at lumalaro sa isipan ko ang isang tanong, lumingon si ama at kinaskas ang aking ulohan at kinarga habang may binibigkas ng diko na matandaan kung ano, muli, ay nagpatuloy lumayo hanggang sa mawala ang kanyang pagkatao't imahe sa masikip n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status