แชร์

AIJAN: 5

ผู้เขียน: Jennex
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-09-27 14:31:04

Cara

Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa labas bintana. Hindi ko mapigilan ang mapa ungol bago mas ibinaon pa ang aking mukha sa unan dahil mukhang kailangan ko pa ng kahit ilang minuto na tulog.

Ngunit agad akong nagtaka nang mapansin na hindi ang paborito kong fabric conditioner ang aking naaamoy mula na nasa unan na gamit ko ngayon, kaya agad na muling napamulat ako ng aking mga mata.

It was only then I noticed I was not lying in my bed but on a couch.

Nagtataka na inilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto, sinusubukan din na maalala kung ano ba ang mga nangyari kagabi. Sa pagkakatanda ko kasi, ito ang unang beses na nakapasok ako sa silid na ito.

Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga dahil kusa na lamang ding nawala ang antok na aking nararamdaman kani-kanina lamang.

Kunot noo at napapanguso na napatitig ako sa isang queen size bed na nasa aking harapan.

Sino naman kaya ang may lakas ng loob na patulugin ako sa isang couch at hindi sa isang kama? Nagtataka na tanong ko sa aking sarili habang napapailing.

Napayuko ako pagkatapos ay doon ko lamang din naamoy ang malakas na amoy ng alak mula sa aking sarili.

And...damn it! Hindi ko mapigilang pagmura.

Morning breathe.

Napapikit ako ng mariin bago napatayo at mabilis na lumapit sa isang may kalakihan na closet na nasa may gilid ng kama. I am sure na may mga unused toothbrush dito, tama?

Habang naghahalungkat ng mga gamit. Narinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae habang may kausap sa kanyang telepono mula sa labas ng silid kung nasaan ako.

At hindi lamang pamilyar ang boses na iyon. I know very well who owns it. That's the time na napatampal ako sa aking noo nang tuluyang maalala ang nangyari kagabi.

Ano bang ginagawa mo, Cara? Dismayado na tanong ko na naman sa sarili bago ipinagpatuloy ang pag hahanap ng toothbrush, dahil nakakahiya kung haharap ako sa kanya na ganito ang aking itsura.

But I was suddenly stunned when her bras and underwear were exposed to my eyes. I couldn't help but giggle and grin when I saw her cute black bikini.

Napapailing na lamang ako.

"What are you doing in my closet?" Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ang maawtoridad na boses na iyon.

Oh no! Ngunit pinanatili kong kalmado ang aking sarili. Mabilis na lumapit ito sa akin at isinara ang closet habang namumula ang kanyang buong mukha.

Marahil alam niya kung ano ang nakita ko. Tinignan ako nito nang nakakunot ang mga noo at halatang dismayado.

Napataas ako ng aking dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"I'm just looking for an unused toothbrush." Paliwanag ko sa kanya. "Wala man lang good morning?" Panunukso na tanong ko ngunit hindi naman makatingin sa kanyang mga mata, dahil pinipigilan ko ang mapangiti ng may pagkapilya.

Ramdam ko ang matatalim na titig nito sa akin habang naka-cross arms. Nag-uunahan din sa pagtaas baba ang kanyang dibdib at panay ang kanyang pag buntong hininga.

Lalo tuloy siyang gumaganda sa paningin ko kapag ganitong nagsusungit siya.

"If you're looking for a toothbrush, why don't you just ask me?" Magkasalubong parin ang mga kilay na tanong nito sa akin. "Hindi mo ba alam na nasa ibang pamamahay ka? At hindi mo dapat pinakikialaman ang gamit ng may gamit!"

Pagkatapos noon ay basta na lamang siyang nag walk-out mula sa aking harapan.

Habang ako naman eh nanatili lamang na nakatayo na parang ewan. Hindi ko kasi alam kung matatawa ba ako o kikiligin sa ginagawa niya. Oh God! Iba talaga 'yong karisma ni Ms. Lopez.

"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?!" Sabay lingon na tanong nito sa akin dahilan upang mapatingin akong muli sa kanya. "Follow me!" Sabay musyon nito na lumabas na ako ng kanyang kuwarto.

Hinablot ko lamang sandali ang aking pouch na nasa ibabaw ng bedside table, bago tuluyang sumunod na rin sa kanya.

Nakarating kami sa kanyang kitchen. Hindi kalakihan ang apartment ni Ms. Lopez kaya mabilis kaming nakarating dito. May hinalungkat siya sandali sa isang drawer roon at hindi nagtagal ay may inabot na sa akin na toothbrush.

Finally! Sabi ko sa aking sarili.

Mabilis na kinuha ko iyon mula sa kanyang kamay. Walang kibo na binigyan din ako nito ng toothpaste.

"Thanks!" Kagat lagi na pasasalamat ko dahil bigla yata akong nahiya sa aking sarili, nahuli ko kasing pinasadahan ako nito ng tingin sa aking kabuohan.

Agad na dumiretso ako sa toilet na nandito sa kanyang kitchen. Pagdating sa loob ay hindi ko mapigilan ang muling mapapikit ng mariin habang pinagmumura ang sarili.

Bakit kasi sa lahat ng tao, ang crush na teacher ko pa ang nakakita sa akin sa bar kagabi? Kinailangan ko tuloy ang umakto na para bang wala lamang sa akin ang lahat. Hindi na sana ako napadpad sa apartment niya ngayon.

Alam na tuloy niya, na alam ko kung saan siya nakatira na dapat ay sekreto ko lamang. Ang engot ko rin talaga.

And what worries me the most is that she saw me dancing at the bar last night. I can see in her eyes how disappointed she is with what she witnessed.

Napapabuga na lamang ako ng hangin sa ere bago ipinagpatuloy na ang aking ginagawa. Nag-toothbrush lamang ako at naghilamos. Mabuti nalang din at may malinis na towel dito sa loob, may nagamit akong pamunas sa aking mukha.

Pagkatapos noon ay lumabas na akong muli. Noon naman naabutan ko si Ms. Lopez na may hawak na malinis na t-shirt at jeggings.

"Here!" Sabay abot nito sa akin ng mga iyon. "Take a shower to refresh yourself. Also to get rid of that disgusting smell of alcohol in your body." Sabi nito. Ngunit hindi na masyadong masungit ang awra kaya napangisi na ako.

"Hindi ko pa nagagamit yang mga yan at sa tingin ko naman ay kakasya sayo, kaya gamitin mo nalang." Wika nitong muli. "Also, m-may unused undergarments din dyan. Hindi ko lang alam kung kakasya yung sa taas pero pag tyagaan mo nalang."

This time ay hindi na ito makatingin pa sa akin. Nakayuko na lamang ito habang namumula ang tenga. Naka-messy bun kasi siya kaya mas nakikita ko ang reaksyon ng mukha niya palagi. 

Agad naman na napayuko ako at napatingin sa aking hinaharap at mabilis na napasulyap sa kanyang dibdib. Sa tingin ko naman, kakasya naman siya. Hehe.

Napapakamot sa batok na muling kinuha ko iyon sa kanyang kamay. Magsasalita na rin sana ako nang unahan niya.

"At pagkatapos, pwede ka ng umuwi." Sabay talikod na sabi nito sa akin.

Napapa 'O' na lamang ako ng aking labi habang naiiling na sinusundan siya ng tingin. Ang sungit kasi ni Ma'am. Sa ginagawa niyang pagsusungit lalo tuloy akong nagkakaroon ng crush sa kanya. Tsk!

---

Wala na ang nakakadiri na amoy ng alak sa aking katawan noong pangalawang lumabas ako ng toilet. Nakabihis na rin ako gamit ang ibinigay ni Ms. Lopez sa akin na damit.

Naabutan ko naman itong nagsasalin ng kanyang kape. Sandaling pinagmasdan ko ito mula sa kinatatayuan ko. Hindi yata niya namalayan na tapos na ako.

Nakasuot lamang ito ng short shorts at isang loose t-shirt sa itaas, naka messy bun ang kanyang buhok at ngayon ay mayroon na siyang suot na glasses dahil napansin ko kaninang abala siya sa pagkalikot ng kanyang laptop.

I couldn't help but swallow hard as I glanced down at her long and flawless legs. Damn.

Ang sexy niya talaga kahit na ano pa ang kasuotan na kanyang suot. Napakahinhin din niya kung kumilos kaya mas lalo kang mai-engganyong pagmasdan siya palagi.

Mabilis na nagbawi ako ng aking paningin at napailing nang ma-realize na may ilang segundo ko na siyang pinagmamasdan.

Duh! Hindi mo lang siya pinagmamasdan, Cara. You're drooling over her!! Tuyo ng aking isipan.

Napa tikhim ako dahilan upang mabilis na magbaling ito ng kanyang mga mata sa akin. Iniinom na rin nito ang kape na gawa niya na ngayon ay kumakalat ang amoy sa buong paligid.

Inihakbang ko ang aking mga paa palapit sa kanya.

"So, I think we're just the same size." Sabay smirk na wika ko habang tinitignan siya ng nakakaloko atsaka ako huminto sa tapat niya.

Halos maibuga naman nito ang kanyang mainit na iniinom sa mukha ko bago napa ubo. Pigil ang mga ngiti at napapatulis ang nguso na napatitig lamang akong muli sa mukha niya.

Para siyang kape, nakakaadik pagmasdan sa umaga, nakakatakam pang tikman. Wew!

Muli akong napalunok noong mapako ang aking mga mata sa kanyang labi at siya naman ay mabilis na nagbawi ng paningin.

"G-Gusto mo ba ng kape?" Biglang sabi nito at kukuha na sana ng tasa noong mabilis ko siyang pigilan sa kanyang balakang bago marahan na hinapit palapit sa aking katawan.

Nanlalaki, namimilog at napapakurap naman ang mga mata sa gulat na muling tinignan niya ako sa aking mukha. Hindi rin nito napigilan ang mapalunok ng maraming beses.

I'm so sorry, hindi ko talaga gustong gawin ito pero masyado na akong natutukso kaya...

I didn't think twice so I quickly kissed her on her lips. A quick kiss and it didn't take a few seconds for my lips to touch hers.

Pagkatapos noon ay mabilis na itinulak ako nito palayo mula sa kanyang katawan at isang malakas na sampal ang natamo ko.

Napapikit pa ako sa sakit. Pakiramdam ko rin, bumakat ang palad nito sa pisngi ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya.

"Cara, bukas ang pinto at makakaalis kana." Kalmado ang boses na utos nito ngunit alam mong galit siya.

Napalunok ako ng maraming beses kasabay ang pagtitig muli sa mga nanlilisik niyang mga mata.

"Ms. Lopez, I-I'm---"

"I said, get out!" Matigas at mariin ang pagkakasabi nito habang nakaturo sa labasan ng kanyang apartment at namumula na rin ang kanyang ilong. Para bang gusto na niyang umiyak.

Napahinga ako ng malalim habang kagat-kagat ang aking labi at napapatango sa kanya.

"Okay. I-I'm leaving."

Hindi na siya muling kumibo pa. Napa sulyap ako ng huling beses sa kanya bago tuluyang tumalikod na.

Nang tuluyan na akong makalabas ay agad na napabuga ako ng hangin sa ere habang tinatawagan ang number ni Manong Rey. Magpapasundo na lamang siguro ako sa kanya.

At habang naghihintay sa pagdating niya, hindi ko mapigilan ang mapahawak sa aking labi habang na ngingiti na parang ewan.

Nasisiraan na yata ako ng bait. Sabi ko sa aking isipan.

Well, maybe you are, Cara. Sino ba naman ang nasampal na eh naka ngiti parin pagkatapos? Pang-aasar naman ni inner self.

Siguro kasi dahil nagawa ko siyang halikan? At kahit na nasampal man niya ako, ayos lang. At least na-kiss ko na siya. Sagot ko naman sa mga ito.

Pero...hindi ba parang turn off 'yon sa kanya? At mas lalo siyang madidisappoint sa akin?

Natigilan ang aking malalim na pag iisip noong basta na lamang huminto ang sasakyan sa aking harapan. Mabilis na binuksan ko ang pinto nito bago pumasok sa loob.

Nagtataka naman ang mga mata ni Manong Rey na napapasulyap sa apartment ni Ms. Lopez.

"Sa bahay ho tayo, Manong Rey. And please, don't tell my parents." Napatango lamang ito dahil sa sinabi ko.

"Makakaasa ho kayo ma'am." Pagpayag naman niya bago muling pinasibad ang sasakyan.

Ms. Lopez, no matter what happens, no matter what your status in life, I will make you mine. And that is a promise.

A/N: Pang limang Patikim! Matakam lang kayo, please! Nyahahaha! 😉

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   Epilogue

    Sabrina Ipinasok ko ang aking sasakyan sa isang malaking bakal at kulay puting gate kung saan ang loob nito ay isang napaka laking mansyon, na pag mamay-ari ng pamilyang Olsen. Ipinarada ko ang aking kotse kahilera ng mga bago at mamahaling sasakyan. Hindi ko tuloy mapigilan ang manliit dahil wala sa kalingkingan ang itsura ng kotse ko mula sa mga ito. May lumapit sa akin na isang matandang babae na sa tingin ko ay matagal na nilang katiwala rito. Binati ko ito at ganoon din siya sa akin. Agad na iginaya ako nito patungo sa pool area, kung saan, prenting naka upo si Senador Olsen habang seryosong nagbabasa ng kanyang hawak na dyaryo. Mabilis na inilapag nito ang kanyang hawak noong masulyapan ako bago inayos ang kanyang pagkakaupo. Habang ako naman ay kinakabahan na huminto sa kanyang harapan. Ano ba kasing kailangan ng matandang ito sa akin? Huwag niyang sabihin na hindi parin siya maka move on sa pakikipag relasyon ko sa kanyang anak? For God's sake ang tagal na panahon na iyo

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   Final Chapter

    Now playing: I'll never love again by Lady Gaga Sabrina "Dear Ms. Lopez Hi. How are you? I hope you are doing okay. I hope you are now doing the things you love with a smile on your face. Because that's the thing I also want and dream for you. To be happy and achieve the things you want in life, even when I am no longer by your side. I don't know why I'm typing this but, I just want to thank you for the amount of time we spent together. It's been a rollercoaster ride with you, but it's also the most amazing thing that has happened in my life. You are the plot twist of my life, Sabrina. And I never regretted meeting you. Pangarap kita eh. Pangarap ka ng kahit na sino. I mean, nasa iyo na ang lahat. At isa ako sa maswerteng nabigyan ng pagkakataon na makilala ka, na mahalin ka, at alagaan. And I was even more blessed because you were also able to love me back. Nakaroon ako ng malaking parte sa puso mo and you also took good care of me. Something I will never forget and I will always

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 32

    Now playing: Faraway by NickelbackCara>>>After 2.5 years

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 31

    Now playing: 6, 8, 12 by Brian Mcknight Sabrina It's been six months since Cara left. And I admit that I miss her so much. I miss everything about her. I miss her voice, I miss hearing her laughs, seeing her beautiful smiles, and her sparkling eyes. I miss kissing her and feeling the warmth of her body. I miss her so much!! Damn. And it's killing me inside, I wish we could still be together. I hope she was with me now, every day. Ngunit ang lahat ng iyon ay isa na lamang pangarap at mananatili na lamang na pangarap na hindi na mangyayari pa. I know she has adjusted to the new place where she is now. I knew little by little she was becoming whole again. And knowing that she was happy again, was one of the things I knew was worth it because I let her go. She deserves to be happy. She deserves to live with overflowing joy and happiness in her heart, to love freely, at and ipagmalaki sa bung mundo and taong mapipili niyang susunod na mahalin. Something I can't afford to give her. So

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 30

    Now playing: Malay mo tayo by TJ Monterde Sabrina Kanina pa ako nandito sa loob ng sasakyan, malapit ng mag simula ang ceremony, pero nandito parin ako hanggang ngayon. Kinakabahan at hindi maintindihan ang tunay na nararamdaman. Today is the Graduation ceremony of the Senior High. And I expected Cara to take the lead, especially at so many Awards. Dahil alam kong deserve niya ang lahat ng iyon. Tunay na isa siyang matalino, mabuti, at responsableng estudyante. Kaya nararapat lamang na mahakot nito ang awards. Hindi dahil mahal ko siya, kung hindi dahil nakikita ko, namin, ng lahat na naging teacher niya na siya ang nangunguna sa lahat ng klase. Muli akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga bago tuluyang lumabas na ng aking sasakyan. Finally! Dumiretso ako sa kaliwang bahagi ng venue kung saan gaganapin ang graduation ceremony at naupo sa bakanteng bleachers kasama ang maraming teachers na nagmula sa iba't ibang department. Halos lahat ay nandito na at limang minuto na la

  • Age Is Just A Number (FILIPINO)   AIJAN: 29

    Now playing: Hanggang dito nalang by TJ MonterdeSabrinaHindi ko ginusto at intensyong saktan at iwanan sa ere si Cara, but I have to. I need to, in order to protect myself and my family. Ganoon na rin si Cara.Masyadong madami ang kailangang isakripisyo dahil lamang nagmahalan kaming dalawa. At ako mismo, inaamin kong hindi ko na kayang ibigay o isugal pa ang lahat para sa kanya.Wala kami sa isang pelikula, teleserye o maging sa isang fictional na kwento, para magkaroon kami ng masayang wakas katulad ng hinahangad ng lahat.Masakit para sa akin at hindi madali na sabihin ang mga masasakit na salitang iyon. Lalong lalo na ang tuluyang bitiwan si Cara. Pero anong magagawa ko? Di hamak na isa lamang akong alikabok at kalaban ko ang buong mundo, na anumang oras ay pwede akong tirisin nito. Na kahit pagmamahalan namin ni Cara ay walang magagawa para rito.*Flashback*Nagising na lamang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa aking pintuan. Masyado pa yatang maaga para magkaroon ako

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status