Share

Chapter Six

"HUWAG kang ngumisi diyan na parang may gagawin tayo," inis na sabi ni Katrina kay Jeremy nang nasa loob na sila ng bahay. Umalis na rin ang Daddy niya at ang Ninong Sunday niya pero sinabi ng mga ito na babalik din.

"Hindi ba pagkatapos ng kasal, honeymoon ang kasunod?"

"Heh," inis niyang sabi. Kahit ano kasing galit na gusto niyang maramdaman kay Jeremy, parang marsmallow na lumalambot ang kanyang puso kapag napapatitig na siya rito. Kaya lang, hindi dapat nito makita ang kalambutan niya pagdating dito. "Hindi tayo nagpakasal dahil nagmamahalan tayo. Ayoko lang talaga na ma-disappoint ang Daddy ko sa akin kapag sinuway ko na naman siya."

"Hindi pa rin naman mababago ang katotohanang, akin ka na."

Sa mga salita nito ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya nitong talaga kaya nagawang sabihin ang mga salitang iyon pero isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na huwag itong basta paniwalaan. Dahil kapag naniwala na naman siya rito ay maaari na naman siyang masaktan. 

"Naging iyo lang ulit ako dahil kasal na tayo. Ayoko na masaktan pa ang Daddy. Sa pagkakataong ito, gusto ko namang maging mabuting anak sa kanya. Tutal naman alam na alam naman ninyo na masamang tao si Flaviano, no choice na ako kundi pumayag na iligtas ang sarili ko. Pero, hindi ibig sabihin noon, makakalimutan ko na ang lahat ng pinagsamahan namin," aniyang tumitig sa mga mata ni Jeremy. 

Siguro nga, may pagkakataon na kailangan din naman na magsinungaling lalo na kung ang dahilan nu'n ay para protektahan ang kanyang sarili. Mas maigi na talagang itanim niya sa utak ng kanyang ex-boyfriend na matagal na niya itong nakalimutan at iba na ang kanyang mahal para hindi naman siya magmukhang kahiya-hiya rito. Biruin mo, kahit nagkaroon siya ng ibang karelasyon at nagplano pang magpakasal, pero hindi pa rin ito nawala sa kanyang puso gayung sobra-sobra siya nitong nasaktan dati. 

"Makakalimutan mo rin siya."

"Mahihirapan ako."

"Hindi ka mahihirapan."

"At paano ka nakakasiguro?" naghahamong tanong niya rito. 

"Dahil ipapaalala ko sa'yo na wala kang ibang mahal kundi ako," mariin nitong sabi sa kanya at bago pa man siya nakapagsalita ay inangkin na nito ang kanyang labi. 

Sabi ng utak niya ay kailangan niyang itulak ito dahil hindi niya gustong halikan siya nito pero ang katawan niya ay parang may sariling isip dahil niyakap pa niya angkanyang mga kamay sa leeg nito dahil gusto niyang salubungin ang maiinit nitong halik at hindi rin niya napigilang tugunin iyon. 

"I miss you so much..." wika nito.

"I miss you too," wika niyang hindi na pinagana pa ang sinasabi ng kanyang isip. Talaga naman kasing miss na miss na rin naman niya si Jeremy at saka hindi naman kasalanan ang kanilang ginagawa dahil mag-asawa na sila. 

KANINA pa gising si Katrina pero hindi pa rin siya dumidilat. Masarap kasi sa pakiramdam na nakabilanggo siya sa mahigpit na yakap ni Jeremy habang nakaunan siya sa malapad nitong dibdib at pinakikinggan niya ang tibok ng puso nito. 

Siya ba talaga ang laman ng puso nito? nagdududa pa ring tanong niya sa sarili. 

Minsan na siyang pinaasa ni Jeremy Rosales kaya ayaw na niyang umasa na may pag-ibig talaga ito sa kanya. Hindi kasi niya maiwasan ang magduda lalo na't ang pag-kidnap sa kanya ni Jeremy ay may kinalaman sa misyon nito. Marahil, napangakuan lang ito ng mataas na posisyon kaya napapayag na pakasalan siya para 'mailigtas' siya kay Flaviano. 

"Anong gusto mong breakfast?" tanong sa kanya ni Jeremy habang hinahagod ang likod niya. 

Gusto pa sana niyang manatili sa kanyang posisyon pero ayaw naman niyang isipin ni Jeremy na nasasarapan siya sa kanyang puwesto, kahit iyon naman ang totoo. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan bago tumayo. 

"Saan ka pupunta?"

"Magluluto," walang gana niyang tanong pero sa halip na lumabas ng pintuan ay dumiretso muna siya sa cr. Siyempre bago niya umpisahan ang pagiging mabuting asawa niya niya ay kailangan muna niyang ayusin ang kanyang sarili. 

Kahit gusto niyang itago ang tunay niyang nararamdaman, hindi niya napigilan ang mapangiti. Para kasing nag-flash sa isip niya ang mga nangyari sa kanila ni Jeremy. Tanging ito lang talaga ang nakapagbibigay sa kanya ng init para magawang tumugon ng katawan niya. 

May mga pagkakataon kasi na sinusubukan ni Flaviano na may mangyari sa kanila pero hindi niya iyon pinahihintulutan at nagpasalamat naman siya at hindi ito nagpilit. Siguro dahil sa gusto nitong ipadama sa kanya na ito ang perpektong lalaki sa kanya kahit alam naman nito na tutol dito ang mga kapamilya niya.

"Shucks," bulalas niya nang mapagtanto niyang pumasok siya ng banyo na wala naman siyang dalang gamit. Tatawagin sana niya si Jeremy para magpaabot ng tuwalya rito nang bumukas ang pinto at pumasok itong may malapad na ngiti sa labi.

"Sabay na tayong maligo," sabi nito saka inilagay sa estante ang mga tuwalya nila. 

Magandang-maganda ang ngiti sa labi nito kaya hindi niya ito magawang tanggihan. Hindi rin naman siya nakatitiyak kung gugustuhin din nga ba niyang tumanggi. Eh, 'yun ang gustung-gusto niyang ginagawa nila dati. Ang maligo ng sabay habang ipinararamdam sa isa't isa kung gaano nga ba sila nagmamahalan. 

"Ligo lang, ha," sabi niya rito. 

"Promise," nakangising sabi nito sa kanya ngunit nang bumuhos na sa katawan nila ang tubig at sinasabon na nila ang katawan ng bawat isa, naramdaman na rin nilang hindi nila kayang tanggihan ang kanilang katawan na kailangan ang isa't isa. 

"WAKE up sleepy head," sabi ni Jeremy. 

Ayaw pa sanang dumilat ni Katrina dahil pagod na pagod pa siya pero langhap na langhap niya ang bango ng tocino kaya napabangon siyang bigla. Siyempre, paborito niya iyon kaya biglang kumalam ang kanyang sikmura. 

"Brunch is ready."

Hindi pa niya napigilan ang lumanghap dahil talagang gustung-gusto niyang maamoy ang tocino nito at pati na rin ang sinangag nitong maraming bawang. Tapos mayroon pang priniritong itlog, bacon at isang pitsel na orange juice. Nakalagay iyon sa tray na mat stand kaya naman pakiramdam niya'y isa siyang reyna na pinagsisilbihan ng kanyang hari. 

Sucks, wika niya. Sa kaisipan kasing iyon ay bumilis ng todo ang tibok ng kanyang puso. At hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Kahit naman kasi kasal na sila ni Jeremy ay may malaking posibilidad pa rin na masaktan siya sa huli. 

"What time na ba?"

"11."

"Oh," bulalas niya. "I'm sorry."

"For what?" nagtatakang tanong sa kanya ni Jeremy pero nagniningning naman ang mga mata. 

"Dapat ako ang nagluto ng brunch natin dahil ako ang babae at responsibilidad ng misis na..." napatigil siya sa pagsasalita nang makita niyangngiting-ngiti si Jeremy na para bang siyang-siya sa kanyang sinabi. Siya naman ay parang gustong batukan ang sarili dahil nakalimutan niya ang dahilan kaya kinailangan nilang magpakasal. 

"May ibang araw pa naman para pagsilbihan mo ako. But today, hayaan mong ako ang magsilbi sa'yo."

Dahil sa nagugutom na siya ay itinuon na muna niya ang atensyon sa pagkain. Saka ng mga sandaling iyon ay ayaw muna niyang ibaling kay Jeremy ang kanyang atensyon dahil nakakalimutan niyang ito ang ex-lover niya na kinamumuhian niya dahil sobra nitong nasaktan ang kanyang puso. 

"Huwag mong iisipin na okay na tayo dahil may nangyari sa atin, ah," wika niya matapos nilang kumain. 

hindi ito kumibo pero tumitig sa kanya. Siguro ay gusto nitong malaman kung seryoso ba siya sa kanyang sinasabi. 

"Mag-asawa na tayo kaya may karapatan ka sa...katawan ko. Hindi ko naman iyon ipagkakait sa'yo."

"Sinasabi mo bang sex lang ang habol ko sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong nito. 

"Sasabihin mo na naman bang mahal mo ako?"

"Yes."

"Huwag mo akong gawing tanga. Alam kong may ibang dahilan kaya pumayag ka agad-agad na pakasalan ako. May posisyon bang ipinangako si Ninong Sunday sa'yo? It's fine. Alam ko naman talagang gagawin mo ang lahat para matupad mo ang pangarap mo. Ayoko lang talagang isipin mo na nagawa ko ng kalimutan si Flaviano," nahagilap niyang sabihin pagkaraan. 

Masyado ng nasaktan ni Jeremy ang kalooban niya dati kaya hindi na niya hahayaang mangyari iyon. Kaya naman kahit na hindi totoo ang kanyang sinabi, kailangan niyang gamitin ang pangalan ni Flaviano para naman kahit papaano ay maisalba niya ang kanyang ego. Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng magmura ito. 

Nagkibit balikat na lang siya pagkaraan. "Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin," aniyang hindi na hinintay na sumagot ito dahil kinuha na niya ang pinagkainan nila at inilagay sa tray. Saka, nagmamadaling lumabas sa silid. 

SA pagkakaalam ni Jeremy ay matapang siya pero habang nakatitig siya kay Katrina na himbing na himbing na nakasiksik sa kanyang dibdib, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Para kasing may nagsasabi sa kanya na kahit na mag-asawa na sila ay maaari pa rin itong mawala sa kanyang buhay.

Papayagan ba niyang mangyari iyon?

No

Gusto rin naman niyang isipin na may damdamin pa rin sa kanya si Katrina kaya pumayag itong magpakasal pero alam niyang napilitan lang itong gawin iyon dahil sa ama nito. Saka, palagi nitong sinasabi na mahal nga nito si Flaviano. 

Sa kaisipang iyon ay parang gusto niyang magwala. Hindi naman kasi karapat-dapat ang lalaking iyon para mahalin ni Katrina ngunit sa palagay niya ay siya naman ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon. Iniwan niya si Katrina, sinaktan niya ito kaya napunta sa ibang lalaki ang pagmamahal nito. 

Kung kaharap lang niya ang Flaviano Samonte na iyon ay gusto niya itong pagsusuntukin dahil nagawa nitong paglaruan ang puso ni Katrina. At hindi rin niya kayang isipin na nagawa nitong angkinin si Katrina. 

Ayaw sana niya iyong ipasok pa sa kanyang utak pero iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Katrina na hindi niya malaman kung gusto lang ba nitong saktan siya o baka naman talagang ipinamumukha lang nito sa kanya na nagawa na nitong makapag-move on sa kanya. Napahugot tuloy siya nang malalim na hininga dahil parang may kung anong nakabara sa kanyang dibdib. 

Pero, ngayong kasal na si Katrina sa kanya ay hindi na niya hahayaang mapahamak ang kanyang asawa sa kamay ninuman lalo na sa lalaking nagngangalang Flaviano Samonte. Kung talagang naagaw nga ng lalaking iyon ang puso ni Katrina, gagawin niya ang lahat ng paraan para mabawi iyon dahil naniniwala siyang sa kabila ng lahat siya pa rin ang mahal ni Katrina. 

TULAD ng sinabi ni Katrina ay gusto niyang siya na ang mag-aasikaso sa kanyang asawa kaya naman sinikap niyang gumising ng maaga para maipagluto ito ng agahan. Maaari ngang iba ang dahilan kaya nagpakasal sila ni Jeremy ngunit hindi niya magagawang itanggi sa kanyang sarili na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya ito kaya kung hindi man pag-ibig ang dahilan nito kaya siya pinakasalan ay sisiguraduhin niyang darating ang araw na magagawa rin siya nitong mahalin. 

Napabalikwas lang nang bangon si Katrina nang wala siyang makapang Jeremy sa kanyang tabi. Maaari naman niyang isipin na nagpahangin o nag-cr lang ito pero hindi pa rin niya maiwasan na makaramdam ng takot na baka hindi na ito bumalik. Na iniwan na siya nito.

Limang minuto.

Sampung minuto.

Tatlumpung minuto.

O, parang gusto na niyang umiyak. Ibig na niyang sumigaw ng ‘ huwag mo akong iwan’ pero parang paralisado ang kanyang katawan. Hindi siya makagalaw. Ang tangi lang niyang nagawa ay lumuha. Pakiramdam niya kasi’y pagdaraanan na naman niya ang sakit na pinagdaanan three years ago.

Hilam na hilam na siya sa pagluha nang bumukas ang pintuan.

“Anong nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Jeremy kaya mabilis ang paglapit nito sa kanya.

Ibig pa sana niyang itago rito ang kanyang pagluha pero napakaimposible na magawa niya iyon. Agad na itong nakalapit sa kanya ay hinawakan ang kanyang mukha. Kaya, alam niyang hindi na siya makapagkakaila pa. 

“Katrina…” masuyong bulalas nito sa kanyang pangalan at pinakatitigan siya nito.

Ibig sana niya itong tarayan dahil sa takot na kanyang naramdaman na mawawala na naman iyo sa kanya ngunit nang magtama ang paningin nila, nalusaw ang lahat ng negatibong nararamdaman niya. Sa halip, niyakap niya ito ng pagkahigpit-higpit. Kung maaari lang ay ayaw na niya itong pawalan pa dahil hindi na rin niya gugustuhin pang mawala ito sa kanyang buhay.

“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong nito sa kanya habang pinupunasan ang luhang umaagos pa rin sa kanyang mga mata.

“Ikaw kasi,” wika niya

Kumunot ang noo nito. “Anong ako kasi?”

Lumunok muna siya ng kung ilang sandali bago niya ito sinagot. “Akala ko iniwan mo na ako.”

Maya-maya ay sumilay na ang matamis na ngiti sa labi nito. “Paano ko naman gagawin iyon, eh, asawa na kita.”

“Saan ka ba galing?” inis pa rin nitong tanong.

“Sa kabilang kuwarto.”

“Ayaw mo akong katabi?” Madilim ang mukhang tanong niya.

Pinisil nito ng buong lambing ang kanyang ilong bago sumagot. “Nag-video call kami ng boss ko at binigyan niya ako ng update sa mga nangyayari.”

“Niloloko mo ba ako? Boss mo pero ikaw ang bibigyan ng update at tatawag ng akas tres ng madaling... .”Natigil siya sa kanyang pagsasalita ng mapagtanto niyang hindi nga pala ordinaryong empleyado si Jeremy. Isa itong special agent at posibleng ang misyon nito ay siya.

“Boss mo talaga ang kausap mo?” nagdududa pa ring tanong niya

“Yes.Hindi ako nagsisinungaling sa’yo.”

“Babae ba ang boss mo?”

Ang lapad ng ngiti nito sa kanya. “Lalaki ang boss ko. He's your Ninong Sunday. Kaya tama na ang pag-i-interrogate.Huwag ka na magtampo,” wika nito saka siya binigyan ng mabilis na halik sa labi.

Gosh, hindi makapaniwalang bulalas niya. Naramdaman na naman kasi niya ang wari’y kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Tapos, pinabilis na naman nito ang pintig ng kanyang puso. Mas lalo pa ngang nagwala ang kanyang puso dahil agad itong tumabi sa kanya.

“Hindi na ako makatulog..”

“Are you suggesting something?” nakangisi nitong tanong sa kanya.

“Ikaw, may gusto ka bang gawin?” naghahamong tanong niya rito

Ngumisi ito saka sinabing, “Ang patulugin ka sa pagod,” wika ni Jeremy bago inangkin ang kanyang labi. 

“ALAM mo ba ang dahilan kung bakit ko binili ang bahay na ito?” tanong sa kanya ni Jeremy habang namamasyal sila sa labas ng bahay. Magka-holding hands pa sila. Talaga kaasing gusto na niyang magsimula silang muli ni Jeremy kahit na hindi na nila iyon pinag-uusapan pa tutal wala na rin namang mangyayari kung paulit-ulit lang silang magtatalo. Saka, pakiramdam niya ay nagawa na niyang isuko kay Jeremy ang puso niya pati na rin ang kanyang kinabukasan. 

Dahil sa akin? Gustong itanong ni Katrina ngunit pinigilan nito ang kanyang sarili. Baka naman kasi mapahiya siya kapag iba ang isinagot nito “Marami naman talagang dahilan para maisipan mong bilhin ang bahay na ito. Bukod sa maganda ang lugar malamig pa Hindi na kailangan ang mag-aircon”

“Its  you,” anitong titig sa kanyang mga mata.

“Ako?”

Matamis na matamis ang ngiti nito ng sumagot. “Tanging ikaw lang ang dahilan kaya binili ko ito. Hindi nga ba sinabi mo dati na kung ikakasal tayo ay dito mo gustong tumira?”

Parang gusto niyang umiyak sa sinabi nito “Naaalala mo pa rin pala.”

“Lahat ng may kinalaman sa’yo ay naaalala ko.”

“Weeh.”

“Hindi kita binobola”

“Anong favorite color ko?” nakangisi niyang tanong. 

“Pink.”

“Sino ang first crush ko?”

“Ako?”

“Hindi, ah.”

Dumilim ang mukha nito. “Sabi mo ako ang first love mo.”

“Iba naman ang first love sa first crush. Saka una kong nakita si Racks kaya una ko siyang nagustuhan,” aniyang malapad na malapad ang ngiti. Inaalala kasi niya kung gaano kaguwapo ang crush na crush niyang actor. 

“Nanligaw ba sa’yo ang lalaking iyon?” nakasimangot nitong tanong sa kanya. Tinapunan pa siya nito ng nakaiiritang tingin na para bang gustong magwala. Siguro nga kung may kaharap itong punching bag ay kanina pa ito sumuntok nang sumuntok. 

Ang lakas ng tawa niya. Sa dilim kasi ng mukha ni Jeremy ay alam na alam niyang nagseselos ito at sobra siyang nasisiyahan doon. Talaga kasing ipinapadama nito sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Lahat tuloy ng sakit na naramdaman niya mula nang iwasan siya nito ay parang biglang naglaho.

“Kung nanligaw siya sa akin malamang siya ay naging first boyfriend ko.” Ngiting-ngiti niyang sabi. Sigurado kasi siyang nagseselos ito kaya kahit papaano ay nakaramdam siya ng kasiyahan. Pakiramdam niya kasi'y hindi naman ito nagsinungaling ng sabihin nitong mahal siya dahil sa reaksyon nito ngayon. 

“Sino ba ang lalaking ‘yan? Babangasan ko lang para hindi mo na siya maging crush.”

“He’s name is Racks Lejano.”

Nagsalubong ang kilay nito. “Parang pamilyar ang pangalan na ‘yan.”

"Binigyan kasi niya ako ng love letter dati tapos pinagpupunit mo," nakangisi niyang sabi rito. Sigurado kasi niyang maaalala nitong may ganoong eksenang nangyari sa kanila dati pero siyempre, hindi si Racks Lejano iyon. At hindi na rin naman niya maalala kung anong pangalan nu'ng kaklase niyang nagbigay sa kanya ng love letter. 

"Damn."

"Bakit?"

"Naalala ko nga. Hindi naman guwapo iyong nagbigay sa'yo nu'n."

"Pogi si Racks."

"Mas guwapo pa sa akin."

“Selos ka lang.”

“Mabuti alam mo” Nakangising sabi nito saka hinawakan ang kanyang palad at dinala sa labi, “Gusto ko kasi, akin ka lang,”

Tumayo siya’t dinukwang ito saka siya kinurot sa magkabilang pisngi. “Ang cute-cute mo talaga.”

"Mahal lang kita."

Bumilis ang tibok ng puso niya ng magkatitigan sila. Para ngang gusto rin niyang magsabi ng I love you too kung hindi lang niya napigilan ang kanyang sarili. Pakiramdam niya kasi'y hindi pa siya handang ibulalas ang mga salitang iyon pero nasisiguro naman niyang nagagawa niyang iparamdam sa kanyang asawa ang kanyang pagmamahal. 

"Kat...?"

"Yes."

"Magagawa mo ba akong mahalin ulit?" tanong nitong parang gustong magmakaawa. 

Hindi siya agad nakakibo. Hindi kasi siya sigurado sa kanyang isasagot pero ang alam niya, wala naman siyang ibang lalaking kayang mahalin kundi ito lang. Sana nga lang ay nagagawa niyang ipahatid sa pamamagitan ng kanyang tingin at ngiti ang tunay niyang nararamdaman. Talaga lang kasi hindi niya alam kung kaya na nga ba niyang ibulalas ang mga salitang iyon dahil alam niyang sa puso niya ay may takot pa rin siyang nararamdaman. 

"Please..."

"Basta manligaw ka ng husto. Malay mo, mas mahalin pa kita ng higit sa pagmamahal na ibinigay ko sa'yo dati. Pero, tanggap mo ba talaga ako? Kahit na..." Hindi na niya nagawang ituloy ang kanyang sasabihin dahil inangkin nito ang kanyang labi. 

"I love you so much at please, kalimutan mo na siya."

"Si Racks."

Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito bago nagsalitang muli. "Si Racks, si Flaviano at lahat ng lalaking hindi naman nararapat sa buhay mo. Gusto ko, ako lang," buong diing sabi nito na nagpakilig sa kanya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status