Share

Chapter Fourteen

"IKAW din naman ang may kasalanan, eh," wika ng Lolo Segundo niya nang lumabas siya ng kuwarto.

Kumunot tuloy ang noo ni Jeremy. Hindi kasi siya nakakasiguro kung siya nga ba ang sinasabihan nito pero sa kanya lang naman ito nakatingin kaya tiyak niyang siya ang kausap nito.

Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Sa palagay niya ay wala naman siya talagang maitatago sa kanyang Lolo Segundo. Ito ang nagpalaki sa kanya kaya kilalang-kilala siya nito. Isa pa, kasama nito kanina si Katrina kaya alam nito kung anong ginawa niya.

"Mahalaga ba talaga sa'yo ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Salubong na salubong ngayon ang kilay nito at matiim na matiim na nakatitig sa kanya.

"Siyempre naman po," mariin niyang sabi.

"Pero, mas binigyan mo ng oras ang bestfriend mo," mariin nitong sabi sa kanya.

"Lo naman..."

"Kapag may asawa ka na, ang asawa mo na dapat ang priority mo. O baka naman..."

"Mahal ko ho si Katrina," putol niya sa sasabihin ng kanyang lolo. Ay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vanessa Venus Triñ
next episode po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status