AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.
Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.
Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kanyang pinakamamahal. Kaya, kung nasasaktan man siya ngayon sa panlalamig na ipinakikita sa kanya ni Katrina, hindi siya dapat magalit o magdamdam man lang dahil alam niyang higit niya itong nasaktan noon.
"Good Morning," bati niya nang imulat na ni Katrina ang kanyang mga mata.
Biglang nanlaki ang mga mata nito nang makita siya lalo na ng ma-realize nito na nakayakap ito sa kanya. Hindi niya kasi mapigilang pagmasdan ang magandang mukha nito habang natutulog. May ngiti pang nakapaskil sa labi nito na para bang may maganda itong panaginip.
Nami-miss na talaga niyang makita ang matamis nitong ngiti kaya naman kapag may pagkakataon ay para siyang naiengkanto na pagmasdan ito. Wala siyang pakialam kung maubos man ang kanyang oras dahil ang mahalaga lang naman sa kanya ay makita itong masaya. Iyon nga lang mula ng malaman nitong buntis ito ay parang nahihirapan na itong ipakita ang ngiti sa labi. Parang hindi na rin niya nararamdaman ang pagmamahal nito gayung dati ay palagi nitong ipinadarama.
Alam niyang mayroon itong problema na di maibahagi sa kanya. Ayaw naman niya itong tanungin dahil baka ma-stress ito at makasama sa dinadala nito.
"Sorry," wika nito.
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "For what?"
"Never mind. Siguro nanaginip lang ako."
"Ano bang gusto mong kainin?"
"Ice cream. Pandan flavor."
"Mag-breakfast muna tayo."
Matalim ang tingin nito sa kanya. "Tinanong mo pa ako kung hindi mo naman pala ipapakain sa akin ang gusto ko."
Iyon ang unang pagkakataon na tinarayan siya ng ganoon ni Katrina kaya naman natulala siya. Hindi tuloy siya nakapag-react agad kahit na biglang bumalikwas nang bangon si Katrina tapos nagmamadaling pumasok sa cr saka ibinalibag ang pintuan. Ilang beses niya itong kinatok sa cr pero hindi siya nito pinagbuksan.
"Katrina..."
"What?"
"Kumain na tayo."
"Ayoko."
"Hindi lang ikaw ang magugutom. Sana isipin mo rin na may dinadala ka," wika niya saka humugot nang malalim na buntunghininga. Ang sabi ng Lolo Segundo niya ay mahirap daw kasama ang asawang naglilihi dahil marami itong hinahanap kaya kailangan daw talaga ay ibayong pasensiya ang gawin.
Mahal na mahal niya si Katrina kaya naman kahit na tarayan pa siya nito maghapon ay okay lang sa kanya. Gusto niya kasing ipadama rito kung gaano niya ito kamahal. Ayaw na nga niya isipin ang sinabi nitong si Flaviano ang ama ng anak nito.
"At anong gusto mong sabihin, masama akong ina?" mataray na naman nitong sabi nang buksan nito ang pinto ng cr.
"Bakit umiiyak ka?" nag-aalalang tanong niya rito.
"Nagtanong ka pa."
"Maaga pa kasi masyado para mag-ice cream."
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga akong pagbigyan porke alam mong hindi ikaw ang ama ng dinadala ko. Wala kang pakialam kung ano ang magiging epekto ng di mo pagbibigay ng ice cream sa buntis. Lalabas siyang naglalaway at dahil iyon sa'yo. Palibhasa kasi..."
"Stop," inis niyang sabi dahil sigurado na naman niyang sasabihin nito na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. Pakiramdam niya kaya palaging sinasabi sa kanya ni Katrina ang mga salitang iyon ay dahil gusto siya nitong saktan. "Kung gusto mo talaga ng ice cream, fine. Ibibigay ko sa'yo pero sana huwag mo naman palaging sinasabi na hindi akin 'yan. Ako ang asawa mo kaya ako ang ama ng anak mo. Sa akin man siya galing o hindi."
"Ulirang asawa," buong kasarkastikuhang sabi nito sa kanya.
Napasabunot na lang siya dahil talagang gusto niyang pigilan ang sariling patulan ang kanyang misis.
"Gisingin mo na lang ako kapag may ice cream na. Pandan flavor, ah."
NANG masiguro ni Katrina na nakalabas na ng silid si Jeremy ay bumangon siya at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Hindi naman kasi niya talaga gustong tarayan ng ganoon si Jeremy. Mahal na mahal niya ito kaya ang gusto lang sana niya ay yakapin at halikan ito palagi. Ngunit, kapag pumapasok sa isipan niya ang kanyang natuklasan ay nagdadalawang isip na siyang gawin ang kanyang gusto.
Sobra kasi siyang nag-aalangan. Paano pala kung nandidiri naman pala ito sa halik at yakap niya? Paano kung sa isipan nito ay hindi siya ang gusto nitong nakikita? Paano kung sa pagtatalik nila ay ibang pangalan naman ang masambit nito?
Kaya naman naisip niyang bigyan ng limitasyon ang sarili sa pagkakalapit dito. Kahit alam niyang mali ang magsinungaling mas minabuti na lang panindigan dito na si Flaviano ang ama ng kanyang dinadala.
Tiyak naman kasi niyang ang pagsasama nilang iyon ay hindi panghabambuhay. Baka nga isang araw ay bigla na lang mag-expire ang kanilang pagsasama. Kaya, mabuti na ring alam nito na wala itong kapit sa kanya.
Nang mag-ring ang kanyang cellphone at makita niyang si Ysabelle ang tumatawag ay agad niya itong sinagot. Ang pinsan niya kasing ito ang itinuturing niyang matalik na kaibigan kaya sa panahong nasasaktan siya ay ito ang gusto niyang lapitan.
"Please, pumunta ka rito."
"Umiiyak ka ba dahil sa nangyari kay Flaviano?" tanong nito.
"No," wika niya at gusto niyang ma-guilty ng sabihin iyon.
"Sige pupunta na ako diyan."
"Thanks, hintayin kita," naiiyak pa rin niyang sabi.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Jeremy. May dala itong tray ng pagkain at ang hiling niyang ice cream kaya napangiti siya. Para rin kasing hinaplos ang puso niya dahil kahit nagsinungaling siya ritong hindi ito ang ama ng kanyang dinadala ay ginagawa pa rin nito ang responsibilidad nito bilang mister.
Iyon nga lang ba talaga ang dahilan? sarkastikong tanong niya sa sarili.
Gusto niyang maniwala na kaya ganoon ang ginagawa ni Jeremy ay dahil mahal siyang talaga nito pero naiisip din niyang baka naman may guilt lang itong nararamdaman kaya pinaninindigan ang pagiging asawa niya.
"Happy ka na ba?" tanong sa kanya ni Jeremy.
Dinampot niya agad ang ice cream. Saka iyon nilantakan nang nilantakan. "Sobrang happy."
"Sana naman hindi mo na ako awayin."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Sa palagay mo gusto kong maramdaman ito?" asar niyang tanong. "Saka, ayaw mo iyon lagi kitang napapansin."
"Sana lang, sweet ka sa akin tulad noon."
"Pasalamat ka nga lagi akong inis sa'yo."
"Para naman may mabuting dulot ang inis a palagi mong nararamdaman sa akin."
"Ayaw mo ba 'yun? Malaki ang posibilidad na magiging kamukha mo ang anak ko dahil pinaglilihihan kita."
"Anak natin."
"As if." Nakaingos niyang sabi.
Malalim na buntunghininga na lang ang pinawalan ni Jeremy kahit alam niyang may gusto itong sabihin. "Kumain ka na lang dyan."
KUNG lalaki ang magiging anak natin, sana kamukha mo, hindi napigilang sabihin ni Katrina habang ibinubulalas iyon sa kanyang isipan. Siyempre, hindi niya magawang sabihin iyon ng malakas dahil baka marinig iyon ni Jeremy. Kahit na sigurado siyang himbing itong natutulog, gusto pa rin niyangng magpakasigurado.
Mahal niya si Jeremy pero palagi na lang siyang nasasaktan kapag minamahal niya ito. Palagi na lang kasing may kundisyon ito kapag 'minamahal' siya. At kaya siya nito minahal ngayon dahil kailangan lang siya nito. Ginulo lng nito ang buhay niya dahil lang sa hacienda na mamanahin nito.
Ibig bang sabihin nu'n binuntis lang siya nito dahil sa kailangan lang nito ng tagapagmana? matabang niyang tanong sa sarili. Parang gusto niyang maiyak sa kaisipang nabuo lang ang magiging anak nila dahil sa pera t hindi dahil sa mahal siya nitong talaga.
"What's wrong?"
Nang makita niyang nakatitig na sa kanya si Jeremy ay nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya kasi inaasahan na mahuhuli siya nito. Kaya, naman sunud-sunod ang kanyang pag-iling. "Matutulog na nga ako."
Pagkaraan ay tumalikod pa siya rito dahil ayaw na niyang makita pa ang mukha nito. ayaw din niyang mabasa nito ang tunay niyang nararamdaman. Ayaw niyang makita nito ang sakit na nakapaskil sa kanyang mga mata.
"Katrina..."
Hindi siya kumibo. Pumikit na lang siya.
"I miss you," wika nito saka siya niyakap mula sa likod.
Damang-dama niya ang pangungulila sa boses nito kaya naman parang gusto niya itong harapin at sabihing, I miss you too. Kaya nga lang, kailangan niyang maging matatag. Gusto rin naman niyang protektahan ang kanyang sarili. Alam niyang hindi niya magagawa iyon kung magiging malambot na lang siya lagi rito.
Once is enough. Iyon dapat ang kanyang motto pero hindi niya nagawang panindigan dahil sa pagbabalik ng kanyang ex-boyfriend na inakala niyang mahal na mahal siyang talaga kaya pinilit pa siyang agawin sa kanyang fiance.
Nang malaman niyang isa na itong special agent ay dapat nagduda na siyang isa lamang siyang 'misyon' para rito.
Ang tanging alam kasi niya ay mahal niya ito kaya ginusto na naman siyang sumugal na magkakaroon na naman sila ng happy ending. Nang pinakasalan siya nito ay naisip niyang iyon na talaga ang simula ng kaligayahan pero hindi pala. Dahil mas nasaktan siya sa kanyang natuklasan.
Kung hindi niya kinagat ng mariin na mariin ang kanyang labi, malamang ay napaiyak na siya. Gusto kasi niyang maniwala sa sinasabi ni Jeremy pero ayaw na niyang masaktan pa. Kailangan na niyang awatin ang sarili na mahalin pa ito.
IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita