PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay.
Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito.
Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga Samonte kaya't gusto niya'y mas matinding paghihirap ang maranasan ng mga San Juan.
Ngunit, ngayon ay hindi na niya mapapahirapan pa si Katrina dahil tinakasan siya nito sa mismong araw ng kanilang kasal at alam niyang may kinalaman ang matinik nitong ama sa nangyari. Hindi niya basta paniniwalaan na kinidnap si Katrina dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito lumilitaw. Mahal na mahal ito ng ama kaya kung talagang nanganganib ang buhay nito, siguradong matataranta ang mga ito ngunit nanatili lang kampante ang mga ito na para bang alam na alam kung anong nangyayari.
Saka, kasabay ng pagkawala ni Katrina ay nagsulputan na rin ang iba't ibang kaso laban sa kanya. Kahit tuloy gusto niyang hanapin si Katrina para magawa niya ang naunsiyaming plano ay hindi siya makakilos. Ngunit, hindi dahilan iyon para di niya paganahin ang utak niya upang malusutan ang lahat ng problema.
Matalino man ang mukhang matsing, nakangisi niyang sabi sa isip na ang tinutukoy ay ang kinamumuhiang ex-general. Ako pa rin ang mananalo, Flaviano samonte is the name!
KANINA pa gustong umiyak ni Katrina pero ayaw niyang magkaideya si Jeremy na alam na niya ang dahilan kung bakit siya nito pinakasalan kaya sinikap niyang umakto ng normal. Ngunit, hindi siya nito tinigilang tanungin kung saan siya galing at ilang oras siyang nawala at walang alam kung saan siya nagpunta.
Sa library lang naman siya nagpalipas ng sama ng loob pero hindi niya iyon magawang sabihin kay Jeremy. Sigurado kasi siyang kapag ibinulalas niya ang mga salitang iyon, magkakaideya rin ito na narinig niya ang pinag-usapan nito at ng lolo nito. Kapag nangyari iyon, para na rin niyang nawala ang kanyang pride.
Kung balewala rito na saktan nito ang puso niya, bakit hindi rin niya gawin dito? Para naman magkaideya ito kung gaano katinding sakit ang nararamdaman niya.
"May problema ba tayo?" tanong sa kanya ni Jeremy.
Pinigilan niyang maging emosyonal sa tanong nito. Para kasing ang galing nitong magmaang-maangan. Parang ang dali nitong kalimutan na pinaglalaruan lang nito ang kanyang damdamin kaya naisip niyang gawin na lang dito ang ginagawa nito. Bakasakaling kapag ginawa niya iyon ay makalimutan din niyang mahal niya ito.
"Wala naman akong dapat na problemahin dahil nandito ka sa tabi ko at damang-dama kong mahal mo ako," sabi niyang nakangiti. Sa ngayon ay kailangan niyang ilabas ang galing niya sa pag-arte para naman magawa niya ang plano niya.
Hindi ito kumibo pero ilang sandali siyang pinakatitigan na para bang gusto nitong basahin ang laman ng kanyang utak. Hindi niya gustong makipagtitigan dito ng mga oras iyon kaya naman umupo siya sa harap ng tv at nanood. Mas maiging itutok muna niya ang kanyang atensyon sa ibang bagay para naman mapigilan pa niya ang sarili niyang humagulgol.
At hindi niya akalain na sa panonood niya ng balita ay magkakaroon na siya ng dahilan para umiyak.
Ayon kasi sa balita, sumabog ang kinalululanang sasakyan ni Flaviano Samonte. Kung sinuman ang may kagagawan ng trahedyang iyon ay hindi niya alam. Basta natulala na lamang siya. Pakiramdam niya kasi kung natuloy ang kasal nila ni Flaviano at kasama niya ito ngayon, malamang, kasama siyang sumabog sa sasakyan nito.
Sa kaisipang iyon ay hindi na niya napigilan ang sariling umiyak. Para kasing naging dahilan iyon para makaligtas siya sa kapahamakan.
"Kat..." wika ni Jeremy saka kinuha ang remote control at in-off ang tv.
Nang matitigan niya si Jeremy ay parang gusto niyang umiyak at yumakap dito. Sa ginawa kasi nito ay nagawa siya nitong iligtas sa kapahamakan. Gayunpaman, hindi dahilan iyon para magawa niya itong patawarin. Napakaimposible naman kasing maibigay niya agad dito ang pagpapatawad. Saka, ang taong pinatatawad ay 'yung humihingi ng tawad.
Iyon ang dahilan kaya hindi niya magawang harapin at komprontahin si Jeremy Nangangamba siyang isampal lang nito sa kanya ang katotohanan na kaya lang siya nito pinakasalan ay dahil sa Hacienda Rosales. Na hindi siya ang totoong mahal nito kung hindi si Veronica. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit hindi ipinapakilala sa kanya ni Jeremy si Veronica. Natatakot itong malaman niya ang katotohanan base lang sa ekspresyon ng mga mukha nito.
Bigla na naman tuloy niyang naalala ang masayang pakikipag-usap ni Jeremy kay Veronica sa video chat ng mga ito. Damang-dama niya sa boses ng asawa ang kasabikan kapag kausap nito ang matalik na kaibigan. Sa tingin niya ang labis na pagmamahal ni Jeremy sa babaeng iyon ang dahilan kaya kahit na kapwa sila pagod sa pagtatalik ay bumabangon ito palagi ng madaling araw.
Hindi kaya ni Jeremy na palampasin ang pagkakataon na makita at makausap ang tunay nitong mahal.
“Hon, hush, tama na…” wika ni Jeremy nang yakapin siya nito.
Gusto niya itong itulak pero wala siyang lakas na gawin iyon. Mas gusto niyang maramdaman ang mainit yakap nitong kaysa marinig dito ang masakit na katotohanan. Kaya naman yumakap siya ng buong higpit sa asawa kahit na ang totoo ay gusto niya itong tanungin ng, mahal mo pa ba talaga ako?
Hindi na kita mahal! Hindi ko pala kayang mabuhay na kasama ka! Ayokong magkaanak sa’yo! Nang bumalik sa isipan niya ang mga salitang sinabi ni Jeremy sa kanya three years ago ay bigla siyang napakalas sa pagkakayakap niya rito. Ayaw na niyang paniwalaan pa ang sinabi nitong kasinungalingan lang ang mga salitang ibinulalas.
Hindi niya iyon nagawang isipin nang dumating itong muli sa kanyang buhay kahit na inagaw lang siya nito sa ibang lalaki. Tapos nagpakasal pa sila. Masyado siyang na-excite na nakuha ulit ang pag-ibig nito. Nakalimutan niya ang mga salita nito ng magkahiwalay sila. Ang dahilan kaya niya sinabi sa sarili na kung magkakaroon ulit siya ng karelasyonay sisiguraduhin niyang sa lalaking mahal na mahal siya ngunit para siyang biglang nagka-amnesia nang makita niyang muli si Jeremy. Naniwala siya ritong mahal siya kaya siya pinakasalan.
“I’m okay,” wika niya nang tangkain siya nitong yakapin ay marahan niya itong itinulak. Ayaw muna niyang magpadala sa kanyang emosyon.
“Katrina..”
“Gusto ko na magpahinga,” matamlay niyang sabi saka siya humiga at tinalikuran si Jeremy.
SIGURADO man si Katrina na mahal na mahal niya si Jeremy, nagpasya siyang bawasan na ang pagpapakita rito ng pagmamahal. Pakiramdam niya kasi’y niloloko lang niya ang kanyang sarili niya kung paniniwalaan pa niyang mahal siya talaga ni Jeremy.
Hindi pag-ibig ang dahilan kaya hinadlangan nito ang pagpapakasal niya kay Flaviano. Ginawa nito iyon dahil kung hindi ito gagawa ng para ng hindi nito makukuha ang Hacienda Rosales. Dahil doon ay bumigat ng husto ang kanyang damdamin. Masyado siyang umasa kaya ngayon ay nasasaktan siya ng husto. Kunsabagay, paano ba niya hindi gagawin iyon kung masyado nitong ginalingan ang pagpapaniwala sa kanya na mahal na mahal siya.
Well, paano ba naman kasi siya hindi maniniwala kung pinakasalan siya nito?
Napabuntunghininga lang siya sa kaisipang ang kasagruduhan ng kasal ay mababalewala dahil sa mana.
“Okay ka na ba?” tanong sa kanya ni Jeremy nang tumabi ito sa kama.
Gabi na noon kaya ang pagbabasa ang kanyang inaatupag habang hinihimas himas ang kanyang puson na parang kinukuwentuhan ang anak kung ano ba ang kanyang nababasa. Kung wala lang siyang sama ng loob na nararamdaman kay Jeremy ay ititigil na niya ang kanyang binabasa at ibabaling na dito ang kanyang atensyon pero may pagkakataon pala talagang kahit na gaano mo kamahal ang isang tao ay gugustuhin mo rin siyang balewalain kapag masyado kang nasaktan. Pakiramdam niya kasi’y masyadong nadurog ang kanyang puso.
Nope, gusto niyang sabihin dito pero hindi niya magawa. Saka, alam naman niyang walang kinalaman ang tanong nito sa pagkakatuklas niya sa dahilan ng pagpapakasal nito sa kanya. “Bakit naman hindi ako magiging okay?” matabang niyang tanong dito.
“Because of Flaviano.”
“Ang kamatayan ng ama ng ‘ipinagbubuntis’ ko,” sarkastikong sabi niya.
"Buntis ka?" mangha nitong bulalas.
"More than two months kaya hindi sa'yo," pagsisinungaling niya. Bahagya niyang sinulyapan si Jeremy kaya nakita niya ang sakit sa mga mata nito. Iningusan niya ito. Sa isip niya kasi ay magaling itong artista. Napapaniwala rin siya nito sa kasinungalingan nito kaya hindi siya dapat ma-guilty dahil baka kapag nalaman lang nito ang totoo tapos hiniwalayan na siya nito ay baka kunin lang nito sa kanya ang kanilang anak. "Siguro naman ay alam mo na kung saan ako nagpunta kanina nang mawala ako. Nagpa-check up ako dahil gusto kong kumpirmahin ang sinabi ng PT."
"Sana sinama mo ako."
"G-gusto ko muna sanang tiyakin kung ikaw ang ama ng anak ko, kaso, hindi pala."
“Gusto mo ba siyang puntahan sa burol?”
“Wala akong mukhang ihaharap sa pamilya niya. I’m sure, alam na nila ngayon na pinakasalan ko ang kidnapper ko, my ex-boyfriend. Ayoko naman maeskandalo doon. Saka, masama sa buntis ang magpunta sa burol,” dagdag katwiran pa niya. “Mas maiging ipagluksa ko na lang siya sa puso ko.”
Sumulyap siya kay Jeremy para ipakita rito ang kalungkutan na nasa kanyang mga mata ngunit ang totoo ay mas nagluluksa ang siya sa natuklasang dahilan ng pagpapakasal sa kanya ni Jeremy. Ewan din niya kung bakit kahit kahit na nabalitang sumabog ang sasakyan ni Flaviano ay parang ayaw niyang maniwalang patay na ito “Bakit gusto mo ba talagang pumunta ako sa burol ng lalaking dapat ay pakakasalan ko?”
“Of course not.”
“Akala ko ay ipinamimigay mo na ang asawa mo,” sarkastiko niyang sabi rito at gusto pa niya sanang idugtong, dahil nakuha mo na ang mana mo. Alam na kasi ng lahat ng tao sa Hacienda Rosales na buntis siya. Kahit naman kasi sinabi niya kay Nanay Adelaida noon na huwag sasabihin kay Jeremy ang tungkol sa pagpapabili niya pregnancy kit, hindi naman niya akalain na sa magaling na asawa lang niya ito maglilihim pero hindi sa buong baryo.
“Ano bang problema mo?” napipikong tanong ni Jeremy sa kanya.
Nang tingnan niya ito ay nakita niyang namumula ang mukha nito at naniningkit ang mga mata sa galit. Siya naman ay napabuntunghininga dahil alam niyang sumusobra rin ang kalamigang ipinapakita niya rito pero hindi naman niya gustong humingi dito ng dispensa na para bang siya pa talaga ang may kasalanan sa kanilang dalawa.
“Hindi pa kaya dumarating ang gatas ng kalabaw at kesong puti ko?” pag-iiba niya ng usapan. Nagbabaga pa rin kasi ang tingin nito sa kanya. At kahit na alam niyang may kasalanan din naman siya ay hindi pa rin niya maiwasan ang masaktan. Hindi kasi niya maiwasang isipin na nagagawa lang siya nitong pagpasensiyahan ng husto ay dahil sa mana nito.
Hindi nito pinansin ang kanyang tanong. “May problema ba tayo, Katrina?” napipikong tanong nito.
“Ano naman ang magiging problema natin?” matabang din niyang tanong.
“That’s why I’m asking you.”
“Ang problema ko, wala pa ang gatas ng kalabaw at kesong puti ko. Kung alam ko lang na matatagalan ang pagdating nu’n sana ako na lang ang nagpunta sa palengke at namili,” inis niyang sabi saka ito tinalikuran.
“Kumain ka na lang ng iba.”
“Ayoko,” inis niyang sabi rito saka siya nagtalukbong. Pagkatapos ay hindi na niya napigilan ang sariling umiyak nang umiyak. Kahit kasi gusto na niyang yakapin si Jeremy ay hindi niya magawa dahil labis na kumokontra ang kanyang utak. Alam niya kasing mas mahihirapan lang siya kapag naging dependent masyado rito tapos isang araw ay sasabihin din nito sa kanyang kailangan nilang maghiwalay dahil hindi naman talaga siya ang babaeng mahal nito.
AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany
"SO, nagsinungaling ka sa asawa mo?" "Medyo lang," nakangiwing sabi ni Katrina sa reaksyon ng pinsan. Halos sumigaw kasi ito sa loob ng guestroom dahil sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito pinapunta. Nilabas niya rito ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kung wala kasi siyang mapaagsasabihan ay siguradong mas lalala pa ang galit na nararamdaman niya para kay Jeremy. "Medyo? Sinabi mong hindi siya ang ama ng anak mo tapos sasabihin mong medyo nagsisinungaling ka lang sa kanya?" highblood na tanong sa kanya ni Ysabelle. Hindi naman kasi ang tipo ni Ysabelle ang kukunsintihin ang kanyang kamalian kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "Ang boses mo naman," nag-aalala niyang sabi. Matalim na tingin ang binato niya rito. "Ninang ka, ha," wika niya pagkaraan. Masuyo ang kanyang boses dahil gusto niyang lambingin ang pinsan. "Kahit sino pa ang 'ama' niyang dinadala mo, ako ang magiging ninang niyan," wika nitong humina na rin ang boses. Alam niyang
BILANG lalaki, masakit talaga sa ego na akuin mo ang anak ng asawa no sa iba, pero, bakit pakiramdam niya'y walang katotohanan ang sinabi sa kanya ni Katrina?Nang una niya ulit itong angkin, pakiramdam niya'y wala naman talagang nakapasok pa dito dahil parang ang sikip pa rin nu'n na parang matagal na hindi napasukan. Pakiwari niya'y mga tatlong taon na rin. Tapos, damang-dama din naman niya ang pananabik sa kanya ni Katrina. Kaya nga lang, kung talagang hindi naman ito nagalaw ng ex nito'y bakit ipinagpipilitan sa kanya ni Katrina na anak nito kay Flaviano Samonte ang dinadala nito.Napabuntunghininga na lang siya nang maisip niyang baka naman nagsasabi ito ng totoo at in-denial lang talaga siya. Baka hanggang ngayon ay umaasa siya na hindi talaga siya napalitan ni Katrina. Saka, baka naman kaya sinasabi sa kanya ni Katrina palagi na si Flaviano ang ama ng dinadala nito ay dahil ibig lang nitong maging tapat sa kanya.Ang ipinagtataka lang niya ay
"SANA ay maging lalaki ang una kong apo sa tuhod." Nakangiting sabi ni Lolo Segundo nang puntahan siya nito sa may balcony na nasa third floor. Mula roon ay nakikita niya si Jeremy na parang seryosong-seryosong nakikipag-usap sa cellphone nito. Iniwas lang niya ang tingin dito dahil parang hindi niya nagugustuhan ang klase ng ngiting nasa labi nito. Parang masyadong matamis iyon at nakakaramdam siya ng inis. Tiyak niya kasing babae ang kausap nito dahil kung hindi, 'di na nito kailangan pang lumayo sa kanya na para bang may sikreto itong matutuklasan niya. "S-sana nga ho," sagot niya sa matandang lalaki habang hinihimas pa niya ang kanyang puso. "Sigurado hong matutuwa si Jeremy." "Lalo na ako," mariin nitong sabi. "Siyempre, may magdadala na naman ng apelyidong Rosales." Maang siyang napatingin dito. Kung magsalita kasi ito ay para bang si Jeremy lang ang apo nito samantalang marami pa itong apong lalaki. Ngumiti ito na para bang nabasa ang kanyang pagtataka. "Para sa akin kas
"IKAW din naman ang may kasalanan, eh," wika ng Lolo Segundo niya nang lumabas siya ng kuwarto. Kumunot tuloy ang noo ni Jeremy. Hindi kasi siya nakakasiguro kung siya nga ba ang sinasabihan nito pero sa kanya lang naman ito nakatingin kaya tiyak niyang siya ang kausap nito. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Sa palagay niya ay wala naman siya talagang maitatago sa kanyang Lolo Segundo. Ito ang nagpalaki sa kanya kaya kilalang-kilala siya nito. Isa pa, kasama nito kanina si Katrina kaya alam nito kung anong ginawa niya. "Mahalaga ba talaga sa'yo ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Salubong na salubong ngayon ang kilay nito at matiim na matiim na nakatitig sa kanya. "Siyempre naman po," mariin niyang sabi. "Pero, mas binigyan mo ng oras ang bestfriend mo," mariin nitong sabi sa kanya. "Lo naman..." "Kapag may asawa ka na, ang asawa mo na dapat ang priority mo. O baka naman..." "Mahal ko ho si Katrina," putol niya sa sasabihin ng kanyang lolo. Ay
IBIG magalit ni Jeremy dahil hanggang sa panaginip ni Katrina ay pinapasok ito ni Flaviano pero kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Wala iyong magandang kahihinatnan. Tiyak pang makikita ni Katrina kung gaano siya nagseselos. Sa tingin naman niya ay mas maigi kung makikita niyang nagseselos siya para malaman ni Katrina na talagang mahal niya ito pero mas nanaig pa rin ang kanyang pride at ipinakita niyang balewala ang naging panaginip nito. Ngunit, ang totoo, hindi niya napigilan ang makaramdam ng takot. Nangangamba siya na baka isang araw ay mawala pa rin sa kanya si Katrina. Ang nag-iimbestiga kasi sa pagsabog ng sasakyan ni Flaviano Samonte ay parang hindi kumbinsido na patay na nga si Flaviano. Kaya, mas kinakabahan siya. Kahit kasal na sila ni Katrina, may posibilidad pa ring iwanan siya nito kung mas matimbang pa rin si Flaviano sa puso nito. Hindi tuloy niya napigilan ang magmura. Hindi siya papayag na mangyari iyon. Kahit pa si Flaviano ang mahal ni Katrina
'KUNG napapasaya lang kita dahil sa sex, okay lang. Walang problema kahit hindi ako ang nasa puso mo. Ang importante lang sa akin, nandito ka sa tabi ko. Hanggang sa hindi ka pa nagsasawa sa akin, hindi kita iiwanan.' Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Katrina habang sinasabi ang mga salitang iyon. Kaya nga lang, hindi niya maibulalas. Tama na sa kanyang sinasabi iyon sa kanyang isipan. "Anong oras na?" tanong ni Jeremy na kahit na nakapikit pa ay parang alam na alam na nakadilat siya at pinagmamasdan ito. May kaba tuloy siyang naramdaman. Alam naman siguro ni Jeremy na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ito. Siguro naman ay hindi ito ganoon kamanhid para hindi maramdaman iyon. Kahit pa nga palagi niyang sinasabi na iba ang mahal niya. "Oras na para bumangon tayo," wika niya. Pinilit niyang pasiglahin ang kanyang boses. "Hindi ka ba napagod sa ginawa natin?" nanunudyong tanong nito. "Naka ilang rounds din tayo." Kahit na asawa na niya si Jeremy ay nag-iinit
"MAY gusto ka bang sabihin?" tanong ni Katrina nang hindi na siya nakatiis. Nakailang buntunghininga na kasi si Jeremy. "They hate me," matabang na sabi ni Jeremy. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ang sinasabi ni Jeremy, obyus namang ang mag-anak ang tinutukoy nito. Para tuloy gusto niyang yakapin si Jeremy ng mga sandaling iyon, damang-dama niya kasi ang paghihirap ng kalooban nito at sa lahat ng ayaw niya ay 'yung nasasaktan ang kanyang mahal. Mustulan itong pinagsakluban ng langit at lupa kaya kung hindi lang niya alam na isa itong special agent sa ahensiya ng kanyang Ninong Sunday, hindi siya maniniwalang may kakayahan itong humuli ng kriminal o maaaaring pumapatay pa. Para kasing ang hina-hina nito ng mga oras na iyon dahil sa bigat na nararamdaman. "Insecure lang sa'yo ang mga 'yon dahil alam niyang sa'yo ipamamana ang Hacienda Rosales," wika niya saka biglang natigilan. Napalunok tuloy siya ng kung ilang ulit. Kahit tuloy hindi siya lumingon dito'y alam niy