Share

Chapter Eleven

"SO, nagsinungaling ka sa asawa mo?"

"Medyo lang," nakangiwing sabi ni Katrina sa reaksyon ng pinsan. Halos sumigaw kasi ito sa loob ng guestroom dahil sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito pinapunta. Nilabas niya rito ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kung wala kasi siyang mapaagsasabihan ay siguradong mas lalala pa ang galit na nararamdaman niya para kay Jeremy.

"Medyo? Sinabi mong hindi siya ang ama ng anak mo tapos sasabihin mong medyo nagsisinungaling ka lang sa kanya?" highblood na tanong sa kanya ni Ysabelle. Hindi naman kasi ang tipo ni Ysabelle ang kukunsintihin ang kanyang kamalian kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon nito.

"Ang boses mo naman," nag-aalala niyang sabi.

Matalim na tingin ang binato niya rito.

"Ninang ka, ha," wika niya pagkaraan. Masuyo ang kanyang boses dahil gusto niyang lambingin ang pinsan.

"Kahit sino pa ang 'ama' niyang dinadala mo, ako ang magiging ninang niyan," wika nitong humina na rin ang boses. Alam niyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status