Share

Chapter Twenty One

AYAW naman sanang iwan ni Jeremy si Katrina pero kailangan niyang sundin ang sinasabi ng kanyang Chief. Kailangan siya nito sa ahensya at hindi niya ito kayang tanggihan. Ngunit, hindi ibig sabihin nu'n ay hindi niya magagawang ipakita ang inis dito. Inis nga niyang ibinagsak ang kanyang sarili sa sofa na nasa opisina nito. Ayaw niyang umupo sa silyang nasa harapan nito dahil gusto rin naman niyang maging kumportable.

"Mukhang masama na ang loob mong binibigyan kita ng misyon, samantalang dati'y lahat ng delikadong trabaho ay kinukuha mo," wari'y hindi makapaniwalang sabi ni Chief Domingo Mercado. Gayunman, hindi nito magawang burahin ang ngisi. Para ngang tinutudyo pa siya nito kaya panay ang kindat nito sa kanya.

"May asawa na ako ngayon," inis niyang sabi. Nais nga sana niyang mag-resign na dahil gusto niyang ituon na sa kanyang pamilya ang atensyon pero kailangan din niyang tapusin ang kanyang misyon tungkol sa mga Samonte.

Marahang tawa ang pinawalan ni Chief Domingo na para
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status