“Honestly, I I'm not sure about this marriage either. May dahilan ka kung bakit ka nagpakasal sa ‘kin at mayroon din naman ako,” ani Drew. Hindi siya sigurado sa relasyong pinasok niya. Kagabi pa nga siya nag-iisip kung ano ang gagawin niya sa babae.
Sigurado kasi siya na hindi sila tugma ni Lily. Masyadong malayo ang pagkatao nito sa araw-araw niyang buhay. He’s wild! Parties, sex, and women were his life. Pakakawalan niya rin ba iyon dahil sa nag-asawa na siya?
“Kapag binago ko ang sarili ko dahil lang sa nag-asawa na ako, hindi tayo magiging masaya, Lily. Mauuwi at mauuwi sa hiwalayan ang relasyon natin. Dahil hahanapin ko ang buhay na mayroon ako at nakasanayan ko na hindi ako sigurado kung kaya mong pantayan.” Ayaw niyang sabihin sa kanyang asawa na ngayon pa nga lang ay sobrang haba na ng pasensiya na nilalaan niya rito.
Nakita niya ang pag-aalala sa mata nito. Nagyuko ito ng ulo.
“Talk, Lily.” Drew frowned. Mauubusan na siya ng laway sa dami ng nasabi niya, ngunit wala siyang makuha rito. She’s too silent! In normal days, he likes it. Bigla niyang naisip kung maingay rin ba ang babae sa pakikipagtalik.
He shook his head having those thoughts. Fvcker, you fvcking know she doesn’t like sex!
“How about we make a deal?” ani Lily. Nagluluha nang bahagya ang mata nito.
“What kind of deal?” kuryosidad na tanong ni Drew.
“Naiintindihan ko ang punto mo. We do not know each other. Imumungkahi ko sana na kilalanin natin ang isa’t isa sa loob ng isang taon… K-kung dumating ang isang taon na mananatili pa rin ako sa ganito at kung hindi tayo masaya sa isa’t isa, we will separate in good terms—as friends.”
Nabigla si Drew sa suhestiyon ni Lily. Napagtanto niya rin na may punto ito. Kung tutuusin ay naisip na rin niya iyon—noong hindi pa niya nakita na may demonyo itong pamilya. Ngunit ngayon, naitanong niya rin kung kaya na ba ng babae na maging independent paglipas ng isang taon.
Sa kabilang banda ay nais niyang mabanas. Ano ang sasabihin ng mga kaibigan niya? Ng pamilya? Na isang taon pa lang ay annuled na kaagad ang status niya? At base sa reputasyon na mayroon siya, siguradong siya ang suspek! Pagbibintangan siyang nambabae o kung ano.
“But in a year, we have to make sure that we made an effort before making a decision,” tugon ni Drew. “Kikilalanin natin ang isa’t isa sa loob ng isang taon. Every Sunday, we should have a date. Sa umaga at gabi, araw-araw, dapat ay nagkakausap tayo. Sasamahan mo ako ditong mag-gym.”
“Mag-gym?” Tila hindi ito makapaniwala.
Tiningnan niya ang payat nitong braso, kamay, na nalipat sa pigura nito. Kahit malakas na hangin yata ay matatangay ang babae kung saka-sakali. She was too thin, pale and physically weak.
“I will be your trainer. Babantayan ko rin ang pagkain mo. At hindi ako tatanggap ng hindi, Lily. Kailangan mmo ‘yon kung sakali na mag-iba tayo ng landas.”
Nakagat ni Lily ang labi. Gayunman at tumango ito nang nakayuko.
Tumayo siya sa kinauupuan. “Now, let’s go!”
“S-saan tayo pupunta?”
“Sa unang date natin dahil Sunday ngayon.”
***
Bakit nga ba naisuhestiyon ni Lily na maghiwalay sila ni Drew pagkatapos ng isang taon kung sakali na walang mangyari sa kanilang relasyon?
Marami siyang dahilan. Una, makakapagtapos siya ng pag-aaral sa susunod na taon. Posibleng may trabaho na siya sa oras na iyon. Ikalawa, may katwiran ang sinabi nito sa kanya. Hindi magiging masaya ang lalaki sa kanya bilang asawa kung iiwan nito at basta kalimutan ang buhay nito bago siya nakilala. Higit sa lahat, nais niyang bigyan ng oras ang kanyang sarili.
Gagawin niya ang lahat para hindi nito maisip na makipaghiwalay sa kanya pagkatapos ng isang taon. May takot sa kanyang dibdib kahit pa sabihin na asawa siya ni Drew Walton. Hindi siya babalik sa bahay ng mga Martin! Kaya gagawin niya ang lahat para maging masaya pagkatapos ng isang taon
***
Namumula ang pisngi ni Lily habang naglalakad at nakaangkla ang mga braso kay Drew. Sabi nga nito ay first date nila iyon. Pinagtitinginan sila ng mga sales lady sa kung nasaan naka-display ang mga kagamitan sa bahay. Halatang kinikilig ang mga ito sa lalaki. She couldn't deny how attractive he was! And his scent... a warm breeze is how it feels. His jaw and broad shoulders extended all the way to his sculpted trunk—
“I want this. What do you think?” tanong sa kanya ni Drew habang sinusuri ang isang couch.
“It’s too dark,” komento niya nang wala sa sarili dahil distracted siya sa pagtingala sa mukha nito.
“Hmm?” Nagbaba ito ng tingin.
“N-no! I mean, you can buy anything you want,” aniya na lalong nag-init ang pisngi.
“Pero kung ikaw ang bibili ng sofa, ano ang gusto mong ilagay sa bahay natin?” tanong nito.
Bahay natin…
Kahit ngayon lang ay nais niyang mangarap. May nakita siyang L-couch na kulay light gray. “That one. Bagay iyon sa corner ng sala.”
Iginiya siya ni Drew para lapitan ang nasabing gamit. Sinuri nito iyon at pagkatapos ay nilingon ang kanina pang babae na sumusunod sa kanila. “You heard her. Please include this couch.”
Natameme si Lily. Ipinagpalit nito ang dark brown na couch sa napili niya. Umikot pa sila sa buong tindahan para pumili ng gamit na ilalagay niya sa kanyang silid. Maya-maya ay inaya siya nito sa isang restaurant.
“I hope you enjoyed our small date,” ani Drew.
Ngumiti lang si Lily nang simple. Bahagyang bumaba ang kanyang takot kay Drew dahil magaan sa kanya makitungo ang lalaki. Ngunit ang sabihin na masaya siya ay sobra pa. Ang sabi nga ni Kenneth ay luxury ang bagay na iyon. Hindi nito hahayaan na maging masaya siya at doon siya natatakot.
“Nagpahanap na ako ng perfect school sa assistant ko para sa ‘yo. Bibigyan niya ako ng feedback ngayong linggo.”
“Thank you.”
“Oh, by the way—” May dinukot si Drew mula sa wallet nito at iniabot ang isang gold card sa kanya. “I will give you your monthly allowance on this card. You can do shopping or buy anything you want.”
She blinked her eyes while holding that square gold thing. Shopping? Buy anything?
“Yeah, why don't we buy a phone later? You’ll pay using that card,” ani Drew.
“C-cellphone?”
“Yes. Kailangan mo ng cellphone dahil kung wala ka no’n, saan kita kokontakin kung kailangan kitang kausapin?”
He has a point. Dumating ang pagkain nila kaya bahagyang nalipat ang atensiyon niya sa mabangong pagkain. Malapad na ngumiti si Drew. Inilapag ng waiter sa kanya ang chicken alfredo pasta at saka ilang pagkain. Halos manuyo ang lalamunan niya sa paglalaway sa pagkatakam.
“Let’s eat!” ani Drew.
Sumubo siya ng pagkain. It tasted great! On that table, she enjoyed every bite of food she consumed.
“Malakas ka pa lang kumain. Bakit parang hindi ka tumataba?” pukaw sa kanya ni Drew bago ito uminom ng tubig.
Bigla siyang nahiya dahil naubos niya ang dalawang plato ng meal. Masyado kasi iyong masarap! Hindi pa siya nakakain niyon, ngunit masyado yata siyang nagpadalos-dalos. Bahagya niyang kinalimutan ang estado niya.
Eat shit, b*tch! Kenneth laughs.
Nabitiwan niya ang hawak na tinidor at saka napayuko. Bakit ayaw nitong umalis sa kanyang sistema?
“I’m sorry,” aniya. Sigurado siyang mahal ang mga pagkain na iyon—mga pagkaing kinain niya. Bigla siyang natakot muli.
“Lily?”
“Sigurado ako na mahal itong babayaran mo,” aniya na kinakabahan.
“Sino ang nagsabing magbabayad ako?”
Lalong nanlaki ang mata niya. May plano ba itong iwan siya roon para sumagot sa mga kinain nila? Ginawa iyon sa kanya ni Kenneth. Kaya lalong nagagalit sa kanya si Mr. Martin dahil susunduin siya ng lalaki sa pulisya dahil sa insidente. Kaya naman nagsimulang magluha ang kanyang mata. Why does everything about her past hurt her?
Inilapit nito ang mukha sa kanya. Halos sumampa ito para lang magawa iyon. “What? Tell me what’s on your mind.”
“S-sino ang magbabayad ng kinain ko?” aniya.
Biglang pumasok sa isipan niya ang ilang eksena na naghuhugas ng plato o kaya ay nag-1-2-3 o kaya naman ay sa kulungan sila babagsak.
Ngunit nabigla siya nang humalakhak si Drew. Sobrang lakas niyon na halos kumuha sila ng atensiyon sa ibang kumakain. Matatakot na sana siya ngunit kakaiba ang tawa ng lalaki. Malayo sa tawa ni Kenneth at mga kaibigan nito. Drew seemed to be finding it amusing by the way he chuckled.
“Oh, Lily, why are you so damn cute?” Pinunasan nito ang luha. Noong nakaraan na sinabihan niya ito na wala siyang pera pambayad ng tuition ay para bang joke din iyon sa pandinig nito.
Lily once more blinked her eyes, but Drew laughed once more. Parang nais niyang magalit dito. Isang emosyon iyon na hindi niya nagawa sa loob ng ilang taon. Masyado siyang mahina para magalit.
Bakit siya nito pinagtatawanan? Perhaps she was too stupid? May joke ba para sa mga taong tulad nito na hindi niya alam? Nakahalata naman si Drew na hindi siya palagay.
“I'm sorry... Your money-related questions make you both funny and cute! It seems like you were unprepared when it came to money. Before we ate, didn't I give you a credit card?”
“Oh!” Kinuha niya muli ang bagay na iyon na nakapatong lang sa mesa.
“I won’t pay because you will be the one to pay for our meal from now on.”
Pero wala sana siyang plano na gamitin ang pera ni Drew. Paano kung maisip nito na magastos siya? “A-ako? Ako ang magbabayad nitong lahat?”
“Yes!” Hinawakan nito ang kanyang kamay. Inipit doon ang card. “Because you are powerful!” Naningkit ang mata ng lalaki. “You're a Walton, Lily. And we, Walton, don't lack money. Swipe and pay like a queen! Do it like Mrs. Drew Walton!”
She was speechless. No one! No one ever treated her this way!
Because she was a peasant, no one ever advised her to behave like a queen.
Nobody ever suggested she pay for someone else's meal because she was short on cash. Hindi pa nga niya naranasan na magkaroon ng isang libo sa buong buhay niya dahil kontrolado ng pamilya niya ang lahat.
Ang pinakamalala sa lahat, mahigit beinte-kuwatro oras niya pa lang na asawa si Drew.
Kumuha ng tisyu si Lily at nagpunas siya ng mga namuong luha. Lalo silang kumuha ng atensiyon sa ibang customer. Akala ng mga ito ay pinaiyak siya ni Drew.
“Do we have a problem here, sir?” tanong ng bagong lapit na lalaki.
Nag-angat ng mukha si Lily. Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mata nang makilala ito. Gumapang ang kilabot sa kanyang balat at tila napaatras.
Halatang nabigla rin ito nang makilala siya, ngunit kasunod niyon ay lumitaw ang kakaibang pagngisi na hindi nito naitago. Ang pangalan nito ay Victor, at isa ang lalaki sa mga kaibigan ni Kenneth.
Months before Lily and Drew’s wedding With Kael's assistance, Lily and Drew moved to a new home near Burnham's villa. Mas malaki ito sa luma nilang tirahan, ngunit binuksan na ni Lily ang kanyang puso na tumira sa mas malaking tahanan tulad ng nais ng kanyang asawa. Nakapagsimula na siyang magrehistro ng kanyang business sa tulong ni Danica na ngayon ay mas piniling magpunta sa resort nito sa Boracay para asikasuhin ang kabubukas lang na resort doon. Ayaw ni Drew na kunin ang serbisyo ni Kael, ngunit walang ibang mapagkakatiwalaan si Lily kung hindi ang lalaki kahit pa nga may naganap sa pagitan nito at Danica. “I accepted your dad's offer to lead the engineering team about his project in Melbourne, Australia,” pagbibigay-alam ni Kael kay Lily habang nililibot nila ang bago niyang tirahan na katatapos lang nito. “Hindi ako nagtanong sa kung ano ang naganap sa inyo ni Danica dahil bothered din ako sa kaso ni Carmela at Kenneth. Ano ba ang tunay na nangyari, Kael?”
KITA ni Lily mula sa bintana na seryoso ang pinag-uusapan nina Drew at Mr. Walton. Lumapit sa kanya si Danica. “By the way, sis. Heto ‘yong pinabili mo sa ‘kin,” anito at saka inabot ang supot sa kanya na dinukot mula sa bag. “Did you tell Orion?” Umiling si Danica. “Good! Kapag sinabi mo kay Orion sigurado ako na sasabihin niya kay Drew.” “Bakit nga ba ayaw mong sabihin kay Drew, eh, asawa mo ‘yon?” ani Danica na nakakunot ang noo. “Ayoko kasing ma-pressure siya. Isa pa, gusto ko munang makasiguro.” Umikot ang mata nito. Abala sina Lauren at Kori sa anak ng mga ito. Sina Orion, Finn at Brett ay kasalukuyang naroon sa tabi ng pool at nagkukuwentuhan kasama ng kanyang ama. Pumuslit si Lily sa silid nilang mag-asawa. Nakasunod sa kanya si Danica. Nitong mga huling araw ay sumasama ang pakiramdam niya sa umaga. Nagkaroon pa ng pagkakataon na hilong-hilo siya sa amoy ng sasakyan habang papasok at isinuka niya rin iyon sa opisina. Hinugot niya ang pregnancy
NATUKOY ng mga pulis si Keith, ang taong umatake sa bahay nina Drew at Lily, matapos lang ang ilang araw dahil sa mga mensahe na ipinadala nito sa cellphone ni Brian at sa dash cam ng sasakyan ng huli na nagkataong bukas ng oras na iyon at nakuhanan ang motor ni Keith at ang license plate nito. Binuksan muli ang kaso ni Carmela at nanghingi ng tawad dito si Faye matapos nitong makapagsalita ng hindi maganda sa nurse. Tulad ng nasa isipan ni Lily, pressured na ang babae sa publiko, sa korte, sa pamilya at sa trabaho nito sa ospital. Nagsinungaling naman talaga ito at nais nitong kunin ang atensiyon ni Kenneth. Tulad ng alam niya, malaki ang pagkakagusto nito sa doktor. Masyadong masalimuot ang mga naganap, ngunit nakuha ni Lily ang nais niya. Alam niya na katapusan na ng kampo ni Kenneth lalo na at may murder pa na nadagdag para kay Keith sa pagpatay kay Brian at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. *** SIX MONTHS LATER… Lumipat ng bagong tirahan sina Lily at Drew. Hindi
PATULOY na nanginginig si Danica sa takot, lungkot, at sakit sa puso niya sa lahat ng nangyari sa araw na iyon, hanggang sa dumating si Kael, kasama si Faye. Lalo siyang naiyak dahil tila pinatotohanan ng mga ito ang sinabi sa kanya ni Lily. Akala pa naman niya ay nasa Hong Kong pa rin ang lalaki. Malakas ang kumpiyansa ng babae, para bang nakahanda ito sa giyera ano mang oras. Nagsipasukan ang mga ito sa loob ng bahay ni Lily para tingnan kung ano man ang laman ng USB na bigay ni Brian. Naiiyak naman siya habang nakaupo sa bench. Hindi siya makatingin kay Kael. Ang totoo ay ramdam niya na para bang may kakaiba sa inaakto nito. Para bang napapagod na ito sa oras na iyon. Nilapitan siya ni Kael habang naroon sila sa labas. “Are you alright, Dan?” Umiling siya habang naglalandas ang luha. “May masakit ba sa ‘yo?” Tumayo siya. Kailangan niyang alamin ngayon ang totoo. "All I want is the truth, Kael. Did you have a relationship with Attorney Faye?" Natigilan ang lala
[This chapter may be unsettling for some readers due to the uncomfortable situations encountered while uncovering the truth in the evidence.] “Ahhhhh!” Umalingawngaw ang sigaw nila ni Danica kasabay ng mga putok. Nahila siya ni Drew padapa. Nanginginig sa takot habang nanlalaki ang mata ni Lily na pumailalim sa kanyang asawa. Palibhasa ay alerto si Orion, nagawa nitong tumalikod para protektahan si Danica at saka tumalon sa pool ang mga ito, nagtago sa ilalim ng tubig. Nabasag ang mga vase, ang salamin at ang lahat ng nahagip ng mga bala. Matapos ang sandali ay narinig na lang ni Lily ang pagtigil ng mga putok kasunod ang papalayong motor. “Damn it!” mura ni Drew bago umupo. “D-Drew? Are you alright?” garalgal ang tinig na tanong ni Lily. “I’m fine!” “D-Danica!” Kinakabahan niyang tawag sa kapatid. “Orion!” Umahon mula sa kinatataguang tubig ng pool ang dalawa. “Kuya!” sigaw ni Danica matapos mapuna ang sumisirit nitong dugo sa braso. “Kuya Orion!
INAYA ni Danica si Lily na lumabas makalipas ang dalawang araw. Namimili sila ng mga damit nang mapag-usapan nila si Kael. “May gusto ka ba kay Engineer Kael?” tanong ni Lily sa dalaga. “Ha? Wala noh! Bakit mo naman naitanong?” tugon nito, namumula ang pisngi at halatang umiiwas. “Dahil hindi kita masisisi kuung sakali na magkaroon ka ng pagtingin sa kanya. Mabait si Kael, guwapo, at saka may maayos na buhay at relasyon sa pamilya nila… Higit sa lahat, gusto kong malaman kung kailangan ko bang protektahan ang damdamin mo. He’s still in love with Faye Burnham.” Natigilan ang kapatid niya sa pagkilos. “‘Y-yong abogada?” Tumango si Lily. “P-pero hindi ba’t may nobyo ‘yon? Magpapakasal na si Faye, ‘di ba? At saka, paano silang nagkaroon ng relasyon?” Hinaplos niya ang buhok ni Danica. Alam ni Lily na nagsisimula na itong makaramdam ng pagmamahal kay Kael kahit na i-deny nito ang lalaki. "Unfortunately, they have a history. Masyado lang metikuloso ang pamilya ni Lauren dah