Home / Romance / Akin Ka Lang, Kahit Saglit / Chapter 7: Hanggang Kailan ang Lihim?

Share

Chapter 7: Hanggang Kailan ang Lihim?

Author: Moody_baby
last update Last Updated: 2025-07-18 15:19:48

“Ma, okay ka na ba riyan? Hindi po kayo naiinitan?” tanong ni Alyana, habang inaayos ang bentilador sa sulok ng maliit nilang bahay sa Caloocan. Isang araw lang siyang naka-leave—pero pakiramdam niya, kulang na kulang pa iyon.

“Okay lang anak, huwag mo akong alalahanin. Ang importante, ikaw. Hindi ka na masyadong napupuyat?” tanong ng ina niya, habang nakaupo sa sofa, binabalot ang paa ng mainit na tubig na may asin.

Napangiti si Alyana. “Sanay na, Ma. Pero… okay naman. Actually, masaya na ako sa trabaho ko.”

Tumigil saglit ang kanyang ina sa pag-aasikaso sa paa nito. “May dahilan ba ang kasayahan mong 'yan? Baka may lalaki na diyan, ha?”

Napahinto si Alyana. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Tumingin siya sa bintana, kung saan sumasayaw ang mga dahon sa malamig na hangin. Dati, bawat tanong ng ina niya tungkol sa pag-ibig ay parang tusok ng karayom. Pero ngayon, tila may ibang laman na ito.

“Ma… meron.”

Napatingin ang ina niya. “Talaga? Aba, sino naman ‘to? Nurse din ba?”

“Doctor po… siya ang CEO ng ospital.”

Napaubo ang nanay niya. “CEO? Naku, anak, baka laro lang ‘yan. Baka mamaya iwan ka rin niyan, gaya nung isa.”

Ngumiti si Alyana, pero may bahid ng lungkot ang mga mata. “Hindi ko rin alam, Ma. Pero… parang iba siya.”

Tumango ang ina niya. “’Pag ramdam mo sa puso mo, ikaw ang piliin mo. Pero ‘pag ramdam mong ikaw lang ang nag-iisa sa laban, umalis ka na.”

Pagbalik niya sa ospital kinabukasan, iba ang atmosphere. Ang usual routine ni Bash ay nabago. May biglaang emergency meeting, at wala ito buong umaga.

“Nasaan si Doc?” tanong ni Alyana sa head nurse.

“Tumakbo siya sa emergency board meeting. Baka may bagong investor na papasok.”

Tumango siya. Pero hindi mapakali ang puso niya. Ilang araw nang parang may iniisip si Bash. Tahimik ito. Hindi kasing-lambing ng dati. Parang may gustong sabihin… pero pilit itinatago.

Pagdating ng hapon, nagkasalubong sila sa hallway.

“Doc,” tawag niya.

Tumigil si Bash, pero hindi agad tumingin.

“Okay ka lang?”

Tumango lang ito. “May kailangan lang akong ayusin.”

“About us?”

“No,” mabilis nitong sagot. “About… something bigger.”

Ngumiti si Alyana, pilit. Pero ramdam niyang may pader na namamagitan ulit.

Kinagabihan, habang nakaupo siya sa loob ng kanyang unit, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang number na bihira niyang gamitin—isang prepaid SIM na tinatago lang niya para sa isang tao.

“Mommy?” bulong ng batang boses.

Tumigil ang puso niya. “Gab…”

“Mommy, kailan po kayo uuwi? Sabi po ni Lola, baka di na kayo babalik dito sa Baguio.”

Napapikit siya, pilit pinigil ang luha.

“Hindi, anak. Uuwi ako. Hindi lang ngayon. Busy lang si Mommy sa work.”

“Okay po. Miss ko na po kayo.”

“Miss din kita, anak. Mahal na mahal kita.”

Pagkababa ng tawag, tuluyan nang pumatak ang luha niya.

Ang lihim na pilit niyang itinatago—ang anak niya kay Camilo—ay unti-unting bumabalik sa ibabaw. At ngayong unti-unti na siyang nahuhulog kay Bash, tanong ng puso niya: Hanggang kailan ko maitago ito?

Sa mga susunod na araw, sinubukan niyang ibalik ang focus sa trabaho. Pero nagiging mas mahirap ito tuwing si Bash ay nagiging mas malapit, mas maalaga, mas mapagbigay.

Isang gabi, inaya siya ni Bash sa isang impromptu na road trip papunta sa Tagaytay. Isang oras na biyahe lang daw. Gusto lang daw nitong huminga.

Sa loob ng sasakyan, habang binabaybay nila ang highway, naging tahimik silang dalawa. Pero magka-hawak ang mga kamay nila—tahimik na koneksyon ng dalawang taong sinusubukang hanapin ang katahimikan sa gitna ng kaguluhan.

“May tinatago ka ba sa akin, Alyana?” tanong ni Bash habang patuloy sa pagmamaneho.

Napatingin siya. Nagulat sa tanong. Halos mapabitaw sa hawak nito.

“Wala,” mabilis niyang sagot.

“Sigurado ka?”

Hindi siya sumagot agad.

“Bakit mo naitanong?”

“Ramdam ko lang. I don’t know. It’s in your eyes. Parang may bigat kang pilit kinikimkim. Parang… may parte ng buhay mong hindi mo maibahagi sa akin.”

Huminga siya nang malalim.

“Bash, hindi dahil ayaw kitang pagtiwalaan. May mga bagay lang akong hindi pa handang ikwento.”

Tahimik si Bash. Hindi niya alam kung nasaktan ito, pero hindi na ulit nagsalita.

Pagdating nila sa Tagaytay, umupo sila sa isang bench sa may view deck ng Taal Lake. Mahangin. Maliwanag ang buwan. Magkadikit ang balikat nila.

“Alam mo, Alyana…” simula ni Bash. “Minsan iniisip ko, paano kung hindi tayo nagkakilala sa ospital? Paano kung ibang mundo, ibang panahon?”

Ngumiti siya. “Siguro, pareho pa rin. Matigas pa rin ulo ko. Ikaw pa rin ang bossy.”

Tumawa si Bash.

Pagkatapos, tumingin ito sa kanya. Diretso. Hindi pilit. Hindi galit.

“Alyana… kahit anong tinatago mo… gusto kong malaman.”

Napalingon siya. “Bakit?”

“Because I’m falling in love with you.”

Tumigil ang oras.

“Bash…”

“I’m not asking you to say it back. Hindi ko kailangan ng reply. I just need you to know. Kahit anong dahilan mo, kahit anong bigat niyan, gusto kong malaman. Hindi para husgahan ka. Kundi para makasabay ako sa bigat na bitbit mo.”

Nang gabing iyon, hindi pa rin siya nagsalita.

Hindi pa siya handa.

Pero sa bawat tibok ng puso niya, alam niyang hindi na rin siya magtatagal sa katahimikan.

Dahil ang pag-ibig… ay hindi maitatago habang-buhay.

At sa bawat gabing dumaraan, mas lalo siyang natatakot. Hindi sa kanya. Kundi sa posibilidad na mawala si Bash, kapag nalaman nito ang totoo.

Na meron siyang anak.

Na ang ama ng batang iyon… ay lalaking matagal na nitong kinalimutan.

At na ang lalaking iyon… ay nagbalik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 26: Mga Aninong Nagbabalik

    Puno ng usok at amoy ng nasunog na kemikal ang emergency ward ng hospital. Sa kabila ng ilang pagsabog at halos pagguho ng isang wing, himalang walang naitalang namatay. Ngunit hindi iyon sapat para matahimik si Alyana.Hindi pa rin siya makatulog. Habang naka-upo sa makeshift recovery area na ginawa sa gymnasium ng ospital, hawak niya ang isa sa mga bata nilang pasyente. Sa paligid niya ay mga nurse, doktor, at ilang kamag-anak na sugatan at pagod.Wala si Bash. Hindi niya alam kung saan ito dinala matapos ang operasyon sa balikat. Ang huling balita niya: stable na ang kondisyon nito, pero wala pang makapagsabi kung makakausap na ito.Pero may bumabagabag kay Alyana… ang sinabi ni Tina bago ito tuluyang isakay ng mga pulis:"Akala niyo ba tapos na talaga?"At sa gabing iyon, parang may mga matang nakatingin sa kanya mula sa dilim.Sa labas ng hospital…Isang itim na van ang huminto sa gilid ng emergency tent. Hindi ito ospital property, at walang plakang nakarehistro. Mabilis na buma

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 25: Lihim sa Kadiliman

    Bumagsak ang kumpletong dilim sa loob ng ospital. Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong gusali, kasabay ng malalakas na sigawan mula sa iba’t ibang palapag. Umaalon sa hangin ang usok, habang ang sirena ng emergency system ay paulit-ulit na tumutunog. Ang dating puting ilaw ng hallway ay napalitan ng kumikislap-kislap na pulang emergency lights.“Alyana!” sigaw ni Bash habang hawak ang duguang balikat. Nakayuko siya sa likod ng lamesa kung saan sila nagkubli nang mangyari ang pagsabog. Ang kanyang mga mata ay nagsusuri sa paligid, pilit inaabot si Alyana na nawalan ng balanse at napadapa sa sahig."Alyana, sagutin mo ako!" Halos napapaputol ang kanyang hininga habang gumagapang siya palapit sa babae.Umungol si Alyana. "Bash..." mahinang tinig. May gasgas sa kanyang pisngi at duguan ang kanyang kaliwang braso, pero buhay siya.Mabilis siyang inalalayan ni Bash. "Kailangan nating makalabas dito. Hindi ko alam kung anong susunod. Kung aksidente man 'to o sinadya... hindi na tay

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 24: Mga Lihim sa Lilim ng Liwanag

    Ang araw ay halos hindi pa sumisilip sa linya ng mga bundok ng Batangas nang muling makaramdam si Alyana ng bigat sa kanyang dibdib. Kasama nila sa loob ng military camp si Eli, ang anak nilang kinailangang ilipat para sa kaligtasan nito. Ngunit kahit nasa loob ng kampo—na punô ng sundalo, CCTV, at mataas na pader—hindi siya mapakali.Kasabay ng ingay ng mga galos ng combat boots sa semento ay ang malalim na hininga ni Bash habang hawak nito ang isang tablet kung saan naka-load ang surveillance footage mula sa gabi. Sa likod ng tent, naroon si Tina—nakakulong sa isang temporary holding cell. Tahimik, hindi umiimik, at walang kahit anong pagsisisi sa mukha. Wala pa ring paliwanag kung bakit niya inilapit si Eli kay Gavino, at lalo na kung bakit siya nagkunwaring buntis para lamang makaganti."May galaw na ang kabilang kampo," sambit ni Camilo habang pinapakita ang mga satellite photos. "Hindi lang si Gavino ang problema ngayon. May mga third-party arms na gusto makialam. Target nila an

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 23: Saglit na Katahimikan

    8:30 AM – Military Safe Zone, BatangasAng sikat ng araw ay mas maliwanag kaysa sa mga nakaraang araw, pero ang katahimikan sa loob ng kampo ay tila pansamantalang bulong ng kapayapaan. Sa wakas, si Alyana, Bash, at Eli ay ligtas, kahit sandali lang.Nasa loob sila ng isang makeshift na barracks, may air conditioning at kaunting pagkain. Simple pero sapat para makabawi."Ang dami kong tanong, pero natutuwa akong ligtas tayo ngayon," bulong ni Alyana habang inaayos ang buhok ni Eli."Mommy, bakit may helicopter tayo kanina? Ang saya pero ang ingay!" ani Eli habang ngumunguya ng tinapay.Napangiti si Bash. “Parang superhero ka, anak.”“Talaga? Ako si Super Eli! Tapos ikaw si Doctor Papa, tapos si Mommy si Nurse Pretty!”Tawanan silang tatlo. Ilang araw na puro putukan, takbuhan, at luha—ngayon lang sila muling natawa.10:00 AM – Medical Check-up AreaHabang sinusuri si Eli ng mga military medics, magkausap sa labas si Bash at Alyana.“Wala siyang sugat. Pero Alyana… mentally, he’s affec

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 22: Sa Gitna ng Apoy at Katotohanan

    11:43 PM – Secret Safehouse, Tagaytay HighlandsAng paligid ay tahimik, ngunit ramdam ni Alyana ang tensyon sa hangin—parang may bagyong paparating.Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang batang hinanap-hanap ng puso niya, ang di maipaliwanag na lungkot sa puso niya noon, ay may dahilan pala. May anak siya. Si Eli."Nasaan siya?" Tanong ni Alyana, hawak ang mug ng kape ngunit nanginginig ang mga kamay."Safe siya," sagot ni Bash habang pinagmamasdan siya mula sa tapat. "Pero hindi na habangbuhay. May mga taong gustong gamitin siya laban sa akin—at sa atin.""Mula pa noon, alam mo na? Bakit hindi mo agad sinabi?""Binigyan tayo ng pagkakataon ng tiyahin mo noon para maipagpatuloy ang buhay mo. Hindi ko alam kung paano mo tatanggapin kung sabay mong haharapin ang trauma, pagkawala ng memorya, at ang pagiging ina.""Pero ngayon, handa na ako. Kailangan ko siyang makita."Bago pa makasagot si Bash, biglang pumutok ang ilaw. Sumunod ang mahinang putok—BANG!Napahiga sila sa sahig. "DOWN!" sig

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 21: Lihim sa Lihim

    Bumibilis ang tibok ng puso ni Alyana habang naglalakad sa hallway ng ospital. Gabi na, tahimik na ang buong gusali maliban sa ilang ilaw na bukas sa nurse station. Nakakatindig-balahibo ang katahimikan, pero mas matindi ang bumabagabag sa kanya—ang mensaheng natanggap niya mula sa isang anonymous number:“Kung gusto mong malaman ang totoo, pumunta ka sa Basement Storage Room 3. Mag-isa ka lang.”Una niyang naisip si Bash, pero nasa isang medical conference ito sa labas ng lungsod. Hindi rin si Camilo, dahil lumipad ito papuntang Cebu. Wala siyang sinabihan. Ngunit tila may magnetong humihila sa kanya—isang misteryong kailangan niyang harapin kahit pa nakakakilabot.Pagdating niya sa storage room, tahimik. Dilim. Amoy alcohol at lumang paper files. Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto. Langitngit. Walang tao."Ano ba 'tong pinasok ko..." bulong niya sa sarili, nanginginig.Bigla, bumukas ang ilaw. Isang lalaking naka-face mask at hoodie ang lumitaw mula sa sulok."Alyana.""Sinong—"H

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status