Akin Ka Lang, Kahit Saglit

Akin Ka Lang, Kahit Saglit

last updateHuling Na-update : 2025-07-18
By:  Moody_babyIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
8Mga Kabanata
3views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Sebastian "Bash" Villareal – Isang cold-hearted na CEO at kilalang surgeon. Laging seryoso, may trauma sa nakaraan, at walang oras sa pag-ibig. Alyana Dela Cruz – Isang simple at masayahing nurse mula sa middle-class family. Palaban, matalino, pero may pusong marupok pagdating sa pag-ibig. "Don’t pass the blame." "Hindi po ako nagpa-pass ng blame, nagsasabi lang po ako ng posibilidad." Napabuntong-hininga si Bash. "You should be more careful. One wrong number can cost a life." "Alam ko po iyon, Sir. I take my job seriously." "Then act like it."

view more

Kabanata 1

Chapter 1: FIRST INTERACTION

Mainit ang panahon, pero mas mainit ang ulo ni Alyana Mendoza habang nagmamadaling sumakay ng jeep papuntang De Almonte Medical Center. Late na naman siya—hindi dahil sa pagiging tamad, kundi dahil nasiraan ang jeep na sinakyan niya kanina. Wala siyang choice kundi maglakad ng kalahating kilometro papunta sa susunod na terminal. Pawis na pawis siya, at pakiramdam niya’y buong araw na siyang nasa sauna.

“Miss, pwede bang bilisan mo ng konti?” reklamo ng isang lalaking pasahero habang bumababa siya ng jeep.

Tumingin lang siya saglit, pero hindi na sinagot. Gusto niyang sumigaw ng “Eh di ikaw na!” pero pinigilan niya ang sarili. Sanay na siyang tiisin ang init ng ulo ng mga tao sa Maynila, lalo na sa umagang siksikan at nagmamadali ang lahat.

Pagdating sa ospital, halos lumipad na siya papuntang locker room. Hindi pa man siya nakakapagpalit ng uniform, tumunog na agad ang cellphone niya. HR. Kinabahan siya. Buti na lang hindi warning—bagong assignment daw. Effective today, magiging personal nurse siya ng isang VVIP patient.

“Just give your best,” sabi ng HR. “She’s the mother of the hospital owner. Make sure she gets the best care.”

Agad siyang nagpalit at sinuklay nang konti ang buhok. Mukhang buong araw na naman akong nurse Cinderella, sabi niya sa sarili.

Habang papunta siya sa 30th floor kung saan nandoon ang suite ng pasyente, narinig niya ang chismisan ng dalawang nurse sa hallway.

“Si Dr. Bash ‘yon, diba? Ang sungit-sungit daw nun. CEO na, doctor pa. Parang robot kung makipag-usap.”

“Oo, pero grabe, girl. Ang gwapo niya in person. Yung tipong kahit isumpa ka niya, sasagutin mo pa rin ng ‘thank you po, Doc.’”

Napakunot-noo si Alyana. Gwapo? Mayabang? Deadma siya. Hindi siya fan ng mga ganyang lalaki. For her, character ang tunay na sexy. Hindi abs. Hindi luxury car.

Pagbukas niya ng pinto ng suite, hindi inaasahan ang bumungad sa kanya—isang lalaking matangkad, naka-white coat, may hawak na tablet, at may presensiyang parang hindi dapat ginugulo. Ang mga mata nito, malamig gaya ng tono ng boses na bumati sa kanya.

“You’re late,” matigas at walang emosyon na sambit nito, hindi man lang siya tiningnan.

Napalunok si Alyana. “Pasensya na po, nasiraan po kasi ng jeep—”

“I don’t care about excuses.” Putol agad ni Dr. Bash. “You’re here to take care of my mother, not to explain your incompetence.”

What the heck?! Gusto niyang sumagot. Pero hindi puwede. Professional siya. Nurse siya.

Ngumiti siya nang pilit. “Noted po, Sir. Where do I start?”

Iniabot ni Bash ang tablet na hawak niya. “Vitals every two hours. Monitor oxygen saturation. Any irregularities, call me—no matter what time. Daily progress reports should be emailed directly to me. Use the desk by the corner. Don’t touch anything else.”

Hindi man lang siya sinulyapan. Parang invisible siya. Wow, so ganito pala ang ugaling CEO-doctor-combo.Ayos lang. Nakita na niya ang ganyang tao dati. Pero ibang level ang lamig ni Dr. Bash Villareal. Parang binago ng aircon ang DNA niya.

Tahimik siyang umupo sa desk. Binasa ang mga nakasaad sa tablet. Nasa maayos namang kondisyon ang pasyente—ina lang pala niya ito. Mukhang mabait naman ang matanda, tahimik at nakatulog pa.

Sumulyap siya kay Dr. Bash habang ito ay abala sa pagbabasa ng medical file. Gwapo nga siya, amin ni Alyana sa isip. Matangos ang ilong, matalim ang mata, at ang panga… parang hinulma sa bato. Pero kahit ganoon, walang dating sa kanya ang isang lalaking mukhang walang puso.

Hindi siya dumating sa ospital para kiligin.

Nandito siya para magtrabaho.

Pero hindi niya alam, ang unang banggaang ‘yon ang simula ng pinakamalaking pagsubok—at pag-ibig—na dadating sa buhay niya.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
8 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status