Home / Romance / Akin Ka Lang, Kahit Saglit / Chapter 6: Baka Maging Tayo

Share

Chapter 6: Baka Maging Tayo

Author: Moody_baby
last update Huling Na-update: 2025-07-16 13:23:02

Magkaharap sila sa isang maliit na coffee table sa labas ng coffee shop, kung saan tanaw ang ilaw ng ospital na nagsilbing saksi ng halos lahat ng bangayan, pagtitiis, at... paglalapit nila. Si Alyana, suot pa ang simpleng gray na hoodie na tila niyakap ang buong araw na pagod, habang si Bash, casual sa kanyang dark long-sleeve shirt, ay mas kalmado kaysa dati.

Pero sa pagitan ng mga tahimik na lagukan ng kape, may mga tanong na hindi masambit—mga takot na unti-unting humuhubog sa kung anong meron sila ngayon.

“Bakit mo ako hinayaan, Alyana?” tanong ni Bash, diretso pero mababa ang boses. “Hindi ka naman ‘yung tipong madaling ma-fall.”

Nagulat siya sa tanong. Hindi niya inaasahan na mag-uumpisa ito ng ganoon. Ngunit hindi niya rin maitatanggi—iyon din ang tanong niya sa sarili.

“Hindi ko alam,” sagot niya, tapat. “Maybe kasi, kahit gaano ka kasungit, kahit gaano ka ka-demanding… hindi ka plastic.”

Nag-angat ng tingin si Bash. “Hindi ako sweet.”

“Exactly,” tugon ni Alyana, may ngiti. “Pero kung kailan ka naging totoo, doon ka naging mas delikado.”

Tahimik. Isang uri ng tahimik na parang hinahaplos ang puso. Hindi awkward. Hindi rin malamig. Kundi tahimik ng dalawang taong alam na may lumalagong damdamin sa pagitan nila—pero parehong takot na itaya lahat.

“Alyana,” simula ni Bash, tinapik ang mesa gamit ang hintuturo, parang nag-iipon ng lakas ng loob. “If I ask you to take a risk with me… would you?”

“Anong klaseng risk?” tanong niya.

“Na baka hindi tayo magtagal. Baka magkamali ako. Baka masaktan kita. Pero baka rin... maging tayo.”

Para siyang nabunutan ng tinik at sabay tinusok ulit. Ang dami niyang gustong itanong. Gusto niyang sabihing “Gusto rin kita, pero takot ako,”o “Bakit ngayon lang?” o “Paano kung iniwan mo rin ako tulad ng iba?”Pero sa huli, isa lang ang nais niyang itanong:

“Bash… seryoso ka ba?”

Tumango si Bash. “I’ve never been this sure… and this scared at the same time.”

Sa mga sumunod na araw, mas naging maingat silang dalawa. Walang PDA. Walang obvious flirting. Pero may mga simpleng sandaling nagpapakita ng pagbabago.

Tuwing bibisita si Bash sa ward, tinatawagan na niya si Alyana gamit ang tawag, hindi na intercom. “Coffee?” minsan lang, minsan ‘di na kailangang sabihin. Titingin lang siya, at maghihintay sa labas ng nurse station.

Tuwing may mabigat na pasyente, si Alyana na ang unang tinatanong ni Bash kung gusto pa ba niyang lumipat. “If this is too much, I’ll reassign you,” anito minsan.

“Doc, hindi ako umatras sa toxic mong attitude noon, sa pasyente pa kaya?” pabiro niyang sagot.

At minsan, habang papunta sila sa basement parking lot sabay, naglalakad nang tahimik, pasimple lang humawak si Bash sa wrist ni Alyana, parang humihingi ng pahintulot. Nang hindi siya tumanggi, mas lalo nitong hinigpitan ang hawak—pero hindi bastos. Hindi rin pagmamay-ari. Kundi pagtanong, kung puwede ba siyang manatili roon.

Isang gabi, habang pauwi na si Alyana, may natanggap siyang tawag mula sa isang number na ilang taon nang hindi niya inaasahan.

“Alyana?”

Magsalita pa lang ang boses sa kabilang linya, kinilabutan na siya.

“Camilo?”

“Pwede ba tayong magkita?”

Nanginig ang boses niya. Bakit ngayon?

Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pumayag siyang makipagkita. Marahil para sa closure. Marahil para masigurado niyang tapos na talaga. O baka para makita kung bakit hindi siya dapat balikan ng sakit na iniwan ni Camilo noon.

Nagkita sila sa isang café malapit sa dati nilang tinitirhan. Wala na siyang nararamdaman. Walang galit. Wala na ring lungkot. Pero naroon ang pagtataka.

“Ang ganda mo pa rin, Alyana,” bungad ni Camilo.

“Hindi ko kailangan ng papuri,” malamig niyang sagot.

“Hindi ako narito para manggulo. Gusto ko lang sanang malaman… may chance pa ba ako?”

Napatawa siya, hindi dahil natutuwa. Kundi dahil sa irony.

“Ngayon mo ‘yan itatanong? After mo akong iwan sa ere para sa bago mong nurse sa Singapore?”

Nanlaki ang mata ni Camilo. “Paano mo—”

“Bago ka pa umalis, may nag-message na sa’kin. Buti pa siya, may konsensya. Ikaw, nagpaalam na parang lalabas lang ng bahay, pero hindi na bumalik.”

Hindi na sumagot si Camilo.

Tumayo si Alyana. “Wala ka nang dapat alamin sa akin. Kasi hindi mo naman ako piniling alamin noon.”

Pagbalik niya sa ospital kinabukasan, dumiretso si Alyana sa locker room. Doon siya naabutan ni Bash, may hawak na dalawang cup ng kape.

“Ngayon lang kita hindi nakita sa rounds,” sabi ni Bash.

“Late ako ng dating,” sagot niya. “May kinita lang.”

Hindi nagtanong si Bash. Pero may pagbabago sa mukha nito. May lungkot. May selos.

“Ex?” tanong nito, halos hindi marinig.

“Closure,” tapat niyang sagot.

Tinitigan siya ni Bash. Hindi siya sinisinghalan. Hindi rin nanghuhusga. Pero ramdam niyang may pader ulit na tumayo.

“May kailangan ba akong malaman?” tanong ni Bash.

Nagtagal bago siya sumagot.

“Gusto mo malaman kung nasaktan ako? Oo. Pero gusto ko rin malaman mo na tapos na iyon. At ngayon… ikaw ang iniisip ko, hindi siya.”

Huminga si Bash, mabigat. “Sorry, Alyana. Hindi kita gustong kuwestyunin. Pero hindi ko maiiwasan.”

Napalapit siya. “Alam ko. At naiintindihan ko. Pero gusto ko lang ipaalala—hindi ako babalik sa taong kayang iwan ako. Lalo na ngayon… na may isang taong mas piniling manatili.”

Tumango si Bash. Ilang sandali pa, niyakap siya nito—mahigpit, protektado, buo.

Kinagabihan, habang magkausap sila sa phone, napaisip si Alyana.

“Bash?”

“Hmm?”

“Kung hindi tayo nagkakilala sa ospital, sa tingin mo ba… magiging tayo pa rin?”

Tumawa si Bash. “Siguro. Sa isang coffee shop. O habang bumibili ka ng gamot sa pharmacy. Baka ako ang doctor na nagpatawag sa’yo dahil mali ang BP record mo.”

Napatawa si Alyana. “Grabe ka talaga.”

“Pero kung may isang bagay akong sigurado…”

“Ano?”

“Kahit saan pa tayo magkakilala, basta ikaw, mahuhulog pa rin ako.”

Kinabukasan, sabay silang nag-rounds. Mas naging open sila. Hindi halata, pero may aura na sa kanilang dalawa. Kapag si Bash ang nagsalita, si Alyana ang unang sinusulyapan. Kapag si Alyana ang nagrereport, si Bash ang unang tumatango.

“Doc, kayo po ba ang boyfriend ni Nurse Mendoza?” tanong ng isang pasyenteng matanda, pabirong nakangiti.

“Secret,” sagot ni Bash, pero tiningnan si Alyana.

Napangiti siya. Kasi sa puso niya, unti-unti nang nawawala ang tanong. Hindi na baka maging tayo…

Kundi baka nga, tayo na talaga.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 8: Ang Ama ng Anak Ko

    Tahimik ang buong suite habang si Alyana ay abala sa pag-check ng IV line ng batang pasyente. Sa labas, bumubuhos ang ulan, tila sinasalamin ang bugso ng damdaming matagal na niyang kinukubli. Ramdam niya—darating na ang oras na hindi na siya makakatakas sa katotohanan.Sa bawat araw na lumilipas kasama si Bash, lalong sumisikip ang dibdib niya. Hindi dahil sa takot mawala ito—kundi sa takot na masaktan ito sa katotohanang matagal na niyang ikinukubli.Nang lumapit sa kanya si Nurse Lyka, may dala itong brown envelope. “Alyana, may nag-iwan nito para sa’yo sa front desk. Sabi urgent daw.”Napakunot ang noo niya. Wala naman akong inaasahang dokumento…Binuksan niya ito. At sa unang tingin pa lang, parang huminto ang mundo niya.Custody PetitionCamilo Sebastian vs. Alyana MendozaFiling for Visitation Rights – Minor Child: Gabriel C. MendozaNalaglag ang envelope sa sahig. Nanginig ang kamay niya. Humugot siya ng hangin, pilit pinipigil ang luhang gustong kumawala.Gab.Anak nila ni Ca

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 7: Hanggang Kailan ang Lihim?

    “Ma, okay ka na ba riyan? Hindi po kayo naiinitan?” tanong ni Alyana, habang inaayos ang bentilador sa sulok ng maliit nilang bahay sa Caloocan. Isang araw lang siyang naka-leave—pero pakiramdam niya, kulang na kulang pa iyon.“Okay lang anak, huwag mo akong alalahanin. Ang importante, ikaw. Hindi ka na masyadong napupuyat?” tanong ng ina niya, habang nakaupo sa sofa, binabalot ang paa ng mainit na tubig na may asin.Napangiti si Alyana. “Sanay na, Ma. Pero… okay naman. Actually, masaya na ako sa trabaho ko.”Tumigil saglit ang kanyang ina sa pag-aasikaso sa paa nito. “May dahilan ba ang kasayahan mong 'yan? Baka may lalaki na diyan, ha?”Napahinto si Alyana. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Tumingin siya sa bintana, kung saan sumasayaw ang mga dahon sa malamig na hangin. Dati, bawat tanong ng ina niya tungkol sa pag-ibig ay parang tusok ng karayom. Pero ngayon, tila may ibang laman na ito.“Ma… meron.”Napatingin ang ina niya. “Talaga? Aba, sino naman ‘to? Nurse din ba?”“Doctor

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 6: Baka Maging Tayo

    Magkaharap sila sa isang maliit na coffee table sa labas ng coffee shop, kung saan tanaw ang ilaw ng ospital na nagsilbing saksi ng halos lahat ng bangayan, pagtitiis, at... paglalapit nila. Si Alyana, suot pa ang simpleng gray na hoodie na tila niyakap ang buong araw na pagod, habang si Bash, casual sa kanyang dark long-sleeve shirt, ay mas kalmado kaysa dati.Pero sa pagitan ng mga tahimik na lagukan ng kape, may mga tanong na hindi masambit—mga takot na unti-unting humuhubog sa kung anong meron sila ngayon.“Bakit mo ako hinayaan, Alyana?” tanong ni Bash, diretso pero mababa ang boses. “Hindi ka naman ‘yung tipong madaling ma-fall.”Nagulat siya sa tanong. Hindi niya inaasahan na mag-uumpisa ito ng ganoon. Ngunit hindi niya rin maitatanggi—iyon din ang tanong niya sa sarili.“Hindi ko alam,” sagot niya, tapat. “Maybe kasi, kahit gaano ka kasungit, kahit gaano ka ka-demanding… hindi ka plastic.”Nag-angat ng tingin si Bash. “Hindi ako sweet.”“Exactly,” tugon ni Alyana, may ngiti. “

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 5: Ang Halik sa Dilim

    Hindi mapakali si Alyanabbuong gabi. Maghahatinggabi na, pero gising pa rin siya, nakatingin sa kisame ng kanyang maliit na kwarto. Nasa ilalim siya ng manipis na kumot, pero hindi iyon ang kailangan niyang panlaban sa lamig. Ang totoo, hindi naman malamig ang gabi—ang kalituhan sa loob niya ang talagang nanginginig.Ang tanong ni Bash kanina, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya."Kung sakali lang... may pagkakataon ka bang mahalin ang tulad ko?"Simple lang. Diretso. Pero sa puso niyang ilang taon nang sarado, ang tanong na iyon ay parang bomba.Hindi niya alam kung anong mas mahirap—ang bigat ng responsibilidad sa trabaho, o ang bigat ng emosyon na pilit pumapasok sa puso niyang matagal nang nilagyan ng harang.Hindi siya ganito dati. Isang Alyana na marunong mangarap, maniwala, magmahal. Pero pagkatapos ng mga taong sinayang niya sa isang lalaking sinaktan lang siya, natuto na siyang magtayo ng pader. Hindi para sa iba. Kundi para sa sarili niya.Pero bakit si Bash?Bakit sa lah

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 4: Mas Mahirap Pa Sa Operasyon

    Tatlong araw na ang lumipas simula nang i-assign si Alyana bilang lead nurse ng batang pasyenteng may rare neurological disorder. Pero kahit anong pilit niyang i-adjust ang sarili, parang hindi pa rin siya makabuwelo. Hindi dahil sa kakulangan ng kaalaman o kasanayan—nasanay na siya sa under pressure na environment. Pero ngayong hawak niya ang buhay ng isang batang anak ng senador at isang kilalang fashion designer, parang hindi sapat ang experience niya.Sobrang init ng mata ng media, ng admin, at higit sa lahat—ni Dr. Bash.Lahat ng kilos niya, mino-monitor. Lahat ng galaw, may checklist. Sa loob ng isang araw, parang may limang exam siyang kailangang ipasa.“Alyana, double-check mo ulit ang dosage sa IV,” utos ni Bash habang nakatitig sa lab results ng bata. “The kid’s immune system is weak. One wrong move, and he’ll be in critical condition.”Tahimik na tumango si Alyana. Hindi siya sumagot, hindi rin nagpakita ng kahit konting inis kahit pakiramdam niya ay tinatrato siyang estudy

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 3: Fire and Ice

    Maagang nagising si Alyana kinabukasan. Hindi gaya ng ibang araw na halos hatakin pa niya ang sarili palabas ng kama, ngayon ay parang may kakaibang sigla siyang naramdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero siguro... dahil sa kape kahapon. O baka dahil kahit paano, napansin siya ni Dr. Bash.Pero hindi ibig sabihin nito ay patutulugin niya ang damdamin niyang unti-unti nang naguguluhan. She’s here to work. Period.Wala siyang oras sa kilig-kilig. Hindi siya pumasok sa ospital para umibig.Pagpasok niya sa suite ng pasyente, bumungad sa kanya ang kakaibang eksena—si Dr. Bash, tahimik na nakaupo sa tabi ng kanyang ina. Hawak nito ang kamay ng matanda habang binabasa ang chart sa tablet. Ang stern, cold doctor na kilala niya, biglang parang ibang tao. Malambot ang aura. Tahimik ang mata. May puso."Good morning po," bati ni Alyana, pinipigilan ang paglalambot ng tuhod.Hindi siya tiningnan ni Bash. "Vitals update?"“Stable po ang BP, 120 over 80. Oxygen level at 98 percent. No rep

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status