Magkaharap sila sa isang maliit na coffee table sa labas ng coffee shop, kung saan tanaw ang ilaw ng ospital na nagsilbing saksi ng halos lahat ng bangayan, pagtitiis, at... paglalapit nila. Si Alyana, suot pa ang simpleng gray na hoodie na tila niyakap ang buong araw na pagod, habang si Bash, casual sa kanyang dark long-sleeve shirt, ay mas kalmado kaysa dati.Pero sa pagitan ng mga tahimik na lagukan ng kape, may mga tanong na hindi masambit—mga takot na unti-unting humuhubog sa kung anong meron sila ngayon.“Bakit mo ako hinayaan, Alyana?” tanong ni Bash, diretso pero mababa ang boses. “Hindi ka naman ‘yung tipong madaling ma-fall.”Nagulat siya sa tanong. Hindi niya inaasahan na mag-uumpisa ito ng ganoon. Ngunit hindi niya rin maitatanggi—iyon din ang tanong niya sa sarili.“Hindi ko alam,” sagot niya, tapat. “Maybe kasi, kahit gaano ka kasungit, kahit gaano ka ka-demanding… hindi ka plastic.”Nag-angat ng tingin si Bash. “Hindi ako sweet.”“Exactly,” tugon ni Alyana, may ngiti. “
Terakhir Diperbarui : 2025-07-16 Baca selengkapnya