“Bakit ang tagal mo yata na bumili ng pagkain, Apo?” Bungad ng lola ni Isabel pag pasok pa lang niya sa kwarto, mabilis naman niyang pinunasan ang tagaktak niyang pawis at ngumiti sa matanda.
“Wala po kasing ulam sa Canteen kaya doon na lang ako bumili ng ulam sa labas, pasensya nap o at natagalan ako,” paliwanag niya pero hindi totoo na walang ulam sa Canteen, gusto lang niya na bumili sa Carinderia kung saan sila kumakain dati ni Philip para bilhan ng paboritong ulam ang lalake. Halos masabunutan nga niya ang sarili bakit niya iyon ginawa, sinabi na niya sa sarili na lalayo siya dito pero parang bakal siya na mina-magnet pabalik sa lalake. “Oh, e bakit mo sinasabunutan iyang sarili mo Apo? Masakit ba ng ulo mo ha? sabihin mo lang, nako mag pahinga ka kasi kahit pa-paano kaya ko naman kasi ang sarili ko masyado kang nag-aalala, malakas pa ang lola mo kaya pwede mo din ipahinga ang sarili mo.” Sabi ng matanda“Huy, Yuna lasing ka na tama na iyan!” Bawal ng mga kaibigan nito sa babae habang patuloy pa rin ito sa paglaklak sa alak na hawak nito. Hindi nila alam kung ano ang nagtulak sa dalaga para mag-inom ito ng marami ngayon, sa pagkakaalam naman niya ay maayos na ang lagay ng Papa nito at wala pa silang nababalitaan ulit na masamang balita pero para itong problemado na problemado.“Anong oras na oh, uuwi na kami.” Si Vince iyon dahil binilin ito na huwag masyadong magpakalasing sa graduation party nila,” hindi naman naming siya pwedeng isabay dahil iba ang daan ng bahay.” Pagpapaliwanag pa nito.“Lasing rin si Isabel, itong si Therese ay pwede naming isabay pero hindi ko rin masasabay si Yuna at iba rin ang direction papunta sa kanila.” Problemado din na sagot ni Philip habang inaalalayan ang lasing na si Isabel at Therese.Hindi makapaniwalang nakatingin si Ken sa kanila, mukh
“Congratulations, graduates!” Huling sabi ng school director at sabay-sabay nagsigawan ang lahat at masayang niyakap ang mga magulang at kaibigan. May mga nag-iiyakan at may iba na pilit inaayos ang nasirang relasyon ng mga nag daan na taon sa buhay nila.Gaano nga ba kabilis dumaan ang araw sa buhay ng tao para ayusin ang mga dapat ayusin at bigyan ng importansya ang mga bagay na mahalaga sa isang tao, paano ng aba masasama na kung hindi mo aayusin ngayon ay may pagkakataon ka pa na ayusin mamaya o bukas?Kung may nararamdaman ka sa isang tao, ano ng aba ang tamang oras, araw, at panahon para aminin iyon?Minsan mas mabuti kung gawin moa gad para wala kang pagsisisihan sa huli.Ang pangalawang pagkakataon na binigay para kay Philip para muling makita at makasama ang babaeng pinakamamahal niya ay sadya naman talagang pinagpapasalamat ng binata.“Isabel.” B
Years laterMatapos ng araw na iyon, naging mas lalong naging malapit ang pamilya nilang dalawa. Mas naging open din sa isa’t-isa si Isabel at Philip sa mga bagay-bagay at sa relasyon na meron sila. Naging madali sa mga ito na makahabol sa mga pag-aaral. “Wow! Hindi mo talaga aakalain na malapit na tayong mag-graduate, hindi na ako baby sa bahay tiyak na pipilitin na ako ni Papa na pagtrabahuin sa business nya.” Mabilis na reklamo ni Vince habang nag-iinat ng mga kamay dahil kakatapos lamang ng huli nilang exam. “Mabuti naman kung ganoon para hindi pangbababae ang inaatupag mo, hindi mo gayahin si Greg pagka-graduate niya ay sasali na agad siya sa nat
“Gusto ko lang po sabihin sa inyo na mahal ko si Isabel, mahal na mahal ko siya mula noon hanggang ngayon,” Huminto saglit sa pagsasalita si ken at himinga ng malalim. “kaya po andito pa rin ako sa tabi niya kahit na alam ko na hindi sya para sakin at ibang lalake ang mahal niya. Alam kop o na wala akong karapatan pero bilang kaibigan nilang pareho, gusto ko po sana na sabihin sa inyo na hayaan at pakinggan nyo po sila, huwag nyo agad tutulan yung relasyon na meron sila.” Magalang ang tono ng binata at halatang kinakabahan. “Hindi ko maintindihan, bakit tinutulungan mo ang binata na iyon kung may nararamdaman ka rin para sa Apo ko? Hindi ba dapat na mas humingi ka ng pagkakataon para sa sarili mo?” Tanong ng matanda dito. Napailing naman ang binata
Ilang linggo lang din naman ay nakalabas na sila ng hospital, tulad ng inaasahan napakarami nilang dapat habulin sa bawat subject. Kay Philip ay wala namang problema iyon pero kay Isabel na walang kasipag-sipag sa pag-aaral ay parang isang delubyo ang isang oras na maupo sa loob ng library para mag-aral. “Ayaw ko na! suko na ako dito wala naman akong naiintindihan e ilang oras ko ng paulit-ulit na binabasa pero wala namang pumapasok sa utak ko.” Naiinis na binagsak ni Isabel ang libro, lumalabas na naman ang pagiging maldita niya dahilan para hindi mapigilan ni Philip na tignan ito ng hindi makapaniwala. “Paanong may maiintindihan ka diyan e tignan mo nga
“Nagseselos ka ba?” Nang-aasar na tanong ng binata sa dalaga dahilan para matigilan ito, unti-unting bumaba ang nakataas niyang kilay at muling naupo sa upuan sa harap ng binata. “Kalokohan kung sasabihin ko na hindi ako nagseselos, nang maalala ko ang lahat tungkol satin ay sobra-sobra ang ingit na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa sobrang lapit ninyo sa isa’t-isa pero anong magagawa ko, siguro nga ay nakatadhana na siya lagi ang unang babaeng makikilala mo kaysa sa akin.” Malungkot ang tono ng boses nito kaya hindi maiwasan ng binata ang magpakita ng pag-aalala sa mukha. “Huwag ka ng malungkot, kung ako naman ang masusunod ay pipiliin