Chartlotte Nang hindi ako sumagot sa kaniya napasinghap ito alam ko nakatingin sa akin si Alexaiver panay buntonghininga. Nakikita ko kahit ako'y naka side view pinagmasdan niya ako tila ba mayroon gustong sabihin sa akin nag-antay ako wala naman imik. Mabuti naman at nanahimik. Wala rin talaga akong ganang umimik dahil tumindi ang sakit ng paa ko. Sana lang makalakad pa ako mamaya pagdating namin ng SM. Nakarating kami sa SM South mall thirty minutes nalang bago mag-u-umpisa ang program. Nasa parking lot pa kami. May pumunta na rito na isa sa in-charge sa event. Pinaliwanag lang sa ‘min anong oras kami baba at saan dadaan si sir Alexaiver. Sa likuran pala dadaan iyong entrance na bihira mayroon pumasok na tao. Malapit din daw sa venue ng event. Mamaya raw darating na ang mga security guard para escort ni Alexaiver. Sinabi rin na sobrang maraming tao. Kaya ‘wag muna magpahalata narito na kami sa parking space, baka puntahan pa ng mga tao. Lumipat din kami sa entrance kung sa
Chartlotte “Ouch!” “Chartlotte!” sigaw nila Naomi. Paano ng makaalis ako sa harapan nila at hindi pa ako masyadong nakalalayo ay may tumulak sa akin. Pag-angat ko ng tingin si Darlyn pala nasa likuran ko. Napangiwi ako masakit ang bukong-bukong ko dahil na patagilid ko iyon naupuan ko pa. “Ano ba ang problema mo, huh!?” gigil na saad ko kay Darlyn at pinulot ko ang gamit ni Alexaiver. Animal masakit iyon ha, sana lang hindi ako mapilayan at maayos pa kong makalakad. “S-sorry C-Chartlotte hindi ko sinasadya dahil nagmamadali ako makapunta ng CR masakit kasi ang tiyan ko,” wika ni Darlyn nakahawak pa sa tiyan niya nakangiwi at dumadaing. Humugot ako ng hangin para magpakalma. Kumirot kasi ang bukong-bukong ko. Naningkit din ang mata ko tumingin kay Darlyn. Kaya lang napailng ako dahil namumula ang mata tila iiyak. Weh? For real ba ito nakikita ko sa kaniya. Para nakapapanibago pero ayaw ko naman isipin na arte lang niya. Baka mamaya totoo pala masakit ang tiyan niya. Lumap
Chartlotte Parang hindi ako inaway ni Darlyn dahil pagdating ng mga kasamahan namin nagbalat kayo mabait ito. Wala pa kasing time. Nilapitan ako ni Jade at Naomi. Inaasar ako may baon na. “Naks si Chartlotte. Nagtitipid na may baon na. Ang sad hindi na natin makakasama sa tanghali,” tudyo ni Jade sa 'kin.. Simple ngiti ko lang wala naman akong maibigay na sagot galing sa kanila alangan sabihin ko si ate Dane, nagbigay ng baon ko. Lumapit si Darlyn na para bang hindi kami kanina nagsagutan. Hindi ko lang nagustuhan ang sinabi nito kahit pa umabot ang ngiti niya sa tainga plastic na babaeng ‘to. “Guys alam n'yo ba na si Chartlotte pala ay dito lang nakatira sa ACM Residences. Nakita ko siya kaninang umaga. Diba nga ako ang pinakauna sa inyo pumasok. Balak ko sana puntahan si boss Alexaiver sa penthouse niya. Nakita ko naman si Chartlotte. May kasamang lalaki na super hot at yummy,” Kumunot ang noo nila Jade at Naomi. Napanguso ako hindi nagpahalata kabado mabuko lalo na si Na
Chartlotte “Bakit ba kailangan mong sumabay mamaya may makakita sa atin ma chismis ka.” “Sanay na ako sa chismis. At gusto ko rin ipaalam sa iyo hindi lahat ng nababasa mo chismis ay totoo.” “Bakit mo sinasabi sa akin?” “Dahil sabi mo ayaw mong ma chismis ako. Nahilot ilong niya. Bakit ba napapansin ko umiiwas ka, Chartlotte? Ano ba ang usapan natin?" “Oo na! Sige ipagdiinan mo pa binayaran mo ako. Kaya lahat ng gusto ko hindi ko pu-p'wedeng kontrahin dahil binayaran mo ako ng pera. Lubusin mo na kaya pati hininga ko angkinin mo na rin! Isama mo na sa pag-aari mo dahil malaki nga naman ang binitiwan mong pera?" nababanas na sagot ko sa kaniya. Tss may pagkunot noo pa nalalaman parang walang pakiramdam. Naiinis ako dahil palagi n'yang pinaalala kung anong mayroon kami. Naiinis ako sa isipin na wala akong karapatan magreklamo dahil nga mapera siya. Hindi nabawasan ang badtrip ko sa paulit-ulit niyang pagpapaalala mapera siya kaya hanggang sa paglabas ng elevator wala ako sa
Chartlotte Napalakas ang pagsarado ko sa pinto ng k'warto ni Alexaiver. Kahit ako nagitla rin sa lakas ng lagabog. Patay kang Chartlotte ka. Iinit na naman ang bunbunan ng boss mo sa ginawa mo. Aysus palagi naman mainit ulo noon, mapataas at baba wala ng bago. Argh! Bakit iyon ang nasabi ko talaga naman bibig ko walang preno. Binilisan ko ang lakad patungo sa aking k'warto. Aayusin ko pa itong gamit ni Alexaiver. Susme wala nga pala akong paper bag para paglagyan nito. Naisip ko ang ate Dane. Baka mayroon siyang mga itinago. Imbis sa k'warto ang tungo ko. Sa kitchen ako pumunta. Bibilisan ko na lang magbibihis dahil alas siyete y medya na ng umaga. Palabas na rin pala si ate Dane nakasalubong ko. Una siyang nagtanong kung saan ako pupunta. Nakatingin sa hawak kong gamit ni Alexaiver. “Ate Dane. Mayroon ka po ba naitatabi maayos na paper bag? Ito po kasi gamit ni Alexaiver. Wala akong mapaglagyan. Gagamitin n'ya po kasi ito mamaya sa mall show niya.” “Marami Chartlotte. Sanda
Chartlotte "Tapos ka na ba ma'am Chartlotte?" nakatingin pala si ate Dane sa plato ko. Hindi ko masyadong nagalaw ang inilagay na pagkain sa aking plato. Nakamasid lang pala si ate Dane, nag-aalala ang nakikita ko sa kaniya mga mata. "Busog po kasi ako ate Dane. At, alisin n'yo na po ang ma'am. Chartlotte na lang po," sagot ko pagkatapos ay tumayo na. "Sige kung iyan ang iyong gusto. Pero mamaya na lang tanghali damihan mo kain ha, Chatlotte?" nakauunawa na saad ni ate Dane. "Sige po ate Dane. Maraming salamat po kahit hindi mo ako kaano-ano. Ang bait n'yo po sa akin." "Dahil mabait ka rin naman," tugon niya. Akala ko nga magu-usisa si ate Dane tungkol sa amin ni Alexaiver. Subalit hanggang ngayon hindi siya ni minsan nagtanong. Ewan ko kung may alam siya kung ano kami ni Alexaiver o ayaw niya lang magtanong nag-aantay lang na kwentuhan siya. "Ate Dane ako'y pupuntahan muna si Alexaiver ha? Try ko pilitin kumain," "Mabuti pa hija baka naman mapasunod mo. " "I-ta-try ko