Chartlotte Hindi ako makapaniwalang papansinin ako ni ma'am Brenda, bago sila umuwi ni Chairman. Nakakataba ng puso dahil inimbitahan pa niya ako sa bahay nila kapag wala raw akong pasok dalawin daw siya mag-isa lang daw siya sa bahay. Sinabi ko na lang titingnan ko at magsasabi na lang sa kaniya kapag pupunta na sa kanila. Napangiti na lang ako kapag naiisip na binigay pa niya ang phone number sa akin para may kontak kami sa isat isa. Tipid na lang ako napangiti kina chairman at sir Alexaiver, habang kausap si ma'am Brenda. Matiyaga nila itong inantay. Kung pwede lang mamili ng magiging biyenan. Gusto ko kagaya sa ma'am Brenda. Ang sarap siguro nito kasama. Swerte noong misis ng kuya ni Alexaiver at ni Mayor Ishmael. Binigyan ng biyenan na kagaya nila chairman at ma'am Brenda. Buong akala ko nga magagalit si Chairman. Hinayaan lang nito ang ma'am Brenda. Halatang spoiled ito kay Chairman. Masyado bang mataas ang pangarap ko na humiling, na sana balang araw kung magkakaroon ak
Chartlotte Napalunok ako ng bitiwan ni Mrs. Martinez, si Alexaiver at seryoso akong tinitigan habang papalapit sa akin. Nagpalinga linga ako sa paligid para magpakalma. Sa amin na pala nakatingin lahat ng ka office mate ko. Napunta ang tingin ko kay Darlyn. Nakasandal sa upuan niya walang emosyon nakatingin sa amin. Ngumiti ako sa kaniya. Hindi gumanti pero okay lang din kasi hindi niya ako sinungitan. Akala ko nga iirapan niya ako hindi nito ginawa. Pero sina Naomi at Jade. Nakangiti kung tama ang hula ko. Inaasar nila ako at tungkol saan hindi ko matukoy kung ano. “Mrs. Martinez, ahm mayroon po ba kayo kailangan?” nauutal kong tanong dahil seryoso niya talaga. “Saan ka nakatira, hija?” iyon ang tanong niya nasamid ako. “Makati City po ma'am,” magalang kong sagot sa kaniya. “Baka may alam ka kanino gamit ang nakita ko sa living room ng anak ko. Pambabaeng pants at blouse,” Naubo tuloy ako sa tanong ni Mrs. Martinez. Susko sa akin pa talaga niya naitanong natatakot na
Chartlotte “Hello bayot. Hindi mo na ako kailangan sunduin mamayang hapon ha? Ligtas ang alindog mo ngayon dahil pinayagan ako ni sir Kaizer mag-half day lang ako ngayon. I-invite ko na lang mga ka. office mate ko kung gusto nila pumunta." “Hay salamat hindi na ako magpapanggap na lalaki. Ilang ulit akong nag-practise pambihira ka Lotte, ako ang nandidiri,” tugon nito. Humalakhak ako dahil ang arte talaga nito at mayroon pang pagtili sa boses niya. Ang landi talaga ng bestfriend ko kaya mag-isa akong tumatawa sa mga pinagsasabi nito. “Anong oras ka pala darating?” dugtong niya. “Mga one thirty siguro nariyan na ako. Nga pala Prince, 'wag mong sabihin kay Inay ha? Na darating ako ng maaga. Kinausap ko na rin naman si Ate Milagros. Sabi ko hindi ako makakapunta ng maaga baka sa bahay na ako deresto umuwi.” “Hindi ka ba ihahatid ni boss Alexaiver mo?” “Bakit naman niya gagawin iyon. Busy siya Prince, marami siyang ginagawa ngayon. Ikaw sabunutan kita ma-issue ka palagi sa amin
Chartlotte Napasabunot ako sa buhok ko pagkalabas ko sa office ni Alexaiver. Arghh ano ba ang ginawa ko nalaman ko lang na si Darlyn, ang pumalit sa akin dinaig ko pa ang girlfriend ni Alexaiver. Shit...nagawa kong makausap ng ganun si boss Alexaiver? Ano kaya ang iisipin noon sa akin. Woah! Next time kailangan ko ng mag-ingat at maging mahinahon kapag kakausapin niya ako. Lunchtime namin hindi ko pa rin nakita lumabas si boss Alexaiver. May baon ako kaya rito lang ako. Wait bakit kaya si Sir Alexaiver hindi pa rin lumalabas sa office niya. Wala rin s'yang almusal hanggang ngayon hindi pa rin ba siya kakain? Umayos ako ng upo. Iniisip ko kung anong magandang gawin. Oorderan ko ba siya sa labas o share na lang kami nitong baon ko. Kaunti lang naman ako kumain hindi ko rin naman ito mauubos maraming pinadala si ate Dane. Sandali nga tanungin ko siya. Bahala na pupuntahan ko sa office niya baka nawili na magtrabaho nakalimutan niya kung anong oras na. Nasa pinto pa ako ng off
Chartlotte Nang tuluyang makapasok si Alexaiver sa loob ng office niya hindi ko siya agad sinundan. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago tumayo. Naabutan ko busy pirmahan ang makapal na mga papeles sa harapan nito. “Ehem!” para kunin ang atensyon nitong nakatungo. Agad niyang binitiwan ang hawak n'yang ballpen na para bang alam niya na ako iyong pumasok, dahil sumenyas na lumapit pa ako sa kaniya kahit naka side view pa siya sa akin. Sumandal si Alexaiver sa swivel chair niya humalukipkip doon lang lumingon sa akin at pinagmasdan ako habang naglalakad palapit sa kaniya. “Sir, anong sasabihin mo?” wala akong paligoy ligoy na tinanong siya para agad akong makalabas sa office niya. Kahit kasi ang lawak ng office kapag kaharap ko siya pakiramdam ko ang liit ng espasyo naming dalawa. Tss bakit wala naman kibo pinapunta niya lang ako para titigan lang ba? “Sir Alexaiver, pinapunta mo po ako rito dahil mayroon kamo ka sasabihin sa akin?” “Payag na akong bumukod ka,” Napatda
Chartlotte Nang makarating ako sa ACM Residences office. Sinalubong aga ako nila Naomi at Jade, kinumusta ang aking paa at kung makamiss ang dalawa animo matagal akong nawala sa office kaya ako'y masaya may kaibigan akong kagaya nila. “Chartlotte sure ka ba okay na ‘yung paa mo? Dapat girl one week mo pinahinga,” sabay pa nilang tanong sa akin. Nakatingin sa paa ko. Pareho ko silang inakbayan. Bukod kay Prince. Maituturing kong kaibigan ang dalawang dalaga. Isa sila sa p'wede kong pagkatiwalaan dahil totoong malasakit ang pinakikita nila sa akin kahit hindi pa nila ako lubusang kilala. “Gigil talaga ako r’yan kay Darlyn. Hindi ka tuloy nakasama ni sir Alexaiver sa SM. Kung hindi mo napakiusapan si sir, na makakuha ng picture kay Maryan. Aawayin ko talaga si Darlyn,” wika pa ni Naomi. Kasi nga sinabi ko sa kaniya hindi na ako pinababa ni sir sa sasakyan. Nag-panic pa si Jade at Naomi. Kung lumama ba ang injury ng aking paa. Maya't maya ang kumusta ng dalawa. Kahit absent ako