Share

Kabanata 51

"KUNG iyon ang gusto mo, mahal kong binibini," halos pabulong niyang wika.

Namungay ang mga mata ko nang marinig ang mga salitang iyon, tila hinehele ang puso ko.

"Mahal kong ginoo." Inilapit ko ang mukha ko upang mahalikan siya at ipinikit ang mga mata nang tuluyang maglapat ang aming mga labi.

Magaan lamang ang halik na iyon ngunit ramdam ko ang bigat ng damdaming nakapaloob doon. Matagal bago ko iminulat ang mata ko nang humiwalay siya, tutok ang namumungay niyang mata sa akin at matamis ang kaniyang ngiti. Kay sarap pagmasdan ng imahe niyang ito, ang mga ganitong sandali ang lubos na tumatatak sa puso ko na siyang paulit-ulit kong minamahal.

Muli kong isinandal ang ulo sa balikat niya, pinagmasdan ang lawang may repleksyon ng buwan at mga bituin. Mahihinang huni lamang ng ibon ang naririnig ko sa paligid at ang kalmadong tibok ng puso ko. Naging musika ang lahat ng ito sa aking pandinig.

"Ano ang plano mo kapag natapos ang lahat ng ito?" basag

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status