Share

Kabanata 53

"SA tingin mo ba ay sasagutin ka ng Verdantes na iyon?" tanong niya. At may punto nga siya dahil kasalukuyan namin iyong kaaway.

Sino ba naman ang nilalang na basta na lamang sasagutin ang tanong ng kaniyang kaaway gayong wala naman itong mapapala?

Ngunit mas nagalit lamang ako sa isiping iyon.

"Kung hindi niya sasabihin ay dadaanin ko siya sa dahas, Matias," mariin kong wika. Iniisip ko na na nakatutok ang talim ng aking espada sa leeg ni Dardo.

Sarkastiko siyang ngumisi at nagsalita, "At sa tingin mo ay hindi ka mapapahamak kung susugod kang mag-isa sa kanilang teritoryo? Dito ka na lamang muna ay mag-isip tayo ng plano kung paanong makikilala ang panibago nating kalaban."

Umismid ako at hinawi ang braso niya ngunit agad iyong bumalik sa akin, mas mahigpit. Alam niyang hindi ko susundin ang sinasabi niya kaya ayaw niya akong paalisin.

Mas tumalim ang tingin ko sa kaniya ngunit nilabanan niya iyon ng parehong intensidad kaya kalaunan ay nap

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status