Share

Kabanata 26

NAKASIMANGOT lamang akong habang tinitingnan ang marahang pagyuko ni Prinsipe Henicio sa aking ama, bumabati siya para sa kaniyang pagbisita ngayong araw. Katabi ko si Ama na sinalubong ang kaniyang pagdating.

"Narito na naman ang prinsipeng ito," bulong ko sa sarili.

Mas matanda sa akin ng dalawampung taon ang prinsipe ngunit tila magkaedad lamang kami dahil sa aming wangis, kaya hindi ko nakikitaan ng dahilan upang igalang siya. Isa pa ay hindi ko gusto ang presensya niya, ang itsurang iyon ay tila magtatraydor anumang oras.

Matapos ang pagbati ay agad kong hinatak ang damit ni Matias upang sabihin na umalis na kami. Tumango siya at inilahad sa akin ang daan paalis.

"Mahal na Prinsesa," tawag sa akin ng prinsipe kaya napahinto ako. Peke akong ngumiti bago marahang humarap sa kaniya.

"Mahal na Prinsipe," wika ko at marahang tumango.

Lumapit siya sa akin at tumango rin. "Nais lamang kitang batiin ng magandang araw," nakangiting aniya n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status