Share

Kabanata 54

"Hindi ko alam, Binibini," mahina at nauutal niyang wika.

Lalo akong nagngitngit sa galit dahilan upang mabilis kong hinawakan ang leeg niya, tila nananakal. Inilapit ko rin ang mukha ko rito upang pumirmi sa akin ang malikot niyang mga mata. Talagang ginagalit ako ng Verdantes na ito!

"Hindi mo nanaising ulitin ko ang tanong ko sa ikatlong pagkakataon, Dardo," halos pabulong ko nang wika, punong-puno ng pagbabanta.

Mas nagulat siya at takot na ibinaling sa akin ang mata, tama, ito ang Dardo na kilala ko. Iyong laging takot kapag nagagalit na ako ngunit nitong lumipas na mga taon matapos naming matalo sa Subastahan ay tila unti-unting nabawasan ang takot na iyon.

Kaya dapat ay makilala niyang muli kung sino ba talaga ang binabangga niya dahil hindi siya nadadala hangga't hindi natitikman ang kalupitan ko.

"Hindi ko talaga alam. Totoong hindi ko alam, Prinsesa," mas nautal siya. Kumunot ang noo ko dahil sa nakikita ko sa mga mga niya, takot at panga

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status