Share

Kabanata 45

DINAMA ng paa ko ang malamig na tubig ng dagat, itinuloy ko ang paglalakad hanggang sa makatapak akong muli sa lupain ng Kozania, dumikit ang mga buhangin sa basa kong paa at sa laylayan ng mahaba kong saya. Hindi ko na pinansin iyon, tumalikod ako at humarap sa karagatan kung saan paalis na ang bangkang sinakyan ko, nilakad ko ng kaunti ang tubig dahil hindi maaaring sumayad ang bangkang iyon sa dalampasigan. May kalahikan iyon at dalawang nilalang lamang ang sakay kasama ang maraming produktong ikakalakal nila sa Farianio.

"Maligayang pagbabalik, Binibini. Maligayang pagbabalik, Binibini," wika ni Vivi sa aking balikat. Bumuntong hininga lamang ako, hindi inaalis ang tingin sa bangka hanggang sa lumiit iyon sa paningin ko.

Sa pag-alis ko sa kaharian ng Widolla ay iniwan ko ang mga naging alaala ko roon, simula sa muling pagkikita namin ni Sevasti hanggang sa pagkamatay ni Mikhel. Wala na akong dapat pang balikan sa mga iyon, ang dapat kong gawin ay muling ipagpatul

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status