NAPATINGIN ako sa daliri ko nang isuot niya roon ang singsing na sobrang pamilyar sa akin. Umawang ang labi ko at lumingon kay Sevasti. Nakipagkita ako sa kaniya upang sabihin ang gagawin naming pagsugod sa Subastahan dahil nais kong hingin ang tulong niya ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ay ipinadausdos na niya ang singsing sa hintuturo ko kung saan ito dating nakasuot.
"Paano mong natagpuan ang singsing na ito?" mahina at mabagal kong tanong, hindi sigurado sa aking sinasabi. Ito ang ibinigay niya noon na itinapon ko sa gitna ng kagubatan noong nakita ko silang magkasama ni Elana. Kaya hindi ko alam kung paano niya itong nahanap.
Hindi siya sumagot, kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kaniyang labi. Nakatingin sa akin habang hinahalikan iyon. Tila nakalimutan ko na ang tanong dahil sa ginawa niya, tuluyang nalunod sa kaniyang nangungusap na mga mata.
"Hangga't nakikita ko ang singsing na ito sa kamay mo ay alam kong ako lamang ang laman ng iyong puso."
HINIHINGAL kong iwinasiwas sa ere ang aking espada upang mapaslang ang huling kalabang sumugod sa akin, pagod man ay nagpakawala ako ng isang tagumpay na ngiti nang ilibot ko ang paningin sa paligid. Patuloy pa rin ang laban ngunit kitang-kita na kami ang mananalo. Halos paubos na ang pwersa ng kalaban kaya kaunting sandali na lamang ay magagapi na sila. Itinaas ko ang braso sa ere nang lumapit si Vivi. "Narito na ang ginoo. Narito na ang ginoo," aniya kaya muli akong napangiti. Lumipad siyang muli paalis kaya ginamit ko ang bilis ko upang makarating sa likurang bahagi ng lugar. Doon ay natagpuan ko si Sevasti na naghihintay sa pagdating ko, sa lupa ay nakaluhod si Idaho habang sa kamay niya ay ang kadenang pumipigil sa paggamit niya ng kapangyarihan. Nakapiring din siya at nakabusal ang bibig upang hindi makapagsalita, pilit nagkukumawala sa kadena ngunit mas matibay pa iyon sa bato. Agad na lumapit sa akin ang ginoo at hinawakan ang magkabilang bali
MALAPIT nang sumikat ang araw. Mula sa mahaba naming paglalakbay pabalik sa aming kuta ay inabot na kami ng unti-unting pagliwanag ng paligid. Pagod man ang ilan sa amin mula sa naging laban kagabi ay wala namang nagrereklamo, at iyon ang gusto ko sa kanila. Lima ang dala naming kabayo at ang tatlo ay hatak ang tatlong karitela, ang dalawa ay sakay ang mga batang kasama namin habang ang isa ay ang aming mga armas. Nakasakay ako sa isang kabayo habang ang isa ay hatak ni Matias, sa likod namin ay nakasunod ang mga kasamahan kong naglalakad. Tumingin ako sa kalangitan na ilang sandali na lamang ang sasakupin na ng liwanag. Naririnig ko ang tawanan ng mga bata sa likod, ang ilan ay kalaro si Vivi. Marahil ay natutuwa sila sa paraan nito ng pagsasalita, matinis at paulit-ulit. Pinahinto ko ang kabayo nang mapansin ang maitim na usok na nagmumula sa lugar kung nasaan ang palasyo na siyang aming kuta, ako ang nauuna sa amin kaya napahinto rin sila. Malapit na kami roon kay
IBINABA ko ang talukbong ng balabal ko nang malapit na ako sa malaking pamilihan ng Farianio. Pinapunta kong muli si Vivi sa kaniya upang ipaalam na nandito na ako kaya aabangan ko siya sa labas ng palasyo. Kahit nagapi na namin ang mga kalaban kagabi ay maingat pa rin akong nagmamatyag sa paligid dahil hindi ko alam kung sino ang kalaban at kakampi sa kahariang ito. Isa pa ay ito pa rin ang teritoryo ni Henicio na siyang unti-unti nang nakakapansin sa presensya ko. Hindi magtatagal ay sigurado akong maiisip na naman niyang ipapatay ako sa tapat niyang tauhang si Favier katulad noong una. Nang makita ko na siya ay napangiti ako, nasa labas na siya ng palasyo at mukhang hinihintay ako. Napatitig ako sa kabuuan niya dahil kay kisig niyang tingnan sa maayos niyang tindig at lutang ang kaniyang kaguwapuhan sa magara niyang kasuotan.
KASABAY nang pagbagsak niya sa lupa ay ang pag-alingawngaw ng mga yabag ng mga dumarating na nilalang, pinalibutan nila kami. Kunot-noo kong inilibot ang tingin sa paligid, nakasuot sila ng mga itim na kasuotan at mukhang bihasa rin sa pakikipaglaban, doble ang bilang nila sa amin kaya nakaramdam ako ng kaunting pangamba at panganib. Sa uri pa lamang ng tingin nila sa amin ay alam kong mga kalaban sila. Mariin kong tinikom ang bibig ko nang marinig ko ang mahinang halakhak ni Dardo habang pilit tinutulungan ang sariling makatayo. Muli ko na lamang pinagtuunan ang mga bagong kalaban na mukhang hindi naman nagmula sa kanilang hari, katulad ito noong mga tauhan ni Idaho sa Subastahan. Lalong kumunot ang noo ko sa pag-iisip. Patay na si Idaho at ang halos lahat ng mga tauhan niya ay napaslang sa nagdaang gabi kaya hindi ko alam kung saan
"KUNG iyon ang gusto mo, mahal kong binibini," halos pabulong niyang wika.Namungay ang mga mata ko nang marinig ang mga salitang iyon, tila hinehele ang puso ko."Mahal kong ginoo." Inilapit ko ang mukha ko upang mahalikan siya at ipinikit ang mga mata nang tuluyang maglapat ang aming mga labi.Magaan lamang ang halik na iyon ngunit ramdam ko ang bigat ng damdaming nakapaloob doon. Matagal bago ko iminulat ang mata ko nang humiwalay siya, tutok ang namumungay niyang mata sa akin at matamis ang kaniyang ngiti. Kay sarap pagmasdan ng imahe niyang ito, ang mga ganitong sandali ang lubos na tumatatak sa puso ko na siyang paulit-ulit kong minamahal.Muli kong isinandal ang ulo sa balikat niya, pinagmasdan ang lawang may repleksyon ng buwan at mga bituin. Mahihinang huni lamang ng ibon ang naririnig ko sa paligid at ang kalmadong tibok ng puso ko. Naging musika ang lahat ng ito sa aking pandinig."Ano ang plano mo kapag natapos ang lahat ng ito?" basag
BINILISAN ko ang paglalakad hanggang sa makaalis ako sa pamilihan, agad akong nagtago sa isang malaking puno habang tahimik na kinukuha sa kaha ang aking espada. Mabilis ko itong hinarang sa nilalang na kanina pa sumusunod sa akin bago pa siya makalampas sa punong pinagtataguan ko at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ako. Hawak ko sa kwelyo ang kaniyang kasuotan para hindi siya makatakas mula sa akin.Dahil sa gulat ay hindi agad siya nakagalaw, tila pinoproseso pa sa kaniyang utak ang bilis ng naging galaw ko."Anong kailangan mo? At sino ang nagpadala sa iyo?" tiim bagang kong tanong habang matalim ang tinging ipinupukol sa kaniya.Unti-unting napalitan ng seryosong eksresyon ang gulat niya ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang bahid ng takot at pangamba roon. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at napagtantong hindi siya basta bayarang mandirigma lamang base sa tindig at tila lawing mga mata niya, ngunit ang suot niya ay naghuhumiyaw ng pagiging ordinary
"SA tingin mo ba ay sasagutin ka ng Verdantes na iyon?" tanong niya. At may punto nga siya dahil kasalukuyan namin iyong kaaway.Sino ba naman ang nilalang na basta na lamang sasagutin ang tanong ng kaniyang kaaway gayong wala naman itong mapapala?Ngunit mas nagalit lamang ako sa isiping iyon."Kung hindi niya sasabihin ay dadaanin ko siya sa dahas, Matias," mariin kong wika. Iniisip ko na na nakatutok ang talim ng aking espada sa leeg ni Dardo.Sarkastiko siyang ngumisi at nagsalita, "At sa tingin mo ay hindi ka mapapahamak kung susugod kang mag-isa sa kanilang teritoryo? Dito ka na lamang muna ay mag-isip tayo ng plano kung paanong makikilala ang panibago nating kalaban."Umismid ako at hinawi ang braso niya ngunit agad iyong bumalik sa akin, mas mahigpit. Alam niyang hindi ko susundin ang sinasabi niya kaya ayaw niya akong paalisin.Mas tumalim ang tingin ko sa kaniya ngunit nilabanan niya iyon ng parehong intensidad kaya kalaunan ay nap
"Hindi ko alam, Binibini," mahina at nauutal niyang wika.Lalo akong nagngitngit sa galit dahilan upang mabilis kong hinawakan ang leeg niya, tila nananakal. Inilapit ko rin ang mukha ko rito upang pumirmi sa akin ang malikot niyang mga mata. Talagang ginagalit ako ng Verdantes na ito!"Hindi mo nanaising ulitin ko ang tanong ko sa ikatlong pagkakataon, Dardo," halos pabulong ko nang wika, punong-puno ng pagbabanta.Mas nagulat siya at takot na ibinaling sa akin ang mata, tama, ito ang Dardo na kilala ko. Iyong laging takot kapag nagagalit na ako ngunit nitong lumipas na mga taon matapos naming matalo sa Subastahan ay tila unti-unting nabawasan ang takot na iyon.Kaya dapat ay makilala niyang muli kung sino ba talaga ang binabangga niya dahil hindi siya nadadala hangga't hindi natitikman ang kalupitan ko."Hindi ko talaga alam. Totoong hindi ko alam, Prinsesa," mas nautal siya. Kumunot ang noo ko dahil sa nakikita ko sa mga mga niya, takot at panga