Share

Kabanata 52

BINILISAN ko ang paglalakad hanggang sa makaalis ako sa pamilihan, agad akong nagtago sa isang malaking puno habang tahimik na kinukuha sa kaha ang aking espada. Mabilis ko itong hinarang sa nilalang na kanina pa sumusunod sa akin bago pa siya makalampas sa punong pinagtataguan ko at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ako. Hawak ko sa kwelyo ang kaniyang kasuotan para hindi siya makatakas mula sa akin.

Dahil sa gulat ay hindi agad siya nakagalaw, tila pinoproseso pa sa kaniyang utak ang bilis ng naging galaw ko.

"Anong kailangan mo? At sino ang nagpadala sa iyo?" tiim bagang kong tanong habang matalim ang tinging ipinupukol sa kaniya.

Unti-unting napalitan ng seryosong eksresyon ang gulat niya ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang bahid ng takot at pangamba roon. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at napagtantong hindi siya basta bayarang mandirigma lamang base sa tindig at tila lawing mga mata niya, ngunit ang suot niya ay naghuhumiyaw ng pagiging ordinary

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status