Home / Romance / Alipin Ng Tukso / Kabanata 107

Share

Kabanata 107

last update Huling Na-update: 2025-06-02 18:12:22

Khaliyah POV

Hindi ko talaga akalain na papayag si Nolan. Pagkatapos ng ilang araw na pagkakakulong sa loob ng mansiyon, halos hindi ako makapaniwalang pumayag siyang makalabas ako, basta may kasamang bodyguard. Sa pagkakataong ito, sina Larkin at Yanna ang inatasan niyang sumama sa akin bilang mga personal kong bodyguard. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis, pero sa totoo lang, tuwang-tuwa ako.

Ang paalam ko kay Nolan ay mall ang punta ko, pero hindi talaga doon ang gusto kong puntahan.

“Basta bumalik kayo bago maggabi,” sabi ni Nolan bago kami umalis. Inabutan pa niya ako ng pera na panggastos ko kaya tuwang-tuwa ako. Nagmumukhang sugar daddy tuloy si Nolan.

Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya, kunyari ay behave lang ako. “Oo naman. Thank you.”

Naghihintay pa ata siyang halikan ko siya sa pisngi pero hindi ko ginawa, niyakap ko na lang siya para kahit pa paano, good mood siya nang umalis ako.

Paglabas namin ng gate ng mansiyon, napangiti agad ako nang maluwag. Tuwang-tuwa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
thanks po sa update Ms a
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 111

    Khaliyah POVBumaba na ako nang maramdaman kong wala na si Amedeo. Nagulat ako kasi ang sala na kahapon lang ay punong-puno ng sirang kagamitan—basag na mesa, nakatumbang mga silya at wasak na banga—ngayon ay parang bagong ayos ang lahat.Tama ako kasi wala na rin sina Amedeo at ang mga tauhan niya. Tahimik na ulit ang paligid, pero hindi nito natatabunan ang bigat na iniwan niya sa katawan ko. Sa utak ko, paulit-ulit pa rin ang eksena ng kamay niyang humawak sa buhok ko, ang boses niya na punong-puno ng pananakot at galit. Hindi ko alam kung paano ko ‘yun makakalimutan.“Ma’am Khaliyah,” tawag sa akin ng isa sa mga kasambahay dito. “Nakahain na po ang almusal ninyo sa dining.”Ngumiti ako nang pilit pagtingin ko sa kaniya. “Wala pa akong gana, e.”“Pero, baka magalit si Sir Nolan,” sagot naman niya.“Mamaya na lang siguro kapag nagkagana na ako.”Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Lumakad ako palayo, palabas ng bahay. Kailangan kong huminga. Kailangan kong ma-relax. Ang sikat ng ar

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 110

    Larkin POVMag-a-alas tres ng madaling araw nang sabihan kaming sumama nina Yanna at ng ilang soldiers sa isang mission, na ang totoo pala, ay isang aktuwal na bakbakan.Pagbaba pa lang namin sa itim na armored van, sumalubong na agad sa amin ang matitinis na putok ng mga baril. Nagsigawan ang mga tao. Pumutok ang mga salamin ng warehouse. Umuulan ng bala. Literal na parang giyëra.“Stay with me,” sigaw ni Yanna habang hinila ako palapit kay Nolan. Pareho kaming naka-armor vest, pero ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako handa rito kasi, hindi pa. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng malakihang labanan.“Keep your eyes open, Larkin! Protect him with your life!” sigaw pa ni Yanna.Nakita ko ang mukha ni Nolan sa gitna ng kaguluhan. Kalmado siya. Parang sanay na. Pero ako, para akong binagsakan ng yelo sa ulo. Hindi ko alam kung anong uunahin. Nakaluhod ako sa gilid ng sasakyan, hawak ang baril pero nanginginig ang mga kamay.Isang lalaki ang sumugod kay Nolan na may hawak n

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 109

    Khaliyah POVBiglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Agad akong napabangon, akala ko si Nolan ang pumasok, pero hindi. Ang nakita kong istura ay mas nakakatakot na si Amedeo Salvatore, papa ni Nolan.“You don’t deserve to be here,” sigaw niya ang lalong nagpagising sa akin ng umagang iyon.Hindi pa man ako nakakakilos, bigla niyang hinablot ang buhok ko. Napasinghap ako sa sakit. Hinila niya ako palapit sa kaniya gamit ang kamay niyang mahigpit ang pagkakasabunot sa buhok ko.“Aray ko po,” sabi ko. Sure akong wala sina Nolan dito, lalo na si Yanna at Larkin. Hindi niya kasi magagawa ito nang nandito ang anak niya.“Do you think you can play with my son, huh?” gigil na tanong niya habang halos magdikit na ang mukha namin.“Sir, please... you’re hurting me,” pabulong kong sabi, pero wala siyang pakialam. Sa halip na bitawan ako, mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa buhok ko.“You think I don’t know what’s been happening? My son destroyed the living room last night because of

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 108

    Khaliyah POVPagbukas pa lang ng gate ng mansyon ni Nolan, ramdam ko na agad na parang may mali. Alas-nuebe na ng gabi kami nakauwi nila Larkin at Yanna, at ramdam kong may namumuong bagyo sa loob ng bahay. Halos alas-otso na kasi nang maayos ang sasakyan. Wala namang kaming ibang intensyon kundi makabalik agad, pero sadyang minamalas yata kami.Pagpasok ko sa loob, halos mapaatras ako sa nakita ko. Basag ang lamesa sa sala. Wasak ang banga na dati ay may magarang disenyo pa. Gulo-gulo ang mga upuan, tila may nangyaring rambol dito. Napatigil ako sa pinto, nanlalamig ang kamay ko, habang si Yanna at Larkin ay agad na napatingin sa paligid.“Anong nangyari rito?” bulong ko, pero may idea ako na baka nagwala sa galit si Nolan.Biglang sumulpot sina Bak at Bok. Pareho silang pawisan at halatang kabado.“Miss Khaliyah,” bungad ni Bak. “Nagwawala po si Sir Nolan. Galit na galit siya kasi hindi pa raw kayo umuuwi ng maaga.”Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong maramdaman. Takot? Gulat? I

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 107

    Khaliyah POVHindi ko talaga akalain na papayag si Nolan. Pagkatapos ng ilang araw na pagkakakulong sa loob ng mansiyon, halos hindi ako makapaniwalang pumayag siyang makalabas ako, basta may kasamang bodyguard. Sa pagkakataong ito, sina Larkin at Yanna ang inatasan niyang sumama sa akin bilang mga personal kong bodyguard. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis, pero sa totoo lang, tuwang-tuwa ako.Ang paalam ko kay Nolan ay mall ang punta ko, pero hindi talaga doon ang gusto kong puntahan.“Basta bumalik kayo bago maggabi,” sabi ni Nolan bago kami umalis. Inabutan pa niya ako ng pera na panggastos ko kaya tuwang-tuwa ako. Nagmumukhang sugar daddy tuloy si Nolan.Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya, kunyari ay behave lang ako. “Oo naman. Thank you.”Naghihintay pa ata siyang halikan ko siya sa pisngi pero hindi ko ginawa, niyakap ko na lang siya para kahit pa paano, good mood siya nang umalis ako.Paglabas namin ng gate ng mansiyon, napangiti agad ako nang maluwag. Tuwang-tuwa

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 106

    Khaliyah POVPagdilat ng mga mata ko, ang una kong naramdaman ay ang kakaibang sensasyon mula sa ilalim ng kumot. Para bang may nanginginig. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-i-imagine lang ba ako, pero totoo—may umiilalim na vibration sa kama ko.Agad akong bumangon at tinignan ang buong paligid. Wala naman atang ginagawang bahay sa katabi nitong bahay, walang nag-uuka ng pader o nagpupukpok kaya sure akong sa kama ko nanggagaling ang vibrate. Tahimik ang buong kuwarto, pero ramdam ko pa rin ang panginginig.Pag-angat ko ng unan, doon ko nakita. Bukod pala sa brief ni Larkin, may isang cellphone pa siyang iniwan. Maliit lang ‘to, manipis at kulay itim.Nanginginig pa rin ito dahil may tumatawag. Dahil doon, agad kong sinagot ang tawag.“Hello?” bungad ko na medyo mahina ang boses, baka kasi may makarinig sa akin. “Why did you just answer now?” galit na tanong ni Larkin sa kabilang linya. Galit agad at pinaninindigan na rin ang pagiging english speaking.Napasinghap ako. Pero la

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status