Home / Romance / Alipin Ng Tukso / Kabanata 146

Share

Kabanata 146

last update Last Updated: 2025-06-26 22:55:08

Larkin POV

Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Khaliyah habang wala pa ring malay-tao. Bandage pa rin ang ulo niya, may mga kung ano-ano pang nakakabit sa kaniya. Ilang araw na akong walang tulog, binabantayan ko siya at inaabangan ang kaniyang paggising.

Nakakainis lang dahil hanggang ngayon, wala pa ring magandang balita ang tumitingin sa kaniya. Na para bang, aparato na lang ang bumubuhay sa kaniya, kaya lalong tumatagal na ganito siya, lalong umuunti ang pag-asa ko na magising pa siya.

Pero kahit na naiisip kong mawawala na ang asawa ko, naroon pa rin ang bawat dasal ko sa itaas na magkakaroon ng himala, maibabalik sa akin ang asawa ko, mabubuhay siya, magigising at magiging masaya na ulit kami.

“Larkin,” tawag ni Don Yanu mula sa pintuan. Pinunasan ko muna ang luha ko sa pisngi bago siya harapin.

Agad akong tumayo nang ayusin ko ang sarili ko. Alam kong may sasabihin siyang importante.

“Ready na ang jet. Nakausap ko na ang doktor sa Switzerland. Do
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
Larkin ka dw. pro sure Akong s khaliyah ang makakapatay KY nolan
goodnovel comment avatar
Nimpha
thank you so much sa update madam sana ganito palaging my update God bless and more pawer
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 146

    Larkin POVTahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Khaliyah habang wala pa ring malay-tao. Bandage pa rin ang ulo niya, may mga kung ano-ano pang nakakabit sa kaniya. Ilang araw na akong walang tulog, binabantayan ko siya at inaabangan ang kaniyang paggising.Nakakainis lang dahil hanggang ngayon, wala pa ring magandang balita ang tumitingin sa kaniya. Na para bang, aparato na lang ang bumubuhay sa kaniya, kaya lalong tumatagal na ganito siya, lalong umuunti ang pag-asa ko na magising pa siya.Pero kahit na naiisip kong mawawala na ang asawa ko, naroon pa rin ang bawat dasal ko sa itaas na magkakaroon ng himala, maibabalik sa akin ang asawa ko, mabubuhay siya, magigising at magiging masaya na ulit kami.“Larkin,” tawag ni Don Yanu mula sa pintuan. Pinunasan ko muna ang luha ko sa pisngi bago siya harapin.Agad akong tumayo nang ayusin ko ang sarili ko. Alam kong may sasabihin siyang importante.“Ready na ang jet. Nakausap ko na ang doktor sa Switzerland. Do

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 145

    Larkin POVTahimik kong sinara ang gate ng bahay sa LJS Street. Madilim pa ang buong paligid, pero tapos ko nang ikabit ang CCTV sa loob ng bahay ko. Kinausap ko na rin sina Beranichi, Poge, Ipe at Uda para wala nang maging problema.“Kapag may nagtanong,” sabi ko habang nakaupo kami sa sala kanina, “sabihin n’yo ang totoo—na dumating sina Bak at Bok, sinubukang patayin si Khaliyah, at nabagok ang ulo niya. Pero kung ano mang detalye pa pagkatapos noon… tahimik na lang kayo. Hindi nila dapat malaman na buhay ako, lalo na si Khaliyah na lumalaban pa sa buhay niya.”Napatango lang si Beranichi, bagama’t ramdam kong nanginginig ang kaniyang mga kamay. Inamin kasi niyang natatakot siyang makaharap ang mga salbaheng sina Amedeo at Nolan. Sinabi ko na lang na lakasan nila ang loob nila.“Sigurado ka ba sa plano na ’to, Larkin?” tanong pa ni Ipe nung dapat ay paalis na ako. “Kapag nalaman ‘to nina Amedeo at Nolan—”“Hindi nila malalaman. Hindi nila dapat malaman ito,” putol ko. “Kung gusto n

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 144

    Larkin POVDinala nila Beranichi, Poge, Uda at Ipe si Khaliyah sa ospital pagkatapos daw itong makaaway nila Bak at Bok. Ginawa raw nila ang lahat para makaabot sa ospital si Khaliyah. Mabuti na lang at ka-close ni Beranichi ang isa sa mga driver ng ambulansya kaya naitakbo agad si Khaliyah sa ospital.Umuwi na muna silang apat dahil pagod, kami nila Don Yanu at Rafe ang nandito.Nakatingin ako kay Khaliyah. Ang putla niya masyado.Kung dati, malikot siyang matulog, ngayon hindi man lang gumagalaw kahit ang mga daliri. Kung dati, kahit mahimbing pa siyang natutulog ay makikita mong may buhay ang mukha niya, may hinahon, may lakas—ngayon para siyang... wala.Kanina, tinanong ko sa doctor kung kailan siya magigising, pero ayoko nang marinig ulit ang sagot niya. Hindi raw kasi siya sigurado. Hindi raw nila alam. Comatose kasi si Khaliyah ngayon. 50/50. Baka raw magising, baka hindi na rin. Lahat ng baka ngayon ay parang kutsilyong dahan-dahang tinutusok ang dibdib ko.“Hindi ko alam, Lar

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 143

    Larkin POVGusto kong umalis ng bahay, iligtas si Khaliyah, kaya lang sinabi sa akin ni Don Yanu na hindi ako puwedeng lumabas ng mansiyon niya. Sa oras na lumabas at umalis ako, kalaban na rin daw ang turing niya sa akin.Napapaiyak na lang tuloy ako ng tahimik habang nakatitig sa kawalan, kabadong-kabado ako kasi alam kong matinik pagdating sa mismong labanan sina Bak at Bok. Kung inutos ni Don Yanu na patayin na si Khaliyah, gagawin nila kasi grabe talaga magbigay ng pera si Don Yanu.Ang problema kasi kay Don Yanu, naniwala agad siya na pinatay ni Khaliyah si Yanna. Dahil lang sa sinabi nila Bak at Bok na hindi naman kasama noon sa Baguio. Naniwala ang dalawang tangang iyon sa sinabi lang ni Amedeo.Napatingin ako sa hagdan nang makita ko si Don Yanu. Nakatingin siya sa akin habang hawak ang baril niya. Hindi ako natakot, kung mamamatay lang din naman ang dahilan nang pagsisikap kong maging malakas, mabuti pang tapusin na rin niya ako.Lumapit siya sa akin nang hindi ako kumikibo.

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 142

    Khaliyah POVNgayon na lang ulit ako nagising sa kuwartong ito. Tiningnan ko ang paligid ng lumang kuwarto naming ni Larkin sa bahay namin dito sa Norzagaray. Marami na palang alikabok, halatang hindi pumapasok dito sina Beranichi para mangialam ng gamit.Huminga ako ng malalim. Dinampot ko ang unan niya at saka ito niyakap.“Patay na ba siya? O buhay pa?”Itinapon ko ang tanong na iyon sa hangin habang nakatitig sa kisameng puro sapot na ng gagamba. Pero gaya ng dati, wala rin namang sagot. Hinila ko ang kumot at bumangon na. Naisip ko kasing linisin ang kuwarto naming ngayong araw para sakaling magbalik man siya, malinis at maayos pa rin ang bedroom namin. Paglabas ko sa kuwarto, naamoy ko ang nilulutong sinangag at pritong itlog sa kusina. Si Beranichi ang nadatnan kong naroon..“Tamang-tama, mag-almusal na tayo, Khaliyah,” nakangiting bati niya. “Sabi nga ni Ipe, sabik na sabik na siyang makasalo ka ulit sa pagkain.”“Sila Poge at Uda?” tanong ko.“Ayon, natutulog pa sa dati mong

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 141

    Larkin POVMinsan talaga, sa mga hindi inaasahang oras, doon mo maririnig ang mga bagay na hindi dapat naririnig.Kanina, habang papunta ako sa hallway mula sa training area, napatigil ako sa tapat ng kuwarto ni Don Yanu. Bukas ang pinto. Kaunti lang naman, pero sapat na para marinig ko ang boses niya. At sa kabilang linya ng cellphone niya ay may narinig akong mga pamilyar na boses sa akin.Si Bak at si Bok.“Nasa Norzagaray na po si Khaliyah, boss,” rinig kong sabi ni Bak sa kabilang linya. “Tulad ng utos ni Amedeo, magbabakasyon daw siya roon ng limang araw. Hindi niya pinaalam kay Nolan.”Ano naman kaya ang pinaplano ni Amedeo ay inutos niya sa asawa ko ‘yun?“Anong dahilan naman ang inutos ni Amedeo ‘yon sa walangyang babaeng ‘yon?” tanong ni Don Yanu na halatang galit kay Khaliyah dahil sa pagkawala ng anak niyang si Yanna.“Parusa ho kay Nolan. Siya ang napagalitan sa nangyaring kaguluhan sa event na nangyari,” sagot ni Bok.“Ibig sabihin ay hindi si Khaliyah ang naputukan?” ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status