Share

Kabanata 37

last update Last Updated: 2025-04-09 22:22:13

Khaliyah POV

Sa dami ng beses kong inisip na tumanggi sa ganitong eksena, hindi ko akalaing heto ako ngayon,nakatayo sa backstage, suot ang isang napakagandang gown na kulay emerald green, ito ang napili kong gown at kulay kasi ito ang maganda sa paningin ko.

Nakapila na ako kasama ang siyam na iba pang kandidata. Hindi Khaliyah ang pangalan ko ngayong gabi. Liya. Liya Colmenares kasi hindi nila ako puwedeng makilala bilang si Khaliyah Dadonza kasi kung ganoon ang mangyayari, lagot na, mahahanap na ako ng mga magulang ko at ng mafia boss na nagpapahanap din sa akin.

Ako ang pinakahuling tatawagin. Sampu kaming lahat, pero sa tuwing may isang umaakyat sa entablado, para bang lalo lang akong kinukuryente ng kaba sa dibdib ko. Pinagpapawisan na ang mga palad ko kahit malamig ang hangin mula sa electric fan sa gilid ng backstage.

“Relax lang, girl,” sabi ni Beranichi habang inaayos ang buhok ko. “Ang ganda-ganda mo kaya. Kayang-kaya mo ’yan.”

Hindi ko siya sinagot. Hindi pa rin ako makapa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
thanks Ms a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 104

    Khaliyah POVWala pa rin si Nolan. Nasa sala lang sina Yanna at Larkin, at gaya ng dati, hindi pa rin ako makalapit kay Larkin nang matagal kapag maraming tao ang nasa paligid. Pero okay lang, nakaisa naman kami kanina, at nakapag-usap na rin. Gusto ko sana silang lapitan pero tila busy ang dalawa sa pag-uusap nila tungkol sa diyaryong hawak ni Larkin.Na-boring na ako sa kuwarto, kaya imbes na mamalagi lang ako roon, nagdesisyon akong magliwaliw sa loob ng mansiyong ito. Sa laki nito, parang hindi mo matatapos ikutin kahit buong araw. May mga kuwarto pang hindi ko pa napapasok, may mga lugar pa akong hindi kabisado. At ngayong wala sina Nolan, ito na siguro ang tamang oras para mag-ikot.Lahat ng kasambahay na nakakasalubong ko ay niyuyukuan ako. Talagang boss na rin ata ang tingin nila sa akin.Nakarating ako sa isang bahagi ng bahay na mas tahimik kaysa sa iba. Doon sa ikalawang palapag, may pintuang itim na may mga ukit na dragon sa kahoy. Na-curious ako. Binuksan ko iyon, at pagp

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 103

    Khaliyah POVNagco-computer ako habang tinitignan ang vloggger channel ko. Tinignan ko kasi ulit dahil puwede naman na akong mag-open, pati mga old social media account ko, binuksan ko na. Sinagot ko na rin ang mga message ng mga kaibigan ko, sinabi kong okay naman ako.Pero nahinto ako sa ginagawa ko nang ipatawag ako ni Nolan sa labas. Hindi ko alam kung anong kailangan niya kaya pero sumunod na lang ako.“Bumaba ka muna at may mga tao kasing gagawa sa room mo. Papatanggal ko ang mga camera doon para sa privacy mo,” sabi niya kaya nagulat ako. For me, ayos ‘yun kasi mas makaka-help ‘yun para makagalaw ako ng maayos.Umakyat na ang mga taong magtatanggal ng camera sa room ko, kaya inaya naman ako ni Nolan na lumabas sa may garden.Paglingon ko, dalawang lalaking halos kasing laki ng refrigerator ang lumapit sa amin. Parang kasing tigas ng pader ang katawan nila. Parehong naka-itim, parehong seryoso ang mukha.“This is Bak, my right hand, and this is Bok, my left hand,” pakilala ni No

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 102

    Khaliyah POVPagdilat ng mga mata ko, hindi ko agad namalayan na nasa ibang kama ako. Doon lang pumasok sa isip ko na nasa bahay na nga pala ako ni Nolan. Makinis ang bedsheet, amoy mamahalin at sobrang lambot ng kutson na parang ayaw ko nang bumangon. May mas gaganda pa pala sa kuwarto ko sa bahay namin dito sa Manila, kasi dito, tila daan libo ang halaga ng kagamitan. Bakit pa nga ba ako magtataka kung alam ko naman na napaka-yaman ng pamilyang Salvatore.Sakto naman na pagkagising ko, heto, may kumakatok na sa pinto ng kuwarto kong parang kuwarto ng princessa sa sobrang laki.“Pasok,” sagot ko naman.Nagulat ako.“Good morning, Ma’am Khaliyah!” sabay-sabay na bati ng mga kasambahay na nakaayos sa gilid ng pinto ng kuwarto ko.May hawak silang mga gamit—isang manipis na silk na pambahay, kulay lavender; isang pares ng fluffy na tsinelas; at isang eleganteng bag na halatang may lamang mga skin care products.“Uh... good morning din,” natulala kong sagot habang pinagmamasdan sila. So,

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 101

    Larkin POVMaaga akong nagising, mas maaga pa sa sikat ng araw. Hindi ko nga alam kung ilang oras lang ang tulog ko kagabi, pero sapat na ang dalawang oras para tuluyan akong mawalan ng gana sa pag-idlip. Agad akong naghanda at sa loob ng dalawampung minuto, nasa labas na ako ng condo ko. Tahimik pa ang paligid habang nagmamaneho ako ng sasakyan papunta sa bahay ni Nolan. Sa tulong ni Yanna, mabilis kong nakuha ang lisensya ko. Madali rin akong natutong mag-drive ng sasakyan.Pagdating ko sa mansion ni Nolan, halos mapataas ang kilay nina Bok at Bak sa sobrang aga ng dating ko. Alam kong mangyayari ‘to. Kahit ako, natatawa sa sarili ko kasi sobrang aga ko talaga. Hindi naman kasi ito para sa pagiging loyal ko, para ‘to kay Khaliyah. Nandito siya sa bahay ni Nolan kaya gusto ko ay naka-monitor ako sa kaniya.“Larkin, ang aga mo ngayon ah,” puna ni Bok habang binubuksan niya ang gate para sa akin.Sumunod si Bak na sabay tanong din. “Hindi ba traffic sa dinadaanan mo?”“Malapit lang kas

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 100

    Larkin POVPagkapasok ko pa lang sa condo ko, parang ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Ilang ulit kong kinumbinsi ang sarili kong ayos lang ang lahat, pero kahit anong pilit, hindi ako mapanatag. Paano nga ba magiging maayos ang lahat e, hawak na ni Nolan ang Khaliyah ko.Si Khaliyah, mukhang kalmado at hindi takot pero alam kong sa loob-loob nito ay malungkot siya. Sa mata palang niya na mugto ay kita na. Kanina, puro ka-plastic-an lang naman ang pinapakita niya kay Nolan. Sa nakikita ko ay tila pinapakita niyang panatag ang loob niya para walang maging problema.Sa totoo lang, magaling siya sa mga sinabi niya kanina. Matalino siya sa pagsabi na saka na ang kasal at saka na sila magtabi sa kama. Hindi kasi puwede. Hindi maaaring magpakasal agad sila dahil sa papel, tiyak na makikita ni Nolan na kami ang mag-asawa. Makikita niya ‘yun sa record. At kapag nangyari ‘yun, lagot na. Tiyak na malalagay ako sa alanganin.Tahimik ang gabi. Tahimik ang condo. Pero ang isip ko—punong-puno ng mar

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 99

    Khaliyah POVPagkapasok namin sa loob ng mansion ni Nolan, pinilit kong ngumiti. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng malawak na sala, ang chandeliers na kumikislap, ang magarang sahig at ang mga antigong kagamitan na animo ay galing pa sa panahon ng mga haciendero. Napakaganda ng bahay, para kang nasa ibang mundo—pero kahit ganoon, hindi maalis ang lungkot at takot sa dibdib ko. Takot na baka isang gabi, bigla na lang mamilit si Nolan na ikama ako. Kadiri, hindi ko kaya. At hindi ako papayag.“Wow,” sabi ko habang umiikot sa gitna ng sala. “Your house is really beautiful. I didn’t expect it to be this grand,” sabi ko na umaastang parang hindi takot. Sure akong takang-taka na rin si Larkin sa kinikilos ko at kung paano na rin ako magsalita. Lumabas tuloy ang dating ako, mukhang maarte at pala-english.Ngumiti naman si Nolan. “I’m glad you like it. This will be your home too, soon.”Um-acting akong masaya. Kailangan, e. Kailangan kong magkunwaring interesado, na parang masaya ako sa lahat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status