Khaliyah POV
Unang araw ko palang sa bahay ni Tito Larkin pero pakiramdam ko, para na akong pinaparusahan. Sa bawat sulok ng bahay, may kalat. Mga bote ng alak, nagkalat na papel at mga piraso ng pagkain sa sahig, parang dinaanan ng bagyo ang buong lugar. Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.
“Ano, Khaliyah? Tititigan mo lang ba ‘yan? Simulan mo na, para matapos agad,” bossy na sabi ni Tito Larkin bago siya pumasok sa kuwarto niya.
Naiwan ako sa sala, nakatayo, hawak ang walis na parang hindi ko alam kung paano ito gamitin. Princessa ako sa amin pero pagdating dito sa probinsya, para akong namasukang ng pagiging kasambahay. Sabagay, parang ganoon na rin iyon. Alipin nga ang tawag sa akin ni Tito Larkin. Sa totoo lang, hindi ko rin gets kung bakit gusto niya akong alipinin, puwede naman kaming mag-hire ng kasambahay na babae. Pero, naisip ko rin na kung magkakaroon kami ng kasambahay na babae, baka maka-istorbo lang siya sa amin ni Tito Larkin. Mainam na rin na solo ko lang si Tito Larkin, kaya magtitiyaga na lang ako.
Huminga ako nang malalim. “Kaya ko ‘to. Para sa masarap na si Tito Larkin!” bulong ko sa sarili ko habang sinimulan kong walisin ang mga natuyong chips sa sahig.
Walis, walis, walis, okay pa ako. Hindi naman ito mahirap. Pero nang makita ko ang basahan sa gilid, napaatras ako. Basahan,OMG! Diring-diri ako. Nasanay akong may kasambahay na naglilinis ng lahat para sa akin. Hindi ako sanay sa ganitong trabaho,kaya kakayanin ko ba talaga ito. Sabagay, ngayon lang ito, nag-birthday kasi siya kaya sobrang libag dito, kapag natapos ako dito, sure na hindi naman na mauulit kasi malilinis ko na.
Napatingin ako sa paligid. Baka puwede ko namang palampasin muna ang pagpupunas, ‘di ba? Pero bigla kong naalala ang kontrata. Isa akong pekeng asawa at alipin sa loob ng bahay na ito. Wala kang lusot, Khaliyah. Wala pang gusto sa iyo si Tito Larking kaya magpakitang gilas ka! Napangiwi ako pero wala talaga akong choice.
Dahan-dahan kong dinampot ang basahan gamit ang dalawang daliri, para bang may hawak akong dumi ng aso. “Ew! Bakit ganito ang amoy? Tito Larkin naman, bakit ganito kalala ng bahay mo?!” reklamo ko habang pilit na pinupunasan ang lamesa.
Wala pang sampung minuto, pero pakiramdam ko, ilang oras na akong nagtatrabaho. Hindi ako makahinga sa bigat ng responsibilidad. Pawis na pawis na ako at ang mga braso ko ay parang nanginginig na. Pero hindi, hindi ako susuko. Para sa titë ni Tito Larkin, este para sa ikakatuwa ni Tito Larkin ay gagalingan ko ang trabaho ko rito.
“Tama, para kay Tito Larkin itong ginagawa ko at para na rin sa pagtatago ko!” bulong ko ulit sa sarili ko. Kailangan kong galingan. Hindi lang ito tungkol sa pagiging masipag, ito rin ang paraan ko para manatili sa tabi niya.
Habang nagtutupi ako ng mga nagkalat na damit sa sofa, napansin ko na may bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Tito Larkin.
Napahinto tuloy ako.
May kakaibang init na gumapang sa katawan ko. Hindi naman ako mạnyak, pero hindi ko rin kayang pigilan ang sarili kong tumingin sa kaniya. Saka, kapag ganitong kasarap na lalaki ang makikita ko, kahit hindi ako mạnyak ay magiging mạnyak talaga ako pagdating sa kaniya. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at unti-unting sumilip sa loob ng kuwarto niya.
Doon ko siya nakita. Nakahiga siya sa kama, nakatihaya at topless na naman.
Napalunok ako. Napaka-hot niya sa pagkakahiga. Ang maskuladong dibdib niya ay maayos talaga ang hubog na parang ang sarap dilaan at panggigilan ng halik, at ang mga braso niya ay matikas na parang ang sarap kagatin.
Napakagat ako ng labi sa sarap ng nakikita ko ngayon.
Hindi ko na napansin na hawak ko pa rin ang basahan. Nakahinto lang ako sa pinto, nakatitig sa kanya at ini-imagine na pinagsasawaan ko nang himudin ang masarap niyang katawan.
Ano ba ‘tong nangyayari sa akin?! kapag nahuli niya ay tiyak na lagot ako.
Pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya. Parang may magnet na humihila sa akin palapit sa kaniya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magtimpi.
Paano kung magising siya at mahuli akong nakatingin? Ano kaya ang gagawin niya?
Napapikit ako saglit at huminga nang malalim.
“Laban, Khaliyah. Para sa future mo with Tito Larkin!” bulong ko sa sarili ko habang pilit na tinatakpan ang pilyang ngiti sa labi ko.
Kailangan ko nang bumalik sa paglilinis bago pa ako matukso ng tuluyan. Baka kasi hindi ako makapagpigil, bigla na lang akong pumatong sa yummy niyang katawan.
Khaliyah POVPagdilat ng mga mata ko, ang una kong naramdaman ay ang kakaibang sensasyon mula sa ilalim ng kumot. Para bang may nanginginig. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-i-imagine lang ba ako, pero totoo—may umiilalim na vibration sa kama ko.Agad akong bumangon at tinignan ang buong paligid. Wala naman atang ginagawang bahay sa katabi nitong bahay, walang nag-uuka ng pader o nagpupukpok kaya sure akong sa kama ko nanggagaling ang vibrate. Tahimik ang buong kuwarto, pero ramdam ko pa rin ang panginginig.Pag-angat ko ng unan, doon ko nakita. Bukod pala sa brief ni Larkin, may isang cellphone pa siyang iniwan. Maliit lang ‘to, manipis at kulay itim.Nanginginig pa rin ito dahil may tumatawag. Dahil doon, agad kong sinagot ang tawag.“Hello?” bungad ko na medyo mahina ang boses, baka kasi may makarinig sa akin. “Why did you just answer now?” galit na tanong ni Larkin sa kabilang linya. Galit agad at pinaninindigan na rin ang pagiging english speaking.Napasinghap ako. Pero la
Khaliyah POVGabi na nang dumating si Nolan. Mag-isa akong nagdi-dinner nun habang ang lamesa ay puno ng maraming pagkain. Sabi ko sa mga kasambahay ay kaunti lang ang iluto dahil hindi ko naman mauubos, pero dahil bilin daw ni Nolan na maraming pagkaing ang ihain sa akin, ganoon ang ginawa nila para marami raw akong pamimilian. Huwag daw akong manghinayang sa mga pagkain kasi ang mga kasambahay naman ang uubos sa mga nasayang.Grabe talaga, reyna kung reyna. Gustong-gusto ko nga sanang alukin si Larkin, para matikman niya ang mga masasarap na pagkain, kaya lang ay hindi ko magawa at baka magsumbong kay Nolan ang mga kasambahay.Sobrang sarap pa naman nung mga pagkain, lahat ay perfect sa panlasa ko. Hindi na rin ako magtataka kasi ang kusinero rito ay may lahi, oo, hindi siya pinoy, italian daw at talagang masarap magluto kaya sobrang sarap talaga ng buhay ni Nolan dito.Maya maya, bigla akong nakarinig ng mga sasakyan sa labas, sign na nakauwi na sina Nolan. Pagbukas ng pinto, kauna
Khaliyah POVWala pa rin si Nolan. Nasa sala lang sina Yanna at Larkin, at gaya ng dati, hindi pa rin ako makalapit kay Larkin nang matagal kapag maraming tao ang nasa paligid. Pero okay lang, nakaisa naman kami kanina, at nakapag-usap na rin. Gusto ko sana silang lapitan pero tila busy ang dalawa sa pag-uusap nila tungkol sa diyaryong hawak ni Larkin.Na-boring na ako sa kuwarto, kaya imbes na mamalagi lang ako roon, nagdesisyon akong magliwaliw sa loob ng mansiyong ito. Sa laki nito, parang hindi mo matatapos ikutin kahit buong araw. May mga kuwarto pang hindi ko pa napapasok, may mga lugar pa akong hindi kabisado. At ngayong wala sina Nolan, ito na siguro ang tamang oras para mag-ikot.Lahat ng kasambahay na nakakasalubong ko ay niyuyukuan ako. Talagang boss na rin ata ang tingin nila sa akin.Nakarating ako sa isang bahagi ng bahay na mas tahimik kaysa sa iba. Doon sa ikalawang palapag, may pintuang itim na may mga ukit na dragon sa kahoy. Na-curious ako. Binuksan ko iyon, at pagp
Khaliyah POVNagco-computer ako habang tinitignan ang vloggger channel ko. Tinignan ko kasi ulit dahil puwede naman na akong mag-open, pati mga old social media account ko, binuksan ko na. Sinagot ko na rin ang mga message ng mga kaibigan ko, sinabi kong okay naman ako.Pero nahinto ako sa ginagawa ko nang ipatawag ako ni Nolan sa labas. Hindi ko alam kung anong kailangan niya kaya pero sumunod na lang ako.“Bumaba ka muna at may mga tao kasing gagawa sa room mo. Papatanggal ko ang mga camera doon para sa privacy mo,” sabi niya kaya nagulat ako. For me, ayos ‘yun kasi mas makaka-help ‘yun para makagalaw ako ng maayos.Umakyat na ang mga taong magtatanggal ng camera sa room ko, kaya inaya naman ako ni Nolan na lumabas sa may garden.Paglingon ko, dalawang lalaking halos kasing laki ng refrigerator ang lumapit sa amin. Parang kasing tigas ng pader ang katawan nila. Parehong naka-itim, parehong seryoso ang mukha.“This is Bak, my right hand, and this is Bok, my left hand,” pakilala ni No
Khaliyah POVPagdilat ng mga mata ko, hindi ko agad namalayan na nasa ibang kama ako. Doon lang pumasok sa isip ko na nasa bahay na nga pala ako ni Nolan. Makinis ang bedsheet, amoy mamahalin at sobrang lambot ng kutson na parang ayaw ko nang bumangon. May mas gaganda pa pala sa kuwarto ko sa bahay namin dito sa Manila, kasi dito, tila daan libo ang halaga ng kagamitan. Bakit pa nga ba ako magtataka kung alam ko naman na napaka-yaman ng pamilyang Salvatore.Sakto naman na pagkagising ko, heto, may kumakatok na sa pinto ng kuwarto kong parang kuwarto ng princessa sa sobrang laki.“Pasok,” sagot ko naman.Nagulat ako.“Good morning, Ma’am Khaliyah!” sabay-sabay na bati ng mga kasambahay na nakaayos sa gilid ng pinto ng kuwarto ko.May hawak silang mga gamit—isang manipis na silk na pambahay, kulay lavender; isang pares ng fluffy na tsinelas; at isang eleganteng bag na halatang may lamang mga skin care products.“Uh... good morning din,” natulala kong sagot habang pinagmamasdan sila. So,
Larkin POVMaaga akong nagising, mas maaga pa sa sikat ng araw. Hindi ko nga alam kung ilang oras lang ang tulog ko kagabi, pero sapat na ang dalawang oras para tuluyan akong mawalan ng gana sa pag-idlip. Agad akong naghanda at sa loob ng dalawampung minuto, nasa labas na ako ng condo ko. Tahimik pa ang paligid habang nagmamaneho ako ng sasakyan papunta sa bahay ni Nolan. Sa tulong ni Yanna, mabilis kong nakuha ang lisensya ko. Madali rin akong natutong mag-drive ng sasakyan.Pagdating ko sa mansion ni Nolan, halos mapataas ang kilay nina Bok at Bak sa sobrang aga ng dating ko. Alam kong mangyayari ‘to. Kahit ako, natatawa sa sarili ko kasi sobrang aga ko talaga. Hindi naman kasi ito para sa pagiging loyal ko, para ‘to kay Khaliyah. Nandito siya sa bahay ni Nolan kaya gusto ko ay naka-monitor ako sa kaniya.“Larkin, ang aga mo ngayon ah,” puna ni Bok habang binubuksan niya ang gate para sa akin.Sumunod si Bak na sabay tanong din. “Hindi ba traffic sa dinadaanan mo?”“Malapit lang kas