Share

Kabanata 7

last update Last Updated: 2025-03-11 13:30:21

Khaliyah POV

Tatlong oras akong pawisan, amoy alikabok, at halos magmakaawang kunin na ako ni Lord habang tinatapos linisin ang buong bahay ni Tito Larkin. Hindi ko alam kung paano ko kinaya, pero heto, tapos na rin ako sa wakas! Ang mga supot ng basura, nasa labas na. Ang mga kalat, nawala na rin. At higit sa lahat, ang sahig, hindi ko na rin alam kung pawis ko o tubig ang dahilan kung bakit ito kumikinang sa linis.

Pero kahit na ganyan, proud ako sa sarili ko! Isang prinsesang tulad ko na hindi sanay magwalis, hindi marunong humawak ng basahan at iniiwasan ang mabahong amoy ng basura, ngayon ay may achievement na!

Nakangiti pa akong naupo sa gilid ng sofa, hinihingal, habang pinagmamasdan ang paligid na malinis na nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Tito Larkin. Napaayos agad ako ng upo at agad napatitig sa matipunong katawan niya na nakakagigil talaga.

Lumabas si Tito Larkin, nakapang-itaas na ngayon pero kita pa rin ang hubog ng katawan niya. “Anong amoy “to?” tanong niya habang nakakunot ang noo at inaamoy ang paligid.

Nanlaki ang mata ko. “Amoy? Uhm, mabango nga po, e?”

Tumingin siya sa paligid at pinagmasdan ang bahay. Medyo na-relax ang mukha niya pero may duda pa rin sa mga mata niya. “Seryoso ba ito, nalinis mo na ang lahat?”

Tumango ako habang pilit na pinipigil ang ngiti ko. “Opo! Tatlong oras din po akong nagtrabaho—”

Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang yumuko at dinampot ang basahan na nasa sahig. May bahid pa ng dumi. Inamoy niya iyon saglit bago ako tinignan ng matalim.

‘Ano ‘to? Bakit mukhang hindi mo nilabhan?”

“H-ha? Nilabhan ko naman po—’

“Saang parte? Sa tubig ulan?”

Napakamot ako ng ulo. “Uh… sa tingin ko, hindi ko po siguro na-kuskos nang maayos.” Ang baho naman kasi kaya diring-diri akong kuskusin.

Pinisil niya ang sentido niya. “At bakit ang lagkit ng sahig? Anong ginawa mo rito?”

Nagkibit-balikat ako. “Nag-map po?”

“Nag-map? Anong gamit mong panlinis?”

“Uh… dishwashing liquid? Kasi akala ko, kung nakakalinis ng plato, eh ‘di lalong nakakalinis ng sahig—”

Halos mahulog ang panga ni Tito Larkin. “Ano?! Khaliyah! Sinasabon mo ba ang sahig?!”

Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko nang nahuli ko ang itsura niya, between galit at tulala. Para bang hindi niya maisip kung maiinis siya o tatawa sa katangahan ko. Pero ang mas nakakatawa, parang gusto niyang tumawa pero hindi niya magawa kasi masungit siya sa akin.

Huminga siya ng malalim at tumango-tango. “Fine. Hindi muna kita papagalitan kasi alam kong hindi ka pa magaling maglinis. Pero next time, huwag ka nang mag-imbento, okay? Puwede namang sabong panlaba ang gamitin mo sa susunod, tapos huwag masyadong maraming sabon para hindi malagkit, okay?”

Tumango-tango ako, pero ang totoo, hiyang-hiya ako sa katangahan ko. Minsan lang ako magpakapagod ng ganito na akala ko ay perfect na, marami pa palang mali.

Akala ko, makakapagpahinga na ako, pero ang masama, wala pang limang minuto matapos niya akong pagalitan, inutusan na naman niya ako.

“Magluto ka ng tanghalian. Nagugutom na ako.”

Napakurap ako ng ilang beses. “H-ha? Ako po?”

“Oo, ikaw. Nabasa mo naman siguro sa contract, nakalagay din iyan, basta lahat ng gawaing bahay ay ikaw na, ‘di ba?”

Nag-panic ang utak ko. Paano ko sasabihin sa kanya na ang tanging alam ko lang lutuin ay noodles at itlog? At kung minsan, nasusunog ko pa ang itlog?

Pinanood ko siyang maupo sa sofa at sumandal. Mukhang gutom na siya kaya hindi ako makahanap ng excuse para tumanggi. Kaya heto ako ngayon, nasa harap ng kalan, hawak ang isang tasa ng bigas habang iniisip kung paano ko ito iluluto nang hindi nagmumukhang lugaw o bato.

Pinagpapawisan na ako nang bumalik si Tito Larkin sa kusina. Nakita niyang hawak-hawak ko ang bigas habang nakatunganga sa rice cooker.

“Anong ginagawa mo?”

“Nag-iisip po kung paano magsaing…”

Napakapit siya sa batok niya na parang iniipon ang natitirang pasensya niya sa ulo niyang nag-iinit na talaga nang dahil sa akin. “Hugasan mo muna kasi!”

“Ha? Ba’t pa huhugasan? Di ba malilinis na ‘yan pag niluto?”

Muntik na niyang itapon ang hawak niyang baso ng tubig. “Khaliyah! Diyos ko, paano ka nabuhay sa mansion niyo?!”

Imbis na ako ang magsaing, siya na ang gumawa niyon, panuorin ko na lang daw siya para sa susunod ay alamko na ang gagawin ko.

Pigil na pigil ko ang tawa habang pinapanood siyang tuluyang mawalan ng pasensya sa akin. Pero hindi pa doon natatapos ang paghihirap niya.

Nang magprito naman ako ng itlog, napatalon ako sa unang tilansik ng mantika sa akin. Napasigaw tuloy ako.

“Ay! Ang init!”

Napasugod si Tito Larkin sa kusina. “Ano na naman nangyari?!”

“Nagwawala ang mantika! Tito Larkin, pigilan mo ‘to!”

Napailing na lang siya at siya na mismo ang nagprito ng itlog ko. Nakatayo ako sa likod niya, nakahalukipkip habang pinapanood siyang nagluluto. Mainit na kasing tanghaling tapat kaya medyo oily ang katawan ni Tito Larkin dahil sa pawis. Habang katabi ko siya, hindi ko mapigilang mapakagat-labi kasi mas hot siya sa malapitan. Parang ang sarap dilaan ng pawis sa katawan niya. Nakakagigil.

“Alam mo,” sabi niya habang hinihintay maluto ang itlog, “hindi ko alam kung sinusubukan mo lang ako o talagang wala kang alam sa buhay.”

Natawa ako. “Both?”

Napailing na naman siya, pero napansin kong nakangiti na siya nang bahagya. Siguro, kahit paano, naaaliw rin siya sa pagiging inutil ko sa bahay.

Sa huli, nakaluto rin kami ng simpleng pagkain, pero si Tito Larkin na ang halos gumawa ng lahat. At ako? Ako ang taga-abot ng mga rekado.

Hindi ko alam kung makakaligtas pa ako sa mga susunod na araw, pero isa lang ang sigurado ko, sulit lahat ng hirap basta kasama si Tito Larkin. Busog na busog ang mata ko sa masarap na si Tito Larkin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
khaliyah ka daw,...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 184

    Khaliyah POVKanina pa ako nakaupo sa wheelchair ko, nakaabang sa labas ng terrace ng ikalawang palapag ng mansyon. Mula rito, tanaw na tanaw ko ang ginagawa nilang lahat. Kita ko ang training field, na kung saan ay doon nagaganap ang araw-araw na pagsasanay ng mga tauhan ng papa Yanu ko. Kahit na masakit pa rin ang kaliwang balikat ko, kahit hirap pa rin akong itayo ang kanang paa, gustong-gusto ko pa ring manood. May kung anong sigla sa dibdib ko tuwing makikita kong gumagalaw nang sabay-sabay ang mga katawan nila, bawat kilos na eksaktong-eksato na halos walang sablay. Ang gagaling. Kung hindi lang sana ako na-operahan, baka kasama ako nila Yanna at Rafe doon.Naalala ko, dati, kapag nanonood ako ng ganito, nanginginig ang mga kamay ko. Para bang may gustong kumawala mula sa loob ko. Halo-halo ‘yun, takot, kaba, at minsan galit na rin, lalo na nung mga raw na sina Bok at Bak ang nagte-train sa akin nung inakala kong patay at wala na si Larkin. Inaamin ko, malaki rin ang naging tulo

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 183

    Khaliyah POVIyon ang unang gabing matutulog ako sa tabi ni Larkin mula nang magbalik ang mga alaala ko.Tahimik na ang kuwarto kasi anong oras na rin. Maliwanag ang ilaw sa lampshade sa tabi ng kama ko, ewan ko ba, simula nung magka-amnesia ako, ayoko na ng madilim ang kuwarto, nasanay na akong ganito.Ramdam ko ang lamig ng aircon sa balat ko, pero mas ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko. Hindi kami magkadikit, pero sapat na ang lapit niya para maramdaman kong totoo siyang nariyan. Totoong kasama ko na talaga ngayon.Nakahiga ako, nakatingala sa kisame, habang siya naman ay nakatagilid, nakatingin lang sa akin, ‘yung parang ayaw niyang ipikit ang mga mata niya, baka mawala ulit ako.“Okay ka lang?” mahina niyang tanong.Tumango ako. “Okay lang,” bulong ko. “Kahit pa paano ay kalmado na.”Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. “You don’t have to pretend.”Napatingin ako sa kaniya. Doon ko na napansin, may konting luha na pala sa gilid ng mata ko. Hindi ko na

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 182

    Khaliyah POVPagkababa ko mula sa van at nakita ko ang mansiyon, lalo akong nalungkot, dapat kasi ay kasama ko nang uuwi ang mga kaibigan ko, pero hindi, ako ang umuwi, sila naman ang pumalit sa ospital.Imbis na masaya, malungkot pa rin. Hindi matigil-tigil sina Amedeo sa paggawa ng masama, walang pahinga, walang palya. Mukhang hindi siya titigil hanggang hindi kami nauubos.Nasa gate pa lang kami nang makita ko si Larkin.Napatigil ako. Nakatayo siya sa may hagdan ng mansiyon, maputla, puno ng band aid sa mukha, may benda din sa noo, at balot ng gauze ang isang braso niya. Pero kahit ganoon ang ayos niya, kahit halatang galing pa siya sa malalang pangyayari, nandoon pa rin ‘yung ngiti sa labi niya. Malamlam na ngiti. Halatang pagod. At mukhang sawang-sawa na rin sa mga problema. Mabuti na lang at pogi siya, kahit pa paano, hindi halatang stress.Napatulo agad ang luha ko paglapit ko sa kaniya. Wala pa akong nasasabi, wala pa akong nagagawa. Basta’t nakita ko lang siya, parang nabun

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 181

    Khaliyah POVDalawang araw matapos ang operasyon ko, pinayagan na rin akong makauwi. Pero hindi pa ako puwedeng tumayo, kaya’t naka-wheelchair muna ako. Sa totoo lang, hindi pa rin ganap na komportable ang katawan ko, pero hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang marinig ko kay Papa na uuwi na ako ngayong araw. Parang gusto ko nang makita ang lahat, marinig ulit ang ingay sa mansiyon, at higit sa lahat, makita si Larkin.Maaga pa lang, dumating na sina Yanna at Beranichi. Si Yanna, may dalang pagkain at may kasama pang rosas. Si Beranichi naman, hindi magkamayaw sa kakuwento tungkol sa inihanda raw na welcome back party nina Ipe, Uda, at Poge sa mansiyon. Pero tila hindi na suprise ang atake na iyon dahil nabanggit na nila.“Sa wakas, makakauwi ka na rin, maalagaan ka na rin namin, gaya ni Larkin,” masayang sabi ni Beranichi habang tinutulungan akong lumipat mula kama papuntang wheelchair.Natawa ako. “Kaya nga, Beranichi, sobrang na-miss ko kayo,” masaya kong sabi sa kaniya habang hind

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 180

    Khaliyah POVHindi ko alam kung dahil sa gamot o dahil okay na talaga ako. Ang saya, magaan na kasi ang pakiramdam ko nang magising ako. Dagdag na rin na nasa maayos, maganda at tahimik na ospital na ako. Inilipat na ako dahil baka makita raw ako ng mga tauhan ni Amedeo. Mas delikado kapag nangyari ‘yun.Dito, nasa isang private room ako. Mabango ang paligid, hindi amoy ospital na gaya ng dati kong nararanasan. Dito, parang hotel, pero may IV line sa braso ko, at may benda sa binti ko.Saka ko na lang naalala, na-operahan pala ako.Napabuntonghininga ako. Wala na akong nararamdamang sakit. Wala na rin ‘yung pakiramdam ng pamamanhid o kirot. Kung tutuusin, parang ni hindi ako na-operahan.Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Maputi, may lahi, at parang beauty queen kung ngumiti.“Good morning, Ma’am Khaliyah! How are you feeling today?”“Okay naman po,” sagot ko agad, pero napangiti rin ako. “Parang wala lang. Ang gaan ng pakiramdam ko.”“That’s good to hear. You h

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 179

    Larkin POVPagdilat ng mga mata ko, malabo at halos parang naliliyo pa ako. Bumungad agad ang hindi pa magandang pakiramdam ko. Marahil, marami siguro sa dugo ko ang nawala.Tumingin ako sa paligid, wala na sa lugar kung saan ako nawalan ng malay. Kilala ko na ang kuwartong ito. Nasa clinic ako ng manisyon nila Khaliyah.“Gising na siya,” dinig kong sabi ng boses ng lalaki. Hindi ako puwedeng magkamali, si Rafe ‘yun.Tumingin ako sa gilid ko. Doon ko nakita silang dalawa ni Yanna.“Oo, gumalaw na siya, Rafe, gising na nga siya.”Pinilit kong gumalaw. Mabigat pa kasi talaga ang ulo ko. Ang katawan ko, parang lumulutang sa hangin, umaalon ang paningin ko.Dahan-dahan kong iminulat nang buo ang mga mata ko. Pero, kasi nakapikit pa rin ang kaliwa, namamaga siguro. Pero nakita ko si Yanna, nakaupo sa gilid ng kama, habang si Rafe ay nakatayo sa paanan ko, nakasandal sa drawer.“Mabuti at nakatakas ka sa kanila, kundi, maagang mababalo si Khaliyah,” sabi ni Rafe na tila may halong pang-aasa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status