Larkin POVNgayon na ang unang araw ko ng training bilang personal bodyguard ni Nolan. Excited [a ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako papuntang villa ni Nolan dito sa Maynila. Malapit na kasi ako.Sa isip ko, konting tiyaga lang, magiging bihasa rin ako sa pakikipaglaban, at higit sa lahat, matututo na akong gumamit ng baril. ‘Yun ang pinaka-inasam kong parte ng lahat. Ang pagsasanay na ito ay paghahanda ko na rin kapag naging kaaway ko balang-araw si Nolan. Wala siyang kaalam-alam na magpapalakas siya ng magiging kaaway niya balang-araw.Sa ngayon, sasamantalahin ko na muna habang wala pa siyang alam. Ang saya lang kasi malaki na ang sahod ko, lalakas pa ako.Pagdating ko sa may gate ng villa ni Nolan, tumambad sa akin ang dalawang lalaking parang bato-bato ang katawan. Pareho silang naka-topless, may mga tribal tattoo sa dibdib at braso. Kung titignan, parang ang hirap nilang labanan. Parang mahirap silang patumbahin sa mga itsura nila.Nagkatitigan kami. Pareho
Khaliyah POVHapon na nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Sakto naman na kakasarado lang ng silong at kakauwi lang ng mga staff ko sa jam business.Mabilis akong sumilip sa bintana para tingnan kung si Larkin na nga ‘yon. At hindi nga ako nagkamali dahil siya nga at tila marami itong bitbit na supot. Lumabas tuloy ako ng bahay para salubungin siya kasi mukhang hirap na siya sa dami ng bibit niyang mga supot.Akala mo ay nanalo siya sa lotto sa dami ng bitbit na hindi ko alam kung mga gamit o pagkain.Pagtingin ko sa mga supot, grocery pala. Tumingin ako sa kaniya nang nakakunot ang noo. “Anong meron? Bakit ang dami mong bitbit na ganiyan?”Ngumiti si Larkin habang pawis na pawis. Pero pansin ko na tila hindi siya halatang pagod ngayon. Kinuha ko na ang ilang supot na bitbit niya para matulungan ko na siya.Pagdating namin sa loob, inilapag niya ang mga supot sa lamesa. “Malaki ang bigay ng tip sa bar na iyon, mas malaki pa sa sahod,” sabi niya habang nakangiti.“Tip? Gamit ang bigay
Larkin POVPang-araw ulit ako sa trabaho kaya bago pa man sumikat nang todo ang araw, nasa biyahe na ako. Maaga ngang nagising si Khaliyah. Kaninang madaling araw, sumabay siya nang gising sa akin kasi mamimili pala sina Beranichi, Poge, Uda at Ipe ng mga kailangan nila sa paggawa ng jam sa palengke. Ubos na raw kasi ang stock, sobrang mabenta ang jam ni Khaliyah kaya natutuwa ako dahil may maganda namang nangyayari sa paghihirap nila.Ginawa ako ni Khaliyah ng egg sandwich na babaunin ko. Sinabi ko kasi sa kaniya na maaga akong aalis dahil minsan, kahit madaling araw pa umalis dito sa bahay, may pagkakataon na mabagal mag-drive ang mga driver ng nasasakyan kong bus o jeep. Nakakatakot ma-late, hindi pa puwede ‘yun dahil bago palang ako.Kaya bago ako sumakay ng jeep sa may paradahan sa malapit sa palengke, dumaan na rin ako sa isang coffee shop. Bumili ako ng mainit na kape, take out na lang kasi naisip kong pagsakay ko mamaya sa bus, doon na ako mag-aalmusal.Pagbili ko ng kape, aga
Khaliyah POVPagkatapos ng mahabang araw, sa wakas ay naisara na rin namin ang silong kung saan ginagawa namin ang mga jam. Ang sarap sa pakiramdam na matapos ang lahat ng orders ngayong araw, lalo na’t maayos naming nai-deliver ang mga produkto sa tulong nina Beranichi, Poge, Uda at Ipe. Pagkauwi nilang lahat, nagsi-uwian na rin sila para makapagpahinga. Ako naman, gusto ko na sanang mahiga at ipikit ang mga mata ko kahit ilang minuto lang.Pero alam kong darating si Larkin mula sa trabaho niya sa Maynila. Alam ko rin na siguradong gutom ‘yon at pagod, lalo pa’t malayo ang biyahe mula sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Kaya kahit hinang-hina na ako, pinilit ko pa ring kumilos. Binuksan ko ang kalan at nagsaing ng bigas habang iniisip kung anong ulam ang lulutuin ko.Napagpasyahan kong magluto ng sinabawang baboy na maasim. Paborito ni Larkin ang mga ganitong klase ng ulam, lalo na kung maraming gulay. May natira pa naman kaming repolyo, sitaw, pechay at konting labanos sa pridyeder. S
Larkin POVNgayong araw, opisyal na akong regular sa bar sa Maynila na pagmamay-ari ni Nolan Salvatore. Kaya naman magiging busy na ako at madalang na kaming magkakasama ng asawa ko. Okay lang, sa ilang araw naman na nasa bahay pa ako habang walang pasok, nasulit ko naman siya sa kama.Ngayong Lunes, pang-araw ang pasok ko. Sa ngayon pang-araw, pero soon ay magiging pang-gabi rin. 24 hours kasing bukas ang bar na ‘yon. Walang hinto sa pag-o-operate ang bar na iyon. Mula umaga hanggang madaling araw, may mga umiinom. Doon nagkakagulo ang mga anak ng politiko, mga gangster at pati artista. May mga nakaupo lang para mag-meeting, pero mas marami ang nandoon para magsaya at pati na rin ang pag-uubos ng pera.Maaga palang nandito na ako sa bar. Hindi puwedeng ma-late dahil first day ko. Madaling-araw ako umalis sa bahay, tulog pa nga si Khaliyah. Hindi ko na ginising at alam kong puyat siya sa kakaasikaso sa dami ng pa-order niya sa jam business.Naka-ayos akong mabuti ngayon, suot ko na an
Larkin POVSa totoo lang, wala pa ring araw na hindi ko iniisip kung kailan mahuhuli o makikita si Khaliyah. Bawat kibot sa paligid, bawat bagong mukha sa paningin namin o sulyap ng hindi kakilala sa kalsada, parang may takot na palaging namumuo sa akin. Mas natatakot ako kay Khaliyah, kasi ayokong mawala siya sa buhay ko. Pero ngayong umagang ‘to, ibang init ang naramdaman ko sa batok ko. Hindi kasi ako pala-check ng social media, sa gabi, higa kung higa talaga, lalo na’t gabi-gabi, talagang sinusulit ko si Khaliyah sa kama. After nun, tulog kasi pagod na pagod kaming dalawa.Wala akong ginagawa nung umiinom ako ng kape sa dining area. Kakabukas ko lang ng page ng business ni Khaliyah. Tuwang-tuwa pa ako kanina habang tinitingnan ang mga bagong uploads. Hanggang sa nakita ko ang isang post na hindi ko nagustuhan. Nag-selfie pala sila kagabi na kasama si Khaliyah. Naka-upload iyon sa social media kaya nanginig sa galit ang laman ko.Hindi ako makapaniwala na pumayag siyang sumama at
Khaliyah POVMainit na ang hangin sa buong paligid nang magising ako. Patay na pala ang aircon, ewan ko, siguro way ni Larkin ‘yun para maaga akong magising kasi alam niyang marami-rami na namang gagawin ngayong araw.Sinalubong ako ng liwanag ng araw na pumapasok sa bintana, at ang tunog ng mga huni ng ibon sa bubong ng kapitbahay ay parang paalala ng kung anong mahalagang mangyayari ngayong araw. Tama, itong araw kasi na ‘to ay ang araw nang pagde-deliver naman namin.Nag-inat ako, naghilamos at agad na bumaba para hanapin si Beranichi.Gaya kahapon, nandoon na pala silang lahat agad. Nakakahiya, ako ang amo pero ako ang kahuli-hulihang magising. Bukas, dapat na siguro akong mag-alarm para mas maaga akong magising sa kanila.“Beranichi, ready ka na ba?” tanong ko habang sinisilip siya sa may kusina. Nakatalikod siya, nag-aayos ng mga papel at listahan.“Halika na, Liya. Tignan natin ulit ang listahan bago natin ipaubaya kina Poge, Uda, at Ipe ang pagde-delivery-an nila.”Umupo ako s
Khaliyah POVNagsimula na ang pagsalang ng unang batch. Pineapple-calamansi. Amoy pa lang, parang gusto ko nang gawing pabango. Pinaghalo namin ang diced pineapple, calamansi juice, at brown sugar. Dahan-dahan itong hinahalo ni Larkin habang kami ay nag-aayos pa ng iba pang sangkap sa gilid.“Guys, 3 hours daw ‘to na halo-halo. Gusto niyo ng kape?” tanong ko.“Ako gusto ko ng milk tea,” sabay taas ng kamay ni Poge.“Ako gusto ko ng cake,” sabay ngiti ni Ipe.“Ako gusto ko ng jowa,” hirit naman ni Uda.“Ako gusto kong manahimik kayo pagdating sa trabaho,” sagot ni Larkin habang tuloy lang sa paghahalo.Natahimik tuloy ang lahat bigla. Napasabi tuloy ako sa isip ko na minsan, KJ ang asawa ko. O, baka ganito talaga siya kapag may ibang tao. Kapag kaming dalawa lang kasi ang magkasama ay super bait at super sweet niya.Sa akin kasi, okay lang na magbiruan at tuksuhan, basta nagagawa naman ng maayos ang trabaho.“First natin kaya dapat seryoso at ipakita ang galing at kasipagan, saka ang a
Khaliyah POVToday is the day, na kung saan, unang araw naming magagamit ang silong ng bahay namin ni Larkin. Hindi pa man ako bumababa ng hagdan, naririnig ko na ang malalakas na boses nina Ipe, Poge at Uda. Para bang sila ang may-ari ng bahay, hindi kami ni Larkin. Halatang mga excited sila sa unang araw ng trabaho nila.Pagbaba ko, sinalubong ako ng amoy ng bagong linis na sahig at kaunting usok mula sa bagong bukas na kalan sa silong ng bahay. Oo, sa wakas, ngayong araw na ang opisyal na simula ng jam business ko. Ang silong ng bahay namin ni Larkin, ay parang naging mini-pabrika tuloy. Kung dati eh, tambayan lang 'yan ng mga lumang kagamitan, ngayon ay isa na itong pagawaan ng jam ko. Mas malawak na ang gawaan ko kaysa sa kusina ng bahay na sobrang liit.“Aba, Madam Liya! Good morning po CEO namin!” bungad ni Poge habang naka-apron na kulay red at may nakadikit pang sticker na hindi ko malaman kung anime ba o cartoon. Basta, binili nalang namin ‘yan ni Larkin para sa kanila. Mura