Share

Chapter 11

ALIPIN C11

ANTHONY POV

“For you.” Nag-angat siya nang kanyang mukha habang tinitigan ang maliit na teddy bear na hawak ko. napansin ko kasing nagustuhan niya ang teddy bear na nilagay ko sa kama niya.

“Ayaw mo ba?” Tanong ko ulit sa kanya habang nakatitig pa rin siya sa akin. ilang sandali pa ay tumayo na si Judy dahil naka-upo na naman siya sa sahig.

“Tao?” Turo niya sa hawak ko habang nakatitig sa mata nito.

“Hindi, katulad nu’n.” Turo ko sa bear na nakalagay na sa sahig dahil wala na ang kanyang kama. tumitig siyang muli sa akin at pansin kong naguguluhan siya.

“Ito hawakan mo.” Binigay ko sa kanya ang teddy bear at tinitigan niya naman ito.

Iniwan ko muna si Judy dahil titingnan ko kung dumating na ang pinapabili kong maliit na foam para sa kanya.

“Manang!” Sigaw ko habang nasa pinto ng aking kwarto.

“Senyorito, wala pa po si Manang,” Nilingon ko ang isang katulong na nasa hagdan.

“Wala pa ba siya? bakit ang tagal naman?”

“Hindi ko po alam Senyorito,”

“Wala ka naman pa lang silbi!
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status