Share

Chapter 6

C6 ALIPIN

“Aray po Senyorito!” Malakas niyang sigaw nang hawakan ko ang kanyang buhok at hilahin ito pataas.

“S-Senyorito, b-bitawan n’yo po ako parang awa n’yo na po,” Pagmamakaawa niya habang umiiyak. Lalo namang iminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya sa akin. sino ba siya para diktahan ako?

“T-tama na po!” Muling pagmamaka-awa niya kaya itinulak ko siya sa sobrang inis ko.

Napalingon naman ako kay Judy na pilit isinisik-sik ang kanyang sarili sa ilalim nang kama. 

“Ito ba ang tinawag mong baliw?” Ani ko habang nilapitan si Judy at malakas itong hinila.

Dahan-dahan naman siyang tumango kaya lalo akong naiinis sa kanya. Damn bakit ang sarap putulan nang ulo nang babaeng ‘to?

“Tayo!!” Muling sigaw ko kaya napapitlag si Judy habang hawak ko siya.

“ANTHONY!” Napalingon ako sa pinto nang aking kwarto nang marinig ko ang sigaw ni Mommy. tsk at hindi pala ni-lock nang walang kwentang katulong na ‘to.

“Ano bang nangyari sa ‘yo? Why did you hurt her?” Itinulak ko naman si Judy kaya lumipat sa kanya ang atensyon ni Mommy.

“Anthony can you stop,” Napalingon ako kay Mommy dahil sa pag-sigaw niya sa akin.

“Ano ba ang pakialam mo Mom, kung sasaktan ko sila?!”

“Hijo, can’t you stop, ‘wag mong pairalin ang init nang iyong ulo,”

“I can kill her if I like Mom,”

“Anthony anak si Judy, pwede mo ‘yang patayin kung gusto mo, dahil walang maghahanap dyan,” Napatingin naman ako kay Judy dahil sa sinabi ni Mommy. 

“Get out!!” Malakas kong sigaw sa katulong kaya halos takbuhin na nito ang pinto upang makalabas.

“Hijo, ano ba kasi ang balak mo kay Judy? Bakit mo siya rito nilagay sa room mo?” Tanong ni Mommy habang nilapitan si Judy at hinila ang buhok nito.

“You know what? Wala ka naman talagang kwenta eh, kasi napakatanga mo at mangmang.”

“That’s enough Mom,” ‘Di ko alam kung bakit ko pinigilan si Mommy habang sinasaktan niya si Judy. Dati naman kasi wala naman akong pakialam kahit ano pa ang gagawin niya sa mga katulong. Pero bakit kay Judy? Damn.

“Hmm, sige hintayin kita sa baba,” Wika ni Mommy habang tinungo ang pinto.

Nilapitan ko si Judy habang nasa sahig ito at itinago ang kanyang mukha sa kanyang dalawang tuhod. Ganito kasi siya kapag nakita niya si Mommy, takot na takot ito sa kanya.

“Hey,” Hinawakan ko ang kanyang balikat kaya nag-angat siya nang tingin.

Agad naman siyang ngumiti sa akin na akala mo walang nangyari sa kanya kanina.

“Tumayo ka na dyan at taposin mo ang pagkain mo,” Turo ko sa pagkain na nasa mesa. Tumingin naman siya rito at itinuro ito kaya ako naman ang tumango sa kanya. 

Narinig ko naman ang kanyang pagdaing habang hinawakan ang kanyang bewang na tinadyakan ni Mommy kanina.

“Tsk,” Lalapitan ko sana siyang muli pero pinigilan ko ang sarili ko. damn Anthony, don’t do that. Hindi mo siya dapat kaawaan.

Napatingin naman ako sa kanya na hirap pa ring isuot ang kanyang tsinelas. Tsk, bakit ba kasi hindi siya marunong magsuot nito?

“Judy!” Sambit ko sa kanyang pangalan habang nagmamadali siyang tumakbo patungo sa mesa kahit baliktad ang suot niyang tsinelas.

Tanging ngiti lang naman ang sagot niya sa akin habang nag-uumpisa na siyang kumain.

“Hindi ka ba talaga marunong gumamit nito?” Tanong ko sa kanya habang itinuro ko ang kutsara. Pero para lamang akong tanga na nagsasalita dahil baliwala lang naman ito sa kanya.

Pinipigilan ko naman ang sarili ko na saktan siya dahil halos puro pasa na ang kanyang katawan.

“Dahan-dahan naman baka mabulunan ka,” saway ko naman sa kanya.

“Bakit ba pa rang gutom na gutom ka? Hindi ka ba pinapakain dito?” tanong ko sa kanya.

“Judy, ayaw mo bang magsalita?” kunot-noo kong tanong sa kanya dahil ayaw niya talagang magsalita.

“Judy gusto mo bang magalit ako sa ‘yo.” Asik ko sa kanya dahil para siyang bingi.

Napatigil naman siya sa pagsubo nang kanin dahil sa sinabi ko sa kanya.

Mabilis naman siyang umiling sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya.

“Hindi ka ba talaga marunong magsalita Judy?” tanong kong muli sa kanya habang muli siyang kumain. 

Nag-angat naman siya nang mukha sa akin at ngumiti. Fvck 'di ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok nang puso ko habang napatitig ako sa kanya. 

“Judy,” mahina niyang wika habang nakangiti at muling kumain. 

Agad naman akong napatayo dahil hindi pa rin tumitigil ang pagtibok nang aking puso nang mabilis. Fvck buong buhay ko ngayon ko lang ito naramdaman. 

Naisipan ko muna ang lumabas dahil hindi ko maintindihan ang aking sarili. Pero nang muli akong napatingin kay Judy ay naisipan kong dalhin na lang siya sa labas. 

“Judy, bilisan mong kumain dyan.” Utos ko sa kanya habang kinuha ko ang aking phone dahil iniiwasan kong magka-salubong ang aming mga paningin. Iwan pero ayaw ko kasi sa nararamdaman ko lalo na sa tuwing ngumingiti siya sa akin. 

“Isuot mo 'yang tsinelas mo.” Ani ko habang nakatayo lamang siya sa aking harapan. Hindi na naman niya kasi isinusuot ang kanyang tsinelas. 

Pansin ko naman na nahihirapan siyang isuot ito kaya yumukod ako para isuot ito sa kanya. 

Matapos ko itong isuot sa kanya ay agad akong napatingin sa kanyang buhok. 

“‘Di ba, tinuruan na kita paano gamitin ‘yon?” Turo ko sa suklay na nasa lamesita. Tumingin naman siya rito at muling tumingin sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang pagka-ilang dahil sa pagtitig niya sa akin. 

“Judy.” Sambit ko sa kanyang pangalan dahil tinititigan niya pa rin ako. Bigla niya naman akong tinalikuran at lumapit sa lamesita. Napatingin ako sa kanya habang kinuha niya ang suklay at muling lumapit sa akin. 

Ini-abot niya sa akin ang hawak niyang suklay. 

“Tsk, ‘diba tinuruan na kita kung paano gamitin ‘to?” I told her, while I was brushing her hair. Para naman siyang walang naririnig habang nakatitig sa sahig. 

“Judy,” Sambit ko sa kanya habang nilingon niya ako. 

“Gusto mo bang lumabas?” Turo ko sa kanya sa pinto nitong kwarto. 

Tinitigan niya muna ako nang matagal bago tiningnan ang pinto na itinuro ko. 

“Gusto mo?” muli kong tanong sa kanya dahil tinitigan niya akong muli. 

Kalaunan ay umiling siya sa akin habang nakaturo ang kanyang kamay sa pinto. 

“Bakit ayaw mong lumabas? Alam mo bang maganda sa labas?” Ani ko habang ibinigay sa kanya ang suklay. Agad niya naman itong kinuha at tinitigan. 

“Kailangan marunong kang magsuklay dahil hindi sa lahat nang oras nandito ako sa bahay.” Wika ko habang umupo sa sofa. ‘di ko naman mapigilang mapa-hinga nang malalim habang nakatingin sa kanya. Dahil para talaga akong tanga na salita ng salita habang walang sumasagot. Fvck! Siguro kung hindi ako nagpipigil mabubugbog ko siya lagi. 

“Judy, halika.” tawag ko sa kanya habang naka-upo na naman siya sa sahig. 

“Judy.” ulit kong tawag sa kanya dahil hindi na naman siya nakikinig sa akin. 

“Fvck! Judy!!” Malakas kong sigaw kaya siya napapitlag habang napatingin sa akin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status