Share

Chapter 6

“They’re now talking,” ani Tattiene. “Sadly, wala tayong microphone sa loob kaya hindi natin naririnig ang pinag-uusapan nila.”

“Yeah. They’re professionals. Hindi nila hahayaang may maka-wiretap ng pag-uusap nila ngayon. They didn’t think that someone could hack their cameras, though.”

“Maybe they know. Wala lang silang pakialam. Hindi na ito ang unang beses na ginawa nila ‘to pero grabe pa rin sila kung mag-ingat. It’s a good thing I can read lips.”

Kumunot ang noo ni Aljand. “You can?”

Tinitigan ni Tattiene ang mga labi ni Mr. Jackson na ngayon ay nagsasalita. “I have sent the remaining balance on your account. As usual, nagustuhan ng kliyente ko ang huling purchase nila. I think you’ll have a repeat customer again.”

Tumungga si Mr. Hudson sa kaniyang kupita habang nakangisi. “Alam mong lahat ng produkto ko ay high end. None of them will be disappointed.”

Natawa si Mr. Jackson. “Another client contacted me last time at gustong sumubok sa produkto niyo. I’ll just send you the details again once I confirm.”

Napanguso si Tattiene habang binibigkas ang mga salitang ‘yon. “Maingat sila sa pagsasalita. Hindi nila binabanggit kung anong klaseng produkto ang binebenta nila. Kahit na i-record natin ang pag-uusap nila ay walang malisya lalo pa at bentahan din ang legit nilang kompanya.”

“Mahirap na ebidensya ang recording. Kahit na makuha natin ang statement nila ngayon ay baka itapon lang ng korte ang kaso nila.”

“Kung sabagay. Masyado nang makabago ang tekolohiya kaya madali na lang i-fabricate ang mga ganoong uri ng ebidensya.”

“But I want you to give me all the information you gathered about Jackson. Makatutulong ‘yan para ipakulong siya at ang ilan pa nilang mga kliyente.”

Napakagat si Tattiene sa ibabang labi niya. “I don’t know, Aljand. Alam mo namang ginagawa ko lang ‘to para kay Jess, ‘di ba? Wala akong balak na magpakabayani at ikulong ang mga masasamang tao. It’s not my job. It’s the authority’s job.”

Napangiti si Aljand. “I knew you’d say that.”

“What do you mean?”

Hindi na nakasagot pa si Aljand dahil narinig na niya ang pagtatapos ng pagkikita nilang dalawa. Naghanda na ang mga bodyguard ni Mr. Jackson sa pag-alis nito. Mahuhuli naman si Mr. Hudson para uminom ng wine at magliwaliw.

“The moment Mr. Jackson leaves that room, I’ll enter. Mahirap buksan ang pinto ng room mula sa labas kaya isasara ko agad ‘yon.”

“What about the guards inside? There are five of them.”

Napangisi siya. “There are just five of them.”

Napakurap si Tattiene. Kahit na nag-aalala ay wala siyang nagawa. Maliban sa pag-crack nitong mga code at pag-hack sa mga system, wala na siyang ibang pwedeng gawin para matulungan ang binata.

“Just be careful,” ani Tattiene. “I don’t know you personally, but you’re still Jess’s friend.”

Hindi agad sumagot ang binata. “I will.”

Maingat na pumasok si Aljand sa loob ng kwarto. Bago pa man siya makapasok ay may isang guard na pumigil sa kaniya.

“Anong ginagawa mo riyan?” tanong nito. “Saang unit ka kabilang?”

Seryosong tumingin si Aljand sa gawi nito at sinabi, “Inutusan ako ni boss. May kailangan akong dalhin sa kaniya sa loob.”

“Ako na ang magbibigay. Ibigay mo sa ‘kin.”

“Hindi pwede. Mahigpit na inutos ni boss na ako mismo ang magbigay sa kaniya nito nang derekta. Ayaw mo naman siguro siyang suwayin, hindi ba?”

Nabakas ang pagdadalawang isip sa mukha ng lalaki ngunit kalaunan ay pinayagan na rin siyang pumasok. “Pumasok ka na. Bilisan mo.”

Pagkatalikod ay napangiti na lang si Aljand. Nang maisara niya ang pinto ng room ay agad niyang hinarap ang mga ito. Ngunit kumunot ang noo niya nang hindi makita ang mafia boss at ang limang bodyguards.

“Get out of there! It’s a trap,” sigaw ni Tattiene bago maputol ang koneksyon nilang dalawa.

“What the hell?” mahinang bulalas niya nang biglang sumugod sa kaniya ang isa sa pitong mga kalalakihan. Mabilis siyang nakaiwas sa suntok nito ngunit sinugod naman siya ng isa pa at sinubukang sipain.

Naging maagap siya at gumulong sa sahig upang lumayo sa mga umatake. Hindi pa man siya nakakukurap ay sabay-sabay na siyang sinugod ng mga ito. Kaliwa’t kanan ang ginawa niyang pag-ilag sa mga atake nito. Hindi na niya nagawang umatake dahil busy siya sa pagdepensa.

Hindi na rin niya narinig pang muli ang boses ni Tattient matapos ang naging bulalas nito. Ngunit hindi niya kailangang mag-alala para sa dalaga. Malayo ito sa kapahamakan. Ang kailangan niyang pagtuonan ng pansin ay ang sarili niyang kaligtasan.

“Shit! Shit!” bulalas ni Tattiene habang pilit na kinokonekta ang device sa earpiece ni Aljand. Ngunit matapos ilang beses na pagpipilit nito ay hindi na niya ma-contact pa ang binata.

Napasabunot siya sa kaniyang sarili. “What should I do? It’s my fault. The footage was rewritten. Sino naman ang gagawa n’on? Iyong mafia boss? Alam ba niya ang plano namin? Shit!”

Nagpabalik-balik siya sa loob ng kaniyang kwarto. Hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin. Nasa panganib si Aljand dahil sa kaniya. Hindi niya napansing may nagka-counter attack ng ginagawa niya. Kung sino man iyon, napakagaling nito. Hindi niya napansing napasok na miski ang sarili niyang computer.

Kinailangan niyang umatras at burahin ang mga impormasyon sa computer niya. Kung hindi ay mananakawan siya ng data. Estudyante lang siya ngunit may mga laman itong impormasyon na na-hack niya sa kompanya ng kaniyang ama.

Tiyak na malilintikan siya kapag may ibang nakakuha nito.

***

Napadilat ng mga mata si Aljand nang may sumampal sa kaniyang pisngi. Hirap na hirap siyang nagbukas ng mga mata at sinipat ang paligid.

Namamaga ang talukap ng kaniyang kanang mata. Namamanhid na ang buo niyang katawan sa sobrang sakit at may likido ring tumutulo sa mukha niya. Hinuha niya ay sarili niyang dugo iyon.

Nakatali ang mga kamay niya sa likod ng upuan habang sa mga paa naman ng upuan nakatali ang pareho niyang binti.

“You’re awake,” ani lalaking sumampal sa kaniya. 

Gising na rin ang anim na lalaking napatuwad niya kanina at masama ang tingin sa kaniya. Nagkataon lang na tinamaan nitong ikapitong lalaki ang kaniyang panga kaya nawalan siya ng malay. Kung hindi ay tiyak natutulog pa rin ang pitong ‘to ngayon.

“Sino ka?” tanong ni Aljand.

“Ako dapat ang nagtatanong niyan sa ‘yo. Sino ka at ano ang ginagawa mo sa lugar na ‘to?”

Mahinang natawa si Aljand. “Tauhan ka ba ni Hudson? Nandito ka ba para patayin din ako gaya ng ginawa mo sa mga kaibigan ko?”

Kumunot ang noo ng lalaki. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi ako tauhan ni Hudson. Sa katunayan, narito ako para patayin siya. Pero dahil sa ‘yo at sa makulit mong kaibigan ay nalaman nila ang plano namin.”

“What are you saying?”

“Ipanalangin mo na lang na pagbigyan ka ni boss sa ginawa mo. Pero dahil sa amateur mong kaibigan, nalaman ni Hudson na may nakikinig sa pag-uusap nila ng kliyente niya. At dahil din doon ay nabulilyaso ang plano naming pagpatay sa kaniya.”

Napahinga nang malalim si Aljand. Hindi na rin siya nagulat na malamang may ibang gustong pumatay sa Hudson na ‘yon. Ang kinaiinis lang niya ay kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Paano na ang plano niyang paghihiganti para sa mga kaibigan niya?

“So, ano ang ginagawa mo rito?” tanong ng lalaki. “Anong plano niyong gawin kay Hudson?”

“Gaya niyo, gusto rin namin siyang patayin. Hindi ko alam kung bakit gusto niyo siyang patayin, pero wala akong pakialam. Ako ang gagawa n’on. Ipaghihiganti ko ang mga kaibigan ko. Hindi ako pwedeng manatili rito.”

Matapos n’on ay natanggal niya ang pagkakatali ng kaniyang mga kamay. Sinira niya ang upuan upang mabali ang mga paa nito bago niya sinugod ang lalaking kausap niya. Hinugod niya ang nabaling paa ng upuan sa kaniyang binti at hinampas iyon sa ulo ng kaharap.

Sinubukang manlaban ng anim pang mga lalaki ngunit mabilis din silang napatuwad ni Aljand. Ang tanging natira ay ang lalaking kausap niya.

Pasugod na sana sila nang isang boses ang nagpatigil sa kanila. “Stop, … ! That’s enough.”

“Boss,” ani …

Kumunot ang noo ni Aljand nang mamukhaan ang lalaki na kapapasok lang ng VIP room. “Taylor?”

Malapad na napangiti si Taylor bago naglakad palapit sa dalawa. “It’s nice to hear that you still know me. Akala ko ay limot mo na ‘ko.”

Aljand snorted. “You’ve been bothering me for months para makasali sa organisasyon niyo. Paano kita makakalimutan?”

Natawa ito. “I see you’re still as reckless as ever,” ani niya habang nakatingin sa mga tauhan niya. “To think na gusto mong patayin ang isang Hudson nang dalawa lang kayo. Not to mention, isang amateur pa ang kinuha mo. Do you have a death wish?”

Napakuyom na lang ng mga palad si Aljand. “You don’t know anything.”

“Of course I know everything. Mr. Hudson killed your weak team, leaving you. I guess ikaw lang ang hindi mahina sa inyo. Or maybe, you let your team die while you run away calling your momma.”

Sinugod niya ito at sinuntok. Napaatras si Taylor sa naging pag-atake nito ngunit imbis na gumanti ay natawa pa siya.

“Your punch still hits like a bullet.”

Mas lalong nag-init ang ulo ni Aljand dahil sa pagtawa nito. “You don’t know anything. My team isn’t weak. They’re the strongest team I’ve ever met.” Napayuko si Aljand at nanlumo. “I am the one who’s weak. I let my team die.”

Napabuntonghininga si Taylor. “Mr. Hudson is not someone you can kill with just two people. Don’t you get it? Noong apat nga kayo ay hindi niyo kinaya, ito pa kayang dalawa lang kayo? Do you know what it looks like to me? You just want to commit suicide. Gusto mo lang na sundan ang mga kaibigan mo sa impyerno at nandamay ka pa ng isang inosenteng babae.”

Napailing siya bago nagpatuloy. “This is not the Aljand Falcis I know. Hindi ikaw ang lalaking nire-recruit ko para sumali sa organisasyon namin. We don’t want a weak person in our team. Kung ako sa ‘yo, hahayaan ko na lang ang mga propesyonal na gawin ang trabaho nila. We don’t need a kid to do our job for us.”

Tumalikod ito at akmang aalis na ng kwarto nang magsalita si Aljand. “Let me join your team.”

Napakamot ng batok si Taylor. “Kasasabi ko lang na hindi namin kailangan ng gaya mo sa team. Nabingi ka na ba?”

Nag-angat siya ng tingin. “Alam mong hindi ako titigil hangga’t hindi ko naipaghihiganti ang mga kaibigan ko. Kahit na ikaw pa ang makaharap ko.”

Malakas na natawa si Taylor. “Are you threatening me? Me? Taylor Barlowe? You must be nuts!”

“I am not threatening you. I’m merely informing you.”

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napabuntonghininga. “Hindi magbabago ang sinabi ko. We don’t want a weak person in our team. You’ll have to prove yourself first. Hindi lang sa ‘kin. Kung hindi sa lahat ng founders ng Foedus Corporation.”

“I don’t care. Kung kinakailangang magpakilala ako sa kung sinong diyos niyo, gagawin ko. I’m willing to do everything to avenge my friends.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status